Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 61

Alex P.O.V.

"HUWAG mo kong iwanan, wife. Dapat sabay tayo. Kasi hindi ko kakayanin kapag nawala ka."

Kinakapos ako ng hininga ng marinig ko ang mga katagang 'yon sa kanya na punong-puno ng sincerity. Hindi ko maiwasang hanapin sa mata niya ang katotohanan dahil baka dinadaya lang ako ng isipan ko. Na baka gawa-gawa niya lang 'to.

Napalunok ako. "A-ano bang ibig mong sabihin?" nanginginig ang boses ko.

"What I mean is . . . you can't leave me wife. You cannot walk out of my life anymore." Pumuwesto siya sa likuran ko at inipon ang buhok ko sa kabilang gilid ng leeg ko.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Para akong aatakihin.

"H-hindi pwede 'yon . . . may u-usapan tayo, 'di ba? After six months we're going to separate."

"It can, Alex. Asawa kita sa mata ng Diyos at mga tao. Besides, tayo lang naman ang may alam sa agreement na 'yon," bulong niya't humalik sa batok ko.

Gosh! Too much public display of affection!!

Maraming beses akong lumunok ng maramdaman ang pag-alis niya sa likuran ko. Nakangiti siyang humarap sa 'kin, hinawakan ko ang malamig na bagay na nasa leeg ko. It's a necklace with heart pendant. Bumaba ang tingin ko doon. It has stars inside. Tiningnan ko si Jake.

"That's the north start, baby. The Polaris," he said.

Parang may mainit na kamay ang humaplos sa dibdib ko dahil do'n.

"Ito yung kinuha mo?" nakangiting tanong ko habang nakatingin sa kwintas.

"Yep. Because I want you to remember that you're my north start, baby. You're the one who give's my life a direction."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko't walang sabi-sabing niyakap siya ng mahigpit.

"Thank you, hubby!!! Thank you so much!!" bulong ko.

Inilayo niya ang katawan niya sa 'kin at pinunasan ang pisnge ko. Hindi ko na namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko.

"Don't cry, wife. I don't want to see you crying," anito.

Ngumiti ako. "This is tears of joy, hubby." Hinawakan ko siya sa magkabilang pisnge at siniil ng isang malalim na halik. Nang maglayo ang labi namin ay tinitigan ko siya sa mata. "Uwi na tayo, hubby. Let's buy our food na lang and watch movies at home."

Humalik siya ulit sa noo ko bago ako hinawakan sa bewang. "Let's go, wife."

Like what we planned. Nag-grocery kami at bumili ng ice cream cake. Ito na siguro ang isa sa pinakamasayang araw ng buhay ko. Madilim na ng lumabas kami ng mall dahil panay ang harot sa 'kin ni Jake habang nasa grocery store. Kinain na rin namin sa kotse yung ice cream cake dahil baka matunaw.

"Hubby, mauuna na ako sa loob. Ilalagay ko kasi yung ice cream cake."

"Okay, wife. Mag-ingat ka," paalala niya sa 'kin. Ngumiti ako. Mag-ingat, nasa loob na ako ng bahay natin.

Binuksan ko ang pinto at dumeretso sa kusina. Binaba ko ang mga dala ko sa lamesa.

"Abby!" tawag ko sa bata.

Lumakad ako sa ref at nilagay sa freezer ang cake. Napalingon ako ng bumukas ang pinto sa gilid, sumilip si Abby na namumungay ang mga mata na para bang kakagising lang.

"Kumain ka na, Abby?"

"Opo, ate. Kayo po?" Akma pa siyang lalapit sa kalan ng pigilan ko.

"Kami na ang bahala diyan, Abby. Magpahinga ka na." Lumapit ako sa kanya. "Kumusta nga pala ang pag-aaral mo?" Umupo ako sa upuan, ginaya naman ako ni Abby at sa katapat ko siya umupo.

"Okay lang po, Ate. Tinutulungan ako ng kambal."

"Okay. Naka-isip ka na ba ng course na kukuhanin mo sa college?" biglang tanong ko.

Natigilan si Abby. "Pag-aaralin niyo po ako sa college?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Malawak akong ngumiti. "Oo naman. Akala mo ba hanggang High School lang?" Dahan-dahan siyang tumango. Umiling ako at kinuha ang kamay niya. Magsasalita sana ako ng pumasok si Jake bitbit ang mga plastic bags ng pinamili namin. Sa sink niya iyon dineretso.

"Is this a girl to girl talk?" tanong ni Jake ng malakapit sa 'kin.

"Nope. I'm just asking her kung anong course ang kukunin niya sa college."

Nilingin nito si Abby at tumango. "You can say it now para maisabay ka na namin kina Zia and Zene."

Nahihiyang nag-angat ng tingin sa 'min ang dalaga. "A-ano po . . . gusto ko po sanang kumuha ng culinary at magtayo ng sarili kong restaurant."

"Maganda naman. Okay sa 'yo 'yon dahil magaling kang magluto. Mae-enjoy mo," ani Jake.

"Opo. Gusto ko rin magkaroon ng madaming branch sa buong Pilipinas," puno ng pangarap niyang sabi. Napangiti ako doon. Buhay na buhay ang pangarap niya kahit na mahirap ang pinagdaanan niya sa buhay. Pinisil ko ang palad niya. Napangitingin siya sa 'kin. Mangiyak-ngiyak. "Thank you po, Ate."

"Welcome, Abby. You deserve it. Like what my mom said to me, pagbutihin ang pag-aaral dahil hindi mananakaw sa 'tin ang edukasyon plus pangmatagalan na."

Tumango siya at binitawan ang kamay ko. Akala ko ay babalik na siya sa kwarto niya pero hindi. Umikot siya at lumapit sa 'kin. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Thank you po talaga, Ate. Thank you sa inyo ni Kuya. Siguro kung hindi ako sa inyo napasok hindi ako makakapag-aral uli."

I hugged her back. "That's okay, Abby. Don't cry," pag-aalo ko.

"You should sleep, Abby. May pasok ka pa bukas," ani Jake. Humiwalay si Abby sa 'kin at tumango.

"Iwanan niyo na lang po yung magagamit niyo. Bukas ko liligpitin," sumisinghot-singhot niyang sabi.

Sabay kaming tumawa ni Jake dahil doon. Tumayo ako at inalalayan siya pabalik sa pinto kung saan papunta ang kwarto niya.

"Matulog ka na, Abby. Ako ng bahala," ani ko.

"Goodnight po," nakangiting aniya bago sinarado ang pinto.

Nang wala na siya sa paningin ko ay nilingon ko si Jake. Tinatabi niya ang mga pinamili namin. Lumapit ako, saka siya niyakap sa bewang. Amoy na amoy ko ang mabango niyang scent.

"Ang bait mo sa kanya," ani Jake pagkaraan ng ilang minuto. Lumayo ako sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ko.

Nilingon niya ako, "mabait ka sa ibang tao, 'yun lang."

Mas lalong nagsalubong ang kilay ko. May gusto ba siyang palabasin sa pagtulong ko kay Abby?

"Alam mo ang gulo mong kausap," ani ko saka kumuha ng isang pan. Sinalang ko 'yon sa apoy bago sinalinan ng mantika. Tinabihan ako ni Jake.

"Gusto mo bang magtayo ng foundation para makapagbigay ka ng maraming scholarships?"

Umawang ang labi ko. "Seryoso ka?" Lumabas ang isang ngiti sa 'kin ng tumango siya.

"I want that, hubby! We can help a lot of people who want's to study or to continue their study!! I'm so excited!!"

Nakangiting nakatunghay siya sa 'kin.

"Bakit?"

"You're beautiful."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at niyakap siya. Wala akong masabi sa lalaking 'to. Humalik ako sa leeg niya dahilan ng mas paghigpit ng hawak niya sa bewang ko.

Nang may maamoy akong nasusunog ay naalala ko ang niluluto ko. Nilingon ko siya. Inabot ko ang sandok at fishball.

"Gutom na ko, hubby. Want ko na ng fishball. Cook it for me, please?" I do my puppy eyes sa harapan niya.

Tinanguan niya ako kaya iniwan ko an siya doon. Pumanik ako sa kwarto namin at naghubad ng damit. Pumasok ako sa banyo't naglinis na ng katawan. Lumabas ako na nakatapis lang ng towel. I wear Jake's shirt and underwear. Tinutuyo ko na ang buhok ng pumasok si Jake. Nginitian ko siya.

"Wow." Inamoy ko ang pagkaing dala niya. "Amoy yummy!"

"Wife, mas madalas ka pang kumain ng streetfoods. Iyan baa ng napapaglihihan mo?"

"Yeah, I think so." Tumusok ako ng fishball at sinawaw sa kuya manong sauce and sinubo 'yon. Tumusok ulit ako para ibigay naman kay Jake.

He opened his mouth and sinabo 'yon. Kinuha ko ang tray na dala niya at dinala sa kama. Sumampa ako at kumain.

"I'll just take a shower, wife." Hindi ko nilingon si Jake, instead inabot ko ang remote at binuksan ang TV.

Nanunuod ako ng news habang kumakain. Nang mabusog, nilagay ko sa side table ang tray at pinatay ang TV. Pumasok ako sa banyo, naabutan ko si Jake na nakatalikod sa 'kin sa shower.

"Nice butt," puri ko. Nilingon ako ng asawa ko at nginitian ng pilyo.

"Join me, wife?" he asked.

Lumapit ako sa sink at kinuha ang toothbrush ko. "No thanks, hubby. Okay na ako sa view," nakangising sagot ko. Actually, wala naman talaga akong nakikita except for his back. Medyo blurry pa dahil basa ang salamin.

"Ayaw mo talaga?" ani pa nito. Hindi ko namalayang nakalabas na siya ng shower at nasa likuran ko na.

"Nope. I'm done eating na kaya matutulog na ako," sagot ko. Yumuko at nagmumug, hinarap ko si Jake. "Let's sleep na, hubby."

Nagpahila sa 'kin si Jake palabas ng banyo. Ako sa kama dumeretso at siya sa walk-in-closet. Paglabas nito ay nakasuot lang ng boxers. Lumakad siya papunta sa 'kin. Tumabi ng higa.

"Jake." Umunan ako sa dibdib nito.

"Hmm?" He play with my hair.

"Hindi na ba natin kaylangang maghiwalay after this month?" inaantok at nag-aalalang tanong ko.

Yumakap siya ng mahigpit sa 'kin. "Hindi na, wife. Magkaka-anak na tayo. We can't let him have a broken family."

Natigilan ako. Ayaw niya kaming maghiwalay dahil sa bata. Ang anak namin ang dahilan kaya hindi matutuloy ang annulment. Dahil sa disappointment na nararamdaman ay tumalikod ako ng higa.

"Why? Is there something wrong?" nag-aalalang tanong niya.

Pilit akong tumango. May ilang butil ng luha ang pumatak sa mga mata ko bago ako tuluyang nilamon ng dilim.

Jake's P.O.V.

SINILIP ko ang mukha ni Alex ng maging marahan ang paghinga niya. Napangiti ako habang pinapanood siyang matulog. Pretty. Sana maging babae ang unang anak namin, gusto ko maging kamukha niya.

Hinawakan ko ang tiyan niya't kinausap 'yon kahit alam kong hindi pa niya ako maririnig.

"Baby, I'm your Dad. How are you in there? Huwag mong pahirapan ang Mommy, ha. I'm excited to meet you, love. Gusto ka ng makahawakn ni Daddy," pagka-usap ko dito.

Napangiti ako at hinalikan muna ang asawa ko bago siya niyakap ng mahigpit. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro