Chapter 71
Jake's P.O.V.
NAKASANDAL ako sa upuan. Pinapanood ko si Black na kinaki-usap ang baby sa sinapupunan niya. Nag-angat sa 'kin ng tingin si Black at ngumiti.
"Do you want to touch him?" tanong niya.
Tumango ako at lumapit sa pwesto niya. She hold my hands at pinatong iyon sa tiyan niya. Ipinikit ko ang mga mata ko at dinama ang baby sa tiyan niya. Napangiti ako ng maramdaman ang pagsipa nito. Dumilat ako pagkaraan ng ilang minuto.
Inilapit ko ang mukha ko sa tiyan niya. "Hi, baby. I'm your Uncle. I'm excited to meet you", bulong ko.
"Sundan mo na kasi si Jaime para hindi ka na naiinggit," ani Henry na nakatingin sa rear-view mirror. Tiningnan ko siya ng masama pero tinawanan niya lang ako. Umiling ako at hinimas pa ang tiyan ni Black bago bumalik sa pwesto ko kanina.
Tumingin ako sa labas ng bintana. Pumikit ako ng makaramdam ng hilo dahil sa nainom kanina. I can hear their voices turn into murmurs and then darkness eats me.
NAGISING ako ng nasa NLEX na kami. Inilibot ko ang tingin ko sa loob ng kotse. Lahat no ay tulog bukod kay Henry na nagmamaneho. Marahan kong sinabunutan ang sarili ko.
"Saan ba tayo pupunta?" bangag kong tanong.
"Sa Hagonoy, bro. Doon sila nagpatayo ng bahay," sagot nito. Tumango ako at tumingin sa labas. Puro kotse ang nakikita ko. Siksikan. Traffic, fuck!
"Kumusta ang anak mo kay Katherine?"
"Hindi ko anak ang batang 'yon," mapait kong ani.
"Ang tagal mo ng sinasabi 'yan, pre, pero pareho lang naman ang lumalabas sa DNA test, positive lahat," bored na sagot nito.
"Kasi 'yon naman ang totoo. Mabait lang naman ako sa kanya dahil wala siyang kasalanan sa kasalanan ni Katherine pero hindi akin ang batang 'yon. Kahit anong tingin mo ay wala kaming pagkakatulad bukod sa asul na mga mata."
Hindi nila maiintindihan kung bakit hindi ko matanggap bilang anak ko ang batang 'yon dahil wala naman sila sa sitwasyon ko. Pwedeng dayain ang resulta ng test. Just wait until the real result come out. Hindi lang ako makakuha ng sample ni Jaime dahil palaging nakabantay si Katherine sa kanya.
Tumigil kami sa gilid sa tapat ng Kapitolyo ng Malolos. Bumaba ang kasamahan ko. Hindi ba bawal mag-park dito? Baka mamaya ma-tow na lang 'tong kotse. Malalim ang iniisip ko ng mag-ring ang phone ko. Tamad ko 'tong nilabas at sinagot ang tawag.
"Yes?"
"Hi, daddy! Nasaan ka na po?! Pwede po ba tayong mag-play ngayon?!" masiglang tanong ni Jaime. He is five years old turning six. He is a kind boy pero hindi ko siya matanggap bilang anak ko dahil hindi ko naman alam ang totoo sa katauhan niya.
Huminga ako ng malalim. "Sorry, buddy. I have an important things to do."
"Okay po but Daddy once matapos yung important things na ginagawa mo can you go here? I don't like to play alone here po kasi, eh," aniya sa malungkot na boses.
Kumunot ang noo ko, "why? Wala ka bang kasama ukod sa mommy and yaya mo?"
"Wala po. Pinaalis ni Mommy si Yaya kasi mahilig daw po siyang mangialam and Mommy is always with her friends," honest nitong sagot.
Ibang klase talaga ang babaeng 'yon. Kapag maraming tao ang kaharap akala mo kung sinong mapagmahal na Ina pero tuwing walang nakatingin doon lumalabas ang tunay na ugali. Naawa ako sa bata.
"Kumain ka na ba?"
"Yes po. Dumaan si Tita Daisy kanina, Dad."
I frowned, "Daisy?"
"Yes po. Mommy's half sister. Siya po yung artista—SINO 'YANG KAUSAP M?! I ALREADY TOLD YOU NA SA KWARTO KA LANG!!" Inilayo ko sa tenga ko ang phone dahil sa malakas na sigaw na 'yon.
Tinambol ng malakas ang dibdib ko. Oo nga't hindi ko siya tanggap pero may awa naman ako. I dialled Katherine's number and it takes four ring before she answered.
"Bring back Jaime's nanny. And don't raise your voice at hime. Natra-trauma sa 'yo ang bata. If you will not do what I said kukuhanin ko ang bata sa 'yo at sa 'kin siya titira. Wala kang sustentong makukuha!" galit kong banta sa babae bago binaba ang tawag.
Parang tumigil ang pag-inog ng mundo ko ng makita ang isang pamilyar na pigura. Maraming beses akong kumurap dahil baka namamalikmata lang ako ngunit hindi . . . nasa kabilang side ng kalsada si A-Alex.
Nakatayo ito at nakikipag-tawanan sa isang lalaki! Sinong hayop na 'yon?! Bakit kaylangan pa niyang lapitan ang asawa ko?! May pahawak-hawak pa!
Mabilis akong bumaba ng sasakyan at akmang tatawid ng biglang may malakas na busina at humaharurot na bus ang dumaan. Napaatras. Hinintay ko ang pagdaan ng bus pero nananadya yata ang panahon ng tumigil mismo ito sa harapan ko. Nang mawala na ito ay nawala na rin ang asawa ko.
Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Nagbabakasakaling makita ko pa ulit siya pero wala. Naglaho na naman siya na parang isang bula. Nakita kaya niya ako kaya siya umalis? Hanggang ngayon ba galit pa rin siya sa 'kin?
"ARGH!! FUCK!!" gigil kong mura. Mabibigat ang hakbang na bumalik ako sa van. Pinagsisipa ko ang gulong ng kotse at hinampas ang hood. Malapit na siya per—damn!!
"Hey, what the fuck is happening?!" gulat na tanong Henry nang bumalik ito dala ang paper bags. Tiim bagang akong tumingin sa kanya.
"I fucking saw my wife a while ago!" madiin kong sabi.
Nalaglag ang panga nito at naglibot ng tingin sa paligid. Miski ang kadarating lang ni Bryan ay seryosong tumingin sa 'kin.
"Are you sure? Saan mo nakita?" nagmamadaling tanong ni Bryan.
Tinuro ko ang kabilang kasladang wala ng tao. Sinundan nila iyon ng tingin bago ibinalik ang tingin sa 'kin. Hanggang sa dumating na ang mga kasama namin na mukhang alam na ang nangyari dahil nakita ko ang pagbulong ni Henry sa asawa.
"Sure ka, baka namamalikmata ka lang," ani Zia. "Don't worry, makikita rin naman natin si Ate."
Nagbuntonghininga ako. "I hope so," bulong ko.
Hanggang sa pumasok na sila sa loob ng kotse at naiwan akong mag-isa sa labas. Sinabunutan ko ang sarili ko. So fucking close but feel so far.
"Baka nananaginip ka lang, Jake. Lasing ka, 'di ba? Madalas mong gawin 'yan noon," ani Leo bago pumasok sa kotse. Si Bryan ay naiwang nakatayo sa labas at nakatingin sa 'kin.
"You know what, let her stay in peace. Don't lie dahil hindi gugustuhin ni Alex na tumira sa ganitong lugar," wika nito at iniwan na ako sa labas.
Mariin akong pumikit. "Tama nga siguro. Baka namamalikmata lang ako," pag-aalo ko sa sarili ko. Lumanghap muna ako ng hangin bago sumakay as van.
Alex P.O.V.
HUMAGALPAK ako ng tawa dahil sa sinabi ni Ariel.
"Malay mo naman, Miss Crystal pagbalik ni Boss may trabaho pa rin tayo," anito.
Huminga ako ng malalim at maliit siyang nginitian. "Sana nga. Mahirap kasing humanap ng trabaho ngayon." Hinaplos ko ang braso nito na ikinangiti niya.
"Oo 'yan, Miss Crystal. Basta wag tayong nega. Sige po. Pasok na ako sa loob. Magbe-bake pa kasi ako," paalam niya. Tumango ako bago tumingin sa kabilang kalsada ngunit nanigas ang katawan ko ng makita ang hindi ko inaasahan.
Hindi ko alam kung namamalikmata lang baa ko o talagang nakikita ko si Jake na nakatingin sa 'kin.
Shit! Si J-Jake . . . nakatingin sa 'kin mula sa loob ng van. Mukhang hindi niya ako napansing nakatingin sa kanya. Mariin akong pumikit, hinihiling na sana panaginip na lang ang lahat ng 'to at nang idilat ko ang mga mata ko ay nakaharang na sa harapan ang isang bus. Nakahinga ako ng maluwag.
"Hays . . . Alexandra! Wake up!" asik ko sa sarili bago lumakad papasok sa loob ng café. Kakatapos ko lang maglinis dahil dinagsa kami kanina. Naabutan ko si Deth na nagbibilang ng pera sa kaha.
"Hindi pa tayo nagsasara, ah," puna ko pagkalapit sa kanya.
"Binibilang ko lang. Ayoko kasing ma-short tayo mamaya," paliwanag niya. Tinanguan ko siya at tumabi sa may bintana at umupo.
"Tingin mo ba mapapasara ang café?"
"Sana hindi . . . pero wala akong idea," malungkot kong saad.
"Maganda kasi ang trato sa 'tin dito. Maraming benefits kaya ayoko talagang umalis." Tinabihan niya ako ng upo.
Binigyan ko siya ng assuring smile, "huwag kang mag-alala. Kakausapin ko ulit siya at makikipag-deal ako." Tipid na ngumiti si Deth.
Siguro . . . kaylangan ko ng bumalik sa totoong ako. Bilang Alexandra para mabili 'tong café. Napamahal na kasi sa 'kin ang lugar at hindi ko kakayaning mawalan ng trabaho ang mga kasamahan ko.
Tama po ba ang decision ko, Lord? Please, give me a sign. Sign kung oras na po ba.
****
INILABAS ko ang phone ko at ni-dial ang number ni Abby. Saglit lang at sinagot na rin niya 'yon.
"Hello, Ate?"
"Hi, Abby. Kumusta? Nasa bahay ka na?"
"Opo. Kanina pa. Dito po ako nag-lunch. Bakit po?"
"Wala, I was just checking. Kumain na ba ang kambal?"
"Opo, kanina. Magba-bike rin po kami mamaya sa bukid kasi gusto raw ng mga bata. Naiinip na po yata sila dito."
Napangiti ako sa sinabi nito. Nai-imagine ko tuloy ang hitsura ng mga anka ko habang sinasabi na gusto nilang mag-bike.
"Okay. Mag-ingat kayo. Pagsuotin mo sila ng safety gears and wag mong hahayaang makalayo sa 'yo dahil baka mabundol sila, okay?" bilin ko.
"Opo, Ate," sagot niya.
Pagkatapos no'n ay nagpaalam na ako bago binaba ang tawag at ibinalik ang phone sa bulsa ko. Tumayo ako at lumakad papuntang office ni Boss, pumasok ako sa loob at inumpisahang maglinis-linis doon. Pati table niya ay inayos ko.
"Alex, anong ginagawa mo dito?"
Napalingon ako sa nagsalita. Si Boss, nakatayo sa tabi ng pinto. Tinuro ko ang malinis niyang opisina.
"Malamang nag-ayos. Ang kalat-kalat ng office mo." Lumakad ako paalis sa likod ng table niya, "saka don't call me Alex. I'm still Crystal, baka mamaya may makarinig sa 'yo."
Lumakad palapit sa lamesa niya ang lalaki. "Ano naman kung marinig nila? Dapat kasi hindi ka na nagtratrabaho kasi isa kang Disney princess."
Inirapan ko siya, umupo ako sa visitor's chair. "I'm not a Disney princess, you jerk! Saka I want to talk to you. Gusto kong bilhin ang café, Romano. Ako na lang ang bibili."
Malungkot siyang tumingin sa 'kin, "sorry, Alex pero naibenta ko na ang café pero pwede mo siyang kausapin kapag napalitan na niya ako. Malay mo ibigay pa niya sa 'yo ng libre," makahulugan niyang sabi.
Kinunutan ko siya ng noo. "Anong ibig mong sabihin?"
"Secret! You can leave now, Miss Secretary-slash-manager. I need to do something," pangtataboy niya sa 'kin.
Umirap ako at padabog na tumayo. Naglakad ako palabas ng opisina niya. Puno pa rin ng tanong ang isip ko. Anong ibig niyang sabihin bakit ililibre? Sira-ulo lang ang gagawa no'n!
Hay. Sakit sa ulo ni Bossing, kung ano-ano ang pinagsasabi. Double meaning!
Abby's P.O.V.
NAKANGITI ako kina Aris at Aura na nag-aayos sa mga sarili nila. Kinuha ko muna ang bag ko bago sila nilapitan. Sinara ko ang pinto.
"Ready na kayo?" tanong ko. Malaki silang ngumiti at sunod-sunod na tumango.
"Tita Abby, 'di ka magba-bike?" cute na tanong ni Aura habang nakasakay sa bike niya palabas.
Malambing ko siyang inilingan. "Hindi muna. Kaylangan ko kayong bantayan, eh."
"Tita Abby, alam mo po ba hitsura ni Papa?" biglang tanong ni Aris na nagpatigil sa 'kin. Bumaba ang tingin ko sa kanya. Sa anim na taon naming pagtatago hindi namin napag-usapan si Kuya. Nag-iba na nga ang apilido namin para hindi matunton.
"Ah—ano . . . oo," mahina kong sagot. Binuksan ko ang gate at pinauna silang lumabas.
"Ano pong hitsura niya? May picture ka po ba niya?" excited niyang tanong.
Ngumiti ako at hinawakan ang pisnge niya. "Kamukha mo siya. Nakuha niyo yung kulay ng mga mata niya."
"Wow. Talaga po?! Ibig sabihin pogi si Papa kasi pogi ako?!"
Hinaplos ko ang ulo niya. "Oo. Magaganda at mapopogi ang lahi niyo."
"Ako lang ang maganda, Tita Abby kasi si Aris mukhang frog!" pang-aasar ni Aura at nag-bike pababa sa tabunan. Napa-iling na lang ako dahil dinilaan ni Ari sang kakambal. Binilisan ko ang paglalakad para makasunod sa kanila.
"Mag-iingat kayo, ha!" pasigaw kong bilin dahil medyo malayo na sila sa 'kin. Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Limang taon since umalis kami. Noong iwan ko si Gail pero ngayon nandito si Abby na nakapagtapos ng kolehiyo. Abby na may sariling negosyo at magandang buhay.
Oo nga't hindi kami ipinanganak na mayaman katulad ng iba ngunit nagpursige ako upang marating kung nasaan ako ngayon. Nakakakain na ako ng higit tatlong beses sa isang araw.
Kumusta na kaya ang kapatid ko? Kumusta na siya? Abbygail, stop it! Don't think about him! Matagal ng panahon 'yon dapat magmove-on ka na dahil kaylan hindi ka niya magagawang magustuhan. Hindi kayo talo.
Umiling ako para maalis 'yon sa isipan ko. Binalikan ko ng tingin ang kambal na ngayon ay naghahabulan. Ngumiti ako at binilisan pa ang paglalakad dahil ilang dipa na rin ang layo nila sa 'kin. Nagtatawanan sila na lalong nagpangiti sa 'kin.
Five years old na sila. Malapit na mag-six. Ang gwa-gwapo. Si Aris, kulay black ang buhok tapos si Aura naman ay blonde. Mukha tuloy siyang manika. Pareho pang matangos ang ilong.
"Tita Abby, punta tayo sa dulo!!" sigaw ni Aura. Nakasunod si Aris dito.
"Teka! Sandali, hintayin niyo ko!!" sigaw ko dahil nagpapaunahan ang kambal at naiiwanan na nila ako. Tumakbo na ako para mahabol sila pero taket, ang bilis nila dahil naka-bike. "Bakit ng aba hindi ako nag-bike? Eh, 'di sana hindi ako pagod ngayon!" hinihingal kong sabi.
Tumingin ako sa direksiyon kung saan nagpunta ang kambal pero wala na sila. Mukhang nauna na sila sa dulo. Pumikit ako ng mariin at suminghap ng hangin bago tumakbo at sundan sila. Lakad-takbo ang ginagawa ko dahil nakakapagod.
Hindi naman ako si Flash!
Jake's P.O.V.
DUMATING kami sa dulo ng kalsada. Nilibot namin ang tingin sa paligid. Tahimik ang lugar kahit na may mga magkakatabing bahay. Pinarada ni Henry ang kotse sa tapat ng isang gate at bumaba kami. Mainit sa balat dahil medyo hapon na rin. Sobrang init.
"Sa wakas! Nakaarating din tayo!!" sigaw ni Leo na tinaas ang kamay sa ere.
"Tumahimik ka nga, leo! Baka sabihin ng mga kapitbahay nakalunok ka ng mic!" sita ni Bryan sa kaybigan ngunit inirapan lang siya.
"So, what naman?! Eh, nakalunok naman talaga ako ng mic! Kumakanta, kumakain at lumunok!" pang-aasar pa nito sabay tawa.
"That gross!!" ani Black na nakahawak pa rin sa tiyan. Tumingin si Leo kay Black.
"Parang hindi mo naman ginagawa 'yon sa asawa mo," natatawang anito. Inirapan siya ni Black.
Tumingin ako sa bahay sa harapan. Malaki 'yon.
"Dito na baa ng bahay nila?" tanong ko sabay lapit sa gate ng bahay. Nag-doorbell ako.
"Dito nga yata," ani Bryan na sumisilip sa likod ng gate.
Isang beses pa ulit akong nag-doorbell, lumabas sa pinto ang mag-asawa pagkaraan ng ilang minuto. Malaki silang nakangiti sa 'min.
"Mabuti naman at dumating pa kayo!" ani Benj na nakipag-bro hug sa 'min pagkalabas. Tumawa si Henry.
"Si Jake ang sisihin mo. Sinundo pa namin," anito saka humarap sa 'kin.
"Na ko, Jake, lagi kang late, ha," ani Amelia na bumeso sa 'kin.
"Hindi naman kasi ako sinabihan na ngayong araw pala 'yon," balewalang tugon ko.
"Nagte-text naman kasi kami sa 'yo, 'di ka sumasagot," ani Henry. I mouthened him fuck you.
"Tama na nga 'yan at baka sa kung saan pa mauwi. Pasok na muna kayo sa loob," ani Amelia na nakakapit sa asawa niya. Nauna silang maglakad sa 'min, sumunod kami papasok. Papasok na sana ako ng mapansin ko ang mga batang nakasakay sa bike at papalapit.
"Aris, bilisan natin baka maabutan tayo ni Tita!" narinig kong sabi ng batang babae na makalapit sa 'kin. She's so beautiful. Her hair is blonde.
"Oo, ingat ka sa pagliko, ah," ani noong batang babae. Napangiti ako. Napakaganda nilang dalawa.
Kumabog ang dibdib ko. Gano'n din kaya ang hitsura ng anak ko kay Alex? Siguro magkakasing-edad ang sila.
"Kuya?"
Lumingon ako kay Zia na tumawag sa 'kin. Nakatayo siya sa may pinto. Pumasok ako at sinarado ang gate. Umakbay ako sa kapatid ko at pimasok sa loob ng kabahayan.
"Anong tinitingnan mo do'n kanina?" curious niyang tanong.
Nakangiti akong tumigil sa paglalakad. "May nakita akong mga bata. Magaganda sila."
"Naiisip mo baa ng anak niyo ni Ate Alex?"
Tumango ako. "Sinong hindi, 'di ba? Kayo ni Black may sarili niyang pamilya, pati ang mga kaybigan ko. Ako ang unang nag-asawa pero nahuhuli."
"Wag kang mag-alala, Kuya. Makikita rin natin sila." Niyakap niya ako ng mahigpit at gumanti ng yakap sa kanya.
Maswerte ako sa mga kapatid ko. Mababait na, matatalino pa kahit minsan ay sakit sila sa ulo ko.
"Bakit hindi ako kasali diyan?" tanong ni Black na nakatingin sa 'min. Humiwalay ako kay Zia. Nagngitian kami. Sinensyasan ko siyang lumapit, sumunod naman siya.
Niyakap ko ng mahigpit ang mga kapatid ko at humalik sa ibabaw ng ulo nila. Naputol lang 'yon ng dumating si Lia para tawagin kami dahil mag-uumpisa na ang pagble-bless ng bahay. Sa kusina at likod bahay naroroon ang mga tao at pare na kasama sa magble-bless.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro