Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 54

Alex P.O.V.

UNA kaming pumunta sa cake shop, kina-usap ko na sila na mag-prepare ng two tier cake for my hubby. Next, nagpunta kami sa isang shop kung saan merong ballons and kung ano-ano pa. Pumasok sa isip ko ang kumuha ng party organizer pero mawawalan ng sense 'yon kapag gano'n kaya ako na lang with the help of our love ones.

Napamaang ako ng may bumunggo sa 'kin.

"I'm sorry!"

"Shit!"

Bumaba ang tingin ko sa suot kong dress. May mantiya na ng kape.

"Bakit hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo!" rinig kong sita ni Ate. Patuloy lang ako sa pagpupunas ng dress ko dahil nabasa.

"I'm really sorry, hindi ko sinasadya!"

Kumunot ang noo ko, her voice is familiar! Nag-angat ako ng tingin, nalaglag ang panga ko.

"Ms Hart?!"

"Alex!" Apologetic siyang tumingin sa 'kin, "I'm really sorry. Hindi ko agad kayo napansin."

"Ahm . . . it's okay! I'm sorry din." Nalingunan ko si Ate na nagtatakang nakatingin sa 'min kaya kinuha ko ang braso nito. "Ahm . . . this is my sister, Allyson. Ate, she's Ms Hart our business partner," pakilala ko sa kanila.

Naglahad ng kamay si Ate kay Ms Hart na tinanggap naman nito.

"I'm glad to meet you," ani Ate.

"Likewise," anito at bumaling na sa 'kin. "Saan nga pala kayo pupunta?"

"Mamimili lang ng gamit for decorations."

"Decorations? For what?"

I smile, "Jake's birthday. I already mentioned that to you if you remember. I invited you," ani ko.

Namilog ang labi nito. Napatitig ako kay Ms Hart, kung pagbabasehan ay kahawig nito si Judy Ann Santos. Maamo ang mukha. Inosenteng-inosente.

Before she could even speak ay naunahan siya ni Ate.

"Sorry to interrupt your conversation, but sis, we need to go," urgency is in her voice.

Nahihiyang tumingin ako kay Ms Hart na nakatingin sa cellphone nito ngayon. Tipid ko siyang nginitian ng mag-angat siya ng tingin.

"We need to go, Ms Hart. See you around," paalam ko.

Lalagpasan na namin siya dapat pero tinawag niya ako. Napalingon kami sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay, nginitian niya ako.

"Ahm . . . can I join you, too na lang? I don't really have any plans for today na. Malungkot sa house ko," aniya.

Nagtinginan kami ni Ate. Hinihingi ko ang opinyon niya, pasimple niya akong inilingan pero I really wanted to know Ms Hart more. Kinagat ko ang labi ko at tumango.

"Yeah. Sure," sagot ko. Inirapan ako ni Ate at pinandilatan. Lumapit sa 'min si Ms Hart, kinawit niya ang braso niya sa 'kin.

"Let's go, then!"

Kasama naming namili ni Ate si Ms Hart. Ang sanay bonding namin ay hindi na natuloy. Mabait naman pala si Ms. Hart, masayang kasama. Madami kaming napag-usapan tungkol sa business at about sa married life. Magtatakip silim na ng lumabas kami ng mall. Nag-uusap si Ms Hart at Ate about sa paintings.

Nakatayo sa gilid ng sasakyan niya si Ms Hart, nakangiti sa 'min.

"I have a good time with you, guys. Sana maulit pa 'to," anito.

Gumanti ako ng ngiti sa kanya. "Sure. Some other time lumabas ulit tayo."

"I'll go ahead!" paalam nito saka binuksan ang pinto ng backseat, akala ko ay sasakay na ito but no, may kinuha ito sa bag niya at humarap sa 'kin. "Here's my calling card. I hope we can talk sometimes?"

Kinuha ko ang calling card niya at tiningnan bago ibinalik ang tingin sa babae,

"Yeah, thanks!"

Ngumiti ito at sumakay ng kotse. Ilang sandali akong nakatingin sa papaalis niyang kotse. Bumalik ang tingin ko sa calling card na binigay niya.

"She is so friendly!" ani Ate. Napalingon ako sa kanya.

"Yeah, is there something wrong with that?" nagtatakang tanong ko.

She shook her shoulders, hinawakan ang cart namin. "I don't know but it seems so unreal," mahinang anito. Tinulak ang cart namin papunta sa parking lot, binuksan ang trunk ng kotseng dala-dala.

I laugh a bit. "Unreal? She's just being friendly. Hindi ka ba masaya do'n? Magiging kaybigan ko ang isa sa investors natin." Tuwid akong tumayo sa may gilid ng sasakyan habang pinapanood siyang ilagay ang mga pinamili namin.

Nang matapos siya ay sinara nito ang trunk at hinarap ako. "There's no wrong with that. I don't want to be rude kanina kaya sinakyan ko ang mga ginagawa niya. Almost what we buy ay siya ang pumili. Please, sis, iwasan mo na siya. There is something wrong with her." Humawak siya sa braso ko.

Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya.

"Thank you for concern, ate, pero hindi ko siya maiiwasan. Like what I said, investor siya ng company. I also invited her to Jake's birthday."

Bumuntonghininga si Ate. "Fine, pero sinabihan kita, ha. Pag-ikaw . . . na ko, bahala ka."

Yumakap ako sa kanya. "Oo na po, Ate. Thank you. Let's eat na muna before mo akong ihatid sa bahay. I'm really starving."

Niyakap ko siya at gumanti naman siya ng yakap sa 'kin. Ilang minuto kaming nandoon hanggang sa humiwalay si Ate sa 'kin.

"Let's go na. Hanap tayong mabibilhan ng food."

****

HABANG kumakain kami ay napansin kong lumungkot bigla ang mukha ni Ate. Hinawakan ko ang kamay niya, nag-angat siya ng tingin sa 'kin.

"Okay lang ba kayo ni Jack?" Nag-iwas siya ng tingin sa tanong ko. Confirm na. May kung anong nangyari talaga sa dalawa.

Dahan-dahan niyang binawi ang kamay niya.

"O-oo naman. Okay lang k-kami," sagot nito habang pinagpatuloy ang pagkain ng chicken.

"Alam mo hindi ka magaling magsinungaling." Kumuha ako ng fries at sinawsaw 'yon sa gravy.

"I said I'm okay. We're okay," madiin nitong ani.

"Okay ka nang okay pero panay naman tingin mo sa phone mo," I stated.

Nilingon niya ako. "Fine. We're not okay! Nagkagalit kami kanina bago ako umalis ng bahay."

"Reason?"

"He gets mad kasi na nakipag-usap daw ako sa ibang lalaki pero anong magagawa ko, 'di ba? The guy knock to my door. Pinagbuksan ko lang tapos nagalit na. I can't really understand him!"

"Hmm . . . ano ba muna kayo?"

"Anong ibig mong sabihin?"

I sigh, "ano kayo. Boyfriend-girlfriend? M.U? Best friends? Landiang walang label?" tanong ko, uminom ako ng juice.

Nag-pout si Ate. "Hmp. Hindi ko alam kung ano kami. We're acting like a couple but wala namang lable. We like teenagers."

Umiling-iling ako.

"Alam mo, Ate, kung ako sa 'yo ha. Linawin mo na yung relasyon niyong dalawa kasi baka mamaya naga-assume kang kayo pala pero hindi. Iiwan ka na lang niya tapos iiyak ka dahil naiwan ka," pagu-umpisa ko.

Inis niya akong binato ng fries. "Alam mo? Nakaka-inis ka!"

Tumatawa akong umiwas, "what?! I'm just stating facts! Nasa iyo pa rin naman ang decision."

Bumaba ang tingin ko sa cellphone ko na nagba-vibrate. Kinuha ko 'yon at sinagot.

"Hubby."

"Wife, nasaan ka na?" malambing na tanong ni Jake. Hindi ko naiwasang mapangiti. Nang-aasar kong nilingon si Ate na panay ang irap sa 'kin.

"Kumakain kami ni Ate, hubby. After this ihahatid niya na ko pauwi," ani ko. Tinapos ni Ate ang pagkain niya't nag-cellphone rin.

I hear Jake's breathing. "Okay. Anong kinakain mo? Dapat healthy 'yan, iwasan mo ang bawal sa 'yo. Uminom ka na ba ng vitamins?"

Lalo akong napangiti. "Fries and pineapple juice ang meal ko. Ayaw kumain ni baby ng rice, mas gusto niya fries."

"Si baby ba talaga or si Mommy?"

"Baby ngaaa—" I startled ng bumagsak sa lamesa ang cellphone ni Ate. Gulat ang hitsura nito.

"What's that wife? Are you okay?!" nag-aalalang tanong nito.

Napalunok ako. "Yeah. I'm okay. Nahulog lang sa lamesa ang phone ni Ate. I need to go na, hubby, para maaga akong maka-uwi. Kumain ka na. Don't wait for me."

Relived sigh ang pinakawalan ni Jake. "Okay. Ingat ka. I love—" Biglang tumigil sa pagsasalita ang asawa ko na kinatigil ko.

"Huh?"

"A-ano . . . nothing. Bye!" he ended the call ng gano'n-gano'n lang. Umirap ako. Ano kayang nangyari do'n. Ibinalik ko ang tingin ko kay Ate, nakanganga pa rin ito.

"Baka pasukan ng langaw.'

"What is that?! Anon b-baby?!" naguguluhang tanong nito. Kinunutan ko siya ng noo habang nililigpit ang lamesa namin.

"Baby? Bata. Anak. Child."

"B-buntis ka?!"

"Yep. Tara na, Ate. Nag-aalala na ang asawa ko," aya ko na para bang wala lang ang pinag-uusapan namin.

Lumabas kami ng lugar, pumunta ng passenger seat at pumasok sa loob. Binuhay lang ni Ate ang makina pero hindi pa kami umaalis.

"Hindi pa tayo aalis?"

Tinaasan niya ako ng kilay, mapanuksong tumingin sa 'kin. "So . . . ilang buwan na 'yan?"

"Almost eight weeks na, Auntie," mapanuksong tanong ko.

Nagulat ako ng tumili ito. "Kaya pala kakaiba ka na, ha! Alam na ba nila Mom and Dad?"

"Not yet. Ia-announce namin sa birthday ni Jake."

Niyakap niya ako ng mahigpit. "Congrats, Sister! I'm happy for you!!" she squeal.

Nakangiting gumanti ako ng yakap. Humiwalay ako sa kanya. Matamis siyang nginitian.

"Thank you pero sana sa 'tin lang muna 'to, Ate," paki-usap ko. Tumango ito at nag-start na mag-drive.

******

I WATCHED my sister's car to leave. Hindi na ito bumaba ng sasakyan dahil kaylangan na raw niyang umuwi ng bahay dahil hinahanap na siya ni Dad. There is a lot of difference sa pagitan namin ni Ate. Start na do'n sa tinitirhang bahay.

Bukod sa hindi kami magkamukha ay prim and proper din siya. Napaka-demure niya. Mahilig sa light colour dresses and light make-ups. Girly things. Ako naman ay medyo lang.

Nang hindi ko na makita ang kotse ni Ate ay pumasok ako sa loob ng bahay. Naabutan kong naglilinis si Abby sa sala. Ngumiti ako at lumapit sa kanya.

"Abby?"

Nilingon ako ng babae. Ngumiti siya at binaba ang basahan para tumayo ng deretso.

"Nandiyan ka na po pala. Gusto niyo po bang kumain?" tanong niya. Akmang magpupunta na ng kusina pero pinigil ko.

"Hindi na. nasaan na ang kuya mo?"

"Nasa taas po. Sige, ate, tatapusin ko po muna 'to," tukoy niya sa paglilinis.

Pumanik ako sa hagdan at pumunta sa kwarto namin. Marahan kong binuksan ang pinto saka binuhay ang ilaw dahil madilim.

Hinanap ng mata ko si Jake. I saw him na natutulog sa kama. Dahan-dahan akong lumapit sa kama. Umupo ako sa may gilid at hinawi ang buhok nitong nakaharang sa gwapo nitong mukha. Napangiti ako. Ibinaba ko ang ulo ko kapantay ng kanya.

I kissed his forehead, his nose and then . . . I looked at his reddish red lips. Inilapit ko ang mukha ko at akmang hahalikan siya ng biglang magmulat ng mata si Jake.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro