Chapter 72
Jake's P.O.V.
MATAPOS ang house blessing ay naiwan kaming magkakaybigan. Nasa sala kaming lahat at nagkwe-kwentuhan sabay inuman.
"Paano naman kasi si Henry ang pinaka-babaero sa 'min dati. Kahit nakapaldang poste papatulan!" ani Benjamin.
"At least 'di ako katulad ni Benj na lahat ng babae dinadala sa office niya," ganting sabi ni Henry.
"Well, hindi kami maka-relate ni Bryan," ani Leo pagkatapos sumimsim ng wine.
Nagtawanan naman kami dahil doon.
"Wala ka namang jowa kaya hindi ka talagang makaka-relate!" ani Amelia.
Masama siyang tiningnan ni Leo saka pinato ng ilang pirasong mani. "Anong wala?! Meron akong naging jowa, ah! Ikaw nga dati kapag may jowa ka may jowa rin ako. Pag doctor ang sa 'yo gano'n rin yung sa 'kin!"
"Lahat ng kaybigan ng exes ko noon ay naging jowa mo rin!" tawang-tawang ani Amelia.
"Ate Lia, may kwarto po ba kayo kung saan pwedeng magpahinga? Medyo napapagod na po kasi ako," tanong ni Black pagkalipas ng ilang minuto.
"Ah, oo. Akyat ka lang sa taas tapos kanan. Yung pangalawang kwarto yung sa 'yo, iyon lang kasi ang malinis bukod sa masters."
Tumango si Black at kinuha ang mga gamit niya. Nakaalalay si Hunter sa kanya.
"Gusto mo bang samahan kita?" tanong ni Hunter.
"Hindi na. Diyan ka na lang at ako na lang ang sasama sa kapatid ko," singit ni Zia. Tumango si Hunter at nakasunod ang tingin sa magkapatid na umaakyat sa hagdan.
"Alam mo dati . . . akala ko talaga pinaghili sa kasamaan ng ugali 'yang kapatid mo, Jake. Si Klyzene parang mangkukulan dati, eh," ani Henry. Itinaas nito ang baso ng alak at umino,
Wala akong ibang masasabi dahil totoo namang dating masama ang ugali ng kapatid ko. Ngayon lang bumait-bait.
"Mabait ang asawa ko, ha. Kahit hindi siya palangiti," ani Hunter.
"Mabait? Saang banda?" shock na tanong ni Leo.
"Sige ka, acckla, baka ka marinig no'n yari ka!" pananakot ni Amelia sa kaybigan.
"Bakit ba asawa ko ang topic? Si Jake nga walang kibo," ani Hunter.
Umiling ako bago kinuha ang beer na nasa ibabaw ng lamesa. Tiningnan ko sila.
"Ano naman ang sasabihin ko?"
"May balita na ba yung investigator na kinuha mo kay Alex?" tanong ni Benj.
"Walang progress. Walang trace," malungkot kong sagot.
"Ngayon lang ginawa ni Alex ang ganyan. Dati pag-aalis or lalayas sa kanila ay sa iisang lugar lang siya pupunta pero ngayon walang lead. Kaya naman siya umalis dahi sa 'yo kasi niloko mo siya," may patutsadang ani Bryan.
Pagak akong ngumisi. "Noong una siguro oo pero simula ng ayusin namin ang relasyon at pagsasama namin ay hindi na ako tumingin sa ibang babae . . . makipagsiping pa kaya."
"Sinong niloko mo? Mabubutis mo kaya siya ng hindi ginagalaw? Nag-positive ang resulta, 'di ba?"
"Tsk. Napakdaling dayain ng DNA result." Nakipagtitiga ako sa kanya.
"Bakit hindi mo ipina-ulit?! Sabihin mo, kaya ayaw mong ulitin dahil gano'n at gano'ng resulta pa rin ang lalabas!" galit nitong sigaw. Ambang susugurin niya ako ng pagitnaan kami ng mga kaybigan ko.
"Tama na 'yan!" sigaw ni Leo.
"Huwag kang magsalita na para bang alam mo na ang lahat!" ganti kong sigaw. Nakahawak sa balikat ko sina Benjamin at henry, si Hunter naman at si Leo ang naka-awat kay Bryan.
"SML?!"
Inalis ko ang kamay nilang nakahawak sa 'kin at lumapit kay Bryan. Inundayan ko siya ng suntok sa mukha dahilan kung ba't siya napa-upo sa sahig. Napuno ng tilian ang lugar.
"Yan lang ang kaya mo, Anderson?! Napakahina mo!" pambubuska ni Bryan.
"Pare, tama na 'yan! Kaka-blessed lang ng bahay namin tapos binibigyan niyo ng away!" ani benj.
"Pagsabihan niyo 'yang kaybigan niyo!" ani Bryan at lumabas ng sala. Naiwan naman kaming magkakaybigan dito dahil sumunod kay Bryan sina Lia at Leo.
Pabagsak akong umupo sa sofa at sumandal. Hinilamos ko ang kamay ko sa mukha ko. Lumubog ang kabilang side ng upuan ko. Napayuko ako.
"Sana hindi mo na lang pinatulan," ani Henry.
"Oo nga lalo na't lasing kayo pare-pareho," ani Hunter.
Hindi ako sumagot at malamig silang tiningnan. "Gusto ko ng umuwi," mahina kong saad.
"Maaga pa, pre. Maya-maya na," ani Benjamin na humawak sa balikat ko. Umiling ako.
"Gusto ko ng umuwi." Pagkasabi ko no'n ay lumabas ako ng bahay at pumunta sa sasakyan. Kulay kahel na ang kalangitan, tumingala ako at huminga ng malalim bago kinuyom ng maigi ang mga kamao ko. Fuck! Dammit! Idiot!!
Sumakay ako sa passenger seat. Dito ko na lang sila hihintayin. Hindi naman rin nagtagal at lumabas na sila sa malaking bahay. Sumakay sila sa kotse. Ang pinagka-iba lang ay si Hunter na ang nagmamaneho, nasa likod sina Leo, Zia at Black.
"Ingat kayo. Wag patanga-tanga sa pagmamaneho," paalala ni Amelia habang nakaakbay sa asawa niya.
Tumingin sa 'kin si Benjamin, "Jake, wag mong papatulad. Matulog ka na lang," anito. Hindi ako sumagot instead ay pumikit ako. Pinaandar ni Hunter ang sasakyan paalis. Sumandal ako ng maayos sa upuan at pumikit. Walang kumikibo sa loob ng sasakyan.
Hindi pa man lumalalim ang pagtulog ko ng biglang nagpreno si Hunter.
"What the hell?!"
"Shit!!"
Mabilis akong dumilat at tumingin kay Hunter saka sa likod. "Okay lang ba kayo?!" nag-aalalang tanong ko. Sunod-sunod silang tumango. Tiningnan ko si Black na nakahawak sa sa tiyan niya.
"Ano bang nangyari?" tanong ni Leo.
"May nasagasaan yata tayo, eh!"
"HA?!" Tumingin ako sa labas ng bintana at binuksan ang pinto ng kotse. Tiningnan ko kung sino 'yon, kasunod kong bumaba si Hunter at naki-silip sa bintana ang iba.
Napalapit ako sa dalawang bata na ngayon ay naka-upo sa kalsada. Niyuko ko sila at tinulungang makatayo.
"Okay lang ba kayo?" nag-aalalang tanong ko sa kanila. Hinawakan ko sila sa braso at sinuri ang katawan nila kung may sugat ba sila o ano.
Hanggang sa napagtanto kong sila ang mga bata kanina na nakita ko.
Masama akong tiningnan ng batang lalaki na kina-awang ng labi ko. Para akong nakatingin sa salamin noong bata pa ako.
"Okay lang po kami. Sorry po. Wag niyo pong sabihin kay Tita, baka po kasi mapagalitan kami," anito na nakatingin rin sa kapatid. "Okay ka lang ba? Walang masakit sa 'yo?"
"Gusto niyo bang ihatid na namin kayo sa bahay niyo? O gusto niyong pumunta sa hospital?" tanong ni Hunter, nakaluhod rin siya kapantay ng batang lalaki.
"Okay ka lang ba?" tanong ko sa batang lalaki. Hindi ko alam pero . . . ang gaan ng pakiramdam ko sa kanila—kaniya. Parang matagal ko na silang kilala na hindi.
"Aris! Don't talk to strangers like what Mama told us!" narinig kong bulong ng batang babae at hinila palayo sa 'kin ang kapatid nito. Ang ganda niyang bata sa malapitan. Asul pa ang mga mata.
"We're not bad people, we just want to know if you're okay," ani Hunter na bumaling dito. He hold her hand.
Nag-pout ang batang babae at hinawi ang kamay ni Hunter. "We're okay! We don't have to go. Sorry po ulit," anito at sumakay sa bike nila.
Tumingin sa 'kin ang batang babae mula ulo hanggang paa at binigyan niya ako ng isang maliit na ngiti. Ang batang lalaki naman ay sumakay na rin sa bike, nakasunod sa kapatid. Nagkatingnan kaming tatlo nila Bryan at Hunter.
"Ang pak! May lahi ang mga bagets!" puri ni Leo habang nakasilip sa nakabukas na pinto ng van.
"Okay ka lang ba? Ano bang nangyari?" tanong ko kay Hunter.
Napasabunot si Hunter sa buhok, "Bigla na lang kasing lumabas 'yung dalawa sa gilid, eh," anito habang tinuro ang daan sa may gilid ng kalsada. Mukhang galing sa looban.
"Sige na. Mag-iingat ka na lang," ani ko. Tumango siya at pumasok sa loob ng sasakyan. Tumingin naman ako sa direksiyon kung saan nagpunta ang magkapatid. Wala na at hindi ko na sila makita. Papasok na rin sana ako sa passenger seat ng may mahagip ang mga mata ko sa kalsada.
Lumapit ako sa kaninang kinabagsakan ng dalawang bata. May kwintas na naiwan do'n. Lumuhod ako para damputin ang kwintas. Tinaas ko 'yon para makitang mabuti. Isang north star pendant.
P-parang kay Alex.
Ganitong kwintas din ang binigay ko sa kanya noon.
No. No. I can't be . . . kasi—hindi lang naman ako ang may kakayahang bumili ng ganitong kwintas. Right. Hindi lang ako.
"Jake, let's go!" sigaw ni Hunter. Ibinulsa ko ang kwintas bago sumakay sa kotse.
Alex P.O.V.
TAHIMIK na ang bahay ng maka-uwi ako. Napansin kong tahimik na naka-upo sa sala ang kambal. Kinunutan ko sila ng noo. Nakakapanibago, usually kasi ay maingay sila sa tuwing uuwi ako. May yakap at halik pa nga. Ganito lang sila tuwing may kasalana sila.
"Hi, babies!" bati ko sa kanila. Humalik ako sa mga pisnge nila.
Nag-agat sila ng tingin sa 'kin saka tumingin sa isa't isa na para bang nag-uusap. Ano kayang kasalanan nila?
Umayos ako ng upo. Ibinaba ko ang bag ko sa lapag at hinanap sa kabahayan si Abby.
"Where's you Tita Abby, babies?" malambing kong tanong.
"Ikaw na kasi mag-sabi," bulong ni Aris.
"Ikaw na . . . ayoko . . . tatakot ako, eh," ani pa ni Aura at tinutulak pa ang kapatid palapit sa 'kin.
"Anong sasabihin? Tell me now," seryosong sabi ko.
Nag-angat sila ng tingin sa 'kin. Nagulat pa nga ako ng basang-basa na ang pisnge nila. Yumakap sa 'kin si Aris. Kinabog naman ng takot ang dibdib ko. Hinagod ko ang likuran niya.
"Anak, anong nangyayari? Bakit ka umiiyak?!" nag-aalalang tanong ko. Bahagya ko siyang nilayo sa 'kin. Hinawan ko ang magkabila niyang pisnge. Nilingon ko si Aura na umiiyak din. "Anong nangyari, anak?! Kinakabahan naman ako. May masama bang nangyari sa inyo?"
"M-mama . . . wa-wag kang magagalit, ah," tumingin ako ka Aris na ngongong nagsalita.
"O-oo nga po m-mama . . . wag ka na magagalit!" ani Aura.
Kumunot ang noo ko, "okay. Hindi ako magagalit. Ano bang nangyari?"
Nagkatinginan ang magkapatid at tumingin sa 'kin. "N-nawala ko po yung bigay mong kwintas."
Bigla namang nawala ang mabigat na nakadagan sa dibdib ko. Huminga ako ng malalim. Hinawakan ko siya sa magkabilang pisnge at pinunasan ang luha niya.
"Anak, okay lang 'yon . . . mahahanap din natin 'yon. Nahulog mo lang siguro 'yon kung saan dito sa bahay. Hahanapin na lang natin, ha," pagpapakalma ko sa kanila. Tinanguan niya ako. Hinalika ko siya sa noo at tumingin sa kapatid niyang hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak.
Kwintas na binigay sa 'kin ni Jake noon ay binigay ko kay Aris dahil akma naman sa pangalan niya. Medyo nakakalungkot lang kasi remembrance rin 'yon ng Papa niya sa kanila.
"M-mamaaa . . . w-wag ka magagalit . . . muntik napokamingmasagasaanngsasakyankanina!" mabilis niyang sabi.
"Ha? Ano 'yon, nak? Hindi kita maintindihan," mahinahon kong tanong at kinarga silang dalawa. Nasa magkabila ko silang hita pero bumaba silang magkapatid at tumingin muna sa isa't isa bago humarap sa 'kin.
"K-kasi mama . . . k-kanina, 'di ba? Nagba-bike kami . . . tapos . . . may dumating na . . . car tapos . . . muntik na kaming m-masagasaan—"
"ANO?!" Nanlaki ang mga mata ko.
"Ma . . . sabi mo hindi ka magagalit!!" umiiyak na sabi ni Aris habang nakahawak sa kamay ng kapatid niya. Tumayo ako. Seryoso ko silang tiningnan.
"Akala ko sa kwintas lang 'yon kaya hindi ako magagalit pero ibang usapan na 'yang muntikan na kayong masagasaan!" pagalit kong sabi. Napayuko ang dalawang bata. "Nasaan ba si Tita Abby?! Hindi ba't siya ang kasama niyong mag-bike!"
"Mama, hindi rin po alam ni Tita Abby!! H-hindi po namin sinasadya! Hindi naman na-nakita yung paparating pong c-car!" humahagulgol na ani Aris. Niyakap niya ako sa bewang at nag-puppy eyes sa 'kin, "wag ka na magalita sa 'min, m-mama."
"Ma, wag ka na po magalit. S-sorry po!" umiiyak ring paki-usap ni Aura na yumakap din sa 'kin.
Tiningnan ko silang dalawa at napa-upo. Mahigpit ko silang niyakap. Hindi ko namalayang nakiki-iyak na rin pala ako. Ano na lang ang gagawin ko kung may nangyaring masama sa kanila?! Paano kung nasagasaan, nabaldog o nabalian sila?! Anong gagawin ko?!
Lumayo ako sa kanila. "Mga anak! Hindi ba sinabi ko sa inyong mag-iingat kayo! Hindi kayo dapat lumalayo sa Tita Abby niyo! Ano na lang mangyayari kung napahamak kayo?! P-paano na lang si mama?!" pumiyok ako sa huling sinabi ko.
Tiningnan ko sila. Chineck ko kung may sugat ba sila o ano. "Saan masakit? Baka mamaya nabalian na kayo, ah! Magsabi kayo kay mama! Dapat magpunta tayong hospital, eh!"
"Nothing hurts naman, mama. Si Aris may sugat lang sa braso pero okay lang po kami," sagot ni Aura. Pinunasan ko ang luha ko. Hinawakan ko ang maliit nilang kamay at dinala sa pisnge ko.
"Grounded kayo. Hindi kayo pwedeng lumabas at manuod ng TV, maglaro ng cellphone ng isang buwan," seryoso kong ani saka sila niyakap. "Anak, kayo ang buhay ni Mama. Kapag nawala kayo hindi ko alam kung saan mental ako pupulutin!"
"Sorry, mama . . . love you," sabay nilang sabi. Tumango ako at hinalikan sila sa noo. Tiningnan ko ang braso ni Aris na may benda na.
Suminghot ako at pinunasan ang luha ko. "Sinong naglinis ng sugar mo?" Chineck ko ang braso ni Aris.
Tinuro naman nito si Aura. "Aura, Ma. Pwede na siyang maging nurse. Ako naman doctor."
Napangiti ako kahit papaano. "Ang galing naman pala ni Ate Aura." Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanila. Mahal na mahal ko ang mga anak ko. Hindi ko kakayanin kapag nawala sila.
"Mama, 'di ka na galit?" tanong ni Aura pagkalipas ng ilang minuto.
Hinaplos ko ang pisnge niya. "Hindi naman ako galit, anak. Nag-aalala lang si mama. Nasaan nga pala ang Tita Abby niyo?"
"Mama, alam mo po ba yung lalaking nakita namin kanina kamukha ni Aris," pag-iiba ng topic ni Aura.
"Kamukha ni Aris?"
"Opo."
Nagkatinginan silang dalawa, ngumiti. "Mama, iniwan kasi namin ni Tita Abby sa bukid," mahina nilang sabi.
"Iniwan?! Baka mamaya kanina pa niya kayo hinahanap!" shock ko na sabi. Inabot ko ang bag ko at inilabas ang phone ko. I dialled Abby's number na agad niya ring sinagot.
"Hello?! Ate, sorry! Sorry! Hindi ko makita ang kambal—"
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. "Don't worry, nandito na sila sa bahay. Umuwi ka na. May mahala tayong pag-uusapan," mahina kong sabi bago pinatay ang tawag.
Nakakaawa si Abby, napagod na yung bata sa kakahanap.
Kung sinong kamukha man 'yon ni Aris, sana mali lang ako ng hinala. Sana ay hindi siya 'yon. Sana hindi siya dahil hindi pa ako handang makita siya. Makikita ko naman siya kapag bumalik ako sa tunay kong buhay, kasama siya sa mababalikan ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro