CHAPTER 6
Jake's P.O.V.
INIHATID ko sina Mom at Dad sa bahay nang makatanggap ng tawag galing office because I have an emergency na kaylangan ng supervision ko. Halos paliparin ko na nga ang sasakyan ko dahil panay tawag n Mom sa 'kin para pagmadaliin ako sa pag-uwi.
I just sigh. Nang makarating ako sa bahay ay maayos kong pinarada ang sasakyan ko sa likod ng sasakyang ginamit nina Alex dahil puno na ang garahe. Lumabas ako sa 'king chevrolet Camaro. Lumakad ako papasok sa loob ng bahay.
Naabutan ko sa sala ang parents ko kasama ang mga magulang ni Alex. Hinanap ng mga mata ko ang dalaga ngunit wala siya doon. Where is she?
Napansin ko ang pagngiti ni Mom nang makita akong pumasok sa loob. Lumapit ako sa kanila.
"Son, you are fast," nakangising ani Dad na naka-akbay kay Mommy. Until now they are still sweet with each other. You can still feel the love between them lalo na kapag ka tumitingin sila sa isa't isa. With love and admiration.
Umupo ako sa tabi ni Mom at hinalikan siya sa noo. "Kasi naman si Mommy halos hindi na tigilan ang secretary at cellphone ko kakatawag. Umuusok na nga dahil do'n," natatawang ani ko.
Tumingin ako kina Auntie at Uncle.
"Where's Alex po?" magalang kong tanong. Napangiti ang mga ito at malisyosong tumingin kay Mom.
Tumaas ang kilay ko dahil do'n.
God, these old people really love to pair us, huh.
"She with the twins. Go upstairs at tawagin mo na sila para makapagmeryenda na tayo sa may pool side," ani Mom.
Tumango ako't tumayo. Lumakad ako at umakyat sa hagdan. I heard my mom asked them to go sa poolside.
I was walking towards their study room para tawagin sila nang makarinig ako ng mga boses na nag-uusap. Instead na sa kanan ay kumaliwa ako. No...don't tell—hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng mapahinto ako sa tapat ng pintuan ng kwarto ko. May kaunting siwang ang pinto kung saan ko nakikita sina Alex and Zia.
Tsk. Tsk.
Umiling ako.
Zia, ang kulit talaga. Nagpapasok sa kwarto ko.
Alam kong mali, dapat umalis na ako o katukin sila pero I stay to listen.
"Of course not!" nanlalaking matang sigaw nito. I smiled because of that. She's cute.
"Talaga? Eh, ba't ganoon ang reaction mo?" mapang-asar na tanong ni Zia.
"Dali na, Klyzia. Answer me," pilit ni Alex. She walk palapitsa kama ko at doon naupo. I understand why, there's no couch or sofa in my room.
Kumunot ang noo ko. What are they talking about? What she's asking about to my sister? Questions filled my head. Mas nagtago ako sa gilid para hindi nila ako makitang nakikinig.
"Okay. Fine." Zia surrendered. "As of now, wala akong nababalitaang may girlfriend siya. Pero mayroong naging. Matagal na 'yon, first girlfriend niya yata. Yung iba kasi is kalandian lang niya."
Napapikit ako. I think I already know their topic.
"So playboy siya?"
Napangisi ako sa tanong ni Alex. Why? Want to stop our wedding already?
"Of course not! I will continue my story na. May isang sineryoso ang Kuya ko. Babaeng mahal na mahal niya. Lahat ng luho binigay ni Kuya sa kanya. I don't want to say her name na lang kasi naiinis talaga ako kapag naalala ko siya. She's a gold digger and a slut. Niloko niya s Kuya.
"Two years na sila noong umalis ng bansa si Ate gurl ng walang paalam. Walang pasabi sa kahit kanino. But my brother is so stupidly in love, sinundan niya ang babaeng 'yon. Kuya saw her with another man. They are kissing, hugging. Holding each other's hand. And yung masama?"
"Ano?"
"Mas matanda pa kay Kuya ang pinalit niya. My God! Humanap na nga lang siya ng iba, mas matanda pa. Naghahanap lang pala ng sugar daddy ang gaga!"
Napangiti ako sa pagiging gigil ng kapatid ko. Wala naman ng kaso sa 'kin kung naririnig ang kwentong 'yon dahil totoo naman. It made me realize na masamang magmahal ng sobra-sobra dahil baka maiwan kang basag. That girl is a bitch. Nagsisisi lang ako na hindi ako nakinig sa mga tao sa paligid ko no'ng pinapayuhan nila ako tungkol sa kanya.
"Since that day wala nang sineryoso si Kuya," malungkot na sabi ng kapatid ko.
It's hard to trust again lalo na sa naging karanasan ko sa pag-ibig. But...someone...helped me to go through it.
"Until you."
Napakunot ang noo ko. What?
"Why me?"
"Because I can see that you can make my Kuya happy again. I can already see your future. Magkakaroon ako ng twelve na pamangkin and tatanda kayong magkasama," Zia said dreamingly.
Umiling ako. Kinain na ng Sistema si Zia.
I cannot see Alex reaction. Hindi ko tuloy malaman kung anong hitsura niya ngayon. Sorry na lang sa kapatid ko. Mahilig talaga siya fairy tale.
"Alam mo, masaydo kang nag-iisip ng kung ano-ano. Malay mo naman kung may ibang gusto ang Kuya mo. Halata naman kasing hindi ako ang tipo niya. Sa hitsura ng Kuya mo, ang mga tipo noon ay mga sexy, maganda, matangkad. Like model. Unlike me. I'm just an inspiring designer and freshly graduate business woman," Alex said.
I bit my lower lip. Who said that, woman? You don't know my taste in woman.
"Don't think like that, Ate. You're beautiful and sexy. Matangkad ka rin. Pwede ka ngang model," pambobola pa ni Zia.
That's true. Alex is beautiful. She could pass as a model. She have the body and face. Sa tingin ko'y nasa 5'8 ft. ang taas nito.
"Stop it. Ang i-wish mo sana matutunan naming mahalin ang isa't isa, huwag ang magka-baby kasi all I want is a big and happy family. Me, my husband and our kids. And in our situation right now, I think hindi mangyayari 'yon. You see, we're in arrange marriage and no one—or kaunti lang ang mga kinakasal ng ganito na nagmamahal sa huli. Madalas nauuwi lang sa paghihiwalay o kaya naman ay masamang pagsasama and I don't want a marriage like that."
Bumigat ang loob ko dahil sa sinabi ni Alex.
What she said really sank into me.
Dahan-dahan kong sinarado ang pinto upang huwag silang maistorbo sa loob. Tumalikod ako't marahang umalis doon.
She's right. Madalas ay nauuwi sa loveless marriage or hiwalayan ang karamihan sa mga arrange marriage na nangyayari. I can understand her sa kung anong pamilya ang gusto niya. Ganoon rin ang sa 'kin. I want a happy and big family, and hindi naman namin makukuha 'yon kung walang magsasakripisyo.
I will make things right. Maybe we need to know each other to make this relationship work out.
Habang pababa ng hagdan ay may naiisip akong mga plano sa 'ming dalawa.
*******
HAPUNAN na nang bumaba ang tatlong babae sa itaas. Klyzene is wearing a panjama and shirt while Zia wears short and shirt, too. Kasama nila si Alex na halatang pagod na rin.
We're in dining room and eating. Magkatabi kami ni Alex at katapat naman namin ang kambal. Nasa magkabilang dulo sina Dad at Uncle, nasa right side ang mga asawa nila. Alex' sister is not here dahil sa emergency ring pinuntahan nito.
"Hija, bukas ay pupunta kami sa bahay niyo. Magsasama ako ng isang wedding coordinator," sabi ni Mom.
Nag-angat ng tingin si Alex and tumango.
"Ahm. Kasama niyo po ba si Jake?" mahinang tanong niya sabay tingin sa 'kin. Bumaba ang tingin ko sa kanya kaya nagtama ang mga mata namin. We have our eye contact again. She has hazel eyes. I smile at her.
"Yes, hija. Syempre kasama siya do'n dahil kayo ang ikakasal. Both of you will choose the design for your wedding like your request."
Umawang ang labi ng babae at saka tumango.
Kinuha ko ang Adobo. Nilagyan ko ng ulam ang plano niya dahil wala pa. "You're skinny," ani ko bago bumalik sa pagkain.
Sandaling tumahimik ang buong mesa. Mukhang nagulat sa sinabi ko. Ngunit ng makabawi ay agad nila kaming binato ng tukso. Lalo na ng magagaling kong kapatid.
"Smooth 'yon, Kuya!! May pa-lagay-lagay pa ng ulam, ha? Sa 'min nga 'di magawa, eh!" ani Zia.
Dahil sa sinabi niya ay kinuha ko ang sandok ng ulam at nilagyan ang plano niya. Lahat yata ng ulam ay nilagay ko sa kanya.
"KUYAAA!!"
Tumawa ako ng malakas. Nang ambang lalagyan ko rin ang plano ni Black ay mabilis niya iyong inangat at nilayo. Natawa ang iba dahil sa ginawa niya. Nilingon ko si Alex na tumatawa rin. Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako. Napaka-ganda niya.
Masaya kaming kumain ng hapunan hanggang sa matapos.
After naming kumain ay niyaya ko si Alex sa pool area. Naka-upo kami ngayon sa may gilid ng pool, nakababad ang mga paa namin sa tubig.
"Do you want to talk about something?" tanong ko pagkatapos ng mahabang katahimikan. Tumingin siya sa 'kin at ngumiti.
"Kwento ka tungkol sa sarili mo. Then ako pagkatapos mo," aniya.
Tumango ako at tumingala. Maganda ang panahon. Walang ulap na nakatabing sa bilog na bilog na buwan at nagkalat na bitwin sa langit.
"My name's Jake Gabriel Anderson. Twenty-four years old. My birthday is April 21. I'm the CEO and chairman of our company. Favourite color is gray. Favourite song is ache breaky heart." I stopped from talking when I saw her secretly laughing at me when she heard what my favourite song is. "Why are you laughing?"
Is it because I'm saying like reading a scrapbook?
Hindi na nagpigil pa ang babae, malakas siyang tumawa nang humarap sa 'kin.
"P-paano b-ba naman kasi...ache bre-breaky heart?" Halos hindi na makahinga ang babae sa kakatawa. Kahit na puno ng kahihiyan ay napangiti pa rin ako.
"Is there something wrong with it?"
Umiling siya. Pinunasan ang luhang tumutulo sa mga mata niya kakatawa. Tinikom nito ang bibig para pigilan ang sarili.
"Wala naman...pfft...kaya nga lang kakaiba kasi siya. You are too manly ta's gano'n," aniya.
Nag-iwas ako ng tingin.
"Hey, sorry sa pagtawa. Walang mali do'n," suyo niya.
Tumango ako. "Okay. Can I continue na?"
"Yes. Yes." Niyakap niya ang braso ko kaya napababa ako ng tingin sa kanya. She looks at me with puppy eyes while pouting. Kusang gumalaw ang kamay ko't pinisil ang ilong niya.
"You look like a duck." Ngumisi ako.
Nanlaki ang mga mata nito. "Me?! A duck?!" Malakas niyang tanong.
Natatawa akong ngumiti. "And my favourite food is Sinigang. Well, I kinda have this thing na nalalaman ko kapag hindi si Mom ang nagluluto. Sometimes I'm not eating kapag ganoon. I bet you already meet my twin sisters, right?"
Tumango siya.
"I'm a businessman. I graduated in USA. My Dad give me the company when I'm twenty-one years old."
"Tapos na?" nakataas kilay niyang tanong. Tumango ako. Ngumuso si Alex at tumingala rin sa langit.
Humarap siya sa 'kin at ngumiti. "I'm Alexandra Crystal Villafuerte. Twenty-two years old. I have a sister. My favourite color is violet. COO of Villafuerte Corp. I graduated from New York City. I love to drink coffee and eat cake. I love the song Domino and like reading books. Madalas kasi kaming iwan ni Mommy sa bahay mag-isa noon, and I don't live with my parents anymore. I have a condo," she said.
Tiningnan ko siya sa mata at gano'n din siya. May kakaiba akong nakita sa mga mata niya. Takot at iba pa? Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya. Pumikit ang dalaga kaya pumikit rin ako. Dinabog ng malakas ang dibdib ko. Bago pa man maglapat ang mga labi namin ay biglang---
"MY GOD, CASSIE!! CENSORED!!"
Agad kaming napaghiwalay at nag-iwas ng tingin sa isa't isa. Hinanap ng mga mata ko kung saan nanggaling ang sigaw. Si Zia, nakatakip ang mga mata ngunit may siwang naman. Umiling ako at tumayo. May bahagi ng isipan ko ang naiinis ngayon sa kapatid ko dahil sa pagkabitin.
Halik na nga naging bato pa.
"What do you want, brat?"
Inalis niya ang takip sa mga mata niya. Namaywang siya sa harapan ko.
"Pinapatawag na si Ate Alex. Uuwi na raw sila. Paki-dalian ang halikan at uuwi na sila," sabi niya bago tumalikod at pumasok sa bahay.
Umiling ako saka hinarap si Alex. Mukhang kamatis ang mukha nito sa pamumula. Tumayo ako. Nilahad ko ang kamay ko sa harapan niya.
"Let's go?" yaya ko.
Tinanguan niya ako sabay abot ng kamay ko. Binitbit naman nito ang sapatos sa kanang kamay.
Walang imikan sa pagitan naming dalawa hanggang sa makarating kami sa gate. Nandoon na kasi ang parents niya at naghihintay sa sasakyan kasama ang parents ko.
Nang makalapit kami ay agad niyakap ni Mom si Alex na para bang hindi na sila magkikita ulit. Ipinasok ko sa loob ng bulsa ng slacks ko ang mga kamay ko.
"Goodbye, hija," ani Mom at humalik sa pisnge ni Alex.
Ngumiti si Alex. Niyakap niya pabalik si Mom.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro