Chapter 63
Alex P.O.V.
TEN am dumating si Ate Ally. Nagpunta kami agad sa clubhouse para mapabilis ang trabaho. Nakaharap kaming lahat sa mga gumagawa at pinanood sila. Nagpapahinga kami sandali dahil kanina pa kami gumagawa.
"Ate, hindi talaga alam ni Kuya na you have surprise for him?" tanong ni Zia. Sasagutin ko sana siya ng hampasin siya ni Black na kinabigla ko. "Why did you do that?!"
"Don't be dumb, Klyzia Blue. Surprise nga. Malamang hindi alam," anito. Natawa ako sa kanilang dalawa. Ang cutie.
"Sana maging kambal din ang baby ko," bulong ko pero nakarating pa rin 'yon sa pandinig nila.
"Malay mo naman, Ate. Nasa lahi talaga ng mga Anderson ang kambal."
"Oo nga, sis. Ipag-pray natin," dagdag ni Ate.
Nginitian ko sila saka humawak sa tiyan ko. Anak, may kasama ka ba diyan sa loob? Dalawa ba kayo? Sana oo. Napatingin ako ng magsitayo sila.
"Saan kayo pupunta?" naguguluhan kong tanong.
"Tutulong na kami. Ikaw mag-stay ka lang diyan dahil bawal ka mapagod," sagot ni Ate. Wala akong nagawa kundi ang tumango. I will not put my baby in risk. Nilingon ko si Black na hindi naman umalis.
"Why are you looking at me?" tanong niya na hindi tumitingin sa 'kin. Nakatuon ang atensyon nito sa cellphone.
"I thought you're going with them."
"I don't want to. I want to rest. Sandali na lang kami dito tapos aalis na kami," anito. Tumango ako. This is my chance to asked her what she mean about last time.
"Anong ibig mong sabihin noong nakaraan tayong magkita?" tanong ko. Nanigas ang katawan nito, nagtatanong siyang tumingin sa 'kin, "please, Black. I know you know something. Alam mo ba kung sinong nagte-text sa 'kin? Kilala mo?"
Ngumisi siya at umiling. Iniwas niya ang tingin bago nagsalita.
"I can't say anything. Nasabi ko na sa 'yo ang pwede kong sabihin. Don't trust people around you." Magsasalita pa sana ako ng tumayo siya. Sumunod sa kakambal niya.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at tumingala. "Bakit ba ayaw mong magsalita, Black? Anong tinatago mo?" pabulong kong tanong sa hangin. Napatingin ako sa phone ko ng mag-ring. Tumatawag si Jake kaya mabilis kong sinagot.
"Hi, hubby. Kumusta?" tanong ko gamit ang pinasigla kong tono.
"I miss you, wife. Can I go home?! I want to hug you!" parang batang sabi nito.
Napangiti ako. "Nope, hubby! Tapusin mo na lang ng maaga ang mga trabaho mo then I'm yours tonight."
Jake cussed, "okay, wife. Be read! I need to hang up para matapos ko na ang mga ginagawa ko."
Ang bilis namang kausap ng baby. "Okay, hubby. I love you."
Binaba ko na ang tawag. Tiningnan ko ang wallpaper ko. It's Jake while sleeping. Nagising ako ng maaga noong minsan, nagwapuhan ako sa hitsura niya kaya nag-take ako ng picture.
"Mahal mo talaga siya?"
Nilingon ko ang nagsalita. Si Ate, dala ang mga telang ilalagay sa table sa tabi ko. Tumayo ako at tinulungan siya.
"Oo. Ikaw? You love him?"
Nagkatinginan kaming dalawa. "I don't know yet. Inaalam ko pa. Saka wag na natin siyang pag-usapan."
Ang tagal naman yata niyan," biro ko sa away nila. Pero mukhang 'di siya natuwa sa sinabi ko.
Hinampas niya ako ng marahan sa braso at inirapan. "Wag mong ibahin ang usapan. How did you know you love him?"
Napangiti ako sa katawalan bago siya nilingon. I shake my shoulders. "Iba yung feeling ko para sa kanya. Napapasaya niya ako. He completes my day. Inaalagaan niya ako."
"Really? That's good then."
"I want a happy family like what we have." Yumuko si Ate kaya kumunot ang noo ko. "Why? May mali ba sa sinabi ko?" tanong ko. Nag-angat siya ng tingin at ngumiti.
"Wala naman pero kung ako ang papipiliin ayoko ng gano'n. Sure ka bang kahit kaylan hindi nagloko si Dad? Knowing boys," aniya sabay irap. Binato ko siya ng tela.
"Bakit naloko ka na ba?" natatawang tanong ko. Umiwas siya ng tingin sa 'kin at akmang lilipat sa ibang table ng hawakan ko siya sa braso para iharap sa 'kin. "Niloko ka ba ni Jack?"
Maliit siyang ngumiti sa 'kin. "H-hindi . . . ano ka ba naman! Wala kaming relasyon kaya paano niya ko lolokohin?"
Pabulong na lang ang huling sinabi niya kaya hindi ko narinig.
"Sure ka ba? Baka mamaya pinagtatakpan mo lang."
"Alex, I'm the oldest. I love you and I understand you being protective of me pero I can handle this one," nakangiting sagot niya saka hinawakan ang pisnge ko para pisilin ang pisnge ko.
Huminga ako ng malalim. Tama siya. She's old enough to handle herself. I will trust my sister. Palagi naman akong nandito kung kaylangan niya ng tulong.
****
HAPON na ng matapos kami nila Ate. Maagang umalis ang kambal para maka-iwas sa traffic. Maganda ang ayos ng lugar. Fifteen table na six seaters ang hinanda namin. Magkakasya lahat ng iimbahang close friends and family member. I also invited some investors na malapit sa 'min.
Um-order kami sa Grab ng chuckie na siyang iniinom namin. "Sa tingin mo ba nagloko na si Dad kay Mommy?" tanong ko ng hindi tumitingin sa kanya. From peripheral vision, nakita kong lumingon siya sa 'kin bago muling tumingin sa kawalan.
"I don't really know. Wala naman silang pinakita at hindi naman natin sila nakitang nagtatalo about sa ganyang bagay. Madalas lang nangungulit o some usual away ng mag-asawa."
"Yeah. They never have a big fight before. I don't think Dad cheats on Mom." Hinawakan ko ang kamay niya at nginitian siya. "I'm really thankful for them by giving me a sister like you."
Ngumiti siya at humawak din sa kamay ko. "Same. I have the most—most?" Umakto siyang nag-iisip. Pabiro ko siyang inirapan na kinatawa niya.
"Ang sama mo! Mabubuti sinabi ko sa 'yo tapos ikaw walang maisip sa 'kin?" kunwaring inis na sabi ko. Binitawan ko ang kamay niya.
Natatawa siyang tumingin sa 'kin. "Of course I have. Iniisip ko pa nga lang." Sinimangutan ko siya at pabirong inirapan siya. Hinawakan niya ulit ang kamay ko. "Basta ang mahalaga, we love each other. I love you, sister!"
Binaba ko ang chuckie. Halos naubos ang dalawang pack na in-order namin. Yung kay Ate, meron pa. Pasimple akong ngumiti at mabilis na hinablot ang hawak nitong inumin sabay takbo ng mabilis palabas. Alam kong bawal tumakbo ang buntis pero minsan lang naman, at maliit pa ang baby bump ko.
"Alex!!!" Ate shouted my name. Medyo nakalayo na ako sa clubhouse. Natatawa akong uminom at hinintay siya sa medyo malayo.
"Akin na lang 'to. For your niece," ani ko ng makalapit siya sa 'kin dala ang plastic bag ng chuckie.
"May magagawa pa baa ko? Na sa 'yo na. Iniinom mo na," anito. Nauna siyang maglakad sa 'kin. Sumunod ako. Papalubog na ang araw, kulay kahel na ang kalangitan.
"I love you, Ate," muling ani ko. Nginitian niya ko and she mouthed 'I love you'. Nagkwentuhan kami hanggang maka-uwi sa bahay. Binuksan ko ang gate at lumingon sa kanya. Madilim na rin ang langit. Kitang-kita ang mga bitwin.
"Pasok ka muna."
"Hindi na. Kailangan ko ng umuwi. May gagawin pa akong portrait, eh."
Tumango ako. Hinatid ko na lang siya hanggang sa kotse niya. Sumakay sa loob si Ate at binaba ang salamin para sumilip sa 'kin.
"Pumasok ka na sa loob. Bawa kang mahamugan," anito.
"Pagka-alis mo, Ate. Mag-ingat ka sa pag-dra-drive. Message me when you're already at home," ani ko.
Nag-wave soua sa 'kin bago pinaandar ang kotse. Lumayo ako ng kaunti at kumaway muna bago iliko ang kotse at umalis. Kumawag ako sa papalayong sasakyan niya. Tumawid ako para sana makapunta sa kabilang side ng mapatigil ako sa isang nakakasilaw na liwanag ang tumama sa mukha ko.
Tinakpan ko ang mata ko upang makita kung sino 'yon. It head lights ng kotse. Umiling ako. Wala na talagang magawang matino ang mga tao ngayon. Nakahinto siya kaya umirap ako. Umiling ako. Nasa gitna na ako ng daan ng umandar ng mabilis ang sasakyan papunta sa 'kin.
Napako ako sa pwesto ko. Hindi ko makakilos. Mariin akong pumikit dahil akala ko sasalpok sa katawan ko ang sasakyan pero may malakas na brasong humila sa 'kin. Mariin akong pumikit dahil sa takot. Ilang beses akong anpalunok. Napadilat ako ng walang sakit akong nararamdaman.
"Wife?! Are you okay?!" nag-aalalang tanong ni Jake. Mabilis kong idinilat ang mga mata ko. I saw his angry expression na nakatingin sa kotse sa harapan. Nakahinto ito at nakasungaw sa bintana ang driver na may suot na mask.
Tumayo si Jake at lumapit sa sasakyan pero mabilis nitong pinasibad ang kotse. Maayos akong umupo at kinalma ang sarili ko. Napahawak ako sa tiyan ko at napaiyak.
"Baby . . . sorry! Sorry. Sorry! Hindi sinasadya ni Mommy! Sorry! Muntik ng may mangyari sa 'yong masama! I'm sorry, anak!!" sunod-sunod kong sabi. Nakita ko ang sapatos ni Jake na nasa gilid ko.
Lumuhod siya sa harapan ko at niyakap ako. Hinalikan niya ko sa labi. I can hear his fast heartbeats, ramdam ko ang panginginig ng katawan niya. Hindi ko sure kung sa galit o takot.
"I-I'm sorry . . . J-Jake . . . don't be mad at me," nanginginig kong sabi at sumubsub sa dibdib niya.
"Shhh . . . I'm not mad at you. I'm fucking mad to that reckless driver!" Pinangko niya ako at pinasok sa loob ng bahay. Binaba niya ako sa may sofa while he went to kitchen. Pagbalik niya may dala na siyang baso ng tubig. Inabot ko 'yon.
"Are you okay, wife? Wala bang masakit sa 'yo? Anong nararamdaman mo? Please, wife, tell me?" nag-aalalang tanong niya habang chine-check ang katawan ko.
Binaba ko ang baso sa lamesa at tinaas ang mga tuhod ko para yakapin 'yon. May takot pa rin akong nararamdaman. Natakot akong mawala sa 'kin ang baby ko. Ikinulong ako ni Jake sa mga bisig niya.
"I'm sorry . . ."
"Shh . . . it's okay. Bakit ka ba nasa labas kanina?"
"Nandito kanina si Ate. Hinatid ko lang siya sa kotse niya, Jake. M-muntik ng mawala sa 'tin si baby."
Nakatingin siya sa mga mata ko. Hinalikan niya ako sa labi at pinagdikit ang mga noo namin.
"Don't say worry, wife. Wala kang kasalanan. Aksidente ang nangyari," pagpapakalma niya sa 'kin. Tumango ako at gumanti ng yakap.
Aksidente lang ba talaga? Bakit . . . b-bakit pakiramdam ko hindi?
Pagkalipas ng ilang oras ay binuhat ako ni Jake papanik sa itaas. Pumasok kami sa banyo at sabay naglinis ng katawan.
Jake's P.O.V.
NAPATIIM bagang ako habang pinagmamasdan ang mukha ng asawa ko. Hinalikan ko siya sa noo at niyakap. Mabuti na lang maaga akong naka-uwi kanina kundi baka may nangyari na sa kanya at anak namin.
"Pagbabayarin ko ang taong 'yon, wife, hindi ako papaya na hindi makulong ang hayop na 'yon. Nilagay niya sa peligro ang buhay niyo ng anak natin!" mariin kong bulong sa tulog kong asawa. Mariin kong kinuyom ang kamao ko.
Kung sino mang hayop ang nagtatangka sa kanya ay magbabayad. Hindi ko hahayaang malangay muli sa alanganin ang asawa ko. Hindi naman talaga ako naniniwalang aksidente lang ang nangyari dahil napaka-suspicious.
Hindi ko hahayaang saktan niyo ang asawa ko! Magbabayad kayo!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro