Chapter 59
Alex P.O.V.
HINIHINTAY namin ni Jake ang nurse na tatawag sa 'min. We're at the Hospital because of our baby's check-up. Sabay kaming lumingon ni Jake sa bumukas na pinto. Nakangiting sumilip doon ang nurse.
"Am'am Alex, kayo na po ang next. Pasok na po kayo," anito. Sabay kaming tumayo ng asawa ko at lumakad papasok. Naabutan namin si Doctora na nakatingin sa monitor. Lumingon siya at ngumiti saka tumayo.
Lumapit kami sa kanya at nakipag-shake hands.
"Welcome back, Alex. Kumusta ka?" tanong nito.
"Okay naman po."
Nakangiti siyang tumingin kay Jake bago ibinalik ang tingin sa 'kin. "Mabuti at kasama mo ang asawa mo. And hindi ba bilin ko ay every other week kang babalik para sa check-up mo?"
Nahihiya akong ngumiti kay Doctora, "sorry, Doc. Naging busy lang nitong nakaraang araw."
Tumango-tango siya. "Okay, pero next time, ha. Mister, remind her to visit every other week." Inabutan niya ako ng isang dress. "Magpalit ka muna bago tayo mag-start. There's a bathroom." Tinuro niya ang pinto.
Lumakad ako papunta sa banyo. I changed my clothes to hospital gown. Paglabas ko ay naabutan ko si Jake na kausap si Doctora. Sabay silang lumingon sa 'kin.
"Okay. Higa ka na and we will start," aniya. I walk toward the bed and lay there. Pinatong niya sa bewang ko ang isang kumot saka tinaas ang gown. May inilagay siyang malamig na bagay sa tiyan ko. "It's okay. It's a gel."
Tumabi sa gilid ko si Jake, nakahawak siya sa kamay ko. Pareho kaming nakatingin sa monitor. Pina-ikot na ni Doc ang gel sa tummy ko kasabay noong parang stick na gamit niya pang-ikot doon.
Tug. Tug. Tug.
Nagkatitigan kami ni Jake at saka binalik ang tingin sa monitor. Maluha-luha akong tumingin kay Doc.
"That is the heartbeat," anito.
Hindi ko napigilan ang pag-alpas ng luha ko. I cried, then looked at Jake. His eyes are teary, too.
Humigpit ang hawak ni Jake sa kamay ko at paulit-ulit iyong hinahalikan. May tinuro si Doc sa 'min.
"Here is your baby. As of now maliit pa si baby but unti-unti na siyang lumalaki. Sa mga susunod na buwan ay makikita na natin ang whole body niya."
"Can I have a copy?" tanong ni Jake.
"Of course naman." After that ay inalis na niya gel sa tiyan ko. "Healthy ang baby niyo. So . . . reresetahan ko kayo ng vitamins." Kinuha ko ang inaabot niyang tissue at pinunasan ang tiyan ko. Inalalayan ako ni Jake pababa ng kama. Tinungo ko ang banyo para makapagpalit ulit.
Paglaabs ko'y tibihan ko si Jake na sobrang busy sa pagtingin sa ultra-sound na hawak niya. Humarap ako sa doctor na nagsusulat ng reseta. Nag-angat siya ng tingin sa 'kin at inabot 'yon.
"Mommy, inumin mo 'yan ha. Pagpakapit at pampalakas 'yan ng baby. Bawal ang stress. Eat healthy palagi, don't sleep late, ha," paalala niya.
"Doc, can I ask something?" tanong ni Jake.
"Yes, ano 'yon?"
"Can we still make love?" walang habas nitong tanong. Pinanalakihan ko siya ng mata at kinurot sa bewang. Natatawang tumingin sa 'min ang Doctor.
"No need to be shy. Madami talagang nagtatanong sa 'kin ng ganyan. The answer is yes, pero dapat ay mag-ingat kayo kasi delikako na siya. Pagdating ng third trimester hindi na pwede, pero may mga position na maari paminsan-minsan."
Malokong tumango si Jake. "Okay, Doc. Salamat." Hinila niya na ko palabas ng office. I say thank you bago kami tuluyang umalis. Nang makalabas kami ay ilang beses ko siyang pinaghahampas sa braso na tinawanan lang niya. Inirapan ko siya, naunang lumabas. Hindi ba niya alam na nakakahiya 'yon?!
Naabutan ako ni Jake sa tapat ng kotse. Pinagbukas niya ako ng passenger seat. I go inside. While he go around para maka-ikot sa driver seat. Nginitian niya muna ako bago pinaalis ang kotse sa hospital.
Sumandal ako sa upuan paharap sa may bintana. Akala ko uuwi na kami pero biglang nag-iba ng ruta si Jake. Kununutan ko siya ng noo.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya. Nakangiti siyang lumingon sa 'kin. Inabot niya ang kaliwang kamay ko at hinalikan ang ibabaw no'n.
"Kay Benjamin. May kukuhanin lang tayo na binili ko," sagot niya. Binitawan niya ang kamay ko at ipinatong iyon sa hita ko.
Hinawakan ko ang kamay niya at pinagsaklob sa 'kin dahil kinikilabutan ako sa ginagawa niya.
"Ano naman ang kukuhanin mo?"
Kinindatan niya ako. "Secret."
Inilingan ko lang siya at umupo ng patagilid sa kanya. Sumandal ako sa pinto at tiningnan siya. Lumihas pataas ang dress ko kaya nakita ang maputi kong hita. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang paggalaw ng Adams apple nito. Hinawakan ko ang kamay niya't sinalo sa mukha ko.
"I love you, Jake," malambing kong ani.
Hindi ko namalayang tumigil na pala kami sa gilid ng kalsada. Lumapit siya sa 'kin at inangkin ang mga labi ko. Napahiwalay lang ang mga labi namin ng may kumatok sa bintana sa side ko. Mariin kong pinadikit ang mga labi ko habang inaayos ang upo at sarili.
Binaba ni Jake ang bintana at sumilip. Nakatayo ang traffic enforcer sa labas.
"Bakit po?" tanong ko.
Sinilip niya ang loob ng sasakyan bago tumingin sa 'min at sumagot. "Ma'am, bawak po kasing mag-park dito."
"Sandali lang naman po kami. May tumawag lang," ani Jake.
Tumango si Mr. Office. "Sige ho, sir. Warning lang po kayo ngayon pero sa susunod ay ti-ticket-an ko na kayo."
"Salamat po. Una na kami."
Tinapik niya ang hood ng kotse upang sabihing umalis na kami. Pinasibad ni Jake ang kotse. Natatawa akong tumingin sa kanya.
"Bawal pala do'n tumigil ka pa," natatawang ani ko.
"Hindi ko naman alam na bawal, eh."
Umirap ako. "Bakit kaya hindi ako makapaniwala?"
Tumingin siya sa 'kin at kinuha ang kamay ko. I do enjoy our ride and sweet moment. Sandali kaming naipit sa traffic bago nakarating sa store ni Benjamin—where we bought our engagement and wedding rings.
Sinalubong kami ng isang tauhan pagpasok. Ngumiti siya sa 'min.
"Good afternoon, Sir, what can I help you?" tanong ng babae na halatang nagpapa-cute sa asawa ko. Akal aba niya kinaganda niya 'yan?
"We're here for Benj. Nasaan siya?" tanong ni Jake at kinuha ang kamay ko. Bumaba ang tingin doon ng babae na nawala ang pamumungay ng mata.
"Nasa office po. I can walk—" Hindi na pinatpos ni Jake ang babae, hinila na niya ako papunta sa office ni Benj. Hindi ko alam kung matutuwa ba ko o hindi, nakakaawa kasi ang hitsura ng babae. Maharot kasi siya.
Nakarating kami sa dulo ng pasilyo kung saan lumabas si Amelia. Nanlaki ang mata ko at napatigil ng magtama ang mga mata namin.
"Lia?!"
"H-hi?!" kinakabahan ani Lia.
Biglang bumukas ang pinto at niluwa no'n si Benjamin na magulo ang buhok at hindi pa nakabutones ng maayos ang polo. Tumikhim ako.
"Anong gnagawa mo dito?" taking tanong ko sa kanya. Lumapit ako para yakapin siya.
Gumanti siya ng yakap. "Ano . . . may titingnan kasi akong jewelry for Leo . . . oo para kay Leo. Tama."
"Ha? Kay Leo?"
Mabilis siyang tumango at nag-iwas ng tingin sa 'min. "Oo. Mauuna na ako." Mabilis tumalikod si Lia at umalis na doon.
Nakasunod ang tingin ko sa likod niyang papaliit. Nilingon ko si Benjamin na nag-aayos na ng sarili. Nilapitan ko siya.
"Anong ginagawa niya dito?" strict kong tanong.
Nag-iwas rin siya ng tingin sa 'kin. "Y-yung sinabi niya. May tiningnan lang siya."
"Do you know Leo?" tanong ko. Tumango ito at hinarap si Jake saka nakipag-shakehands.
"I know why you're here. Let's go inside para makita niyo," anito saka binuksan ang pinto ng office. Magkasunod silang pumasok sa loob ng asawa ko pero bago pa tuluyang sumara ang pinto nilingon na ako ni Jake.
"Wife, pwedeng maglibot ka muna? I'll be quick," aniya.
Kahit nagtataka ay sumang-ayon ako. Tumitig ako sa nakasaradong pinto at ngumiwi. Anong gagawin ko dito ngayon? Lumakad ako pabalik ng shop, tumingin-tingin sa mga alahas na nasa loob. May nakita akong isang kwintas na may pendant na hugis bilog. Dark ang glass nito. Tiningnan ko ang sales lady.
"Can I look that one?" Turo ko sa kwintas na gusto ko.
Tiningnan naman niya ang daliri ko at inilabas ang gusto kong kwintas. Ibinaba niya ito sa may salamin.
"Ito po ba, ma'am?"
Tumango ako at kinuha ang kwintas para makita ng mabuti. Ang ganda niya. Para siyang glow in the dark dahil sa kulay green something sa loob nito.
"Aurora Borealis po ma'am. Bagong labas lang po."
"I like this. How much?"
"Two thousand po. May iba pang kulay kung gusto niyo. Para po siyang moon necklace," anito.
"Kukunin ko na 'to."
Tumango ang babae at kinuha sa 'kin ang kwintas. Nakangiti kong hinaplos ang sinapupunan ko. Binuksan ko ang bag ko't kinuha ang pambayad ko. Nang maibigay niya sa 'kin ang kahon inilagay ko agad sa bag ko 'yon. Saktong bumukas ang pinto at lumabas sina Jake at Benjamin. Nakipag-shakehands ang asawa ko sa kaybigan niya bago bumaling sa 'kin.
Pinaikot niya agad ang braso sa bewang ko at humalik sa 'king noo. Ngumiti ako sa kanya at gumanti ng yakap.
"PDA tayo masyado," ani ko.
Inilibot niya ang tingin niya sa paligid saka walang pake na bumaling sa 'kin. Ngumisi siya sa 'kin.
"That's good then, para makita nila na may nagmamay-ari na sa 'yo," anito. Mabilis niya akong hinalikan sa labi. "Pumunta tayo sa mall. I remember na hindi pa tayo nakakapag-date."
Lumabas kami ng shop at lumakad papunta sa kotse. He open the passenger door for me. Yeah, I remember it, too. Ang huli pa naming date ay sa Tagaytay.
"Anong kinuha mo kay Benjamin, hubby?" tanong ko kay Jake nang i-start niya na ang kotse.
"Secret, wife. Don't worry. Malalaman mo rin sa susunod," sagot nito habang ang mga mata ay nasa kalsada.
I pouted my lips. "Bakit sa susunod pa, daddy? Hindi ba pwedeng ngayon na lang?"
Kinagat nito ang pang-ibabang labi at mapang-akit na bumaling sa 'kin. Ibinaba niya ang kanyang mata sa mga labi ko.
"Daddy? Hmm . . . I like that."
Natatawang sumandal ako sa balikat niya. "Gusto mo bang gano'n na lang ang itawag ko sa 'yo kaysa hubby?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro