Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 56

Jake's P.O.V.

HININTO ko ang kotse sa tapat ng isang five star hote. Nilingon ko si Daisy na abala sa pagsusuot ng mask at cap. Nilingon niya ako saka tumango. Bumaba ako ng sasakyan at umikot sa gawi niya para pagbuksan ng pinto. Humawak ito sa braso ko pagpasok namin sa hotel.

Bumati ang receptionist sa 'min.

"We will get one suit for tonight,' ani ko. Tumango ang babae at nag-type sa computer. Daisy is still holding me pero pasimple kong inaalis ang kamay niya. Ayokong may makakita sa 'min at mag-isip ng masama.

Inabot ko ang card ko sa receptionist, binalik niya sa 'kin kasama ang key card ng kwarto. Hinila ko si Daisy papunta sa tapat ng elevator, sumakay kami sa loob at pinindot ko ang floor ng kwarto ng babae. Nang makarating kami sa tapat ng silid niya. Inabot ko ang card sa kanya.

"Here's your card. Go inside, baka makita ka pa ng fans mo," ani ko. Tumingin ako sa relo ko. Eight na, baka mamaya ay mag-alala si Alex. Nilingon ko si Daisy na wala ng takip sa muka.

"Can you stay more? Wala akong kasama, eh," pinalungkot nito ang tono at mata. "We're friends' naman before. Why don't we catch up? Ngayon lang naman tayo nagkita after ilang months."

Huminga ako ng malalim. "Okay. Pero ngayon lang 'to dahil hindi na tayo dapat magkita."

Lumawak ang ngiti ng babae at sunod-sunod na tumango. Tumalikod siya sa 'kin, binuksan ang pinto. Nauna siyang pumasok at sumunod ako. Sa sala kami pumunta't umupo siya katabi ko.

"So . . . kumusta kayo ng asawa mo?"

Napangiti ako ng maalala si Alex, kung paano niya ako alagaan at lambingin.

"Good. Actually, masaya. Masayang makasal sa asawa ko. Masaya siyang kasama. She makes me smile and makes me feel emotion I'm not aware I'm capable of feeling," totoong sagot ko.

"So, masaya pala siyang maging asawa . . ." Hindi ko pinansin ang pait sa boses nito. "This is your last month, right?"

Tumango ako. Oo, huling buwan na namin ngayon. Hindi ko namalayan ang mga araw. Masaya kasi ako sa kanya.

Ngumiti siya. "H-hindi ba sabi mo . . . maghintay lang ako? Na-nag-intay ako k-kasi space lang naman ang kaylangan mo, 'di ba? Nandito na ngayon . . . tapos na. malapit na kayong ma-anulled."

Napamaang ako. "W-what are you talking about?"

Ngumiti siya sa 'kin at yumakap. "Hindi mo ba naalala? Hindi ba sabi mo hintayin kong matapos ang kasal niyo because after that ipapakilala mo na ko sa parents mo? Then we'll get married!" Hope is in her voice.

Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig. Mabili kong inalis ang braso niyang nakayakap sa 'kin. Lumayo ako sa kanya at tumingin sa kanya.

"D-Daisy . . . I think we need to talk about that."

Kunot noo siyang tumingin sa 'kin. "Anong ibig mong sabihin? You promised! Ipapakilala at magpapakasal tayo!"

"Daisy, my wife is pregnant. I-I can't leave her," ani ko.

"It's okay! Ayaw mo ba no'n? May baby na agad tayo! I can be the mother of your child. Magiging mabuti ako sa kanya. I will love him or her like my own!"

Napa-iling ako. I can't be stay here. "I'm sorry I need to go baka hinahanap na ako ng asawa ko." Tumayo ako at akmang aalis ng pigilin niya ang braso ko't hinarap sa kanya. Hindi ko napigilan ang paghalik niya sa 'kin. Mabilis ko siyang itinulak at masamang tiningnan.

"What the fuck!!"

Mas nanlaki pa ang mata ko ng hinubad niya ang suot niyang damit habang palapit sa 'kin. Nag-iwas ako ng tingin pero mas lumapit siya sa 'kin, hinalikan niya ko sa leeg.

"Babe . . . parang hindi naman natin 'to ginagawa dati . . ." anito habang tinatanggal ang pagkakabutones ng polo ko. Napapikit ako at hinuli ang kamay niya. Deretso ko siyang tiningnan sa mata saka binaba ang kamay nito.

This is my fault. She hoped that we can be together. I dream that before.

"I'm a married man. I don't have any plans to take my child away to his mother. So, stop this nonsense, I promised you but everything changed now. We will have a child and we're working out on our marriage," paliwanag ko sa kanya.

Hinawakan ko ang pisnge niya at tinaas iyon. "I'm sorry. I really am. Hindi ko alam na aabot kami—"

"Mahal mo na ba siya?" Natigilan ako. "Mahal mo na ba siya, ha?! Tinatanong kita, Jake! Do you love that bitch?!"

"Don't call her like that! She's not like you!!" sigaw ko pabalik. Binawi niya ang kamay niya at pinagsasampal ako.

"How dare you! You promised me, Jake! You promised! I waited patiently kasi sinabi mong mahal mo ko! Ako lang dapat ang mahal mo, 'di ba?! Hindi ang babaeng 'yon!!"

"I'm really sorry," mahinahon kong sabi. Yumuko ako dail paulit-ulit ang tanong nito kung mahal ko ba si Alex. Paulit-ulit na parang sirang plaka. Importante siya sa 'kin dahil siya ang ina ng magiging anak ko. Napapasaya niya ako kahit simpleng ngiti lang niya.

"Mahal mo ba siya? Siya na ba talaga?"

"I-I think I love her," pag-amin ko.

Tumawa ng pabak si Daisy bago umupo sa sofa at pinatong ang paa sa lamesa.

"You think?!" Natawa siya. "Ibig sabihin ay hindi ka pa sigurado. Naguguluhan ka lang dahil buntis siya, Jake . . . but remember us! The opportunity. Hindi ba you always wanted a baby but I can't give you that yet . . . babe, this is our chance!" pamimilit pa nito.

Umiling ako. "Sorry but I can't. I admit, I have doubt but I also like her so much. She makes me feel something. And I cannot take our child away from her. She'll be in pain. Siya ang magdadala ng bata sa loob ng siyam sa tingin mo ba ibibigay niya na lang 'yon? No! She'll be furious!" Tumalikod ako at lumakad paalis. Bago ko pa mapihit ang doorknob ay nagsalita ito.

"You will regret this, Jake. I promise you hindi kayo sasaya nga sawa mo! You'll regret choosing her over me!!" Hindi ko pinansin ang sinabi niya at tuluyan ng umalis.

******

Alex P.O.V.

KANINA ko pa hinihintay si Jake sa labas ng bahay namin. Malalim na kasi ang gabi at wala pa ito. Hindi naman siya tumatawag sa 'kin.

"Ate, pumasok na po kayo sa loob. Bawal po kayong mahamugan, eh," ani Abby na nasa pinto.

Nginitian ko siya at hinawakan ang kamay niya.

"I will wait for him, Abby. Ikaw, magpahinga ka na. I know you're tired. Papasok rin ako maya-maya," ani ko.

Kahit may pag-aalinlangan, tumango siya sa 'kin at pumasok sa loob ng bahay. Humarap ako sa may gate. I tried to call his number again but it's still out of reach. Then suddenly he answered.

"Hubby?! Where are you?! Nag-aalala na ako!" sunod-sunod kong tanong.

"Sorry. Wala si Jake, eh. Natutulog pa siya. Masyado kasing napagod kanina," ani ng boses sa kabilang linya.

Naguguluhan akong tiningnan ang cellphone ko. "Sino 'to?!"

Tumawa ito. "Ow . . . hindi mo pala ako kilala? I thought Jake introduce me to you. I'm sorry I'm Daisy—"

"Hiniwalayan ka na ng asawa ko!"

"Ha? Kailan kami naghiwalay?"

Humigpit ang kapit ko sa phone. "Almost five months na. Hiwalay na kayo! Hiniwalayan ka na niya!" sigaw ko. Wala akong pakiaalam kung marinig pa ako ng ibang tao.

"Hindi kami naghiwalay. Actually, nandito siya katabi kong natutulog."

Maniniwala na sana ako sa kanya ng makita kong pumarada sa tapat ng gate namin ang sasakyan ni Jake. Napangisi ako sa kausap ko pero hindi pa rin naalis ang matalim na tingin kay Jake. Nagtatakang lumapit sa 'kin ang asawa ko.

"Ano ulit? Katabi mo ang asawa ko?" mapaglarong tanong ko na sadya kong ipinarinig kay Jake.

"Oo, he's with me! Sa tingin mo ba gusto niya talagang nagsasama kayo? Well, let me tell you the truth. Hindi siya ang totoong Jake, hindi mo pa siya kilala. Hindi ka niya mamahalin dahil ikaw lang ang nanay ng magiging anak niya. Wala kang halaga sa kanya!"

Tumawa ako at inabot ang telepono kay Jake. "Kabit mo. Katabi ka daw niya. Ikaw ang kuma-usap diyan."

Kinuha niya ang cellphone ko kaya pumasok na ko sa loob ng bahay. Pumanik ako sa kwarto namin. Ni-lock ko ang pinto at umupo sakama. I took Jake's picture and throw it to the wall. Hinagis ko rin ang ibang gamit.

Tangina niya! Tangina lang talaga! Dapat hindi ko talaga siyang pinagkatiwalaan! Dapat hindi na!

Marahas akong lumingon sa pinto ng marinig ang boses nilang tinatawag ako. Bumukas ang pinto. Magkasunod na pumasok si Jake at Abby na parehong gulat dahil sa hitsura ng kwarto. Walang salita si Jake na nakatingin sa 'kin. Tumakbo siya patungo sa 'kin at niyakap ako ng mahigpit.

Nang pakawalan niya ko at sinuri ang buong katawa ko. Humahanap kung may sugar ba ko o ano. Binawi ko ang braso ko at nilingon si Abby.

"Magpahinga ka na, Abby. Close the door," malamig kong utos. Humiga ako sa kama. I heard the door shut. Ngayon kaming dalawa na lang ni Jake.

"Wife, I will explain," ani Jake.

"Five minutes," sagot kong hindi siya nililingon.

Tumabi siya ng upo sa 'kin at hinawakan ang kamay ko. Marahas ko 'tong binawi at bumangon paharap sa kanya.

"Pauwi na dapat ako but Daisy came and she said her car is broken. Nasa malapit lang daw siya at napadaan. Dinala ko siya sa hotel para hindi pagkaguluhan sa daan dahil dati kaming magkaybigan pero umalis din agad ako," anito.

"Bakit nasa kanya ang phone mo? This is the second time na nagkita kayong dalawa. Ilang beses ko pang malalaman, ha?! Ilan pa?!" galit kong tanong.

"I-I don't know. Ang alam ko'y nasa kotse lang. Nagmamadali akong umuwi kaya hindi ko na na-check. I promise you, wife! I fucking promise! Nagkataon lang ang lahat ng 'yon. Pangako! Hindi kita niloloko. All I want is magka-ayos tayo." Hinawakan niya ang dalawang kamay ko, pinagsaklop 'yon.

"Jake . . . this is the last time na pagbibigyan kita. Last time! Hindi mo ba napapansin?! Sa loob ng six months ng pagsasama natin puro tayo away! Sobrang stress na nito sa 'kin, Jake! Wag ko lang talagang malaman na nakikipagkita ka sa kung kaninong babae, dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko," madiin kong banta bago binawi ang kamay ko. Humiga ako patalikod sa kanya.

Naramdaman ko ang pagyakap niya sa likod ko. Hinalikan niya ko sa pisnge.

"I'm sorry, wife. I promise hindi na 'to mauulit. Huling beses na 'to. Walang katotohanan ang sinabi niya sa 'yo. Hindi totoo 'yon. Ikaw ang asawa ko, sa 'yong – sa 'yo ako," bulong nito.

"Hindi ko pa alam kung paano ka paniniwalaan. Jake. Please . . . d-don't hurt me. Huwag dahil hindi ako kasing bait katulad ng inaakala mo," ani ko. Naramdaman ko ang pagtango-tango nito bago nagsiksik sa leeg ko.

Don't hurt me, Jake. Wag please. Wag mong sirain ang tiwalang ibinigay ko sa 'yo. Wag na wag.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro