Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 64

Jake's P.O.V.

NAGISING akong katabi ang asawa ko. Napangiti ako ng makitang nakaawang ang malambot niyang labi. Dinampian ko 'yon ng halik bago bumangon at pumasok sa banyo. Ginawa ko ang morning rituals ko.

Nang matapos ako ay agad akong nagbihis at bumaba ng hagdan. Naabutan ko sa sala si Abby na naglilinis. Napatingin siya sa 'kin at ngumiti.

"Good morning po. May almusal na po sa lamesa, kakain na po ba kayo?" tanong niya. Akmang iiwanan niya ang ginagawa ng pigilan ko siya.

"Ako na lang. Wala ka bang pasok?"

"Wala po akong pasok tuwing biyernes at linggo. Mamaya po ako maglalaba," anito.

"Abby, may napapansin ka bang kakaiba dito sa lugar natin noong nakaraan?" seryosong tanong ko.

Nagtataka siyang tumingin sa 'kin. "Paanong kakaiba po?" tanong niya.

Huminga ako ng malalim. "Wala ka bang napapansing umaaligid sa bahay? Baka mamaya ay may nagmamatyag na pala dito."

"Ahhh . . . sa pagkakaalam ko wala naman po Kuya, pero noong nakaraan ay may napansin akong babaeng tumitingin dito sa bahay sakaya ng kotse. Para nakita ko na po siya kung saan pero hindi ko maalala kung saan."

Kumuyom ang kamao ko. "Sige, salamat." Nilagpasan ko at lumakad papuntang kusina. Tiimbagang akong humarap sa pader at pinagsusuntok 'yon. Fuck her!! She's getting into my nerves!

Binigay ko ang pinakamalakas kong suntok bago pinakalma ang sarili ko. Kinuha ko ang tray at nilagyan ng pagkain. Binitbit ko 'yon at dinala sa taas. Napatingin pa sa 'kin si Abby habang papanik ako. Pagpasok ko sa kwarto ay mahimbing pa ring natutulog ang asawa ko. Nilagay ko sa table ang tray.

Dumukwang ako sa harapan niya at hinalikan siya sa labi. Marahan kong hinaplos ang pisnge niya at inalis ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa mukha niya. Nagmulat si Alex.

"Breakfast in bed, baby," bati ko. Bumangon si Alex kaya binaba ko sa tabi niya ang tray. Hinila niya ang batok ko palapit sa kanya at dinampi an labi niya sa'kin. Gumanti ako ng halik bago pinagdikit ang noo namin.

"You made this?" tanong niya habang tumutusok ng hotdog.

Kinuha ko ang kape at humigop. "Nope. Abby made it. Kumusta na ang pakriamdam mo?"

Uminom si wife ng juice bago nagtaas ng tingin sa 'kin. "Ah, okay. Walang klase si Abby?" Umiling ako. "I'm good pero 'di ko itatanggi na may takot ako."

Inabot ko ang kamay niya at hinawakan iyon ng mahigpit. "Don't worry wife. I promise, no one can harm you."

"Please, Jake. Don't break your promises," bulong niya ng yakapin niya ako. Hinigpitan ko ang yakap sa kanya.

"Kumain kana. Then, maliligo tayo." Kumuha ako ng isang tinapay at sinubo 'yon.

"Hindi ka pa ba nakakaligo? May work ka sa office," puna niya. Nginisihan ko siya.

"Did you forget what you said last night?" tanong ko habang inaamoy ang leeg niya patungo sa tenga. Hindi ko man nakita pero ramdam ko na natigilan siya. Medyo lumayo siya sa 'kin ng bahagya at iniwas ang tingin sa 'kin.

"A-ano bang sinasabi mo?" Hinawakan nito ang baso at uminom. Kinagat ko ng marahan ang earlobe niya. Napangisio ako lalo. Nanginginig ang kamay niyang nakahawak sa juice.

"Is there any problem, wife?"

"Wa-wala . . . pero bakit ka ba nakadikit sa 'kin ng ganyan?"

"Masama bang dikitan ang asawa ko? Dapat nga palagi na akong nakadikit sa 'yo para wala ng magtangka," bulong ko saka siya inumpisahang halikan sa leeg niya.

"K-kumain tayo," aniya. Bahagya niyang tinulak ang ulo ko palayo sa leeg niya pero hinawakan ko siya sa batok at ipinaling 'yon.

"Kumakain na nga ako," bulong ko.

Alex P.O.V.

JUSKO Lord! Anong klaseng test po ba ito? Hindi ko yata kaya ang tuksong papalapit. Mariin akong napapikit ng maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa tenga ko, kinikilabutan ako sa pinaggagawa niya. Ngayon ay wala akong kawala dahil nakahawak siya sa batok ko.

Tuyong-tuyo ang lalamunan ko. Aalisin ko sana ang kamay niya sa batok ko ng maunang tumunog ang phone nito. Tumingin siya sa gilid ng kama kung saan 'yon nakalagay. Inabot ni Jake ang phone at sinagot pero ang isang kamay niya ngayon ay nakapatong na ngayon sa hita ko.

"Yes? What happened? Okay . . . okay! I'll go there as fast as I can," aniya. Mabilis itong tumayo ng kama at pumasok sa banyo. Ano kayang nangyari? Well, mamaya ko na lang tatanungin.

Kumuha ako ng isang bacon at sinubo 'yon. Kinuha ko ang cellphone niya na naiwan at binuksan 'yon but there's a password. Nagtataka akong tumingin sa pinto ng banyo bago ibinalik ang tingin sa cellphone niya.

Kailan pa siya nag-password sa phone? Noong huli ko 'tong nahawakan ay walang lock, bakit ngayon meron na?

Sinubukan kong buksan gamit ang pangalan niya pero 'di gumana. I typed my birthday pero hindi nabuksan. Tinigilan ko na dahil baka mamaya ay ma-lock at 'di na mabuksan. Uminom ako ng juice at inubos ang pagkaing dala ng asawa ko.

Saktong paglabas ni Jake ng pinto ang pagtayo ko. Nakatingin siya sa 'kin.

"Kumain ka na muna bago ka umalis. Who called?"

"Hindi na, wife. May importanteng business meeting sa office na kaylangang nandoon ako."

Tumango ako. Dala ko ang tray pababa sa kusina. Nasa hagdan ako ng marinig kong may mag-doorbell. Nakababa na ako ng lumabas si Abby sa kusina. Nakangiti siyang tumingin sa 'kin.

"Good morning po," masiglang bati niya.

"Morning. Can you check kung sino ang nasa pinto," utos ko. Tumango naman siya. Tumuloy ako sa kusina, binaba ko sa may sink ang tray. Nilibot ko ang tingin sa buong kusina. Malinis.

Naghugas ako ng kamay at pumunta sa sala para hintaying makabalik si Abby. Umupo ako sa sofa, kinuha ko ang magazine at nag-umpisang magbasa.

"Sino 'yon?" tanong ko ng makapasok siya. Tumingin ako sa kanya, binaba ko ang magazine.

"Wala pong tao, Ate, pero may kahon po sa harap ng gate," anito. Inabot niya sa 'kin ang kahon. Sinuri ko ito, inalog ko pa nga ng marahan para malaman kunbg anong nasa loob.

"Sino kayang nag-iwas nito? Wala bang nakalagay na card or something?"

"Wala po, eh. Wala rin po akong naabutang tao sa labas kanina."

Sabay kaming napatingin sa may hagdan kung saan nagmamadaling bumaba si Jake. Huminto lang ito saka tumingin sa 'kin.

"I need to go, wife," aniya. Inabot ko kay Abby ang kahon. Nilapitan ko siya at inumpisahang iayos ang necktie nito.

"Kumain ka after ng meeting, okay?" Tumingin ako sa kanya. "Umuwi ka rin ng maaga. Wag masyadong magpagod."

Ngumiti siya sa 'kin at mabilis akong hinalikan sa labi. "Yes, ma'am!"

Hinatid ko siya hanggang sa may pinto. "Mag-iingat ka. Hindi na kita maihahatid sa labas kasi naiinitan ako."

Nakaka-intinding tumango ito at hinalikan ako ulit sa labi bago umalis. Pinanood ko lang siyang makaalis. After no'n ay sinarado ko na ang pinto, nilingon ko si Abby na hanggang ngayon ay hawak pa rin ang kahon. Lumapit ako sa kanya.

"Let me handle this. Bumalik ka na lang sa ginagawa mo kanina," utos ko. Tumango siya at pumasok sa kusina.

Umupo ako sa sofa at binaba ang kahon sa lamesa. May ribbon pa ito sa ibabaw. Tinanggal ko 'yon at sinunod ang takip. Nanlaki ang mga mata ko sa laman ng kahon. Mga pictures. Kinuha kong lahat 'yon at isa-isang tiningnan. I think kinuhanan na ito matagal na dahil bata pa ang hitsura nila.

Kumunot ang noo ko dahil sa nakikita ko. Sweet silang tingnan. May mga larawan pang magkadikit ang labi nila. May mga magkayakap pa. Napahawak ako sa dibdib ko ng sumikip iyon bigla. Pinunasan ko ang luhang tumutulo sa mga mata ko.

Ang huling larawan na hawak ko ay kinunan sa Tagaytay kung saan kami pumunta ni Jake. Same spot kung saan walang cottage. Tumawa ako ng pagak. Tumingala ako. Binaliktad ko ang larawan. May nakasulat.

June 26, ****

Happy birthday, my love! I hope na magtagal pa tayong dalawa! I love you!

Natawa ako sa nabasa ko. Binaba ko ang huling picture at pinunasan ang pisnge ko. Binalik ko silang lahat sa hapon. Napatingin ako sa red velvet box sa loob. Napalunok ako at dahan-dahang kinuha ang maliit na kahon. Parang may nakabara sa lalamunan ko. Tumikhim ako para maalis 'yon saka binuksan ang kahon.

There's a diamond ring inside. An engagement ring to be exact.

Bumalik sa 'kin ang sinabi nina Zia at Black noon.

"May isang sineryoso si Kuya. Babaeng mahal na mahal niya. Halos binigay niya l;ahat para sa babaeng 'yon."

"Don't trust the people around you. They just look nice but they are evil."

Mabilis kong binalik ang engagement ring sa loob at tinakpan ulit 'yon. Sino namang gagawa nito? Sinong gustong sumira sa 'min ng asawa ko? Kinuha ko ang kahon bago pumanik sa kwarto namin.

Pumasok ako sa walk-in-closet, kinuha ko ang maliit na stool sa gilid. Tumayo ako at inilagay sa pinakamataas na pwesto kung saan hindi mabilis makikita. Hindi ko hahayaang masira ang relasyon namin dahil lang dito. Past na sila at ako ang present ni Jake!

Alam kong hindi sisirain ni Jake ang pangako niya sa'kin. Hindi niya ako sasaktan.

Nanghihina akong umupo sa lapag. Sumandal ako sa pader at pumikit ng mariin. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga bago tumayo. Napatingin ako sa camera ko.

Lumapit ako't kinuha 'yon. Pagka-upo ko sa kama ay binuksan ko 'yon at tiningan ang mga laman. Madalas kong ginagamit ang regalo ni Jake. Yung bigay ni Dad ay nakatabi. Napangiti ako dahil halos puro larawan ni Jake 'yon.

Bumalik sa 'kin ang pictures na nakita ko kanina. Alam ko wala na sila. Bakit hindi niya agad sa 'kin? Bakit kaylangan niyang maglihim sa 'kin?

Bumuntonghininga ako at binaba ang camera. Binuksan ko ang AC saka humiga. Kinuha ko ang cellphone at tiningnan ang pangalan ni Jake. Hindi mo naman ako sasaktan, 'di ba? Napahikab ako bigla. 'Di namalayang hinihila na pala ako ng antok ang kamalayan ko.

Someone's P.O.V.

Napatingin ako sa pictures at napatingiti sa kawalan. Marami akong naging kasalanan at pagkakamali pero ang hayaan siyang mawala sa 'kin ang pinakamalaking pagkakamali ko . . . ang hayaan siyang umalis sa buhay ko.

Tumingin ako sa labas ng bintana. Pinapanood ko ang bahay nila. Napakaganda. Ganito ang pangarap namin noon. Ang magkaroon ng sariling bahay. Malaking bahay para sa mga magiging anak namin pero hindi na 'yon mangyayari dahil dumating siya at sinira ang lahat!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro