Chapter 75
Jake's P.O.V.
WATCHING an innocent child getting hurt when the truth comes out break my heart. I'm torn. Jaime's playing with my Mother. When she learned that he is with me she freaking call Jessie to cancel my appointments to bond with him here.
"Son?"
Lumingon ako kay Dad na may hawak na alak sa magkabilang kamay. Tinabihan niya ako at inabot sa 'kin ang isang baso. Tinanggap ko 'yon bago muling ibinalik ang tingin sa labas.
"Lumalaki na si Jaime, Jake," anito, uminom ng alak.
Umiling ako at mapait na ngumiti. "Dad, lumalaki na siya pero hindi ko pa rin malaman kung anak ko ba talaga siya." Inisang inuman ko ang alak.
"Ilang beses ka ng nakapagpa-DNA test at paulit-ulit ang lumalabas, Jake. It's positive. He is your son. Ikaw ang ama niya," pagdidiin ni Dad.
Mariin akong umiling. Nagtangis ang ngipin ko. Tinalikuran ko siya at naglakad papunta sa mesa kung nasaan ang mga alak. Kinuha ko ang pinakamatapang at nagsalin.
"Dad, hindi ako ang tatay niya! Hindi ko anak ang batang 'yan! Kaya lang naman ako mabait sa kanya dahil wala siyang kasalanan sa ginawa ni Katherine!" puno ng galit kong sabi.
"Jake, you're doing it already. Mabait ka bakit ayaw mo pang magpaka-ama sa kaniya?! Kaylangan niya ng gabay na ikaw lang ang makakapagbigay! You can't deprive him of that!"
"I don't want to!" nakayuko kong sabi. Ilang sandali na lang ay namalaya ko ng nasa lapag na ako. Hawak-hawak ang panga kong sinuntok ni Dad.
Tiningnan ko siya na madilim ang tingin sa 'kin. Nagtatangis ang bagang niya. Pero kahit gaano pa siya kagalit, hindi niya mababago ang tingin ko.
"Don't use that tone on me, Jake! Gumawa ka ng katarantaduhan pagkatapos hindi mo paninindigan?! Don't fuck with me, Jake!!" galit niyang sigaw. Padabog niyang inabot ang kwelyo ko at mariin akong hinawakan doon pagkatapos ay tinayo niya ako.
"He is not my child! Ilang beses ko bang sasabihing hindi ko anak si Jaime! I don't know what magic Katherine used but I will not be fool of it!" sigaw ko.
"ASSHOLE!!!" galit ring sigaw ni Dad, akma niya akong susuntukin ulit ng makarinig kami ng pagpalahaw ng iyak.
Sabay kaming napalingon sa pinanggagalingan ng iyak. We saw Jaime. Binitawan ni Dad ang kwelyo ko. Mariin akong napapikit. Huminga ako ng malalim at dinilat ang mata ko. Akma kong lalapitan siya ng bigla siyang tumakbo palayo. May kumirot sa dibdib ko dahil do'n.
Disappointed na tumingin sa 'kin si Mom. Naka-cross arm ang kamay niya at may bahid na awa at galit sa mga mata.
"Look what you did, Jake. Now he's thinking na hindi ikaw ang ama niya!" mapait na sabi ni Dad bago lumapit kay Mom. Tinalikuran nila ako pagkatapos non. Naiwan akong mag-isa kasama ang naka-imprentang mukha ni Jaime sa memorya ko.
Sinabunutan ko ang sarili ko't pinagsusuntok ang pader sa gilid. "FUCK!! DAMMIT!!" sigaw ko ng paulit-ulit. I'm really fucked up!
Tiningnan ko ang tinakbuhang daan ni Jaime. Pumunta ako sa pool area dahil doon lang naman tatakbo ang batang 'yon. I was right. He's crying in the side pool. Nakababad ang paa niya sa tubig. Huminga ako ng malalim bago naglakad palapit sa kanya. Tinabihan ko siya ng upo.
"I-I want to go h-home!!" umiiyak nitong sumbong. Naawa ako sa bata dahil namumula na ang buong mukha nito ng iangat ko ang mukha niya.
"Jaime . . . I'm—" Hindi na ako natapos sa pagsasalita dahil tinalikuran niya ako. Mariin kong ikinuyom ang kamao ko bago tumango. Inilabas ko ang phone ko at ni-dial ang number ni Katherine.
A few rings happened before she finally answered.
"Hi, Gabby. You miss me?" puno ng pang-aakit nitong tanong pero hindi naman ako tinatablan. Kung si Alex pa 'yan.
"Tsk. Sunduin mo na si Jaime, he wants to go home," malamig kong sabi. Tiningnan ko si Jaime na tumayo at naglakad papasok ng bahay. Gusto kong suntukin ang sarili dahil sa katangang nagawa. "I'm here at my parents' house. Bilisan mo," after that I ended the call.
Tumayo ako para sundan si Jaime, doon ko lang napansing nakatigil ito sa may pinto at nakalingon sa 'kin.
"If you are not my father. Who is he?"
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. "I don't know."
"T-then why m-mommy said you're my daddy?" naiiyak na tanong ng bata. Hindi na ako nakasagot dahil tumalikod na ito paalis. Nakita ko si Mom na sinalubong si Jaime at niyakap. Galit siyang tumingin sa 'kin.
I really fuck up this time. What a piece of shit.
Napahawak ako sa batok ko at tumingin sa pool area. Pumasok sa isip ko ang una naming pag-uusap no'n ni Alex. Muntikan ko na siyang mahalikan noon kaya lang dumating ang magaling kong kapatid.
Napa-iling ako.
Sana maibalik ko pa ang gano'ng klaseng araw . . . kung mabibigyan man ako ng pagkakataong maulit lahat babaguhin ko talaga. Itatama ko lahat ng pagkakamali ko wag lang siyang mawala sa 'kin.
PINANOOD kong magpaalam ang mga magulang ko kay Jaime. Ngumiti sila ng maliit sa bata at pero no'ng bumaling na sila sa 'kin ay nawala 'yon. Hanggang sa dumating si Katherine na may malawak na ngiti. Patakbong pumunta ang bata sa Ina niya.
"Thank you for taking care of him," anito at tumingin siya sa 'kin. Sumilay ang isang mapang-akit na ngiti. "Goodbye, Gabby. Jaime, say goodbye to daddy."
Hindi ko na siya sumagot at tiningnan si Jaime. Nakangiti ako pero nag-iwas siya ng tingin sa 'kin. Hinila niya si Katherine paalis. Pinanood ko silang umalis hanggang sa mawala na ang kotse nila sa paningin ko.
"Let's talk, Jake," ani Mom.
Umiling ako at inayos ang suot ko. Hinalikan ko siya sa noo. "I'm sorry, Mom, I have a lot of things to do." Akmang tatalikod ako paalis ng hawakan niya ako sa braso. Nilingon ko siya.
"At this time? It's already seven," may halong pag-aalalang aniya.
Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa 'kin at hinalikan ang likod no'n. Deretso ko siyang tiningnan sa mata.
"I'm the CEO, ma'am. Of course I have dinner meeting with investors and investigators. I still have reports to read about our company. So, I need to go. Take care." Niyakap ko siya at mabilis humakbang paalis.
Nang nasa may kotse pa ako ay nilingon ko si Dad at tinanguan siya. Ayokong maka-usap ang parents ko dahil ipipilit lang nilang anak ko si Jaime kahit hindi naman. Hihintayin ko na lang ang DNA para mapatunayan sa kanilang lahat 'yon. Hindi ko siya niloko at hindi ko siya lolokohin.
Sumakay ako sa kotse at pinaandar 'yon paalis. Dumeretso ako sa pinakamalapit na Mall. I parked my car sa parking lot at bumaba. Pumasok ako sa loob ng Mall at nagtuloy sa Toy Store. Pumunta ako sa section na puro laruang panlalaki. Namili ako ng maaring magustuhan ng anak ko. Pati pambabae ay pumili ako ng para sa babae.
Hindi ko kasi alam kung anong gender ng baby namin ni Alex kaya kumuha na lang ako ng laruang pwede sa dalawang gender. Nang masiyahan sa nadampot ay naglakad na ako papunta sa counter para bayaran.
Ngumiti sa 'kin ang mga nasa cashier at kinuha ang mga laruang dala ko para i-swipe ang mga 'yon.
"Ehm . . . ser . . . feyb tawsan pe lehet," anito.
Kumunot ang noo ko't tinaasan siya ng kilay. "W-what?"
Naging pormal ang babae at inipit ang ilang hiblang buhok sa likod ng kanyang tenga.
"Ano po, five thousand lang, baby—este—sir," anito habang nilalagay ang laruan sa paperbag.
Kinuha ko ang wallet ko. Ilalabas ko sana ang black card pero hindi ko 'to makita. Saka ko lang naalala ang binigay ko 'yon kay Henry. Kinuha ko ang iba ko pang card at inabot sa cashier.
Fuck! Why did I give him my black card?!
"Here, Sir. Thank you!" anito at inabot sa 'kin ang card kasabay ng paperbag. Tinanguan ko siya at lumabas ulit. Aalis na sana ako ng may biglang humawak sa braso ko. Nilingon ko 'yon at muntikan kong mabitawan ang hawak ko.
"Hi, Jake!" masiglang bati sa 'kin ni Daisy.
After six years . . . ngayon ko lang ulit siya nakita. I can only see her at commercials and movies. Bahagya ko siyang nginitian at marahang binawi ang braso ko.
"Hi there."
Ngumiti siya ng malaki at tiningnan ako mula ulo hanggang paa, binalik niya ang tingin sa mukha ko.
"Wow, ha. How are you? It's been what? Six years?"
Tumango ako, "yeah. Six years. I'm good. You?"
Pinakita niya sa 'kin ang kaliwa niyang kamay kung saan nakasuot ang isang diamond ring. Nagtaas ako ng kilay bago siya tiningnan.
"I'm already engage! Nakilala ko na ang iba ko pang-kapamilya. Then I saw the love of my life, and now I'm getting married! Ikaw? How's married life? Hindi ba at buntis kamo si Alex when we last talk?" aniya at nilibot pa ang tingin.
Ngayon ko lang napansing naka-disguise pala siya. Yeah. Hindi na ako nasanay, ganoon na siya noon pa.
"Were good. Malalaki na ang anak naming dalawa," sagot ko. Napatango naman siya.
"Really, huh? Then why she's working in Bulacan?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro