Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 69

Alex P.O.V.

NATIGIL ako sa pagpasok sa loob ng makita kong nag-park sa tabi ang kotse ng boss ko na si Romano Alcantara sa harap ng shop. Lumabas ito ng sasakyan niya at tumingin sa 'kin. Binaba niya ng kaunti ang shades na suot at tumingin ulit sa 'kin.

"Late again?" tanong niya ng makalapit siya sa 'kin. Nginitian ko siya.

"Late na baa ko, Sir?" Tiningnan ko ang relo ko. "Wala pa naman pong eight," nakangising sagot ko saka siya pinagbuksan ng pinto. "After you, Sir."

Tinawanan niya ako at pumasok sa loob. Sinundan ko siya. Binati kami ng ilang empleyado sa loob.

"Good morning, Sir, Ma'am," ani Deth. Humarap sa 'min si Ariel na naglalampaso.

"Good morning din," bati ko. Sumundo ako sa Boss ko papunta sa opisina niya. Cyrstal ang tawag sa 'kin ng lahat dito. Walang may alam kung sino talaga ako bukod kay Sir dahil kinaylangan niya ang resume ko at birth certificate.

Nang makapasok kami sa office ay humarap ako sa kanya. "Sir, you need something?"

Tumingin siya sa 'kin at inilingan ako. "Nothing. Just give me a cup of coffee, and please, Alex don't let someone in. I don't want to be interrupted," utos nito. Tumango ako at lumabas.

Secretary-slash-manager niya ako.

Mabait si Sir Romano kahit mukha siyang gago. Madalas kaming pinagkakamalang may relasyon kahit wala naman. Kapatid na ang turing ko sa kanya. Naalala ko sina Bryan at Leo sa kanya. Noong una akong maghanap ng trabaho walang tumatanggap sa 'kin, mabuti na lang at nakabungguan ko ang lalaki. Nag-usap kami at tinulungan niya ako.

Sabi niya, magtatayo raw siya ng café ay kaylangan niya ng manager kaya pumayag na rin ako imbis na wala, 'di ba? Tinulungan din niya ako sa pagbubuntis ko. Miski pagpapa-aral kay Abby inasakaso niya.

Lumapit ako sa coffee machine at kumuha ng tasa. Nagsalin ako ng kape. Humarap ako kay Deth habang hinihintay ang kape.

"Kumusta?"

Nginitian niya ako. "Okay naman. Ikaw? Hindi mo yata kasama ang kambal ngayon."

Ngumiti rin ako sa kanya. "Okay lang din. Muntik na nga ako kanina, eh, yung jeep kasi ang bagay. Iniwan ko kay Abby yung kambal ngayon." Hinarap ko ang kape at tiningnan, baka kasi tumapon na. Hinarap ko ulit si Deth.

"Alam mo nagtataka talaga ako. May kapatid ka namang tapos ng college at may sariling negosyo pero nandito ka pa rin at nagtratrabaho."

"Napamahal na kasi ang café sa 'kin. Hindi ko kayang basta-basta na lang iwan dahil lang tapos na si Abby."

"Sabagay," aniya at humarap kay Ariel. "Ariel, pakikuha nga sa stock room yung mga kape, naubusan na kasi tayo dito, eh. Weekdays ngayon kaya siguradong madaming bibili."

"Sige," ani Ariel at hila-hila ang mop papunta sa likod. Pinatay ko ang machine at kinuha ang tasa na puno ng kape. Naglagay ako ng kaunting asukal bago pinatong sa platito at marahang hinalo. Tiningnan ko sina Deth.

"Paki-dala na lang sa 'kin mamaya 'yung sales natin ngayong buwan, ha," ani ko.

"Oo, sige," aniya. Tumalikod na ako at lumakad papunta sa office ni Romano. Hindi na ako kumatok, binuksan ko na lang at pinto saka sumilip. Nang okay naman ay pumasok ako at binaba sa mesa ang kape.

"Tawagin mo ko kapag may kaylangan ka poa," ani ko. Hindi ko na siya hinintay makasagot dahl lumakad na ako palabas. Sa mini-kitchen ako nagpunta kung nasaan ang mga kape. Nandoon rin kasi ang locker namin kaya naman nilagay ko sa locker ko ang bag ko. Nagsuot na rin ako ng apron. Inalis ko sa pagkaka-silent ang phone ko para marinig ang mga importanteng tawag.

Nang lumabas ako ay may mga tao ng bumibili. Tinulungan ko sina Deth sa paggawa ng orders. This will be a long day!

Napatingin ako sa may pinto ng tumunog ang bell sa taas nito. Pumasok ang isang sopistikadang masungit na babae. Lumapit siya sa 'min.

"Can I talk to your boss?" maarte niyang tanong.

Nagkatinginan kami ni Deth bago muling tumingin sa babae. Ako na ang nagsalita. Tipid ko siyang nginitian.

"Sorry, ma'am pero as of the moment ay hindi tumatanggap ng bisita si Sir. Pwede kayong bumalik mamaya," magalang kong ani.

Inalis nito ang suot na sunglasses at tinaasan ako ng kilay. "I don't care! Just tell him na nandito ang girlfriend niya!"

Napakamot ako sa noo ko at nginitian siya. "I'm sorry, ma'am. Ayaw talaga magpa-istorbo ni Sir. Sinabihan niya po ako kanina. Kung gusto niyo po talaga siyang maka-usap maghintay po kayo hanggang sa mag-sarado ang shop. Mga five o'clock po siya aalis."

"Hah! Are you freaking kidding me?! Hindi ko kaylangang maghintay! Kung ayaw mong sabihin sa kanya, ako ang magsasabi!" aniya at lumakad papunta sa office ni Boss. Mabilis ko siyang sinundan at pinigil ang kamay sa akmang pagpihit sa doorknob.

"Ma'am, bawal po talaga." Humarang ako sa may pinto. "Mapapagalitan po kasi kami, eh." Susko naman. Araw-araw na lang. Playboy kasi!

"Pag hindi ka umalis diyan, sasabunutan kita!" banta niya. Pinigilan ko ang sarili kong taasan siya ng kilay at pilit na ngumiti.

"Ma'am, kapag kayo po ang hindi umalis mapipilitan akong tumawag ng pulis," madiin kong sabi. Nanlaki ang mata ni Hipon at sinampal ako. Napatabingi ang mukha ko dahil sa lakas noon. Mariin akong pumikit. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.

Hinawakan ko ang pisnge kong sinampal niya at masamang nag-angat ng tingin. Nakita ko si Deth na nakatakip ang bibig dahil sa pagkabigla. Masama kong tiningnan ang babae sa harapan ko at inis siyang nginitian.

"Isang sampal pa kakaladkarin kita palabas ng shop na 'to," mahina kong banta saka tinuro ang pintuan. "Lumabas ka na! Wag mong hintaying maubos ang pasensya ko!"

Nginisihan niya ako at saka nag-cross arm. "At anong gagawin mo, ha?!"

Hindi ko namalayang nakalapit na pala sa 'kin si Deth, humawak siya sa braso ko.

"Ma'am, hintayin niyo na lang po si Sir. Lalabas din po 'yon mamaya," anito.

Nagtaas ng kilay sa 'min ang babae. "Pwes, sabihin mo sa kasamahan mo na huwag siyang pakialamera! Boyfriend ko ang nasa loob, and he's expecting me!"

Inalis ko ang kamay ni Deth. "Okay, ma'am! Wait here, kakausapin ko si Boss." Tumalikod ako at binuksan ang pinto. Pumasok ako sa loob at sinarado ang pinto. N-lock ko ang pinto para hindi makapasok ang babaeng hipon, nakangiting tumingin sa 'kin si Boss.

"Oh, bakit? May balak ka bang masama sa 'kin, Alex? Wag po!" aniya. Madramang nilagay ang mga braso sa dibdib niya. Umirap ako.

"Hoy! Wala ako sa mood makipaglokohan sa 'yo, ha! Yung girlfriend mo nasa labas!"

Ngumisi siya bago muling binalik ang atensyon sa ginagawa na para bang walang pake sa sinabi ko. Lumapit ako sa kanya at hinampas ang lamesa niya.

"Narinig mo baa ko?! Yung girlfriend mo ka ko nasa labas!"

Bored na sumandal sa upuan si Romano at tiningnan akong deretso sa mata. "I heard loud and clean, Alex. And I already told you ayokong may mang-istorbo sa 'kin ngayon, at wala akong girlfriend. Sabihan mo na lang siyang bumalik na lang sa susunod."

"Boss naman! Sinabi ko na 'yan pero ayaw ngang umalis. Labasin mo na at ikaw ang magpalayas! Sinampal na niya ako! Baka mamaya hindi ako makapagpigil at lumabas 'yon na umiiyak!"

Walang nagawa si Romano kundi ang tumayo. Nagbuntonghininga siya at lumapit sa 'kin. Napangiti na ako dahil akala ko ay sasamahan niya ako pero ang magaling tinulak lang ako palabas ng kwarto at nginisihan.

"Ikaw na ang bahala. May tiwala ako sa 'yo!" Pagkasabi niya no'n ay sinaraduhan na niya ako ng pintuan at narinig ko pa ang pag-lock. Napa-ungol ako sa init. Inayos ko ang suot ko at lumapit sa babaeng hipon na nililibang ni Deth.

"Ma'am, ang ganda-ganda niyo naman po talaga," ani Deth. Parang gusto kong masuka dahil sa sinabi niya.

Malabo talaga ang mata ni Deth. Anong maganda ang sinasabi niya! Mukha kamong hipon!

"I know, right?! Well, alam mo naman ang mayaman. Ganito talaga magaganda," ani pa ni Hipon sabay flip hair.

Nilagay ko ang isang plastic na ngiti at lumapit sa kanila.

"Ma'am ang sabi po ni Sir ay siya na lang daw ang pupunta sa 'yo mamaya," pagsisinungaling ko. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Sinuro ako bago tumayo.

"O . . . kay! Tell him I want him tonight!" malandi niyang ani at tumayo palabas. Nang wala na si babaeng hipon ay nagkatinginan kami ni Deth. Sabay na tumawa bago bumalik sa pwesto namin kanina.

"Alam mo naman ang mayayaman," ani Deth na ginagaya ang tono ng pananalita ni Hipon. Natawa ako. Nag-aalala siyang tumingin sa 'kin. "Masakit yung sampal?"

Napahawak ako sa pisnge ko. "Masakit pero kung ginantihan ko ba siya ikakayaman ko?"

Pinatong nito ang baba sa kamay at tumingin sa 'kin, "kahit na! Sinaktan ka, dapat ginantihan mo para maganda ang laban!" natatawa pa niyang sabi.

Umiling ako at tinalikuran siya. Inayos ko ang mga gamit namin sa coffee machine at mga gamit sa lalagyan ng cake. Medyo paubos na ang chocolate cake, humarap ako kay Ariel.

"Ariel, kuha ka ng chocolate cake sa likod. Paubos na dito," utos ko sa kanya.

"Sige po," aniya at tinapos na ang ginagawa tapos pumasok sa kusina.

Tiningnan ko si Deth, "nasaan nga pala yung sales natin ngayong buwan?"

Kakamot-kamot ang ulong humarap siya sa 'kin. "Oo nga pala! Nakalimutan kong ayusin kanina, eh!"

Nakakaintindi akong tumango. "Okay lang 'yon. Mamaya mo na lang ibigay sa 'kin."

"Okay."

Naging abala na ulit kami dahil naging sunod-sunod ang pagpasok ng mga bumibili. Tanghaling tapat kape. Duh, coffee is life.

"Miss Crystal, wala na tayong cake." Napalingon ako sa sinabi ng nakasilip na si Ariel sa may pinto ng kusina.

Lumapit ako. "Sure la? Hindi ba may baked diyan kagabi?"

"Oo nga po, kaya lang mukhang may kumain dahil nawala po. Tapos ubos na rin po yung harina kaya hindi ako makapag-bake."

Nanlaki ang mga mata ko. "Ha?! Bakit ngayon mo lang sinabi sa 'kin?!" Kumamot ito sa ulo. Napabuga ako ng hangin. Pumasok ako sa loob at ni-check ang mga supplies namin. "Ano pa baa ng wala dito? Paki-lista naman at bibilhin ko ngayon," ani ko. Inalis ko ang suot kong apron. Lumapit ako sa locker namin at kinuha ang bag ko.

Pagkaharap ko kay Ariel ay nagsusulat ito. Inabot niya sa 'kin 'yon ng matapos. Kinuha ko 'yon at lumabas na. Nilingon ko si Deth.

"Kukuha ako ng five thousand sa kaha. Bibili ako ng gagamitin natin ngayon," ani ko.

"Sige lang. Ariel, halika dito tulungan mo ko."

Lumakad na ako palabas ng café at tumawid sa kabilang side ng kalsada saka naghinay ng masasakyan papunta sa Pure Gold. Nang may makita akong jeep na papunta sa Longos ay pumara ako. Pinaki-abot ko ang bayad at umayos ng upo. Malapit-lapit lang ang grocery sa café namin kaya naman mabilis din akong nakarating.

"Para po." Tumigil ang jeep. Bumaba ako at naglakad papasok sa grocery store. Kumuha ako ng cart na paglalagyan ng mga bibilhin ko. Kumuha ako ng malaking bag ng harina at kung ano-ano pang nakalista. Nang matapos ay nagbayad ako sa cashier.

Sobra akong nainip dahil sa haba ng pila sa harapan ko. Friday na rin kasi kaya ang daming bumibili. Nang umusad ang pila ay huminga ako ng malalim. And after hour of waiting, ako na, naglabas ako ng pera pambayad .

Tumingin sa 'kin ang babae at nginitian ako. "Four thousand five hundred po lahat, ma'am."

Ngumiti ako sa kanya at inabot ang limang libo. Kinuha niya 'yon at sinuklian ako. Kinuha ko naman ang mga pinamili ko at dinala 'yon sa magkabilang kamay ko papalabas. May nakita akong nakaparadang tricycle sa tabi ng jeep kaya lumapit ako.

"Kuya, sa café sa tapat ng Kapitolyo?" tanong ko.

"Sige, ho, sakay na!" aniya. Sinakay ko naman ang mga pinamili ko at pumasok sa loob. Nang okay na ako ay umalis na kami.andali pa at umandar na kami. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro