Chapter 74
Alex P.O.V.
Paano niya nalaman ang number ko? Bakit pa siya tumawag! Isang linggo na ang lumipas simula ng tumawag siya sa 'kin. Hindi ko pa rin alam kung paano niya nakuha ang number ko? Sobrang kapal ng mukha niya para contact-in pa ako.
Mabilis akong lumingon ng humawak sa braso ko. Si Boss nakatingin sa 'kin, pagkatapos bumaba ang tingin niya. Sinundan ko 'yon at nanlaki ang mga mata ko.
"Ayy! Sorry, Boss!!" Nagmamadali kong binitawan ang decanter. Kinuha ko ang basahan para punasan ang counter.
"Deth, halika nga rito." Inabot ni Romano ang kamay ko at pinatigil, tumingin ako kay Deth na kadarating lang.
"Bakit, Boss?"
"Ikaw na ang gumawa niyan. May pag-uusapan kami ni Crystal," aniya, hinila niya ako papunta sa office niya. Nagtataka akong sumunod. Boss opened his door, nauna akong pumasok at nakasunod siya sa 'kin. Nilingon ko siya.
Iminuwestra niyang umupo ako sa may visitors chair kaya umupo ako. Sa katapat kong upuan siya umupo.
"Anong pag-uusapan natin?"
Nginsihan niya ko saka sumandal sa likod ng upuan. Pinatong pa niya ang isang binti sa tuhod.
"You tell me . . . anong gusto mong pag-uusapan natin?" tanong niya.
Kumunot ang noo ko. "Huh?"
Bahagya niyang nilapi ang mukha sa 'kin, inilagay pa ang dalawang daliri sa noo ko saka inalis ang pagkakakunot.
"Hindi bagay sa magandang babae ang lagging naka-kunot ang noo. Dapat sa 'yo nakangiti palagi."
Umirap ako. "Naka-drugs ka ba? O kulang ka lang sa tulog?" naguguluhang tanong ko.
Tumawa si Boss sa sinabi ko't pinisil ang ilong ko. "Silly. I'm not a drug addict. Kanina pa kasi kita pinagmamasdan sa labas, kulang ang sampung dalir ko kung bibilangin ang buntonghininga mo. Ikaw yung luting, eh. Sa lahat ng customers mo akko ang nag-serve."
Napasampal ako sa noo ko. "Sorry, Romano. Hindi ko na uulitin."
"That's fine. Now tell me, anong probelma mo?"
Naglabas ako ng hininga bago malungkot na tumingin sa kanya. "Nagkasama-sama lang ang lahat sa kin lalo na noong sinabi ni Deth na malisan kami ng trabaho. Muntikang masagasaan ang kambal. May tumawag sa 'king demonyo na hindi ko alam kung saang impiyerno nanggaling. Pinag-iisipan ko kung babalik na baa ko sa dati kong buhay at ako na lang ang bumili ng lugar na 'to."
Natigil ako sa pagsasalita ng tumawa ito ng malakas. Tiningnan ko siya ng masama.
"Hoy! Ano ba?! Bakit ka tumatawa? At anong nakakatawa?!"
"So-sorry!" He keeps on laughing. Tinaasa pa ang kamay niya na para bang sinasabi niyang sandali lang. Hindi pa rin siya tumigil sa pagtawa.
"Clown ba ko?! Tawa ka nang tawa!" inis kong sabi.
Tumingin siya sa 'kin na hawak ang tiyan na nagpipigil ng tawa.
"S-sorry . . . sorry. Nakakatawa ka naman kasi, Alex, yung dapat hindi mo problemahin nipro-problema mo. Dapat chill ka lang," anito sabay punas ng luha kakatawa.
Nag-cross arm ako sa harap niya't dume-kwatro ng upo.
"Hindi ka na tatawa?" masungit kong tanong.
Umiling siya sa 'kin. Tumango ako. "Maybe para sa 'yo hindi siya malaki pero sa 'kin oo."
"Okay, first, hindi kayo mawawalan ng trabaho dahil naka-usap ko na ang buyer ng café, sinabihan ko na siya na wa ng mag-iba at wag alisin ang café dito. Second, kumusta ang kambal? Nasaktan ba sila? Third, sinong demonyo ang tumawag sa 'yo? Lastly, hindi mo kaylangang bumalik sa kung sino ka kung ayaw mo talaga," mahaba niyang ani.
"I don't want to talk about that demon. Napa-check up ko na ang kambal para ma-sure na walang injuries. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nakakalito! Sabay-sabay na nangyayari lahat ng problema!"
Ang hirap-hirap lalo na kung babalik ako sa pagiging Alex. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa 'kin pagkatapos nito. Dahil sigurado ako . . . babalik lahat pati na rin ang sakit na ibinigay sa 'kin ni Jake. Kung ako lang sana ang masasaktan ay okay lang pero baka pati mga anak ko madamay.
Huminga ng malalim si Romano, saka ginanap ang kamay ko. He gives me an assuring smile and tighten the hold in my hands.
"Alex, pakinggan mo ako ng maigi," aniya. Tumango ako. "Use your heart to know what to do. Listen to this." Tinuro niya ang dibdib niya bago muling tumingin sa 'kin, "because our mind can get frustrated and fool but not our heart. Makinig ka sa puso mo."
Last time I trusted my heart I got hurt.
"Tumitibok ang puso hindi nagsasalita," pang-aasar ko sa kanya maalis man lang ang awkwardness sa hangin.
Binitawan niya ang kamay ko at napahilamos sa mukha na ikinangiti ko ng bahagya.
"Alexandra, kahit anong tago ang gawin mo darating ka rin sa point ng buhay mong kaylangan mong bumalik sa pamilya mo. Magtataka ang kambal at kakaylanganin mong ipaliwanag sa kanila ang lahat, alam mo 'yan. Huwag mo ng hinaying dumating ang panahon na magsisisi ka kung bakit hindi mo sila hinayaang nakasama. Hindi natin alam kung kaylan mawawala ang taong malalapit sa 'tin. Don't waste time."
I understand him. I really do. "I know, but can you blame me? Nasaktan ako and I don't want my children to be hurt, too! Anong iisipin nila kapag nalaman nilang may anak sa ibabang babae ang ama nila?"
"Kung magpapakulong ka sa takot, hindi ka uusad. Let go and live free without any fears," seryoso niyang sabi.
"Madaling sabihin, mahirap gawin. Sorry, pero hindi kasi ikaw ang nasa posisyon ko. Natatakot ako," mahina kong bulong.
"Tama ka. Wala ako sa posisyon mo pero at least ako, never kong hinayaang mangibabaw ang takot ko. At least nilalabanan ko ang buhay kasi kung takot ang paiiralin ko hindi ako makakaahon." After he said that ay tumayo na siya at lumakad sa may pinto. Binuksan niya ang pinto at tumingin sa 'kin.
"Pag-isipan mong mabuti ang mga sinabi ko. Nasa iyo pa rin ang desisyon kaya okay lang kahit hindi mo pansinin ang mga sinabi ko. Pagkalabas mo, sabihan mo sina Ariel at Deth na next week pupunta rito ang bagong may-ari ng café. Nasa likod mo ko palagi, Alex."
I smile at him. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Hinila ko siya para sa isang mahigpit na yakap.
"I will miss you, Romano. Thank you for everything," bulong ko. Gumanti ng yakap ang lalaki, I can feel his lips touch my hair bago ako pinakawalan.
"Welcome, sige na. Sabihan mo na sila."
Tumango ako. Lumakad palabas ng office niya. Tiningnan ko sina Deth na nakatingin sa 'kin. Nag-iwas sila ng tingin ng magtama-tama ang mga mata namin. Lumapit ako sa kanya para tulungan siya sa paggawa ng orders.
"Bakit ka tinawag ni Boss?" mahinang pang-uusisa niya habang naglalagay ng takip sa cups. Kumuha ako ng takip at naglagay din.
"Pinapasabi niya lang na kaylangan nating mag-ready dahil next week pupunta dito ang bagong may-ari ng café kaya pakisabihan na rin si Ariel na kaylangang maghanda para ma-impress siya sa 'tin," bilin ko.
Napatango naman siya. "A-ah, okay . . . eh, bakit kayo nagyakapan?"
Napangiti ako. "Nagseselos ka ba?"
Namilog ang mga mata niya dahil sa sinabi ko. "A-ano po?!"
"Nagseselos ka ba kako? Pero huwag, friendly hug lang 'yon dahil aalis na siya at maiiwan na tayo," pagpapaliwanag ko.
"Oo nga, eh. Aalis na siya. Wala na tayong magagawa. Ni hindi man lang ako naisip."
Kumunot ang noo ko ng hindi marinig ang huling sinabi niya. Nagtataka ko siyang tiningnan.
"Ha? Sorry, ano ulit 'yon?" nagtatakang tanong ko.
Matamis niya akong nginitian. "Wala. Sige na dadalhin ko na 'to do'n." Binitbit nito ang tray paalis. Tinaasan ko siya ng kilay. Mukhang may tinatago sila sa 'kin ni Bossing, ah. Don't yah worry malalaman ko rin 'yan.
Malungkot akong napangiti. Ganiyan si Lia noong huli ko siyang makita . . . kumusta na kaya sila? May asawa na ba sila? Siya ba ang nag-take-over sa company nila? Kumusta ang parents ko? Si Ate?
Maybe . . . Romano is right. Maikli lang ang buhay. Hindi ko alam kung hanggang kaylan ko pa sila makakasama. Sapat na siguro ang anim na taon . . . kaylangan na sigurong makilala ng mga anak ko ang grandparents nila.
Tama . . . maybe I should go back . . . pero dapat ko munang siguraduhin dahil hindi lang ako ang maiiwan sa gitna nito. Hindi ako pwedeng magkamali.
Bumungtonghininga ako. Tama na 'to. Umiling ako at nag-start na magtrabaho. Inilagay ko ang tasa ng kape at hinatid sa mga um-order nito.
Jake's P.O.V.
I'M in a private room here in my office, looking at myself in the mirror. I'm fixing my coat. Lumagpas ang tingin ko sa salamin ng mapansing madaming nagkalat na pagkain sa maliit na coffee table.
This is my house already. Dito na ko nakatira. Ang gusto ni Mom ay sa bahay na nila ako ulit but I can't let them see me killing myself. Besides I want this peace with me.
Lumingon ako sa pinto ng may kumatok. Sinuot ko muna ang relo ko bago lumakad palapit sa pinto. Napagbuksan ko si Jessie.
"What?"
"Sir, nandito na po ang land title ng café. Pinadala ni Mr Alcantara," anito. Tumango ako. Gumilid siya para makalabas ako. Sinarado ko ang pinto bago lumakad papunta sa mesa. Kinuha ko ang isang envelope sa ibabaw at nilabas ang laman noon.
"Kaylan daw pwedeng pumunta sa café?" Umupo ako sa swivel chair ko at nagbukas ng laptop.
"Next week daw, Sir, para makapag-ayos sila."
"What's the update about Alex and about the two kids I told you?"
"Wala pa raw po, Sir. Hindi pa rin nakikita yung dalawang batang sinasabi niyo."
Mariin akong napapikit. Kumuyom ang kamao ko. Fuck! Bakit ba ang hirap-hirap nilang hanapin?! Talaga bang private investigators ang nakuha ko? Wala na silang nagawang tama!
Malamig ko siyang tiningnan. "Leave now." Nang marinig ko ang pagbukas-sara ng pinto ay naglabas ako ng malalim na hininga. Tiningnan ko ang pictures ni Alex. Naramdaman ko ang pagkamasa ng mga mata ko. "Wife . . . please . . . magpakita ka na sa 'kin. I promise I won't hurt you again. I love you."
Wala sa sariling inabot ko ang vodka sa tabi at nagsalin sa baso ko. Inisang lagukan ko 'yon. Hindi na kaso sa 'kin ang mainit at mapait nitong lasa. Maglulunod na naman sana ako ng alak ng biglang bumukas ang pinto ng opisina ko't pumasok ang isang batang lalaki. Nakangiti siyang tumakbo palapit sa 'kin at yumakap.
Ibinaba ko ang hawak kong baso at gumanti ng yakap. Bahagya ko siyang nilayo sa 'kin.
"Daddy, I miss you!" malambing na sabi ni Jaime, kinandong ko siya. Tumingin ako sa pinto. Doon ko nakita ko si Katherine na nakatayo. She's smiling at us. Pumormal ako.
"Iiwan ko muna si Jaime sa 'yo. Babalikan ko mamatya," ani Katherine. Inalis ko ang tingin ko sa kanya at tumingin mula kay Jaime.
"How are you, kiddo?" Hinaplos ko ang malago nitong buhok.
Matamis niya akong nginitian, ngunit nawala 'yon ng tumingin siya sa picture ni Alex. Napalitan 'yon ng pagtataka.
"Daddy, hindi mo pa inaalis yung picture niya? Sabi ni Mommy patay na raw po siya, eh," inosente nitong tanong.
Nagtangis ang bagang ko. "Kiddo, she's not dead. Nagpunta lang siya sa malayo para magbakasyon pero hindi siya patay. Huwag kang makikinig sa mommy mo tungkol kay Alex, okay?"
Marahan siyang tumango at kinuha ang ultrasound picture na nasa harapan ng picture ni Alex. Inangat niya sa 'kin 'yon.
"Daddy, is this me?!" excitement is written to his voice.
Umiling ako. "No. That's mine and Alex' baby."
"Really?! So it means I have a sibling?!" Mas lalo lang nagliwanag ang mukha niya dahil do'n.
"Are you hungry?" I don't know what to say. I don't know how will I answer him without hurting him. Hindi ko naman pwedeng sabihing na hindi hangga't di pa ako nakakasigurado. Pinapa-ulit ko pa ang DNA test, hindi ko masasabing magkapatid sila.
"Yes, Dad. Mommy, me, Tita and Tito eat in a restaurant near here," pagkwekwento niya.
"Who's Tito and Tita?"
"Daddy! You're so silly! Don't you know her?! She knows you! Tito is Auntie's friend but I don't think they are just friends because he's eating Tita's lips!!" magiliw niyang kwento.
Whatthe—who the hell is that woman?!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro