Chapter 53
Alex P.O.V.
HUMIGA ako sa kama ng maka-uwi kami sa bahay. Hindi ako kinikibo ni Jake simula ng umalis kami ng hospital. Nagtatanong lang siya kung nagugutom na ba ako o kaya naman kung ano ang lagay ko. Ayoko ng cold siya sa 'kin. Pakiramdam ko ay may kulang kapag hindi kami nag-uusap.
"Wife, are you sleeping?"
"No," mahinang sagot ko. Hindi ko namalayang umiiyak na naman pala ako.
Niyakap niya ako from behind. "Why are you crying? May nararamdaman ka bang kakaiba?" nag-aalalang tanong niya.
Umiling ako sa kanya. "I thought you are mad at me."
Hinalikan niya ko sa noo, pinunasan ang luha ko. "I'm not mad at you, wife. I'm mad at myself. Hindi kita naalagaan. Tumahan ka na, wife. Masama sa 'yo ang pag-iyak."
Suminghot-singhot ako.
"Tama na. Halika ka na, wife. Kumain na muna tayo dahil kanina ay hindi na naman kumain. From now on, babantayan ko na ang kinakain mo," aniya. Hinila niya ako patayo.
Sabay kaming lumabas ng kwarto at bumaba sa kusina. Naabutan namin si Abby na nag-aayos ng lamesa. Ipinaghila niya ko ng upuan.
"Abby, sumabay ka na sa 'min," yaya ko sa kanya.
"Hindi na po, ate. Busog pa rin po kasi ako. May gagawin pa po ako. Tawagin niyo na lang ako kapag natapos na kayo," anito bago lumabas ng kusina.
Nilingon ko si Jake na naglalagay ng pagkain sa plato ko. Tumingin ako ako sa plato ko. Puro gulay ang laman.
"You should eat vegetables, bilin ni Doc. Mamaya ay pupunta ako sa grocery at bibili ng healthy snacks for you. Ikaw ba may gusto kang ipabili?" tanong nito saka naglagay ng pagkain sa sariling plato.
"I want Pineapple and orange na lang then bagoong," nakangiting ani ko. Nag-start na ko sa pagkain.
"Sige, dadamihan ko na ang bili ng mga 'yon. Saka, wife, nasaan ang vitamins mo? Kaylangan mong uminom no'n after kumain."
Uminom ako ng tubig bago siya sinagot. "Nasa kwarto." Nakangiting tumango siya sa 'kin. Tahimik kaming kumain.
NAPATINGIN ako sa langit. Nasa terrace ako, hininhintay kong dumating si Jake. Kanina pa kasi umalis hanggang ngayon ay wala. Napatingin ako sa cellphone ko. Malapit na ang birthday ni Jake, April twenty-one. Hihingi ako ng tulong para sa surprise ko sa kanya.
I dialled my sister's number.
"Ate, pwede ka bang pumunta dito bukas?" bungad ko. Na-miss ko kasi bigla si Ate, gusto ko siyang yakapin ng mahigpit. Panggigilan ang braso niya.
"Hmm? Bakit, is there any problem?" tanong nito.
"Wala naman. Gusto ko lang maka-bonding ka."
"Bakit, na miss mo ko?" I can imagine her na nakangisi.
"Basta! Punta ka dito bukas." I ended the call na pagkatapos no'n. Dinama ko ang malamig na simoy ng hangin. Napadilat lang ako ng marinig ang pagtunog ng sasakyan sa ibaba. I saw Jake's car. May dala-daang paper bags.
Nakangiti akong lumakad pababa.
"Hubby!" tawag ko sa kanya, nasa loob na ng bahay si Jake. Niyakap ko siya. "Bakit ang tagal mo? Kanina pa kita inaantay."
Ngumiti siya sa 'kin, naglakad papunta sa kusina.
"Medyo madaming tao sa grocery, and traffic," sagot nito. Inilabas na niya ang mga prutas sa lalagyan. Lumapit ako sa kanya at kumuha ng mansanas.
"Ah, okay." Hinugasan ko ang prutas na hawak. "Gusto kong manuod ng movie, hubby," ani ko.
"Okay, wife. Anong movie ang gusto mong panuorin?"
"Vampire movie. Dapat ay kamukha ni Edward Cullen," ani ko. Kagat-kagat ang apple na lumabas ako ng kitchen. I went to living area to turn on the TV. I put first to news to watch, pero hindi naman ako nag-enjoy sa panunuod.
Lumabas si Jake galing kusina. Lumapit sa may gilid ng VCD kung nasaan nakapatong ang iba't ibang CD. Pumili ito ng isa, ipinakita niya 'yon sa 'kin. Nginitan ko siya at inabot dito ang remote.
"That's Twilight, wife," ani Jake. Tumabi siya sa 'kin, kaya niyakap ko siya ng mahigpit. Gumanti siya sa 'kin, hinalikan ako sa labi.
"Kyah!!" tili ko ng halikan ni Edward si Bella. "Sana ako na lang si Bella," wala sa riling ani ko,
Nagulat ako ng mapusok akong hinalikan ni Jake sa labi. Gulat akong napatingin sa kanya.
"Ayan, may halik ka na. Ikaw na si Bella at ako si Edward," nakangising anito.
"Mas bagay sa 'yo si Jacob kesa Edward."
"Nah, I want to be your Edward. Kaya lang hindi ako okay sa halik lang," anito.
Nanlaki ang mga mata ko. Mabilis akong tumayo, tumayo rin si Jake. Ngisihan ko siya. Role play?
"Bakit, ano bang gusto mo?" mapaglarong tanong ko.
Tumaas ang isang sulok ng labi nito sabay dahan-dahang lumakad palapit sa 'kin. Paatras naman ako nang paatras.
"Ikaw, kakainin kita." Tumakbo siya palapit sa 'kin, hindi na ako nakapag-react, nahawakan niya agad ang bewang ko at niyakap ako ng mahigpit. Hinarap niya ko at hinalikan sa labi. Ipinalupot ko ang braso ko sa batok niya.
Nakangiti kami sa isa't isa ng magbitiw ang mga labi namin.
Hinawakan ko ang ibabang labi nito. Tumingin ako sa TV bago binalik ang tingin sa asawa ko.
"Patayin mo na yung TV. Sumunod ka sa 'kin sa taas," utos ko in seductive way.
Binitawan niya ko, lumapit sa may TV. Pumanik naman ako sa may hagdan at pumunta sa kwarto namin. Pinatay ko ang ilaw at humiga sa kama. Nilingon ko ang side table kung nasaan ang phone ni Jake, naka-ilaw. Bumangaon ako at inabot iyon.
Hindi naman siguro siya magagalit kung papakialaman ko ang phone niya, 'di ba? Baka kasi urgent.
"Hello?"
"Hi, where's Jake? I need to talk to him?" ani sa kabilang linya.
Kumunot ang noo ko. Who is it?
"May I know who you are and what do you need to my husband?" tanong ko.
Tumawa ito sa kabilang linya, "okay. You don't know me? Ako lang naman—" Bago p a masabi ng babae ang pangalan niya ay namatay na ang telepono.
"Hello? Hello?!" Ibinaba ko ang phone dahil mukhang lobatt na ang phone. Napanguso ako. Bumukas ang pinto. Nakangiting pumasok si Jake. Galit kong ibinato sa kanya ang cellphone niya. Gulat nitong sinalo 'yon.
"What the hell, wife? What's this?" nagtatakang tanong nito at lumakad palapit sa may pinto.
Nag-cross arm ako sa harapn niya bago sumandal ng upo. "May tumawag sa 'yo. Kaylangan ka daw niyag maka-usap," inis kong ani. Nawala na tuloy ako sa mood. Patalikod akong humiga sa gawi nito.
"Sino daw yung tumawag?" tanong ni Jake ng humiga siya sa tabi ko.
Umirap ako. Nagtanong pa talaga siya Maang-maangan, ha! Baka mamaya ay babae noiya 'yon!
"I don't know. Hindi rin naman siya nagpakilala," inis kong sagot. Inalis ko ang braso niyang nasa bewang ko.
Imbis na lumayo sa 'kin at mas sumiksik pa siya. Ipinatong ko ang kumot sa katawan ko.
"Hm? Bakit naman galit ang asawa ko?" malambing nitong tanong, dumampi ang ilong ni Jake sa leeg ko. Napakagat ako ng labi. Tukso, layuan mo ako.
"B-babae ang tumawag sa 'yo," ma-iiyak kong ani.
Para namang binuhusan ng malamig na tubig si Jake ng lumayo siya sa 'kin. Nilingon ko siya at tiningnan. Nakatingin lang siya sa 'kin pero walang emosyon ang mukha nito.
"Nagsabi ba ng pangalan?"
Umirap ako at nag-iwas ng tingin. "Ulit-ulit ka naman, eh. Sinabi ngang hindi! Let's sleep!" Pumikit ako.
Hinintay ko siyang kausapin ako pero hindi naman niya ginawa. Hays, Alexandra malala ka na. Don't think, too much. Makakasama kay baby 'yan. Trust your husband.
Huminga ako ng malalim at inalis ang bad things sa utak ko. Good things. Happy thoughts.
******
Jake's P.O.V.
PINANOOD kong matulog si Alex. Napasama ko na naman ang loob ng asawa ko dahil sa pagtawag ng babaeng 'yon sa 'kin. Hinalikan ko siya sa labi bago bumaba ng kama. I charged my phone.
May hula na ako kung sino ang tumawag sa 'kin kaya pagkabukas na pagkabukas ng phone ko ay agad ko itong iblo-block. Para alisin ang madaming isipin ay bumaba ako sa kusina para uminom ng tubig. Naabutan ko si Abby sa may pinto.
"Anong ginagawa mo dito? Dis-oras na ng gabi," ani ko. Nilingon niya ako at pinakita ang hawak na libro.
"Isasa-uli ko lang po sa office mo, kuya. Humiram po kasi ako dahil may ibang words na wala naman po sa internet," anito. Tumayo ako ng tuwid, tumango. Lumakad ako palabas ng kusina, pero huminto ng may maalala.
"Matulog ka na pagka-sauli mo niyan. Simula bukas at sa mga susunod na araw sana mabantayan mo ang pagkain ng Ate mo. Miki sang pag-inom niya ng gamot." Hindi ko na siya hinintay na sumagot at lumakad na paalis.
Pumanik ulit ako sa kwarto, tinabihan ko ng higa ang asawa ko. Niyakap ko siya ng mahigpit. I really hope na hindi siya magalit sa 'kin.
*******
Alex P.O.V.
LUTANG si Ate Ally, kanina ko pa siya tinatawag pero hindi naman niya ko pinapansin. Nagtataka siyang tumingin sa 'kin.
"What?"
I pouted my lips, "what-what ka diyan. Anong problema mo? Wala ka sa sarili."
"H-ha . . . anong w-wala sa sarili, ha? I'm okay. Don't worry about me. How about you?" balik niyang tanong sa 'kin.
Tinaasan ko siya ng kilay at inilingan. "May nag-iiba ng topic," pagpaparinig ko. Hinampas niya ako sa braso.
"I'm okay. Really. Don't worry, sis," ani pa nito. Tumingin sa cellphone sabay baba. Tumawa ako.
"Wala? Eh, bakit kanina ka pa tingin nang tingin sa phone mo?"
"So, where are we going?" pag-iiba na naman nito ng topic.
Tiningnan ko muna ang relo ko. "Mall na lang siguro tayo? I will buy some stuff we need," ani ko.
Tumango siya at uminom ng kape. Ako naman ay kinain na ang cake na order ko. Gusto kasi ng baby ng chocolate cake. Kinuha ako ang vitamins ko sa bag at ininom 'yon. Kanina nga'y ayaw pa kong paalisin ni Jake ng walang dalang vitamins. Hindi ko na rin inungkat pa kung sino ang tumawag kagabi.
"Then, we should go. Para hindi makahalata ang asawa mo dahil umaga pa lang ay umalis na tayo sa bahay niyo. It's past lunch na," ani Ate. Magkasabay kaming lumabas ng café.
Sunday kasi ngayon, wala pa ring pasok si Jake kaya silang dalawa lang ang naiwan ni Abby sa bahay. Hirap pa nga akong takas an si Jake dahil sa lagay namin ni baby. Nadala na rin ako. Ayoko ng may mangyaring masama sa 'min ng anak ko.
Ang batang 'to ang patunay na nakaramdam ako kung paano magmahal ang isang Jake Gabriel Anderson.
Sumakay na kami ng kotse. Si Ate ang nagdra-drive dahil sa kanya ang gamit namin. Tumingin ako sa may bintana. Pinanood ko ang ilang kotse at tao sa labas.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro