Chapter 57
Alex P.O.V.
NILIBOT ko ang tingin ko sa buong clubhouse kung saan namin gagawin ang party. Two weeks na lang ang meron kami para mag-ready. Napalingon ako sa humawak sa balikat ko. Ngumiti sa 'kin si Ate. Kasama niya si Lia, Klyzene, Zia at leo na tutulong.
"Okay na ba sa 'yo ang place?" tanong ni Ate habang naglilibot ng tingin.
"Okay na, Ate. Medyo malaki so we can invite some of our family friends," ani Klyzia at nag-selfie.
Bahagya akong ngumiti kay Ate. "Okay na, Ate, kausapin ko na lang yung homeowners committee para wala ng makagamit nito in exact date." Lumakad ako papunta kung nasaan sila Lia.
Umupo ako sa tabi niya at sinandal ang ulo ko sa balikat nito.
"Are you okay, ghorl? You look so tired," puna ni Leo sabay salat sa leeg ko. "You don't have fever naman."
I give them a weak smile. Actually, I'm trying to control my tears. Kanina ay pinilit kong magising ng maaga dahil ayokong maka-usap si Jake, miski makita. Nagpaalam naman ako kay Abby na pupuntahan lang ako. May pasok sa trabaho ngayon si Jake kaya hindi niya naman siguro ako mapapansin.
"Are you okay?" tanong ni Klyzia ng makalapit sila sa 'min. Ngayon ay nakapabilog kaming upo sa lapag.
"Oo naman. Okay lang ako," sagot ko at umayos ng upo.
"Matamlay ka. Kumain ka ba?" tanong ni Ate. Umiling ako, saka narinig ang pagtawan ni Amelia.
"Okay. Magpapa-deliver ako ng pagkain," anito saka nag-dial sa phone.
"Ate, kaylan tayo magi-start mag-decorate?" tanong ni Zia na hindi pa rin nagtitigil sa pagkuha ng larawan. "Ako na lang ang mag-iisip ng ide-design. I have ideas na."
Tumango ako. "Okay. Foods and sounds?"
"Don't worry, sis. Ako na ang bahala sa foods," ani Ate Ally. "I will call some of my friends."
"Kami na ang bahala sa sounds," ani naman ni Lia.
Napangiti ako sa kanila. "Thank you for all the efforts to help," ani ko. Hinawakan ko ang kamay ni Lia at pinisil 'yon. Lumingon ako kay Klyzene ng tawagin niya ako. Nagtatanong akong tumingin sa kanya.
"Pwede bang samahan mo ko?" tanong nito. Tinanguan ko siya. Tumayo siya at suminod ako. Lumakad kami palayo sa clubhouse. Lumingon siya sa 'kin.
"What? Saan ba tayo pupunta?" tanong ko. Masakit kasi sa balat ang sikat ng araw.
"Are you okay?" Tumango ako sa tanong niya na inilingan naman nito. "You're not good at lying. What's your problem?"
"You knew?"
"About her," she didn't ask but stated it. Magkatabi kaming naglalakad na. "I won't say sorry. Wala namang magagawa dahil tapos na."
Ngumisi ako. Kakaiba talaga ang batang 'to.
"Bakit hindi mo sinabi sa 'kin noong umpisa pa lang?" tanong ko.
"Because it's not my story to tell."
"But as your friend—"
"Were not friends," pagputol nito sa sinasabi ko. Tumingin siya sa 'kin. "I saw him. I saw how my brother happy with that girl. The first time I saw him smiling ear to ear so who am I to stop that? Dapat kasi inalam mo muna, hindi yung ngayon ka nagrereklamo." Tumalikod na siya sa 'kin at bumalik sa daan papuntang clubhouse.
"Hey!" tawag ko. Tumigil ito sa paglalakad at humarap sa 'kin. Walang emosyon ang mata niya't pananalita.
"What?"
"Let's walk. I want to talk to you," ani ko. Lumakad siya pabalik at sumabay ng paglalakad sa 'kin. "Ang sabi ng kuya mo ikaw lang daw ang may alam. Bakit hindi mo sinabi sa kakambal mo?"
"Like what I said, that is not my story to tell. Hindi naman ako dalahira."
Tumango ako. "So, how are you?"
"Why you asking?" malamig niyang tanong.
"I just want to know. You said were not friends', right?" Tumingin ako sa kanya ng hindi ito kumibo. "So, can I be your friend?" tanong ko, saka pa alng siya tumingin sa 'kin.
"I don't do friends. My sister is fine with me."
"I'm your sister, too."
"You're not. We are not blood related."
"Kahit na. I'm still your brother's wife," giit ko.
"Yeah. I know that. I'm tired. I want to go back," bored nitong sabi at tumigil sa paglalakad. Ngayon ko lang napansin na sobrang layo na pala namin. Tumango na lang ako sa kanya.
"Don't trust people around you. They just look nice but they are not. Protect yourself from them. That's only I can tell," anito na biglang nagdala sa 'kin ng kaba.
Tahimik lang ang naging paglalakad namin. Nakatingin ako sa likod ng batang kasamam ko ngayon. Her aura is so cold, even her eyes. Sana ba lang araw ay makita ko rin ang ibang side ni Klyzene. Alam kong may tinatago siya sa lahat. Mapaka-misteryosong babae.
Pagbalik namin nakaayos na ang pagkain. Bumalik ako sa tabi ni Lia, kumuha ng isang burger. Tiningnan ko si Klyzene na inabutan ng kakambal niya. Magka-ibang magka-iba talaga silang dalawa. Zia and Jake has blue eyes while Klyzene have green.
"Ate?"
Nilingon ko si Klyzia. "Alam ba ni Kuya kung nasaan ka? Baka nag-aalala na siya sa 'yo."
"Okay lang. Nagpaalam ako," ani ko kahit hindi naman talaga.
"So, how's your married life?" tanong ni Zia na nagpalingon kay Leo at Lia. Tumingin muna ako sa kanila bago tumingin sa kausap ko.
"O-okay naman," sagot ko saka nag-iwas ng tingin. Magtatanong sana ulit ang dalaga ng tinawag ito ng kakambal niya. Napalingon kami sa kanya.
"Let's go na. Nandiyan na ang sundo natin," anito. Naunang tumayo at naglakad papunta sa may nakaparadang sasakyan. Napa-iing si Klyzia.
"I'm sorry about her attitude. We'll go ahead."
Nagpaalam kami sa kanya dahil sumunod na ito sa kakambal na nakatayo sa tabi ng pinto. Napatingin ako kay Klyzene na nakatingin sa 'kin bago huling sumakay ng kotse. Ang malalamig nitong mata na nagbibigay ng bigat sa dibdib ko. Nawain kaming apat dito.
"Alam mo, bakla, nakakatakoy yung kakambal ni Zia, noh. Akala mo mangangain, eh," ani Leo sabay tawa. Nakasunod ang tingin namin sa kotse nila.
"Ang bad mo, bakla. Mabait naman 'yung bata. One time nakita ko siyang namimigay ng pagkain sa mga pulubi, eh," pagtatanggol ni Lia habang kumakain.
Hindi makapaniwalang tumingin si Leo. "Susko? Iyong batang 'yon akala mo anak ni Lucifer na pinadala sa lupa para maghasik ng lagim! Yung naman anghel!"
Binatukan ni Lia si Leo. "Baliw ka, bakla! Anong anak ni Lucifer?! Sira! Siya talaga 'yon! Green ang mata, eh!"
Nagkatinginan kami ni Ate habang pinapanood ang dalawang nagbangayan. Humarap si Ate sa 'kin at hinawakan ako sa balikat.
"I know you have a problem and you don't want to share that with us. But I'm always here for you, littles sis. You can call me anytime," bulong niya. Ngumiti ako at niyakap siya ng mahigpit.
"Thank you," bulong ko.
Humiwalay kami ng yakap at humarap kay Lia na nakikiyakap din. Kunwari pang nagpupunas ng luha.
"Susko . . . anong drama itey?! Naol, may nakakayakap, hindi pa naman rainy season," anito. Napailing kami ni Ate, nagkatinginan. My sister really knows me.
"Ikaw kasi walang jowa kaya ayan! Wala ring kayakap!" pang-aasar ni Lia.
"Bakit, ikaw meron?!" naghahamong tanong.
Mapagmalaking tumayo si Amelia. "Hoooooy! Bakla, meron akong jowa! Kaya wag ka!"
"Eh, 'di ikaw na!"
Napatawag kami sa sagot ni Leo. Ilang sandali pa kaming nagpahinga bago namin napagpasyahang umuwi na. Nilakad lang namin ang bahay namin dahol doon nila iniwan ang kanilang kotse. Nagtatawanan pa kami.
Iyon lang kasi kasi ang kaya kong gawin ngayon. Ang tumawa at ngunit. Yung nangyari kagabi, at yung sinabi ngayon ni Klyzene na mas lalo pang nagpagulo sa isip ko. Ayokong-ayoko ang naghihinala sa iba. Ayoko kasi masama 'yon pero dahil sa sinabi niya nagkandaloko-loko na.
******
KUMAWAY ako sa papalayong kotse nila. Hindi na daw sila dito kakain dahil may kanya-kanya pa silang lakad. Nagbigay ako ng huling sulyap bago pumasok ng gate. Napatingin ako sa kotse ni Jake na nasa garahe pa. Binuksan ko ang pinto at pumasok sa bahay.
Naabutan ko si Jake na naka-upo sa pang-isahang sofa habang nagbabasa ng newspaper. Nag-angat siya ng tingin sa 'kin saka ngumiti. Binaba nito ang hawak.
"Hey, wife. Saan ka galing?" tanong nito. Tumayo siya at lumakad palapit sa 'kin. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
"Bakit 'di ka pumasok?" nagtatakang tanong ko ng makalapit siya sa 'kin.
Ngumiti siya sa 'kin, "masama bang hindi pumasok, wife?"
"How about your company?"
"Hindi naman malulugi ang kompanya kapag hindi ako pumasok ng isang araw," anito saka yumakap sa bewang ko.
Tumango ako, inalis ko ang braso nitong nasa bewang ko.
"Okay. Papanik na ko. Gusto ko ng magpahinga," ani ko. Imbis na lubayan ako ay binuhat niya ko papanik ng hagdan na nagpatili sa 'kin. Mabilis akong kumapit sa batok nito. Masama ko siyang tiningnan.
Pumasok kami sa loob ng bahay. Binaba niya ako sa kama at binuhay ang AC. Inayos ko ang suot kong damit at matalim na tumingin sa kanya. Kung may lumalabas lang na mga kutsilyo sa mata ko kanina pa siya nakabulagta.
"Ano bang gusto mo?" tanong ko dito.
Tumabi siya ng upo sa 'kin. Inipit sa likod ng tenga ko ang ilang hibla ng buhok na nakaharag sa mukha ko. Tinabi ko ang kamay niya saka lumayo. May sakit na bumalatay sa mukha nito.
"I want to spend time with my wife 'cause I miss you."
"Gusto ko ng magpahinga," mahina kong ani. Patalikod akong humiga sa kanya. Narinig kong nagbuntonghininga si Jake.
"Wife, hindi ko alam kung paano ka susuyuin. Kagabi halos ayaw mong yakapin kita tapos ngayon ayaw mo kong kausap. Ano bang sinabi sa 'yo ni Daisy? Sabihin mo sa 'kin ng mapag-usapan natin ng maayos."
"Hindi ka ba napapagod?" tanong ko.
I can imagine him frowning.
"Napapagod saan?"
Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago muling bumangon at humarap sa kanya. Tumingin ako sa mga mata niya.
"Hindi ka ba napapagod sa set-up natin? Puro tayo away, Jake. Puro tampuhan. Hindi healthy ang relayons natin."
"I know kaya nga dapat tayong mag-usap. We're working out this marriage, right?" Hinawakan niya ang tiyan ko at hinalikan ako sa noo.
"Jake, this is our last month," madiin kong sabi na nagpatigas sa hitsura nito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro