Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 7

Alex' P.O.V.

HABANG nasa byahe kami ay nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Masaya ako. Na hindi inaasahan. Akala ko'y magiging miserable ako kapag nakilala ko sila. Si Jake. Pero mali, ang bait pala ng pamilya nila kahit mayaman.

"So, how's Jake?" tanong ni Mom.

Nagtama ang mata namin sa rear view mirror. Tipid akong ngumiti.

"He's fine, Mom. A gentleman," ani ko.

Nagtinginan sila ni Dad, parehong may mga ngiti na hindi ko maintindihan kung para saan.

"Why are you smiling?" nagtatakang tanong ko, bumalik ang tingin ko sa harapan.

"Nothing, honey."

Inilingan ko na lang sila at nagbuntonghininga.

Sa buong duration ng byahe namin ay naging tahimik lang ako. Iniisip ko ang napag-usapan namin ni Jake. He's mabait. Para lang kaming nag-sagot ng biodata dahil sa way namin ng pagpapakilala sa isa't isa.

Well, hindi naman na necessary 'yon kasi napakilala na kami nila Uncle sa isa't isa noong nag-lunch kami. Pero, what happened to us is something.

********

PAGKA-UWI namin sa bahay ay agad akong dumeretso sa kwarto ko dahil sa pagod. Hinubad ko ang suot kong damit at sapatos pagkatapos no'n ay humiga na ako sa kama para makapagpahinga. Hindi na ako naligo dahil feeling ko'y mahihirapan ako magpahinga kapag ka nabasa pa ako.

Akala ko kapag humiga ako ay makakatulog agad ako pero hindi pala, dahil bumalik lang sa alaala ko ang muntikan na naming paghahalikan ni Jake sa pool area. Napahawak ako sa labi ko. Kung hindi dumating si Klyzia baka natikman ko pa ang labi niya.

Hanggang halik lang ba talaga kami kung 'di kami nabitin?

How does his lips taste like?

Oh, shit! Did I just think kung anong lasa ng labi ni Jake?!

Oh, yes, honey! You just did! Ani ng isang side ng utak ko.

At bakit ko naman iisipin 'yon?! Gosh! Ayokong magpakasal sa kanya, 'di ba? Sa kiss lang magpapaka-marupok ako't papayag?

With his kissable lips, yes! Papayag ako!

Inalala ko ang nangyari sa 'min kanina. Napatawa ako ng maalala ang paboritong kanta ni Jake. Totoong nagulat ako do'n. Hindi ko 'yon inaasahan, mukha kasi siyang cool at wala ang gano'n sa taste.

He is so unpredictable.

Somehow, I'm starting to like him.

Dinala ako ng antok na siya ang nasa isipan ko. Hindi ko na nga alam kung anong oras ako nakatulog dahil sa pag-iisip.

Sinag ng araw mula sa nakabukas na bintana ang gumising sa 'kin. I can feel na wala akong masaydong tulog but nakangiti pa rin ako dahil sa mga nangyari. This is actually new dahil dati kapag ka nagising akong kulang sa tulog ay bugnutin ako, its different this time. Bumangon ako, nag-inat-inat. Nilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto.

Bakit nakahawi ang kurtina ko?

Maybe pumasok si Mom or Ate para masiguradong magigising ako. Hinawi ko ang buhok ko patalikod at nilipat ang atensyon sa alarm clock. Ganoon na lamang ang gulat ko ng makita ko ang oras. It's already past ten. Mabilis akong umalis ng kama at pumasok sa loob ng banyo.

Ginawa ko ang lahat ng morning rituals ko at mabilis na nagbihis. I'm wearing a summer dress, pinaresan ko ito ng shite sandals.

Ngayong araw darating ang pamilya nila Jake dito sa bahay. Formal na pamamanhikan na daw 'yon sabi ni Dad kagabi. Nakakahiyang tinanghali ako ng gising. Baka mamaya'y nasa ibaba na sila at ako na lang ang hinihintay. May pagka-tulog mantika pa man din ako.

Lumabas ako ng kwarto't bumaba ng kusina kung saan ko naabutang nagluluto si Mommy. The kitchen is so busy kasama ang mga katulong naming may kanya-kanyang trabaho. Umaamoy rin sa apat na sulok ng kwarto ang mga masasarap na putahe.

Dahan-dahan kong nilapitan si Mom, niyakap ko siya sa likod. She startled. Gulat na lumingon si Mom sa 'kin.

"Good morning, My!" masiglang bati ko.

Hinalikan ko ang pisnge niya. Nakangiting humarap siya sa 'kin.

"Good morning, 'Nak." Hinalikan niya ako sa noo at gumanti ng yakap. "Kanina ka pa gising?" malambing niyang tanong.

Umiling ako. "No, Mom. Kakagising ko lang po."

"Hmm...do you want to eat? Gutom ba ang bunso ko?"

My Mom is really thoughtful. Kaya mahal na mahal ko siya kasi sobra-sobra niya rin kaming mahal.

"Not really sure, My." Sinilip ko ang niluluto niya. "Menudo!!" I said excitedly. Lumapit ako para amuyin ang aroma nito. Napapikit ako. Nilasap ko ang masarap na amoy. "Amoy pa lang, panalo na, My!" ani ko.

Pinisil ni Mom ang pisnge ko. "Ikaw talaga bolera ka!" Lumayo siya sa 'kin at muling hinarap ang niluluto niya.

Tumawa ako ng mahina. I love my mom's cooking. Pinangarap kong maging katulad siyang masarap magluto. Since noong mga bata pa kami si mommy na talaga ang gumagawa ng pagkain namin. Homemade palagi.

"Masarap naman talaga, My! Maniwala ka hindi ako nambobola!" ani ko pero hindi yata siya naniniwala sa 'kin dahil inilingan niya lang ako.

Tumingin ako sa paligid.

"Where are they, Mom?" Wala pa kasi akong bisitang napapansin. Mukhang wala pa sina Jake...apparently, 'di ko rin nakikita sina Dad and Ate.

"The Anderson family is not yet here. Mamaya pa yata silang lunch. Kaya nagluluto ako," sagot ni Mom.

"Ahhh!" Sunod-sunod akong tumango. Naglakad-lakad ako sa loob ng kusina. Kumuha ako ng ubas, nanggulo sa ginagawa ng ibang kasambahay at iba pa. "Ikaw po baa ng nagbukas ng kurtina ko sa kwarto?"

"No, ang Ate mo. Pumanik siya sa taas kanina, tulog na tulog ka kaya hindi ka na ginising. Binuksan na lang ang kurtina sa kwarto mo para daw magising ka."

Tama nga pala ang naisip ko. Isa sa kanila ang nag-bukas no'n.

"Eh, si Dad po?"

"Nasa library niya." Lumingon siya sa 'kin. "Nasa labas ang ate mo. Puntahan mo para 'di ka ma-bored, samahan mo siya. Binabasa na naman niya yata ng Lord of the Rings," aniya.

Ay, inunahan na naman niya ako. Gusto ko pa namang basahin 'yon ngayon! Akala ko pa naman ay Harry Potter ang babasahin niya ngayon.

Tumango ako. "Maya-maya na, My." Lumakad ako palapit sa ref. Binuksan ko 'yon. Chineck ko ang mga laman niya. "My, wala na po ba tayong yakult?"

"Naubos na yata. Gusto mo bang magpabili ako?"

"Hindi na po. Nag-ask lang," ani ko saka inabot ang isang Chuckie. Kumuha ako't sinarado na ang ref. "Bakit 'di ka na lang magpaluto, My? Para 'di ka mapagod," wika ko ng mapansin kong mukha siyang pagod na.

Nakangiti siyang lumingon sa 'kin.

"Syempre, anak. Iba ang lasa ng pagkaing tayo mismo ang nagluto. Isa pa, gusto kong maiparating sa kanila na welcome sila dito through it. Besides, gusto kong magpa-impress!" pilya niyang ani.

Natawa ako dahil doon.

Umiling ako.

Well, may ipagmamalaki naman talaga si Mommy kaya okay lang. Sa sarap niyang magluto makakalimutan mo ang pangalan mo.

"Labas na ako, My," ani ko at lumabas ng kusina. Naglakad ako papunta sa garden. Unlike the Andersons, we don't have a pool. Instead, we have a garden full of flowers and plants. Si Daddy kasi ini-spoil si Mommy sa mga gusto nito. Kaya nga binili niya yung isang loteng katabi ng bahay namin para gawing garden ni Mommy.

Nasa may gilid si Ate, nakalilim. Nakapatong sa bilog na lamesa ang limang makakapal na libro. Makakaya ba niyang matapos lahat 'yan?

Nilapitan ko na si Ate. Hindi niya ako pinansin ng umupo ako sa tabi niya. She's to focus on reading like parang first time niyang binabasa ulit ang mga 'yon.

Lumipas yata ang limang minutong nagbabasa lang si Ate. Napa-irap ako sa ere. Kung 'di ko lang siya kapatid baka sinampal ko na siya, charot. Masyadong violent yarn.

"'Te," tawag ko pero hindi niya ako nililingon.

Sumimangot ako. Nag-sip ako sa Chuckie ko.

"Ateeee!" mariin kong tawag pero wala pa rin. Nagbuntonghininga ako. Kinamot ko ang noo ko. Binaba ko ang inumin ko't akmang kukuhanin ang librong nasa harapan ng magsalita si Ate.

"Don't. I'm still reading them," aniya na hindi tumitingin sa 'kin.

Sinimangutan ko siya. "You're not reading them pa naman, eh, let me have it first—"

"No! I'm reading them. I'm just finishing this!" aniya. Halos isubsub na niya niya sa mukha ko ang libro.

"Ang tagal pa niyan. Wala ka pa nga sa kalahati," reklamo ko.

Inilingan niya ako. "Still a no. Have another book. Not this one."

God, may pagkamadamot talaga ang kapatid ko pagdating sa libro. Ang sarap niyang sapukin, sa true lang.

I gave it up. Binitawan ko ang libro.

"Talk to me para 'di ako ma-bored."

"Nagbabasa ako. Later na lang—"

"Pretty please?" I do my puppy eyes at her. "Puh-leeze, ate?"

Seryoso siyang nakatingin sa 'kin, pagkatapos ay tumango. Napa-yes ako sa isip ko. Binitawan ni Ate ang librong hawak, tapos binigay niya sa 'kin ang lahat ng atensyon niya.

"So, kumusta ang meeting sa pamilya ng Groom?" nakangising tanong niya.

Malawak akong ngumiti.

"Fine. Maayos naman sila. And did you know, may kambal siyang kapatid! They are so cute, ate!!" pagkwe-kwento ko.

"Great. Mabuti at nag-enjoy ka. Ang akala ko pa naman magmumurkulyu ka dahil buong maghapon na kayong magkakasama."

"I thought so, too. Pero hindi pala. I actually enjoy staying with them. They are so kind pa," ani ko. Nalungkot ako bigla. "Sayang kasi wala ka do'n. I'm sure magugustuhan mo rin sila kung sakali."

"Don't worry sa susunod makakasama niyo na ako. And hey! Today darating sila, 'di ba?"

"Uom."

"Makikilala ko rin sila so don't be sad na," aniya pa.

Tumango ako. "Okay. Pero kumusta yung meeting mo kahapon, ate? Okay lang ba?"

Naging mailap ang mata ng nakakatanda kong kapatid pagkatapos matigilan ng ilang sandali.

"Ah...okay lang. meeting pa rin." 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro