Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 58

Jake's P.O.V.

"JAKE, this is our last month being married," ani Alex. Matigas ko siyang tiningnan.

"And? What do you mean by that?" matigas kong tanong.

Umiwas siya ng tingin sa 'kin bago ako sinagot. "May usapan tayo, h-hindi ba? A-ang sabi mo after six months maa-annulled ang kasal natin."

Ngumisi ako't tumayo. Nagpabalik-balik ako ng lakad sa gilid nito habang nakatingala. Sumasakit ang ulo ko. I can't see her leave my wife. Hindi ko kayang makitang may ibang ama na kinikilala ang anak ko. Ayoko. Hindi ako papayag. Hindi pwede. They are mine. Just mine.

Tumigil ako sa harap ni Alex. Seryoso ko siyang tiningnan.

"Alex, we're having a baby! We can't continue that deal!" diin ko.

Naguuluhan siyang tumingin sa 'kin. "Anong sinasabi mo? Hindi ba't ikaw ang gumawa noon? Tapos sa 'kin ka magagalit . Mas kaylangan mo ang kalayaan mo, 'di ba?"

"Anong—sinong may sabi?! Kasal ka sa 'kin. Asawa kita. Magkaka-anak pa tayo!"

"Kunwari ka pa! Ang sabi ng kabit mo hindi pa raw kayo hiwalay! Tell me the truth, Jake?! Are you being real with me?!"

"Of course I am!" Hinawakan ko ang kamay niya. "Hindi pa ba sapat ang pinapakita ko sa 'yo?!" Bumaba ang isa kong kamay sa tiyan niya. "This is my proof na totoo lahat ng pinapakita ko sa 'yo, Alex."

"Daisy and I are done. Five months ago I cut our relationship, or communication. I'm serious. Don't believe her, she's just trying to break us apart. Baby . . . you give my life another purpose. You give me right direction . . ."

Umiiyak siyang nag-iwas ng tingin ngunit hindi ko 'yon hinayaan. Iniharap ko sa 'kin ang mukha niya.

"T-totoo ba 'yan?" Tumango ako. Napangiti ako ng yakapin niya ako ng mahigpit at nag-iiyak sa balikat ko. "I-I'm sorry, Jake!"

"Shh . . . that's fine now, wife. Ang importante ay bati na tayo," pag-aalo ko sa kanya.

"Te dua, Jake."

Hinaplos ko ang pisnge nito, tiningnan ko siya ng mabuti. "What te dua really means?"

Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko at bumulong. "I love you."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Nanigas ang katawan ko. Hindi ako makagalaw sa pwesto. I feel my face heated. Fuck? Totoo ba 'yon?! M-mahal ako ni Alex . . . Mahal ako ng ina ng anak ko at asawa ko.

Ilang sandali pa ay dahan-dahang sumilay ang malaking ngiti sa labi ko. Para akong nakapagsara ng isang malaking investment sa company. Punong-puno ng galak ang dibdib ko.

Mahal ako ni Alex.

Inilayo ko ang katawan niya sa 'kin. Nakayuko na ang babae kaya tuktuk lang ng ulo niya ang nakikita ko.

Hinawakan ko ang baba nito saka inangat ang mukha niya. Namumula ang magkabilang pisnge nito. Pinagdikit ko ang labi namin at nilasap ang matatamis niyang halik. Alex eyes are closed that's why I'm free to memorize her face.

Pinagdikit ko ang noo namin ng maghiwalay ang labi namin. Her eyes are still closed, habang ang kamay ko ay nakahawak sa batok niya samantalang ang isa ay nasa ibabaw ng tiyan niya. Nagtama ang mga mata namin. Nginisihan ko siya.

"You love me," mahina kong ani.

"Yep. I love you," ganting bulong niya.

"Since when?"

"I don't know basta alam ko may kakaiba akong nararamdaman para sa 'yo. Sa bawat araw na magkasama tayo mas lalo lang siyang lumalalim . . . tumitibay."

Napapikit ako ng damhin ni Alex ang pisnge ko. I can feel her lips touch my cheeks. Niyakap ko siya na ginantihan naman niya. Pero . . . paano kung magtanong siya kung anong nararamdaman ko sa kanya at wala akong maisagot? Inilayo ko ang katawan ko sa kanya at tinitigan siyang mabuti sa mata.

"I-I—" Before I could even say a word inilagay niya ang hintuturo sa labi ko.

Nanghihinayang na ngumiti siya sa 'kin. "It's not a question kaya hindi mo siya kaylangang sagutin, Jake. Ang mahalaga alam mo na yung feelings ko sa 'yo."

Tuluyan siyang lumayo sa 'kin at lumakad papasok ng banyo. Ilang sandali pa ay narinig ko na ang lagaslas ng tubig. Napangiti ako. Mahal ako ng asawa ko . . . at mahala siya sa 'kin.

Gusto ko siya . . . nasabi ko na sa kanya 'yon. Gusto ko siya hindi dahil sa dala niya ang anak namin. Napa-isip ako ng isang kapilyuhan. Hinubad ko ang suot kong damit at sinundan siya sa banyo. Gusto kong gawing kambal ang baby namin, baka nga triplets pa.

Nang matapos maligo ay pinanood ko si Alex na naglalagay ng lotion. Lumakad ako papunta sa walk-in-closet, kumuha ako ng damit ko at nagbihis, pagkatapos ay lumabas. Pumupwesto ako sa likod ng asawa ko.

"Ano na naman ang gusto mo, mister?"

Humalik ako sa naka-expose niyang balikat. Niyakap ko siya.

"Nothing."

Hindi sumagot si Alex at binaklas ang braso ko. Tumayo siya at pumasok sa walk-in-closet. SUmandal ako sa headboard at hinintay na matapos ang asawa ko. Kinuha ko muna ang phone ko at chineck 'yon.

Saktong paglabas ni wife ay tumunog ang phone ko. Lumabas ang unknown number. Imbis na sagutin ay pinatay ko ang tawag at blinock muli ang numero. I won't let them destroy my family.

Nagtataka siyang tumingin sa 'kin. "Sino 'yon? Bakit hindi mo sinagot?" tanong niya habang nananalamin.

"Wrong number," sagot ko habang nakatingin sa reflection niya.

Tumango siya at hindi na ulit nagsalita. Nilapitan ko at hinawakan siya sa balikat. Humalik ako sa ulo niya at tiningnan siya sa mga mata.

"I promise, wrong number lang."

"Wala naman akong sinasabi," aniya habang nagsusuklay.

"Yep but I just want to assure you. Wala talaga."

Nagkibit-balikat si Alex at tumayo. Hinarap niya ako. Nakangiti siya.

"Sa makalawa check up ko sa OB. Gusto mong sumama?" tanong niya sa 'kin.

Ngumiti ako. "Of course, wife, pwede na daw ba nating makita si baby?"

"Hindi pa. almost three months pa lang siya sa belly ko. Matagal pa bago natin siya makita," sagot niya sa 'kin. Pinatong ko ang tiyan niya.

"Baby, excited na si daddy na makita ka. Wag mong pahirapan si mommy, okay?" pagka-usap ko sa anak namin.

"Opo, daddy. Excited na rin po akong makita ka," sagot nit Alex gamit ang pang-batang boses.

Tumawa kaming dalawa. Tumapat ako sa tiyan niya at pinasok ang ulo ko sa loob ng damit niya at hinalik-halikan 'yon. Hinaplos ni Alex ang buhok ko at marahan iyong sinabunutan. Lumabas ako at tumayo ng maayos.

"I love you, Jake," malambing niyang sabi. Hindi ko alam ang isasagot ko kaya hinalikan ko siya sa noo at niyakap ng mahigpit.

"Alex, I-I'm sorry if—"

"Don't say sorry, hubby. You don't have to. I'm hungry na. Let's eat." Naunang lumabas ng kwarto namin. Iniwan niya akong mag-isa sa kwarto. Nakatingin lang ako sa pintong nilabasan niya. Napahawak ako sa didbib ko.

Alex P.O.V.

BUMUNTONGHININGA ako habang nakatingin sa niluluto kong kwek-kwek. I suddenly crave for it tapos isasawsaw siya sa ketchup na may halong mayonnaise. Napalingon ako sa may gilid ng pinto. Lumabas si Abby na parang hinahabol ng aso.

"Are you okay?" tanong ko sa kanya. Hininaan ko ang kalan at lumapit sa rf. Kinuha ko ang pitsel ng tubig at nagsalin sa baso.

"Okay lang po," sagot niya habang umiinom ng tubig.

Umiwas siya ng tingin at binaba ang baso sa lamesa. "A-ano kasi . . . ate. N-nilakad ko mula g-gate ng village hanggang dito sa 'tin."

Napatango ako sa sagot niya at hinango ang niluluto ko. Humarap ako sa kanya. Pinakita ko ang kwek-kwek na niluto ko.

"Gusto mo?"

Umiling siya.

"Bakit maaga ang uwi mo?" Lumapit ako sa cabinet at kumuha ng ketchup tapos sunod ang ref para maglabas ng mayonnaise.

"Ahm . . . sumama po 'yung pakiramdam ko."

"Magpahinga ka na kung ganoon. Wala naman masyadong gagawin dahil nakapaglinis ka kahapon," ani ko bago siya tinalikuran. Pinaghalo-halo ko ang sawsawan.

Narinig ko ang yapak nitong papalayo ng kusina kaya hinayaan ko na. Nang matapos ay lumabas ako ng ksuina papunta ng garden dala-dala ang pagkain ko. Sumaglit ako sa sala para kunin ang librong binili ko noong nakaraan. It's about pregnancy. Pumunta ako sa may puno at umupo sa damuhan.

Sa susunod sasabihan ko si Jake na palagyan ng mga upuan at mini-playground 'to. Habang kumakain ay nagbabasa ako at napapatango. Ang dami kong nalalaman tungkol sa pagbubuntis. Napahawak ako sa tiyan ko. Hindi ko maiwasang ngumiti ng maalala ang pag-confess ko kay Jake.

Umamin na ako . . . tama ba?

Umamin ako sa kanya dahil sa mga salitang sinabi niya. "You give my life another purpose. You give me right direction . . ."

I'm his north star . . . his guide.

Napangiti ako ng wala sa panahon. Hindi ko naman kasi alam na mapapa-amin ako. But I don't regret it. Tama lang 'yon. At least ngayon alam na niya ang nararamdaman ko. Hindi ko na kaylangang magtago.

Mahal ko siya bilang lalaki at hindi bilang ama ng anak namin. Mahal ko siya kasi siya siya.

Hinaplos ko ang tiyan ko, "anak, ngayon ay sigurado na talaga si Mommy . . . ang ipapangalan ko na sa 'yo ay North Polaris kapag lalaki ka, and kapag babae naman Aurora Light. Madalang at paswertihan makakita ng Aurora Borealis."

"That's a beautiful name, wife."

Nag-angat ako ng tingin sa nagsalita. Nakatayo sa pinto si Jake na may hawak na phone. Lumapit siya sa 'kin at tumabi ng upo. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang likod no'n.

"You like it?"

"Yeah. Besides, ikaw ang masusunod dahil ikaw naman ang manganganak. Sa susunod na nating baby ako," nakangiting aniya.

Natawa ako dahil doon. "Ano, may susunod pa?"

Tumango siya. "Yes, gusto ko ng basketball team na anak," biro niya.

Hinampas ko siya sa dibdib. "Anong akala mo sa 'kin, baboy?!"

Hinawakan niya ako sa bewang at binuhat at pinatong sa mga hita nito. Kinawit ko ang mga braso ko sa leeg niya. Tiningnan ko siya.

"Ikaw na ang pinaka-sexy na baboy na nakita ko," pang-aasar pa niya. Hinampas ko siya sa braso at inirapan. Akma akong tatayo ng humigpit ang hawak niya sa bewang ko. Pinaliguan niya ng halik ang labi ko.

Napangiti ako.

Sabay noon ang pagdama ko sa pagpisil-pisil niya sa bewang ko't paglilikot ng kamay niya. Nang maghiwalay ang labi namin ay niyakap niya lang ako. Sumandal ako sa dibdib niya . . . pinakinggan ko ang tibok ng puso nito. Napakabilis.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro