Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 60

Alex P.O.V.

HINIHINTAY ko ang sagot niya. "Gusto ko pero parang mas maganda kung pareho?" maharot niyang sabi.

Kunot-noo akong umayos ng upo. "Grabe ka! Dalawa?! Isa lang dapat! Choose, is it Daddy or hubby?!"

Tumawa ng malakas si Jake at pinisil ang ilong ko. "Bakit galit na galit ang asawa ko? Fine, hubby na lang para hindi ka na magalit."

Inirapan ko siya at sumandal sa may upuan. "Tsk. Mag-aaya ng date ta's mang-aasar!" bulong ko sa hangin.

Jake's P.O.V.

I SHOOK my head while looking at her. Ang tindi talaga ng mood swings ng mga buntis, kaya dapat mag-ingat ako dahil nambubuga ng apoy ang asawa ko.

Pi-nark ko ang kotse sa gilid. Nilingon ko si Alex na nakapikit na. Madalas siyang tulog dahil siguro sa pagbubuntis niya. Inalis ko ang seatbelt ko. I saw her lips are parted, humihilik ng mahinia kaya napangiti ako. Hinalikan ko ang labi niya, sunod ang noo at magkabilang pisnge.

Marahan kong inalog-alog ang braso niya para magising siya. Nagmulat siya ng mata at bahagya pang nagulat dahil sobrang lapit ng mga mukha namin. Halos isang dangkal ang layo.

Nakatitig ako sa mga mata niya. Ang mga matang gusto kong huling makita bago matulog at magisnan kapag nagising kinabukasan.

Si Alex ang unang nag-iwas ng tingin. Ilang beses akong tumikhim dahil parang uminit ang kotse. Lumayo ako at nag-alis ng seatbelt ang asawa kong tumingin sa labas ng bintana. Nasa tapat kami ng mall. Hindi na kami masyadong lalayo dahil baka ma-stress na naman siya tulad noong nag-Tagaytay kami.

Bumaba ako ng sasakyan at umikot sa kabila para pagbuksan siya ng pinto. Humawak si wife sa braso ko. Sinara ko ang pinto at ni-lock ang kotse bago hinawakan ang kamay niya. Nang makapasok kami ay tumingin ako sa asawa kong naglilibot ng tingin.

"Where you want to go first?"

"I want ice cream, hubby."

I looked at my watch, it's already lunch. I can let her eat cold food now. Hinila ko siya papunta sa DQ. I ordered two ice cream in cup. Habang naghihintay ay nakarinig ng bulong-bulungan.

"Girls, look . . . hindi ba't si Jake Anderson 'yon?"

"Walang pinagbago. Ang gwapo pa rin."

"May kasama, girls. Wag na kayo, may asawa na daw yan." Tumaas ang kilay ko sa huling sinabi ng babae. Mabuti naman at alam nila.

Ang ayoko sa babae, ay yung mga naghahabol sa mga lalaking may asawa o girlfriend na pagkatapos ay mauuwi sa cheating. Ayoko na no'n. Wag na tayong magsinungaling ganoon ako dati at hindi ko na uulitin. Pero ayoko ang babaeng naghahabol sa taong alam nilang hindi pwede.

We should respect our partners' kahit anong mangyari. We should also respects ourselves, dahil kung hindi natin magawa iyon sa sarili natin paano tayo irerespeto ng iba?

"Jake."

Lumingon ako sa asawa ko ng tawagin niya ako. Hawak na niya ang dalawang ice cream. Inuha ko ang wallet ko at akmang maglalabas ng pera ng pigilan niya ako.

"No need na, hubby. I already pay."

"Thanks, wife." Kinuha ko sa kanya ang isang ice cream at hinalikan siya sa noo. Humawak ang kamay ko sa kamay niya at hinila siya paalis doon.

"You want to go the arcade?"

Nakangiting sunod-sunod na tumango ang asawa ko sa 'kin. Ngumiti ako ng maliit at tinaas ang kamay ko. Idinampi ko 'yon sa gilid ng labi niya para alisin ang kumalat na ice cream, after that ay dinilaan ko ang daliri ko. Alex gulped.

******

WE explore the time zone. Bumili ako ng madaming tokens para sa 'min ni wife. Hinila niya ako papunta sa basketball ring. Naghulog ako ng tokens at nag-umpisang mag-shoot ng bola nang umandar ang timer.

"Gooooo, hubbby!!!!!!" Alex cheered loudly for me.

Mas ginanahan tuloy akong maglaro dahil do'n. Kada shoot ko naman ay lumilingon ako sa kanya para idampi ang labi ko sa labi niya. Umawang ang labi niya nang kindatan ko siya.

"One shoot, one kiss."

Sobrang nangamatis ang mukha ng asawa ko. Yumuko ito. Hindi naka-iwas sa paningin ko ang simple nitong pagtingin sa paligid. She's checking if our people is looking at us? Tss. Like I care.

"Wife, kissing is okay. We're adults and husband and wife. Kasalanan ba nating wala silang love life?" natatawang ani ko.

Inirapan niya ako bago marahang tumango. Napangiti ako at naghulog pa ng isang token. I played again. Kagaya ng usapan kada shoot sa ring ay may halik ako. Hindi nga pala alam ng asawa kong dati akong Team Captain ng basketball ng University namin.

Hanggang sa hindi na namin namalayan ng asawa kong madami na palang nanunuod sa 'min. Hindi ko na rin nabigyan ng atensyon ang points na nakukuha ko. Mas gusto ko kasi ang halik. Nang huling bola na ang isho-shoot ko ay pumasok ito. Tumalikod ako't hinarap si Alex, mahigpit ko siyang hinapit sa bewang at saka siniil ng isang malalim na halik.

When our lips touched, a strong electricity flowed through my body. Naghiwalay lang kami ng umugong ang malakas na palakpakan. Nginitian ko ang mga tao bago hinila paalis ang nahihiya kong asawa. Naglibot pa kami sa loob hanggang sa huminto kami sa tapat ng claw machine. Lumapit doon si Alex, nakatitig siya sa isang teddy bear.

"You want it?" malambing kong tanong. Alex pouted her lips and nod. Hinalikan ko siya sa noo. "I'll get you one."

"Hubby, want ko si Doraemon, ah."

Tumango ako. Naghulog ako ng isang token at humawak sa joystick. Nasa gilid ko si Alex na pinapanood ako. Binaba ko ang claw sa tapat ng Doraemon na gusto ng asawa ko. Napangiti ako ng makuha ko 'yon. Agad kong inangat at dinala sa may hulugan pero bago pa man makarating ay nahulog na 'yon.

Malungkot na ngumuso si Alex ng malingunan ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko at naghulog ulit ng token.

"Don't worry. Makakakuha rin ako." Sinubukan ko muling kuhanin 'yon.

"Hubby, wag na. Okay lang kahit hindi mo makuha." Hindi ko siya pinakinggan dahil nag-uumpisa na akong mainis.

"You want this one, wife. I will get it for you." Naka-ilang hulog ako at subok pero hindi ko magawang kuhanin. Kada malapit na siyang mahulog sa lalagyan ay nabibitawan siya ng claw.

"ARGH!!" Asar kong hinampas ang claw machine at naghulog ulit ng token. Huli na ang hinulog ko dahil naubos na ito. Muli kong pinagalaw ang claw papunta sa tapat ni Doraemon. Sa huling pagkakataon ay nahulog na naman ito. Galit kong hinampas ang machine. Humarap ako sa counter kung saan kami nagpapalit ng tokens.

Nakita siguro nilang hinampas ko ang machine kaya may isang lumapit sa 'min.

"Sir, may problema po ba?"

"HOW MUCH IS THIS FUCKING MACHINE?!"

Hindi makapaniwalang tumingin sa 'kin ang kausap ko. Ilang beses akong huminga ng malalim. Tumingala ako bago nagsalita.

"How. Much. Is. This. Fucking. Machine?!"

"Jake! Wag mo ng bilhin 'yan!" mariing pigil ni Alex.

Umiling ako sa kanya. "No, wife. We'll get the Doraemon. So how much is that—"

"Sir, hindi po namin siya binebenta," ani ng babae.

"Thirty fucking thousand."

"P-Po?!"

"Hubby!!!"

Seryoso ko siyang tiningnan. "Okay na ba ang thirty thousand for one machine?"

Inilabas ko ang wallet ko. Maraming beses na lumunok ang babae at tumango. Kinuha ko ang black card ko at tinanggap iyon ng babae.

"Ano . . . sir. Saglit lang po. Doon muna kayo kasi aalamin po kung saan po ide-deliver ang machine," anito bago tumalikod. Tumingin ako sa asawa ko na ngayon ay nakatingin sa 'kin.

"What?"

Sinimangutan niya ako. "I told you not to buy it, hubby! Sana bumili na lang tayo ng Doraemon na stuff toy kesa sa machine. Sayang ang thirty thousand mo!" pangaral niya.

Inakbayan ko siya saka hinila papunta sa counter. "Ang Doraemon sa loob ng claw machine na 'yon ang gusto mo kaya iyon ang kukuhanin natin. Kung ano ang gusto mo ibibigay ko."

Gumanti ng yakap ang asawa ko at saka humalik sa pisnge ko. "Thank you, hubby. Thank you for always making me feel loved."

Hinalikan ko siya sa noo. "I-I love—" Hindi na natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita ang babaeng kausap namin.

"Sir, ide-deliver na lang po namin sa inyo. Fill-up-an niyo na lang po ito." Inabot niya sa 'kin ang isang form. Sinagutan ko naman iyon at binalik sa kanya.

"Is that all?"

"Opo."

Umalis na kami doon pagkatapos Malayo na kami ng mapansin ko ang asawa ko, tumigil siya sa paglalakad kaya tumigil din ako.

"Why? Are you hurt?" nag-aalalang tanong ko.

"May sinasabi ka kaninang naputol. Ano 'yon?"

Natigilan ako. Oo nga pala. Muntik ko ng masabi sa kanya 'yon. Well . . . hindi pa sa ngayon. Dapat ay good timing. Nginitian ko siya at mahinang pinitik sa noo.

"Wala. Gusto mo na bang kumain? Baka nagugutom na kayo ng anak natin."

Nag-pout siya. "Hmp! Meron, eh. Ano 'yon?"

Inakbayan ko siya at hinila papunta sa isang fast food na nadaanan namin kanina. "Wala po, wife. Kumain na lang tayo."

Kinurot niya ko sa tagiliran, hindi naman masakit. Nang makapasok kami sa kainan ay madaming tao. Halos walang maupuan.

"Sa iba na lang kaya tayo?" ani ko.

"Okay." Nagpunta kami sa exit ng mall. Hinawakan ko ang kamay niya at pinigil siya. Naguguluhan siyang tumingin sa 'kin.

"Lalabas tayo?"

"Oo. Hahanap ng street foods."

"Wife, hindi natin alam kung safe ba 'yon. Ipagluluto na lang kita sa bahay," alok ko.

Sinimangutan niya ako. "Gusto ko 'yung nasa labas, eh. Sige na! Minsan lang naman."

Inilingan ko siya. "Hindi pwede, wife. Hindi natin alam kung saan ginawa o kung malinis ba 'yon. Think of our baby. Kakainin din niya ang kinakain mo."

Mukhang naiintindihan naman niya ang gusto kong iparating dahil tumango ito. Ngumiti ako. Mahal na mahal talaga niya ang anak namin.

"Mag-shopping na lang tayo ng kaylangang ingredients sa gusto mong kainin tapos sa bahay na lang natin lutuin. Is that okay?"

"Yes, hubby." Pinanood ko siyang maunang maglakad sa 'kin. Napapangiti na lang ako dahil para siyang bata ngayon.

Unang kita ko pa lang sa kanya ay napukaw na niya ang atensyon ko. Pareho kaming tahimik no'n pero hinihiling ko na sana ay magtaas siya ng tingin sa 'kin at bigyan niya ako ng sulyap. Alam kong mali ang nagsinungaling ako sa kanya.

Noong pagkakataong nagalit siya sa 'kin. Nambabalibag ng tsinelas kaya dapat ay hindi siya inisin dahil baka mamaya hindi lang sinelas ang ibato niya sa 'kin.

Nagbalik lang ako sa reyalidad ng tumigil si Alex sa paglalakad. Nakata sang cellphone niya habang nakatutok sa 'kin. Inilang hakbang ko ang pagitan namin.

"Pilya. Alam mo bang masamang kumuha ng picture without consent?"

"I'm your wife naman. Bawal ba?"

Kagat labi akong umiling. "Wala naman akong sinabi.

Naiinis siyang tumingin sa 'kin, "pero gano'n gusto mong palabasin." Tinawanan ko siya at hinawakan sa kamay.

Pinagsaklop ko ang palad namin at tinitigan ko siya sa mata.

"Huwag mo kong iwanan, wife. Dapat sabay tayo. Kasi hindi ko kakayanin kapag nawala ka." 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro