Chapter 68
Alex P.O.V.
ILANG beses akong kumurap bago umalis sa bintana ng bahay namin. Well, anim na taon na ang lumipas simula ng mangyari ang aksidenteng 'yon. Six years na ang lumipas simula ng saktan ako ng magaling na lalaking 'yon. Wala na akong balita sa kanila, kaya naging tahimik ang buhay namin kasama si Abby.
Napalingon ako ng may maramdamang yumakap sa bewang ko. Napangiti ako at hinawakan ko ang maliliit na kamay ni North Polaris ang anak kong lalaki. Nakapikit pa ito. Hininaan ko ang kalan at lumuhod sa harapan niyan.
"Anak, baby ko, gising na," malambing kong wika sa kanya habang humahaplos sa pisnge niya. Unti-unti siyang dumilat.
"Mama, hindi na nga po ako baby! Big boy na po ako!" mariin niyang sabi sabay yakap ng mahigpit. Natatawa ko siyang binuhat papunta sa lamesa at inupo sa tabi ng kakambal niyang nakayukyuk sa lamesa. Hinaplos ko ang buhok ni Aurora Light. Nag-angat siya ng tingin at ngumiti.
"Good morning, mama ko!" bati niya saka yumakap sa 'kin.
"Good morning, baby!" Hinalikan ko siya sa noo vago bumalik sa may kalan. Isinalin ko ang hotdog sa plato pagkatapos kong patayin ang kalan. Bumalik ako sa mesa at ibinaba ang hawak. Nilagayn ko ng pagkain ang plato nila.
They are already five years old, almost six na. They both have blue eyes. Nga lang, si Polaris ang nakamukha ng ama nila samantalang kamukha ko naman si Aura.
Umupo ako sa upuan. Nasa kanang bahagi sila ng lamesa at nag-umpisa ng kumain. Sila ang naglagay ng sarili nilang ulam.
"Mga anak, mamaya kay Tita muna kayo, ah," pagpapaalam ko. Tumango si Aura pero si Aris ay nagtatanong pang tumingin sa 'kin.
"Bakit sa kanya ulit kami, Mama? Di po ba pwedeng dito na lang kami?" curious niyang tanong.
Ngumiti ako at hinaplos ang pisnge niya.
"Kasi anak, baka ma-late ng uwi si Mama kaya doon muna kayo. Huwag kayong magulo doon, ha. Saka ayaw niyo ba kay Tita?"
He pouted his pinkish lips before umiling.
"Hindi, mama pero—"
"Ayaw niya do'n kasi hindi niya makikita yung crush niya, mama!" sumbong ni Aura pagkatapos uminom ng gatas nito. Nakita ko kung paano pinanlakihan ng mga mata ni Ari sang kapatid.
"Hindi kaya!" sigaw nito at binilisan ang pagkain.
Tumawa si Aura saka nagtaas ng kilay. "Oo kaya! Hindi ba at lumipat na sila sa ibang bahay kaya umalis sila ngayon."
Kumunot ang noo ko. "Sino ba 'yang crush ng baby boy ko?"
Nag-pout siya sa harap ko. "Mama, wala po akong crush. Kaybigan ko lang po 'yon."
Tumango ako sa kanila. "Okay. Tama na dahil baka kung saan pa mauwi 'yang usapan niyo," bilin ko. Madalas kasi silang mag-away na magkapatid dahil sa maliliit na bagay.
Sumunod naman sila sa 'kin at kumain na. Mabuti na lang at bukod sa mukha ay nakuha rin ni Aura ang ugali ko, buti hindi nakuha ang ugali ng tatay nila. Si Aris lang na nakuha na lahat sa ama pero sweet naman rin sila kahit papaano. Matatalino rin. Ang pinakamalambing sa kanila ay si Aris.
Nang matapos kaming kumain ay sinabihan ko na silang maligo na. Sumunod naman sila. Kaya habang nag-aayos ay niligpit ko na ang mga pinagkainan namin.
Simula ng manirahan kami rito ay kinalimutan ko nang isa akong anak mayaman. Ibang pangalan na rin ang ginagamit ko. Hindi na Alexandra kundi Crystal Bonifacio, pinagamit ni Abby ang apilido niya upang hindi kami mahanap ng pamilya ko.
Nang matapos ako sa paghuhuugas ng plato ay nagpunas ako ng kamay at kinatok ang pinto ng mga banyo. Dala ang banyo sa inuupahan naming bahay. Isang shower room at isang comfort room kaya pwedeng sabay silang maligo.
"Mga anak, bilisan niyo baka mahuli si Mama sa trabaho niya," paalala ko sa kanila. Pumasok ako sa kwarto at kumuha ng damit na gagamitin ng dalawa. Nang matapos ay lumabas na ako dala ang towel nila. Bukas ng pareho ang pinto ng mga pinto kaya inabot ko ang towel nila. Unang lumapit sa 'kin nsi Aris, ayaw na niyang nagpapapunas. Big boy na raw kasi siya kaya si Aura na lang ang pinunasan ko.
Tinaas ni Aura ang kmaay niya kaya pinalupot ko ang towel sa katawan niya.
"Mama, ayoko mag-dress, ah. Maglalaro kasi kami di ako makakatakbo," anito habang lumalakad kami papuntang kwarto.
"Okay, Anak." Tiningnan ko si Aris na nilalagay sa bewang niya ang towel. "Ikaw, anong gusto mong isuot?"
"Yung lagi kong sinusuot, Mama," anito at sumunod sa kakambal.
Napangiti ako. Hindi ko akalaing kambal ang pinagbubuntis ko noon. Sinagot ni God ang dasal ko. Sinundan ko silang dalagawa sa kwarto. Naabutan ko silang nakatayo sa ibabaw ng kama.
Inabot ko ang pulbos at nilagyan sila sa likuran. Si Aura na lang ang binihisan ko dahil nagdadamit na si Aris at kagaya ng gusto ng aking prinsesa ay jumper ang pinasuot ko sa kanya. Nang matapos silang bihisan ay pina-upo ko muna sila sa kama, binuksan ko ang AC pati na rin ang TV para hindi sila ma-bored.
May dalawang kwarto ang bahay namin ngayon pero tabi-tabi pa rin kaming natutulog, si Abby lang ang nahiwalay.
"Babies, dito muna kayo, ha. Maliligo lang ako. Wag kayong maglikot para hindi kayo pagpawisan."
"Opo, Mama," sabay nilang sabi saka nanuod ng TV. Inayos ko ang kurtina na nagsisilbing pinto ng kwarto namin para hindi gaanong lumabas ang lamig. Napatingin naman ako sa bakanteng kama ni Abby, simula kasi ng magkaroon siya ng sariling trabaho ay maaga siyang umaalis dahil maagang nagbubukas ang restaurant niya. Hindi pa gaanong malaki pero kilala na dito sa Hagonoy.
Pumasok ako sa shower room at naligo na rin. Baka kasi magalit ang Boss ko kapag wala pa ako. Mabilis akong natapos. Lumabas ako ng banyo pagkasuot ko ng underwear at bra ko. Pumasok ako sa kwarto at nagsuot ng blouse na hapit sa 'kin at pants.
Nang matapos akong mag-ayos ay lumabas na kami ng bahay. Napatingin ako sa dalawa na naghihintay sa terrace. Ni-lock ko ang pintuan at nilagay ko ang susi sa bag ko bago hinawakan ang dalawang bata sa braso.
"Tara?" yaya ko. Tumango sila at naunang lumabas. Malaki ang bakuran namin kaya malaki rin ang renta kada buwan dahil kasama na doon ang bakanteng bahay sa likod na umuukupa.
"Mama, mag-aaral na ba kami ni Kuya?" tanong ni Aura. Nginitian ko siya.
"Gusto mo na bang mag-aral, anak?" tanong ko sa kanya. Sunod-sunod siyang tumango. "Okay. Hahanap si Mama ng pre-school kung saan kayo pwede next year, okay?"
Nanlaki ang cute niyang mga mata. Napuno ng excitement ang mukha nilang dalawa.
"Talaga po, Mama?!" tanong naman ni Aris na huminto sa paglalakad para humarap sa 'kin. Tinanguan ko siya. Binuksan ko ang gate at pina-una silang lumabas bago ako dahil ni-lock ko pa ito.
"Oo, anak. Tamang-tama dahil six na kayo next year 'di ba? Pwede na 'yon," pagkukumbinsi ko.
Nagsigawan ang dalawang bata dahil sa tuwa. Mas lalo akong napangiti dahil do'n. Makita ko lang silang masaya ay masaya na rin ako.
"NEXT YEAR PAPASOK NA KAMI SA SCHOOL!!" sigaw ni Aris.
"Shh . . . baka mamaya may natutulog pa," saway ko sa kanila. Nanlaki ang mata nila at nag-sign ng shh. Nginitian ko sila. Nang tabi na kami ng kalsada ay kumaway ako sa tricycle driver para puntahan kami. Agad namang pumunta ang driver.
"Pasok na anak."
Pumasok sa loob sa loo bang mga bata. Nauna si Aura sa tabi ko samantalang nakakandong sa 'kin si Aris.
"Kuya, sa bayan po," ani ko. Tumango naman ang driver at pinasibad na ang tricycle.
"Sige nga. Ano sasabihin mo kapag tinanong ka ng teacher kung saan ka nakatira?" tanong ni Aris sa kapatid.
"Sa bahay po. Anak po ako ni Crystal Bonifacio at ako si Aurora Light Anderson!" puno ng pagmamalaking sagot nito.
Kinamot naman ni Ari sang likod ng ulo. "Tinatanong lang kung saan ka nakatira tapos sinabi mo ang haba, tapos bakit sa bahay? Hindi ba dapat sa lugar natin? Tampok dapat ang sasabihin mo!"
Nag-pout si Aura, "sinagot ko naman, ah. Saka sabi mo kung saan ako nakatira, edi sa bahay! Sa tinanong mo kung saang lugar ako nakatira."
"Dahilan mo talaga!" Tumingin sa 'kin si Aris. "Mama, wag mo ng pag-aralin si Aura. Hindi alam yung tamang sagot!" sumbong niya na tinawanan ko lang. Hinalikan ko siya sa noo.
"Sabay kayong mag-aaral, mahal. Matututunan mo rin naman 'yon, Kuya, dapat turuan at tulungan mo siya."
"Narinig mo? Turuan mo daw ako, hindi awayin," ani Aura na yumakap sa 'kin. Hinalikan ko siya sa ulo at tumingin sa labas. Medyo malapit na pala kami.
Naglabas ako ng wallet at kumuha ng pambayad sa tricycle. Huminto kami sa may tapat ng simbahan. Unang bumaba si Aris, sumunod kami ni Aura saka ako nagbayad sa driver.
"Salamat po. Halika na kayong dalawa." Hinawakan ko sila sa magkabilang pulso upang hindi sila masagasaan. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa restaurant ni Abby. Binuksan ko ang pinto at pinapasok sila. Binati kami ng mga nakakasalubong naming tauhan ni Abby, tinanguan ko sila at naglakad kami papunta sa office ni Abby.
Patakbong pumasok sina Aris at Aura sa loob. Huminto ako at pinanood sila.
"Titaaaaaaaaa!" sigaw ni Aura at tumakbo palapit kay Abby. Tumigil si Abby sa ginagawa niya at tumingin sa mga anak ko. Napangiti siya.
"Aura!!!" sigaw pabalik nito at kinandong ang anak ko. "Dito ba kayo ulit?"
Tumango si Aura at tiningnan ang ginagawa ng Tita niya. "Opo, dito kami sabi ni Mama . . . kuya tingnan mo isusulat ko ang pangalan ko!"
Lumapit naman si Aris sa kapatid at pinanood ang ginagawa. Nilingon ako ni Abby at ngumiti. Lumakad ako papasok sa loob, sinarado ko ang pintuan. Binaba ko ang bag ng dalawa sa sofa.
"Dito muna ulit sila," ani ko ng makalapit ako sa lamesa niya.
"Okay lang po, Ate. Nga po pala, kumain na po ba kayo?" tanong niya at binaba si Aura na may hawak ng papel at ballpen.
Tumango ako. "Oo, nag-almusal kami bago kumain umalis."
"Mabuti, Ate. Maaga ka po bang uuwi mamaya?" tanong niya.
"Hindi ko alam. Basta patulugin mo ng maaga ang mga bata, ha. Nahihirapan kasi silang gumising sa umaga, eh," ani ko at hinaplos ang buhok ni Aris.
"Mama, gusto ko rin po ng papel saka lapis," aniya. Inabutan siya ni Abby. "Thank you." Pagkakuha niya noon ay tumabi siya sa kapatid niya at nagsulat sila.
Magkatabi naming pinanood ni Abby ang dalawang bata. Nakakatuwa silang panuorin. Parang kelan lang ay tinuturuan pa namin sila na maglakad tapos ngayon ay kaya na nilang mag-sulat. Malalaki na talaga sila.
"Grabe, big boys and girls na talaga sila, ate," ani Abby. "Sa susunod mag-aasawa na sila," pagbibiro ni Abby.
"Huy! Huwag naman sana maaga. Hindi ko pa kayang makitang ikinakasal ang kambal ko, eh," ani ko. Tinawanan niya ako.
Totoo naman 'yon. Hindi ko pa kaya. Gusto ko baby ko pa sila. Huminga ako ng malalim. Bago pa man mauwi drama ang lahat ay hinawakan ko sa braso si Abby.
"Aalis na ako, ha. Mamaya na lang ulit. Baka ma-late ako sa traffic," paalam ko. Nilapitan ko ang kambal at himalik sa magkabila nilang sentido. "Babies, aalis na ako ha. Mag-iingat kayo. Kiss ko?" Tumingin sila sa 'kin at humalik sa magkabila kong pisnge. Napangiti ako. "Love you, babies!"
"I love you, too, Mama," ani Aura at niyakap ako. Tumingin naman ako kay Aris na busy-ng busy sa sinusulat.
"Nasaan ang I love you ko, Kuya?" tanong ko. Humarap siya sa 'kin at ngumiti. Inabot sa 'kin ang papel na kanina pa niya sinusulatan. Tinanggap ko 'yon at binasa ang nakasulat.
I love you, mama. Take care 💙💙💙
Parang may mainit na palad ang humaplos sa puso ko. Niyakap ko ulit siya at hinalikan sa sentido.
"Aalis na ako. Magpakabait kayo kay Tita, ha. Wag niyong bigyan ng sakit ng ulo," bilin ko. Tango sila nang tango kaya ngumiti ako. Humarap ako kay Abby. "Aalis na ako."
Lumakad ako palabas ng office at restaurant nito. Ilang lakad lang naman ang sakayan ng jeep from here.
"Isa na lang. Isa na lang. Malolos. Malolos!!" sigaw ng lalaki. Lumapit ako at tiningnan ang loob. Tss. Isa na lang daw, eh, wala ng maupuan. Akma akong tatalikod na ng umusad ang isang pasahero. Doon ako tumabi, tipid ko siyang nginitian.
Nag-aabot na sila ng bayad. Mabuti na lang at nasa dulo ako hindi mauutusan, char! Kumuha ako ng bente pesos at nagbayad na rin. Nilagay ko ang bag ko sa 'king hita.
"Sa crossing po. Paki-abot. Thank you," ani ko. Kinuha naman ng nasa harapan ang pera para maibigay sa driver.
Noong unang sakay ko sa jeep halos hindi ko alam ang gagawin ko. Sa 'kin pa nga naki-abot lahat ng bayad noon para maibigay sa driver. Pero nasanay rin naman ako ng unti-unti dahil kaylangan at nakaalalay pa sa 'kin si Abby noon.
Inabot sa 'kin ang sukli kong two pesos. Noon siguro papabayaan ko na lang 'to pero ngayon ay hindi na. Bawat sentimo na makukuha ko ay tinatabi ko dahil may mga anak na akong dapat kong pag-aralin lalo na ngayon at gusto nilang mag-aral.
Sa labas ng jeep ako nakatingin. Huminto kami dahil sa mga pumapara at sumasakay. Tumingin ako sa relong pambisig ko. Seven thirty na. Late na naman ako sa trabaho. Hinihiling ko na sana ay bumilis ang takbo ng jeep na sinasakyan ko ngayon pero hindi, nagpa-gas pa kamo si Manong driver.
Pero thankful na rin ako dahil bumilis-bilis ang takbo namin. Thank God!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro