Chapter 70
Alex P.O.V.
MADILIM na ang langit ng maka-uwi ako sa bahay. Patay na ang mga ilaw bukod sa labas. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto para hindi makagawa ng ingay. Napatingin ako sa pinto ng kwarto ng bumukas 'yon. Lumabas si Abby na nakapantulog na lang.
Sinarado ko ang pinto at binuksan ang ilaw. Binaba ko ang bag ko sa mahabang kahoy na upuan na nandoon. Tipid akong ngumiti.
"Kumain na ba kayo?" tanong ko at pinusod ang buhok ko bago umupo. Ngumiti siya at umupo sa pang-isahang upuan.
"Opo, Ate. Ikaw po ba? Mukhang pagod na pagod ka," aniya.
Tipid akong ngumiti at sumandal sa upuan. "Okay lang naman ako. Gusto ko na lang magpahinga. Matulog ka na rn at alam kong pagod ka." Naghikab muna si Abby bago tumango.
"Goodnight, Ate," sabi niya. Pumasok siya sa loob ng kwarto. Bumuga naman ako ng hangin bago tumayo pumasok sa kwarto niya.
Nagbuka ako ng hangin bago nagpunta ng banyo. Gusto ko lang mag-half bath dahil napaka-init ngayon. Naghubad ako ng makapasok ako sa loob. After no'n ay lumabas na ako ng banyo. Chineck ko muna ang pinto kung naka-lock ang pinto tapos ay pumasok na sa kwarto namin. Nakita ko si Abby na mahimbing na natutulog sa kama niya. Pumasok ako sa kwarto naming mag-iina at kumuha ng pamalit na damit.
Napangiti ako ng makitang magkayakap silang magkapatid. Nagbihis muna ako ng isang tee at panjama bago humiga sa kama. Humalik ako sa noo ng mga anak ko at inayos ang kumot na nakatakip sa kanila.
Sobrang mahal ko ang kambal. Sa loob ng anim na taon sila lang ang naging buhay ko. Sila ang dahilan kung bakit ako nabubuhay.
******
NAPADILAT ako ng maramdamang walang katabi sa kama. Mabilis akong bumalikwas ng bangon at hinanap sila. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid. Wala ang kambal. Tumingin ako sa orasan, doon ko lang napagtantong ala-sais na pala. Tumayo ako at inayos ang kama pagkatapos ay lumabas na.
Naabutan kong nanunuod ng TV ang dalawa sa sala, may hawak pa silang baso ng gatas. Nakahinga ako ng maluwag. Lumapit ako at tinabihan sila ng upo. Humalik ako sa noo nila.
"Good morning, mama," bati ni Aris na yumakap sa 'kin.
"Good morning, babies. Ang aga niyong nagising."
"Mama ko, kasabay po naming nagising si Tita Abby. Maaga po siyang umalis," sagot ni Aura.
Tumango ako. "Edi, kay Tita Abby, ulit kayo mamaya?"
"Hindi po, Mama. Maaga raw po uuwi si Tita kaya maiiwan kami dito," sagot ni Aris.
Hinaplos ko ang buhok nito. "Sure kayo? Baka wala kayong makasama."
"Meron, Mama. Papupuntahin namin yung kalaro namin para dito na lang kami maglalaro," ani Aura.
"Opo, ma! Hindi kami lalabas! Promise!" Tinaas pa ni Aris ang kanan niyang kamay.
Wala na akong nagawa kundi ang tumango. "Okay, but primise, ha. Wag kayong lalabas, baka makuha kayo ng mangunguhang bata. Maliligo lang si mama dahil kaylangan kong pumasok sa trabaho," ani ko.
Hindi na nila ako sinagot dahil sa sobrang focus nila sa panunuod. Tumayo na ako at naglakad papuntang shower room para maligo. Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako ng banyo at tumuloy sa kwarto para magbihis.
Paglabas ko'y naabutan ko silang naglalaro. Humarap ako sa maliit naming salamin sa sala at nagsuklay. Napatingin ako kay Aris sa may salamin na nakatitig sa 'kin.
"Bakit, anak?"
"Mama, nasaan po si papa? Bakit iba po ang apilido namin sa 'yo?"
Natigilan ako sa tinanong niya. Gulat akong humarap sa kanya. Saan naman kaya niya nakuha 'yon?!
"Kasi, mama, madaming nagtatanong sa 'min kung nasaan daw si Papa. Wala naman po kaming papa, 'di ba? Di kami tulad ng ibang bata," singit ni Aura. Tinabihan ko sila ng upo.
Parang may nakabara sa lalamunan ko. Hindi ako makasagot. Saan ko . . . paano ko uumpisahan 'to?
Ang babata pa nila para maintindihan ang bagay na 'to.
"M-mga anak . . . si Papa . . . nasa ibang bansa siya. Nagtra-trabaho siya para sa inyo." Nag-iwas ako ng tingin sa kanila.
"Bakit po matagal siyang umuwi, Mama? Bakit hindi man lang po siya makipag-video call? O kaya po tawagan tayo?" tanong ni Aris.
"Hindi na po ba niya kami mahal?" tanong ni Aura na parang iiyak na.
Nadurog ang puso ko, "a-anak! Hindi totoo 'yan! Mahal na mahal kayo ng Papa niyo. Sa ngayon, hindi niyo pa siya maintindihan pero kapag laki niyo maiintindihan niyong lahat. P-pero nandito naman ako, anak. Kahit malayo si Papa nandito naman ako. Mahal na mahal ko kayo," ani ko.
Dahan-dahan siyang tumango. Tumingin ako kay Aris na tahimik lang. Hinawakan ko siya sa baba at inangat ang mukha niya para magtama ang mata namin.
"Anak, mahal kayo ni Mama, ha."
"Mahal ka rin po namin, Ma!" sabay nilang sagot at yumakap sa 'kin. Pinahid ko ang luhang tumutulo sa mga mata ko at pinilit na ngumiti.
"Oh, sige, aalis na si Mama. I-lock niyo ang pinto, ha. Huwag kayong magpapapasok ng hindi niyo kilala," bilin ko.
Paglabas ko ay tinawana ko si Abby para sabihing aalis na ako. Nakatatlo ng ring bago sumagot si Abby.
"Hi, Ate."
"Abby, anong oras ka makaka-uwi? Maiiwan ang kambal sa bahay, eh," tanong ko. Binuksan ko ang gate at lumakad papuntang labasan.
"Ah, opo, ate. Maaga akong umuwi ngayon. May kaylangan lang akong kunin dito sa resto," aniya.
"Okay, sige. Mauuna na ako," pagkasabi ko no'n ay binaba ko na ang tawag at binalik sa bag ang cellphone ko. Nagpahatid ako sa sakayan ng jeep pagkatapos.
*****
PAGDATING ko sa café ay tahimik silang lahat na nagpakunot sa noo ko.
"Bakit ganyan ang hitsura niyo?" nagtataka kong tanong ng makalapit kay Deth.
Nagtaas siya ng tingin at dinamba ako ng yakap. Gumanti naman ako at hinaplos ang likuran niya.
"Anong nangyari?!"
"Nawawalan na kasi tayo ng trabaho, Crystal!" ani Ariel, napalingon ako sa kanya.
"Ha? Anong mawawalan ng trabaho? Ano bang pinagsasabi niyo?" Hindi ko pa rin alam kung anong nangyayari. Humiwalay ako kay Deth.
"Sinabi kasi kanina ni Sir na ibebenta na raw niya ang café dahil kaylangan na niyang mag-migrate sa ibang bansa. Tapos baka alisin na 'to at palitan ang establishment," umiiyak na sagot ni Deth.
Napa-iling ako at lumakad papunta sa office ni Romano. Naabutan ko siyang naka-upo. Problemadong-problemado ang hitsura niya. Malakas kong sinarado ang pinto para makuha ang atensyon niya.
"Bakit ka nagdadabog?" mahinang tanong nito.
Lumapit ako sa kanya at tinukod ang kamay ko sa table niya. "Anong sinasabi nila Deth at Ariel? Ibebenta mo? Aalis ka ng bansa?"
Huminga siya ng malalim at saka sumandal sa upuan. "I'm really sorry, Alex. Alam kong hindi madali pero kaylangan ko ng ibenta ang café. Kaylangan kong umalis ng bansa dahil may aasikasuhin ako sa America."
"Pwede mo namang gawin 'yon tapos kami ang bahala dito—"
"Hindi na ako babalik, Alex," mahina niyang saad.
"A-ano? Bakit?"
"Kaylangan ako ng Mama sa America. Wala na siyang kasama doon at kaylangan ko siyang alagaan. Sorry, Alex."
Umawang ang labi ko. Nanghihina akong umupo sa upuan. "Boss naman. Baka pwedeng pag-isipan mo muna, hindi ba?"
Inilingan niya ako. "Ayoko kayong paasahin pero I promise you, aayusin ko 'to. Sa bagong bibili ng café, ipapaki-usap ko na wag kayong tanggalan ng trabaho." Deretso siyang tumingin sa 'kin. "You can leave now, Alex. I will talk to you later."
Tinitigan ko siya sandali bago tumayo. Lumabas ako ng office nito at huminga ng malalim. Anong gagawin ko kapag natanggal ako sa trabaho? Saan ako kukuha ng pangtustus sa mga anak ko? Sa locker ako dumeretso pagkalabas ko. Huminga ako ng malalim, hindi dapat ako mag-overthink ngayon.
Lumabas ako ng locker at lumapit kay Deth.
"Anong kaylangang gawin?"
"Okay na kami dito, Ate. Yung stocks na lang sa likod, baka kasi kulangin tayo," ani Ariel.
Tumango ako. Ramdam ko ang lungkot nila dahil sa naging rebelasyon ni Romano ngayong araw. Wala rin naman akong magawa. Walang kasiguraduhan kung papayag ba ang bibili nitong mag-stay kami. I need a new job.
******
Jake's P.O.V
"JAKE?"
Nag-angat ako ng tingin sa tumawag sa 'kin. Jessie, nakatayo sa may pinto. Lumakad siya papunta sa table ko at binaba ang hawak kong baso ng alak. Umupo ako at tumingin sa kanya.
"What is it?"
"Someone's here to talk to you, Sir. Romano raw po."
"Let him in," utos ko. Tumango si Jessie at lumabas na. Hinintay ko ang pagpasok ni Romano.
Muling bumukas ang pinto at pumasok doon si Romano. Nakangiti ito. Tumayo ako at nakipag-kamay sa kanya ng makarating siya sa mesa ko.
"Good day, Mr. Anderson."
"Sit down. What can I do for you?" tanong ko, umupo ako.
"I want to sell my business. It's a small café in Malolos Bulacan. Kilala na ang café ko, baka gusto mong bilhin."
Umiling ako at napangisi. "Ang lakas naman ng loob mo para magpunta dito at ialok ang café mo. How sure are you na bibilhin ko 'yon?"
Nginisihan niya ako. "It's for you to find out, pero Mr Anderson, I can assure you magugustuhan mo ang café."
"Fine, how much?"
"Three point five million."
"Okay, deal." Tumayo ako para muling makipag-shake hands. "My secretary will talk to you."
"I'll go now," ani Romano. Lumakad siya palabas ng office ko.
Nang magsarado ang pinto ay kinuha ko ang picture na nasa gilid ng lamesa ko. Napangiti ako. It's our picture. Mine and Alex. Kasama ang ultrasound picture ng anak namin.
"Kumusta ka na, wife? Kayo ng anak natin? Sobra na akong nangungulila sa inyo. Anim na taon na simula ng umalis kayo pero hindi pa rin kita makita. Ang hirap mong h-hanapin pero hindi ako susuko, Alex. Mahal na mahal kita."
Hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Anim na taon ko na silang hinahanap. Ano kaya ang gender ng anak namin? Babae ba siya o lalake? Sino ang kamukha niya? Makulit o masipag ba siya?
Five years have been passed but I'm still waiting for my wife to come back. Waiting her to forgive me. Waiting her to give my life direction again. And I will not get tired for waiting.
Binalik ko ang frame sa pinaglalagyan nito kanina at nagsalin ng alak sa baso. Pinuno ko ang baso at inisang tungga iyon. Napalingon ako sa pinto ng bumukas na naman 'yon. Pumasok si Katherina na may dalang paper bag. Masama ko siyang tiningnan.
Lumapit siya sa 'kin at walang paalam na umupo sa hita ko. "Gabby, may dala akong lunch."
Hinawakan ko siya sa bewang at tinulak patayo. Napadatla siyang tumingin sa 'kin.
"What the hell, Gabby?!"
"Stop calling me Gabby! Leave, Katherine, I'm busy!" galit kong utos. Binaba ko ang tingin ko sa mga papel sa harapan ko. Narinig kong nagdabog ng pag-upo ang babae pero hindi ko siya pinansin.
"I told you, I brought your lunch!" inis na sabi nito. Humawak siya sa kamay ko pero marahas ko 'yong binawi.
"I have a lunch meeting I don't need one." Tumayo ako at kinuha ang coat na nakasabit sa likod ng upuan ko.
"I won't. Sasama na lang ako sa 'yo," aniya saka kinuha ang paper bag at kumapit sa braso ko.
Mahigpit kong hinawakan ang braso niya at tiningnan siya. "Can't you fucking hear me?! Leave me alone! Hindi ako magtitiyaga sa katulad mo!"
"Ina ako ng anak mo!" ganti niyang sigaw.
"Anak ko ba talaga?!" marahas kong tanong. Natigilan ang babae. "Kahit kaylan hindi ko inangkin ang anak mo, Katherine dahil hindi siya sa 'kin. Isa lang ang ina ng anak ko at magiging anak ko pa. Iyon ay Si Alex. Si Alex lang!" I shouted angrily before storming out.
Dahil sa kanya nagkasira kami ng mag-asawa. Kaya nagalit silang lahat sa 'kin dahil sa pag-aakalang nabuntis ko si Alex. Hanggang ngayon ay hindi pa siya nagpaparamdam sa 'ming lahat. Marami na kaming naghahanap pero wala pa rin, pati si Abby pero para silang bulang naglaho.
Pumasok ako sa elevator ay sumandal sa bakal ng lift. May nagpindot na ng first floor kaya hindi ko na kaylangang gawin 'yon. Nang nasa first floor na ako ay lumabas ako at pumunta sa kotse ko. Sumakay ako sa kotse at pinaharurot 'yon paalis.
******
MADILIM ang lugar ng pumasok ako. Obviously, sarado pa sila. Pumunta ako sa bar station at kumuha ng dalawang bote ng whiskey. Pumunta ako sa VIP room na madalas kong ginagamit. Umupo agad ako at inumpisahang inumin ang whiskey.
Inilabas ko ang phone ko at tinawagan si Jessie.
"Sir?"
"Nandiyan pa ba si Katherine?" Inisang lagok ko ang whiskey.
"Wala na, Sir. Nagwawala nga pong umalis. Pinatawag ko lang ang guards para i-escort siya paalis," anito.
Ngumisi ako. "Good job. Cancel all my appointments today." Binaba ko ang tawag at hinagis ang phone ko sa mesa. Nagsalin ako ng panibagong alak.
Nakakalahati ko na ang whiskey ng bumukas ang pinto ang VIP room. Nakangising pumasok si Henry sa loob dala ang isang bote pa ng alak. Lumakad siya palapit sa pwesto ko't binaba ang hawak.
"Tanghaling tapat, Anderson, umiinom ka na?" natatawa nitong tukoy habang nakamasid sa 'kin. "Ouch naman, Jake. Hindi mo na ko papansinin?"
"What do you need?" malamig at walangbuhay kong tanong.
"Syempre, ako may-ari ng bar na 'to tapos—"
Tiningnan ko siya bago kinuha ang wallet ko. Inilabas ko ang black card ko at inilapag 'yon sa lamesa bago nagsalin ng alak.
"Name your price I'll buy this bar," wika ko bago umino.
Nalaglagan ang panga niya sa sinabi ko. Tumaas-baba ang mga mata niya sa 'kin at sa card ko na nasa lamesa bago humalakhak.
"Paka-yaman mo naman, papi!"
"Tss. Ano bang kaylangan mo, Henry? Hindi ka ba hinahanap ng asawa mo?"
Inabot ni Henry ang card saka sumandal, "ikaw nagbigay nito, ha. Hindi ko hiningi. Alam naman ng asawa ko na nandito ako. Actually, susunduin talaga kita, wala ka sa office kaya dito ako dumeretso."
I frowned, "why? Ikaw ba si Kamatayan?"
"Hindi, si Hunter siguro papasa bilang kasunod ni Kamatayan. Pero ako? Sa bait kong 'to." Pinagdikit pa niya ang dalawang kamay habang nakatingin sa 'kin. "Si San Pedro ang susundan ko."
Umiling ako sa isip ko. Hindi ko alam kung bakit may mga sira-ulo akong kaybigan katulad nila. Tss.
"Seriously, bro! Halika na. Pupunta tayo sa bagong bahay nila Benj. House blessing nila ngayon!" anito pagkalipas ng ilang minuto.
"Kayo na lang," bored kong sagot.
Napalingon ako sa may pintuan ng bumukas 'yon at bumungad ang hinihingal na si Hunter. May dala itong baby bag, what a responsible father to be. I envy them. Nagkakaroon na sila ng sariling pamilya pero ako hindi ko pa rin makita ang asawa ko.
"Come on! Nagagalit na sa 'kin ang asawa ko sa tagal niyo!" humahangos na ani Hunter. Napangiti ako sa isip ko. Takot na takot talaga siya kay Black.
"Under talaga, eh. Under ng Anderson," kantiyaw ni Henry na sinabayan pa ng malakas na tawa. Itinuro nito ang sarili. "Ako? Hindi ako magagawang ganyanin ng asawa ko. Dapat mga lalaki ang nasusunod, hindi mga babae!" dagdag pa niya na akala mo matikas na lalaki.
"May sinasabi ka ba, Henry?"
Napangisi kami ni Hunter ng lumabas ang kapatid kong si Zia sa pinto. Biglang nawalan ng kulay ang mukha ni Henry. Nakita ko ang paglunok niya.
"Honey, ah, t-tara na sa baba? Naiinitan kana, eh alam mong ayoko no'n," ani Henry.
Pinanood kong isa-isang umalis ang mga kasama ko bago nagpasyang huminga ng malalim. Inubos ko ang laman ng baso ko bago tumayo. Lumakad ako palabas ng kwarto at sumunod kina Henry at Zia. Sumasabay sa paglalakad ko si Hunter.
Yes, napangasawa ng mga kapatid ko ang dalawa kong kaybigan. Sa kasamaang palad. Pero okay na rin 'to dahil madali kong mahahanap at mapapatay ang mga hayop na 'to kapag niloko nila ang mga kapatid ko.
Tumama sa balat ko ang mainit na sikat ng araw pagkalabas namin ng bar. May white van na naghihintay sa 'min kung saan nakasakay ang ibang kasamahan namin. Sumakay ako. Si Henry ang driver at nasa passenger seat si Zia samantalang si Hunter naman ay nasa likod kasama si Black na malaki ang tiyan. Nasa gitna kami nina Bryan at Leo.
Naging kaybigan na rin namin sila dahil kina Benj at Amelia, ikinasal kasi angd alawa. Noong una ay palagi kaming nagbabasagan ng mukha ni Bryan sa tuwing nakikita namin ang isa't isa, ngayon lang naging civil para sa mga kaybigan namin.
Tanggap ko ang paninisi nila sa 'kin dahil kasalanan ko naman talaga. Ang maari ko lang itanggi ay ang sinasabi nilang anak ko ang anak ni Katherine dahil kahit kalian . . . simula ng pakasalan ko si Alex ay hindi na ako simiping sa ibang babae.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro