Chapter 76
Jake's P.O.V.
"BULACAN?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Tumawa siya. "Yes, actually I saw her. She talked to my friend. One of my friend . . . nakita siya sa isang café sa Bulacan."
Nanlaki ang mga mata ko. Nakaramdam ako ngayon ng galak dahil sa sinabi niya. Nginitian ko siya at hinawakan siya sa magkabilang balikat.
"Really? W-who's your friend? C-can I know her name?" nanginginig kong tanong.
"My friend is not here anymore. Umalis na siya ng bansa at matagal ba bago bumalik," sagot niya. Magsasalita pa sana ako ng tumunog ang cellphone niya. Inilabas niya 'yon sa bag niya at minuwestra ang kamay niya sa harapan ko. "Yes? Honey, okay. Malapit na ako. I will go now." Apologetic siyang tumingin sa 'kin. "Sorry, Jake. I need to go. Hinahanap na ako ng fiancé ko. See yah!" she said and turn her back at me.
Para akong tanga na nakangiting mag-isa. Sinusubukan kong pigilan ang sarili ko pero hindi ko 'yon magawa. Nagtatalon ako sa tuwa at nagsisigaw.
"YES!!!! YES!! I ALREADY FOUND HER!! WHOAAA!!" sigaw ko. Nagsusuntok ako sa hangin.
Makikita ko na siya ngayon. Pinagtitinginan na ako ng mga tao pero wala akong pakialam. Kinuha ko ang cellphone ko at ni-dial ang number ni Jessie habang naglalakad palabas ng mall. Napakalaki ng ngiting meron ako ngayon.
"Yes, Sir?"
"Jessie, call the private investigators now. As in now! Someone saw Alex in Bulacan! I don't know the exact spot in Bulacan kaya ipalibot mo sa kanila ang buong probinsiya. Wala akong pakialam kung magkano ang magastos basta kaylangan ko ng mabilisang update!" Binaba ko ang tawag at sumakay sa kotse ko. Dumeretso ako sa bahay namin ni Alex para iuwi ang regalo para sa mga anak ko.
Alex P.O.V.
"MAMA?!"
Napalingon ako ng tawagin ako ni Aris na nakatayo sa may pinto na pupungas-pungas ang mata. Lumapit siya sa 'kin.
"Ano pong ginagawa mo dito sa labas?" inaantok niyang tanong.
Nginitian ko siya at binuhat. Ngayon ay naka-upo na siya sa hita ko at nagsumiksik sa leeg ko. Niyakap ko siya.
"May iniisip lang si Mama. Ikaw, bakit gising ka pa?" hinaplos ko ang buhok niya at kinamot ang likuran niya para mabilis siyang makatulog.
"Nagising po kasi ako tapos di kita nakita," naghihikab niyang sagot. Napa-iling ako at tumayo na. Binuhaty ko siya papasok sa loob ng bahay. Ni-lock ko muna ang pinto bago pumasok sa kwarto namin. Hiniga ko siya sa tabi ni Aura at tumabi sa kanila.
"Mama . . . kelan ko makikita ang lolo at lola ko?" tanong niya.
Inumpisahan kong haplusin ang leeg buhok niya. Natigilan ako.
"O-oo naman. Bakit mo natanong?"
"Kasi po nakita ko yung ibang bata sinusundo ng lola nila tapos kami wala."
Mukhang tama nga si Romano. Magtatanong at magtatanong ang mga bata tungkol sa pinagmulan nila. Pumikit ako at mariin. Sa gagawin kong desisyon ay sigurado akong pagsisisihan ko pero kung kaligayahan ng anak ko . . . why not? Huwag lang silang masasaktan, okay na ako.
Hinalikan ko siya sa noo bago pumikit. Ilang sandali pa ay tinangay na rin ako ng antok.
******
NAGISING ako ng maramdaman na may humahalik sa leeg ko. Dumilat ako at tumingin sa kung sino 'yon. Napangiti ako ng makita ang dalawa kong anghel na nakayakap at humahalik sa 'kin. Niyakap ko siya.
"Good morning, babies!" malambing kong bungad sa kanila. Nag-angat sila ng tingin sa 'kin. Ngumiti sila sa 'kin.
"Good morning din, Mama," bati ni Aura at humalik sa pisnge ko. Umupo at niyakap sila.
"Good morning, Mama," ani naman ni Aris at humaliksa pisnge ko.
Hinaplos ko ang buhok nila. "Ang aga niyo namang magising," puna ko. Madalas kasi ay nauuna akong magising sa kanila.
"Mama, gusto kasi naming sumama sa 'yo sa work," ani Aura.
Kinunutan ko sila ng noo. "Sure ba kayo? Baka mamaya mainip kayo doon, ha."
Sabay silang umiling. "Hindi kami maglilikot, ma. Promise!" Sabay nilang tinaas ang kanang kamay nila.
"Promise?"
"Promise!!"
"Okay. Halika na kayo at kaylangan nating gumayak. Baka ma-traffic tayo," ani ko. Tumango sila at naunang lumabas ng kwarto. Naiwan ako para ihanda ang mga damit naming lahat. Nang matapos ay lumabas ako papuntang kusina.
"Gusto niyo ba munang kumain o maligo muna?"
"Maliligo muna, Mama!"
Tinanguan ko sila at binuksan ang ilaw sa comfort at shower room. Nginitian ko sila.
"Sige na. Hubad na kayo," utos ko sa kanila. Sabay bumaba sa upuan at nagsipasok sila sa comfort room and shower room. Pupunta sana ako sa may kalan ng may humila sa kamay ko. Nalingunan ko si Aris na nakataas ang dalawang kamay sa ere. Napa-iling ako at tinulungan siyang maghubad ng damit niya.
Nang maalis ko 'yon ay pinisil ko ang ilong niya. "Ang cute-cute ng baby ko." Pinanggigilan ko siya ng halik sa pisnge. Pinanood ko siyang magtatakbo papunta sa shower room.
Naglabas ako ng itlog at home made tocino sa ref. Well, si Abby ang may gawa no'n. Noong una ay experiment lang pero naging masarap kaya gumagawa na siya ng para sa 'min.
Naglabas ako ng kawali at naglagay ng tocino doon. Nilagyan ko rin ng tubig bago sinalang sa apoy. Kapag talaga may chef kang kasama sa bahay madaming gamit sa kusina. Nang malapit ng maluto ang tocino ay ni-ready ko na ang gagamiti kong itlog at niluto 'yon ng sunny side up.
"Maligo kayo ng maayos, ha. Maghilod," sigaw kong paalala sa kanila. Baka kasi mamaya magmadali silang dalawa katulad noon.
"Opo, ma!"
"Mama, wala akong shampoo dito!" sigaw ni Aura. Napa-iling ako at binuksan ang cabinet sa may tabi at kumuha ng isang bagong bote ng shampoo. Hininaan ko ang kalan bago lumakad papunta sa banyo. Kinatok ko 'yon, bumukas 'yon ng maliit at sumilip ang nakangiting si Aura.
Inabot ko ang shampoo sa kaniya. "Maligo ng maayos, ha."
"Opo."
Binalikan ko ang niluluto ko. Nang okay na ang mga iyon ay nilagay ko na siya sa plato at sinangag ang kanin sa kawali. Ang mga ulam ay nilagay ko sa mesa. Nag-angat ako ng tingin ng bumukas ang pinto ng banyo. Nginitian ko sila.
"Sandali lang. Kukunin ko Mama ang towel, ha."
Pumunta ako sa labas at kinuha ang nakasampay nilang towels. Bumalik ako sa kusina at pinunasan si Aris, nang tuyo na siya ay pinalibot ko ang towel sa kanya pagkatapos ay lumipat naman ako kay Aura, tinuyo ko ang katawan niya at ipinalibot ang towel sa katawan niya.
"Excited na ako, mama," sabi ni Aura habang nauunang maglakad.
"Gagawa ulit tayo ng kape, mama?" tanong naman ni Aris.
Nginitian ko sila. "Oo, nak. Tuturuan ko kayo ng paggawa ng kape," ani ko. Binuksan ko ang pinto ng kwarto. Nauna silang pumasok sa 'kin pagkatapos ay binuhay ko ulit ang AC na kina-ungol nila.
"Mama . . . lamig!" ani Aris.
Nginiwian ko siya. "Sorry, nak. Mainit kasi, sandali lang tayo," ani ko. Kinuha ko ang pulbus at nilagyan siya sa katawan pagkatapos ay akmang susuotan ko siya ng brief ng pigilan niya ang kamay ko.
"Ako na, Mama."
"Wow. Big boy na raw pero kanina 'di makapaghubad ng damit," pagpaparinig ni Aura sa kapatid.
Masama naman siyang tiningnan ni Aris. Napa-iling ako at kinuha ang damit ni Aura para siya ang mabihisan. Tumingin ako kay Aris na nagtanggal ng towel.
"Sawa ka na ba sa laruan mo?" mabait na tanong ni Aris. Kinuha pa nito ang paboritong manika ng kakambal.
Sumeryoso si Aura habang nakanguso. "Wag mong gagawin 'yan! Mag-uumpisa ka ng war kapag sinaktan mo si Maleficent!" banta rin nito.
Yeah, she named her doll Maleficent. I don't know kung anong nangyari sa anak ko at pinangalanang ganoon ang manika niya.
"Di naman siya mukhang villain," ani Aris habang sinusuri ang manika.
"Ay sabi ko na Barbie! Sabi ko na!" pagkanta ni Aura.
Pumagitna na ako sa kanilang dalawa bago pa man mauwi sa sakitan at iyakan. "Tama na 'yan, ha. Baka mauwi na naman kayo sa away. Kinuha ko ang laruang hawak ni Aris. "Bilin ko sa inyo huwag kayong mag-asaran at kayo lang din ang kakampi ng isa't isa."
"Siya naman nanguna, eh!" turo ni Aris sa kapatid.
"Nagsasabi lang naman ako ng totoo, ah. Akala mo siguro hindi ko nakita yung pagpapahubad mo kay mama!" depensa ni Aura.
Sumeryoso ako. "Tumigil na kayo, ha! Pareho kayong may mali kaya mag-sorry kayo sa isa't isa!"
Tiningnan nila ako bago masama ang tingin sa isa't isang humarap. Nakanguso si Aura na naglahad ng kamay.
"Sorry na, Aris. Di ko na uulitin."
Tinanggap ni Aris ang kamay ng kapatid. "Sorry din, Aura." Nag-shake hands silang dalawa na kinangiti ko.
"Sorry din, mama. Di na kami mag-away," sabay nilang sabi. Tinabihan ko sila ng upo at parehong kinulong sa braso ko.
"Forgiven. Tapusin na ang pagbibihis at kakain pa kayo. Maliligo pa rin ako," ani ko sa kanila.
Tinapos ko na ang pagbibihis ko sa 'king prinsesa. Nilagyan ko siya ng pabango at hinalikan sa pisnge pagkatapos. Gano'n din ang ginawa ko kay Aris na poging-pogi sa porma niya. Lalo niya tuloy nakakamukha ang Tatay niya.
Pinauna ko sila sa kusina para makapag-start ng kumain dahil aayusin ko pa ang mga nagamit ko pati na rin ang kama. Kinuha ko ang towel pagkatapos at lumabas na. Naabutan kong inaasikaso nila ang isa't isa kaya ako napangiti.
******
"MAMA, kelan uuwi si Papa?" tanong ni Aura ng maka-upo kami sa jeep. Mabilis akong lumingon sa kanya.
May kung anong kurot sa dibdib ko dahil sa malungkot nitong hitsura. Pati kay Aris ay tumingin ako.
"Ahm . . . matagal pa anak." That's the safest answer I can give.
Malungkot siyang nag-iwas ng tingin papunta sa katapat naming upuan. Sinundan ko siya ng tingin na ikinadurog ng puso ko dahil ang katapat namin ay isang buong pamilya. May dalawang bata ring kasama ang mag-asawa. They look happy.
Naiiyak akong tumingin sa anak ko. I know, even she don't say it . . . naiinggit siya sa mga batang may kumpletong pamilya. Nag-iwas ako ng tingin ay niyakap na lang ang mga anak ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilin ang hikbi. Mali bang inilayo ko sila kay Jake?
Sa buong byahe ay hindi na nagsalita pa si Aura pero panay pa rin ang sulyap niya sa harapan. Si Aris naman ay panay kuha sa atensyon ng kapatid. Nilalaro-laro niya ito. Hanggang sa nakarating na kami sa café, bumaba kami at naglakad papasok sa loob.
"Anak, behave kayo sa loob, ha," bilin ko bago binuksan ang pinto.
Binuksan ko ang pinto at naunang pumasok ang dalawa. Napatingin sa 'min si Deth at Ariel na naglilinis at nag-aayos. Malawak silang ngumiti sa 'kin.
"Ang kambal!! Halika kayo!! Payakap si Tita Deth!!!" hyper na tawag nito sa mga anak ko. Napa-iling ako at sinara ang pinto.
Tumakbo papunta kay Deth ang dalawa at yumakap ng mahigpit. Nginitian ko sila.
"Ang tagal niyong hindi naman rito, ah," ani Ariel.
Tumingin sa kanya si Aura. "Opo, si Tita Abby po kasi nag-aalaga sa 'min."
"Gusto niyo ba manuod habang nagbe-bake si Tito?"
Tumili ang dalawang bata at nagtatango. Napatawa kami dahil do'n.
"Sige. Tatapusin ko lang 'to pagkatapos pupunta tayo sa likod," anito at mas binilisan ang paglalampaso.
Lumakad ako papunta sa likod at nilagay ang mga gamit namin sa may locker. Pero ibinulsa ko ang phone ko dahil pagmadaming bumibili ay pinanonood ko sila Aris at Aura ng cartoons. Lumabas akong nakasuot na ng apron. Hinanap kaagad ng mata ko ang kambal na ngayon ay kakwentuhan ni Deth sa giid.
Habang nae-entertain pa ang dalawa ay ginawa ko na ang dapat kong gawin. Inayos at nag-check ako ng stocks para ma-sure na 'di kami kulangin. Busy ako sa pagbibilang ng maramdaman ko ang mainit na presenya sa likod ko.
"Good morning, Boss!" bati ko sa kanya ng abutan ko siya ng kape.
Nginitian niya ako. "Morning. Sobrang busy naman natin," anito at kinuha ang kape. Hinaplos niya ang balikat ko. "Thanks, Crystal."
"Syempre, nagtratrabaho ako," masungit kong sagot. Nagsulat ako sa records.
"Why don't take leave? Mag-bonding kayo ng kambal," he suggested and sumandal sa may counter. I saw him in my peripheral vision na nakatingin sa 'kin.
Binaba ko ang hawak kong ballpen, nilingon ko siya. "Habang papunta kami dito kanina may nakasakay kaming buong pamilya. Kumpletong pamilya." Laking pasasalamat kong hindi ako pumiyoko. "Tapos tinanong sa 'kin ni Aura . . ." Nilingon ko sandali si Aura na nakikipag-usap kay Deth bago tumingin kay Romano. "She asked me kung m-malapit na raw bang umuwi ang papa nila." Nag-umpisang mag-unahan ang luha pababa sa mga mata ko.
Mabilis niya akong dinaluhan at hinila papuntang kusina. Niyakap niya ako ng mahigpit.
"Shh."
"P-pinagkaitan ko ba ang mga anak ko? M-masama ba akong ina?" garalgal kong tanong.
"Of course not, Alex! You just did what the right thing in that moment!" aniya. Inangat niya ang mukha ko para magtama ang mata naming dalawa.
"N-nahihirapan na ako, Romano. Panay tanong sa 'kin ng mga anak ko."
"Hindi natin maiiwasan 'yan. Bata, eh. Matatalino na sila ngayon."
Humiwalay ako sa kanya at pinunasan ang pisnge ko. "I decided na ipakilala na ang kambal sa pamilya ko. D-deserve nilang makilala. Pero hindi ko alam kung deserve ba nilang makilala si Jake. Baka masaktan sila."
Binigyan niya ako ng isang kakaibang ngiti bago ako tinalikuran. Muli kong pinunasan ang pisnge ko, aalis na dapat ako sa kusina ng makita ko si Aris na nakatayo sa pinto. Napahinto ako't nahigit ang hininga.
Lumapit ako sa kanya't lumuhod sa harapan niya. "Anak, anong ginagawa mo rito?"
Hinawakan niya ang magkabila kong pisnge at nagtatanong ang mga mata niyang nakatingin sa 'kin. Hinawakan ko ang maliliit niyang kamay.
"Are you okay?"
He pouted his lips. "Umiiyak ka po ba?" tanong niya habang inaalis ang mga buhok na nakaharang sa mukha ko.
"H-hindi, anak. Hindi umiiyak si mama." Umiling ako.
"Totoo po?"
"Oo." Hinalikan ko siya sa pisnge at hinila palabas.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro