Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 73

Jake's P.O.V.

HAUNTED house. Iyon ang tamang description sa bahay naming mag-asawa ni Alex ngayon. Wala na kasing nakatira dito. Ba't ko pa uuwian kung wala naman ang asawa ko. Noong unang taong wala si Alex, pina-ayos ko pa ang garden para may balikan siya. Pinaglagyan ko ng duyan, slide at upuan para ready sa anak namin.

Sana . . . nandito pa ang mag-iina ko para magamit nila 'to. Mapait kong pinagmasdan ang lugar bago pumasok sa kabahayan at pumanik sa kwarto namin ni Alex. Umupo ako sa harapan ng vanity mirror. Hinawakan ko ang mga pabango niya . . . suklay na ginagamit niya.

Tumayo ako at pumaosk sa walk-in-closet. Walang nabago sa ayos ng damit niya. Noong nakita ang kotseng ginamit niya, inuwi ko ang gamit niya dito. Kinuha ko pa 'to sa bahay nila, tinanggap ko ang sampal at suntok galing kay Dad at Ally. Kinuha ko ang phone niya. Nasa akin.

"Wife, n-nasaan ka na ba? Kaylan ba kita makikita?" mahina kong tanong habang nakatingin sa wedding picture namin na nakapatong sa gilid. "Mi-miss na miss na kita."

"Ser, nandiyan po pala kayo!" ani ng boses mula sa pinto. Lumingon ako, I saw Anton there. Nakapantulog na. Ibinalik ko ang picture sa pinaglalagyan niya kanina at saka tumayo.

"Oo kadarating-rating ko lang."

"Gusto niyo po bang kumain?"

"Hindi na. Gusto ko lang magpahinga," sagot ko. Tumango ang lalaki at tumalikod paalis. Sinarado ko ang pinto, naghubad ako ng damit at inalis ang relo at phone ko sa side table bago humiga sa kama.

Mahigpit kong niyakap ang unang dating ginagamit ni Alex.

TUNOG ng cellphone ang gumising sa 'kin. Madiin akong sumiksik sa unan bago inaantok na inabot ang telepono. Sinagot ko 'yon.

"Hello?"

"Sir, papasok po ba kayo ngayon? May meeting po kasi kayo kasama ang Daddy at father-in-law mo," ani Jessie sa kabilang linya. Dahan-dahan akong dumilat at tumingin sa orasan. Alas-diez na pala. Bumangon ako at inilipat sa kabilang tenga ang phone.

"Oo, papasok ako. Paki-move ang meeting ko kay Mr. Alcantara para sa pagbili ko ng café niya sa Bulacan. Tell to my Dad I'll be there as fast as I can," utos ko saka pinatay ang tawag. Bumangon ako at nagtuloy sa banyo para maligo. Pagkalabas ko ay tumuloy ako sa walk-in-closet, nagsuot ako ng office attired.

Pagbaba ko sa sala, naabutan ko anga sawa ni Anton na naglilinis. Tumingin siya sa 'kin at ngumiti.

"Magandang araw po, Ser. Gusto niyo po bang kumain? Hindi na po namin kayo inabala kanina, sobrang lalim po kasi ng tulog niyo," paliwanag nito. Umiling ako.

"Hindi na. Mauuna na ako, pwede bang wag niyo ng galawin ang kwarto ko? Ako lang ang maglilinis doon," ani ko.

"Sige po, ser."

Tunanguan ko siya saka lumabas ng bahay. Nakasunod sa 'kin ang asawa ni Anton para pagbuksan ako ng gate. Sumakay ako sa kotse at hinintay mabuksan ng tuluyan ang gate. Pinaandar ko ang kotse paalis. Habang nasa byahe biglang pumasok sa isip ko ang mga bata kahapon.

Napangiti ako. Ano kayang pangalan nila? Sa tingin ko ay matagal ko sila bago makalimutan. Dumating ako sa office, saktong alas-onse na. Pumasok ako sa loob ng building, they greeted me yet I didn't greet back. Sumakay ako sa elevator at pinindot ang top floor button.

Nang bumukas 'yon ay lumabas na ko't nagtuloy sa office ko. Naabutan ko sa labas si Jessie na naghihintay sa 'kin.

Huminto ako sa tapat niya. "Nandiyan pa sila sa loob?"

"Yes, sir. Kanina pa po."

Tumango ako bago binuksan ang pinto. Naabutan ko silang nag-uusap sa couch. Narinig siguro nila ang pinto kaya tumingin sila sa 'kin. I nod at them. Umupo muna ako sa swivel chair.

Akala ko noon masisira ang merging ng companies dahil sa nangyari, pero masyadong matibay ang samahan ng dalawang lalaki para masira 'yon. Matagal din akong hindi kina-usap ni Dad dahil ang sabi niya hindi niya ako ito-tolerate ang ginawa ko.

Ilang beses na sinira ng iisang babae ang buhay ko. Sinira niya ako noon, sinira pa rin niya ang pagsasama naman ni Alex.

"Napaka-aga mo para sa meeting, Jake," sarcastic na sabi ni Dad, my father-in-law ng maka-upo sila sa visitors chair.

Inayos ko muna ang sarili ko. "Sorry. May pinuntahan kami kahapon na ginabi kami ng uwi kaya ako napuyat, Sir."

"Nambababae na naman," bulong na umabot din naman sa pandinig ko. Tiningnan ko si Dad.

"That's enough. What's your plan, son? Another business or—"

"Another business, Dad. I already bought a café shop in Bulacan. We will try it then kung umubra ay magpapatayo pa tayo ng ibang branch."

"What about the hotels and resorts? The University?" my father-in-law asked.

"Hotel and resorts, as usual tayo pa rin po ang nangunguna. The university is doing great actually. Unti-unti na siyang nakikilala ang ACVA, still accepting scholars and regular students."

Tumango sila, in thos six years ginawa ko ang gusto ni Alex—ang pagtulong sa mga batang hindi kaya makapag-aral, tatlo ang ACVA. One for grade school, high school and tertiary.

Napag-usapan rin namin kung anong maaring i-improve sa mga business namin hanggang sa matapos ang meeting.

"Send us the details and this meeting is Dad," ani Dad bago tumayo at lumakad paalis. Naiwan sa loo bang father-in-law kong nakatingin sa 'kin.

"Is there a problem, Sir?" Sir, that's what I've been calling him since that day. He forbid me to call him dad hanggang hindi ko naibabalik ang anak niya.

"Do you already have an info about my daughter?"

"None, Sir but I'm doing my best. I hired more detectives to find her."

"Make it faster because I want an immediate result, Jake! Six years, Jake, six! Once na hindi ko makita miski anino ng anak ko, I will pull out my shares!" malamig nitong banta bago lumabas ng opisina ko.

Nakapikit kong hinilot ang nose bridge ko.

Sumasakit ang ulo ko dahil sa nangyayari! Shit! Bakit kaylangan pa niyang magbigay ng gano'ng threat?! Pakiramdam ko deadline ko 'yon. Iminulat ko ang mnga mata ko ng marinig na bumukas ang pinto ng office. I saw Jessie na nag-aalalang nakatingin sa 'kin.

"Are you okay, Sir? Should I cancel your meeting with Mr Alcantara?"

"Nah, just tell to HR Department that I need their reports. Call the Hotel Managers to talk to him and call the VP of the company. And call Mr Alcantara, kaylangan ko siyang maka-usap ngayon."

"Noted po!" aniya saka lumakad palabas. Inangat ko ang isang report sa mesa ay pinirmahan para mabaling sa iba ang atensyon ko.

******

INAANTOK akong nag-angat ng tingin sa orasan sa gilid ng lamesa ko. It's already afternoon and I feel famished. Pinindot ko ang intercom at tinawagan si Jessie.

"Jess, can you order me food in Jollibee? Take a large order please and double the large gracy," utos ko saka bumalik sa ginagawa ko.

Alex P.O.V.

TININGNAN ko ang mahabang pila sa harapan ko saka nagbuntonghininga. Pang-anim pa ako sa matatawag upang mahingi ang order ko. Kasama ko ang kambal para makapag-bonding kami. Nilingon ko ang kambal na tahimik sa inuupuan nila. Malapit lang kaya naman kaya hinayaan ko na silang maiwanan doon.

Galing kaming hospital dahil pina-check up ko ang mga bata para ma-sure na walang nabaling buto o malalang injury sa kanila. Talagang nag-leave pa ako para maasikaso ko sila ngayon dahil nag-aalala talaga ako.

Bumaba ang tingin ko sa bewang ko ng maramdaman ang isang maliit na kamay. Napangiti ako kay Aris.

"Mama, matagal pa po?" malambing niyang tanong habang nagkakamot ng ulo.

"Malapit na, anak. Balik na kayo doon sa table natin baka mamaya may ibang umupo doon. Susunod si Mama."

Umiling siya saka humigpit ang yakap sa 'kin. "Ayaw ko, Mama. Dito na lang kami. Ayaw kong iwan ka, ma."

Napaka-cute! Pinisil ko ang ilong niya. "Okay basta patience ha." Ginulo ko ang buhok niya saka nilingon si Aura. Hinawakan ko siya sa kamay at naghintay kami. Hindi ko akalaing mapapalaki ko sa ganito ang mga anak ko. Yung walang masyadong luho at masaya sa kung anong nakukuha nila. Napansin kong hindi na nagsasalita si Aura kaya tiningnan ko siya.

Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan niya. May nagbebentang manika ka salabas. Mahina kong hinila ang kamay niya kaya siya napatingin sa 'kin. Umabante kaming tatlo, dalawa na lang ang nasa una at kami na ang kasunod.

"Bakit, Mama?"

"Madami ka ng Barbie sa bahay, anak," palaala ko. She pouted her lips when she realize what I'm talking about. "Nope, that will not work Aurora. Madami ka ng laruan."

"Wala pa naman akong sinasabi, Mama, eh," nagkakamot niyang aniya. Napa-irap ako sa hangin.

"Kilala kasi kita, Aurora," ani ko. Tumingin ako sa harap. Kami na pala ang o-order kaya umusad kami. Tumingin ako sa menu sa itaas.

"One bucket of chicken joy, three spicy and the rest is not na. One coke and two pineapple, two sundae and fries, three large gravy. Also give me two extra rice and two burger."

Tumango naman siya. "Okay, ma'am. I-repeat ko lang po ang order niyo. One Bucket of chicken joy and three spicy chicken. One coke and two pineapple, two sundae and fries, three large gravy. Two extra rice and burgers."

"Yap."

We waited for like five minutes and I paid for our meal. I put out eight hundred pesos dahil 'yon ang nasa bill namin.

"Thank you, ma'am! Jon, paki-assist si ma'am sa table nila," sigaw nito after I handed her the money. Sumunod naman ang lalaki, dala ang dalawang tray sa magkabilang kamay. Nginitian ko siya at naunang maglakad papunta sa second floor, yung inuupuan kasi namin kanina ay occupied na. Sa pinaka-dulo malapit sa may bintana kami umupo

"Thank you," pasasalamat ko ng maibaba niya ang tray sa mesa namin at umalis. Nilingon ko naman ang mga anak ko. "Upo na kayo, anak." Magkatabi silang umupo patalikod sa may salamin. Ako naman ang nasa harapan nila. Ipinaglagay ko sila ng kanin at chicken ang plato nila. Pinaluguan ko rin ng gravy ang kanin nila.

I watched them to eat happily habang sumasayaw-sayaw pa. Sa ganitong pagkakataon napupuno ng pagmamahal ang puso ko. Gusto kong malalaa palagi ang mga ganitong pagkakataon. Saganang-sagana sila kumain. Okay lang mahirapan ako basta ayos kayo mga anak ko.

Bumalik lang ako sa reyalidad ng may pumipitik-pitik na sa harapan ko. Maraming beses akong kumurap bago hinanap kung sino 'yon. It's Aris, looking at her with his blue eyes.

"Mama, kain kana din!" giit ni Aura. Tumango ako, nilagyan ko na rin ng pagkain ang plato ko at nag-umpisa. Panay kwento ng dalawa kung anong nangyari sa araw nila. Bago kami umalis ay nilinis ko ang lamesa namin. Tapos ay dumaan kami ng Pandayan dahil may bibilhin daw ang mga bata.

"Anak, nakapili na ba kayo?" tanong ko ng magsitayo sila. Nilahad nila sa harapan ko ang napili nilang libro. Napangiti ako dahil hindi pambata ang mga iyon. May Dictionary pa nga. Lumuhod ako at pinantayan sila. "Ito ba, nak? Sure na kayo diyan? Hindi pambata 'to."

"Yes, mama. Tapos bili mo rin po kami ng notebook at pencil, ma," ani Aris. Tumango ako at kinuha ang mga iyon para ilagay sa may trolley. Pagkatapos ay hinila ko sila papunta sa mga notebooks and pens.

"Sige, pumili na kayo ng notebooks." Natutuwang nagtatalon ang mga bata at namili. Lumalaki na talaga ang kambal. Baka sa susunod ay hanapin na naman nila ang ama nila, at hanggang doon ay wala akong maipakilala at maidahilan. At baka pagdating ng panahon na naiintindihan na nila ang lahat ay magalit pa sila sa 'kin.

Gusto kong maiyak pero hindi ako maaring maging mahina. Huminga ako ng malalim at hinintay matapos ang mga anak ko, at ng tapos na sila, lumakad kami papunta sa may counter. Pumili na kami para magbayad.

Bagsak ang kambal pagka-uwi namin sa bahay. Nasa kama na sila't tulog na tulog. Napa-iling ako. Hindi man lang sila nakapagpalit ng damit. Lumapit ako sa may bintana at sinarado ang kurtina bago binuksan ang AC. Lumakad ako pabalik sa kama at umupo sa gilid. Inalis ko ang nakatabing na buhok ni Aris sa kanyang mukha.

Pagkatapos ko silang titigan ay marahan kong inangat ang braso nito para maalis ang damit. Pinalitan ko ng pambahay. Gano'n rin ang ginawa ko kay Aura, binihisan ko rin siya para masarap ang tulog nila.

Kinuha ko ang madami nilang damit at nilagay sa basket. Nang matapos at tatabihan ko na sana sila ng tumunog ang cellphone ko. Inabot ko 'yon at kunot noong tiningnan ng makitang unregistered ang number. Sinagot ko ang tawag pero hindi ako kumibo I was waiting for—halos panawan ako ng ulitrat ng magsalita ang nasa kabilang linya. I know that voice!

What the fuck?!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro