Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 52

Jake's P.O.V.

"Alex, I know I have been jerk to you for these past months but I promise you . . . I'm really trying to be a better man. A better version of myself for you," ani ko. Nakatingin ako sa kanya pero naka-iwas siya ng tingin sa 'kin. "Noong sinabi kong gusto kong bigyan ng chance ang marriage natin I really mean that. Sorry talaga. Nadala lang ako . . . n-nadala lang . . . ako . . . ng s-selos."

"Selos?"

Nag-angat na siya ng tingin sa 'kin. Malungkot akong ngumiti at tumango.

"I'm jealous. I'm very jealous that day! Pumunta ako sa mall para bilhin ang camera mo dahil sinabi ka pa ng makuhua mo ang una mong camera. G-gusto ko sanang palita ng galing sa 'kin." Tumingala ako sa langit.

Inabot niya ang kamay ko na hawak ang camera.

"I don't want to say," anito.

Umiling ako, "you don't need to say anything. You just need to listen."

"Tapos no'n . . . nakita pa kita with Bryan. Hugging each other like a fucking couple. Gusto ko na siyang sugurin pero hindi ko magawa dahil gusto kitang maka-usap muna. Pero iniabot kayo ng hating gabi. Kung ano-ano nang pumasok sa isip ko lalo na ng makita kitang may dalang libro. Naiingit ako kay Bryan . . . bakit siya ang kasama mong bumili ng mga gano'ng bagay kung pwede namang ako," puno ng sakit kong ani.

Lumuhod ako sa harapan niya. Humawaka ako ng mahigpit sa kamay niya't hinalikan iyon.

"I am really, really sorry, wife . . . please forgive me. I won't promise anything but I will always try to be better husband and a father," ani ko. Yumuko ako. "I-I think I l-like you, Alex . . . please g-give me one more t-time."

Lumuhod siya para magpantay kami. Hinawakan niya pabalik ang kamay ko.

"Jake, you don't need to change yourself just for me to like you. Tanggap kita kung ano at sino ka," ani to. Sinandal ko ang noo ko sa kanya.

Nagbalik na lang ako sa reyalidad ng may humampas sa 'kin. Napatingin ako sa kung sino 'yon. Nakatingin sa 'kin si Alex na naka-cross arm.

"Are you okay, hubby?" tanong nito.

Napalunok ako. "O-okay lang ako. Anong sinasabi mo kanina?" Imagination ko lang pala 'yon. Sigurado namang hindi maniniwala si Alex kung sasabihin ko 'yon. That's a lame excuse.

"Ang sabi ko, anong balak mo sa birthday mo," pag-uulit nito. Kinuha niya sa 'kin ang camera at kumuha ng mga larawan. Nagkibit-balikat lang ako.

"A simple dinner with our family," sagot ko. Humarap ako sa asawa ko, huminga muna ako ng malalim. "Wife, I want to tell you something," umpisa ko.

Nagtataka siyang tumingin sa 'kin. "Ano 'yon?"

"Are you still mad at me?"

Nag-iwas siya ng tingin sa 'kin. "Yung totoo? Medyo na lang kasi bumawi naman ngayon, pero sa susunod dahan-dahan ka sa pagsasalita," anito.

"I'm really sorry, wife . . . I promise I will change myself for our baby," ani ko.

"Forgiven, hubby, and you don't need to change yourself dahil lang sa 'kin. Change yourself kasi gusto mo."

"I like you," mabilis kong sabi. Umawang ang labi niya.

"A-anong . . . s-sabi mo?"

"Gusto kita, Alex," totoong sabi ko.

Tumayo si Alex at humarap sa kabilang dulo ng tulay. Tumayo ako at lumapit sa kanya.

"Wag kang magbiro ng ganyan, Jake. Hindi porke magkaka-anak na tayo ay kaylangan mo ng magsinungaling."

Mariin akong umiling. "I'm not lying, Alex! I really like you! You make me smile. You make me happy. You make me feel emotions that I don't feel before, Alex. I like you so much!" bulong ko sa kanya. Hinarap ko siya sa 'kin at inangat ang mukha niya.

"I was j-jealous of Bryan. Nang makita ko kayo sa mall I feel betrayed. Lalo na dahil siya ang bumili ng mga kaybighan mo . . . k-kaya ko namang ibigay sa 'yo lahat ng 'yon . . . gusto kong ako ang kasama mo habang nagbubuntis ka at ginagawa ang importanteng bagay para sa inyo hindi ang mga kaybigan mo. Paano naman ako, Alex? Paano naman ako na ama ng anak mo? Gusto ko ring makasama sa pagbubuntis mo." Binitawan ko si Alex at sumandal sa may harang ng tulay.

There, I already said it.

Lumapit siya sa 'kin at niyakap ako. "Sorry, Jake. Hindi ko alam na gano'n na pala ang nararamdaman mo. Sana sinabi mo, hindi na sana tayo umabotr sa ganito."

Gumanti ako ng yakap sa kanya.

"That's okay, now. Basta sa susunod, wife, kung gusto mong pumunta sa kung saan ay magpasama ka sa 'kin. I always have time for you." Sumiksik si Alex sa dibdib ko at tumango-tango.

Tumingin siya sa mga mata ko, "te dua, Jake."

Kumunot ang noo ko. Narinig ko na naman kasi ang salitang 'yon. "Anong te dua? Matagl mo ng sinasabi 'yan pero hindi ko naman maintindihan."

Humiwalay siya sa 'kin at hinalikan ao sa labi. Mariin akong pumikit. Hinawakan ko siya sa batok para palalilim ang halik. Naghahabol kami ng hininga ng pakawalan ko ang labi niya. Nakangiti akong tumingin sa kanya.

"Let's get out of here, wife," hinihingal kong aya. Hinila ko siya paalis doon at pumunta sa pinag-park-an ko ng kotse. Binuksan ko ang passenger seat, nilahad ko ang kamay ko. "After you, milady."

Inilingan niya ko bago pumasok sa loob. Sinara ko ang pinto, umikot sa diver seat at sumakay. Tumingin ako kay Alex na nakatingin din sa 'kin.

"What?" natatawang tanong ko.

"Seatbelt, mister," anito habang nagsusuot ng seatbelt. Sinunod ko siya, sinuot ko ang seatbelt ko. Pinaandar ko ang sasakyan paalis.

Nakapikit na nakasandal si Alex sa upuan. Pupunta kami sa Taal Vista Hotel para doon magpalipas ng gabi mamaya. Tumingin ako sa wrist watch ko, ala-una pa lang naman ng hapon. Makakapunta pa siguro kami sa Sky Ranch o People's Park para maipasyal siya.

Nag-vibrate ang phone ko kaya medyo binagalan ko ang takbo ng sasakyan para masagot ang tawag.

"Hello?" Nilingon ko si Alex, baka mamaya ay magising ito.

"Gabby," marahan niyang banggit sa pangalan ko. Natigilan ako.

"What the hell?!"

Narinig ko ang pagtawa nito sa kabilang linya. "Ow, bakit naman ganyan ang reaksyon mo? Nakalimutan mo na bang naka-save ang number mo sa cellphone ko?"

Dumilim ang mukha ko at tumingin kay Alex. "Ano pa bang kaylangan mo? Bakit mo pa ako tinatawagan?! How did you find my number?!" gigil kong tanong.

Hininto ko muna sa gilid ng kalsada ang kotse dahil sa lagay ko ngayon ay baka mabangga pa kami.

"Bakit ko susundin ang utos mo? Anong masama sa pagtawag sa 'yo ngayon? Hindi ba dati ikaw pa ang nangungulit sa 'kin."

"Tapos na tayo, alam mo 'yan! Kaya pwede ba tigilin mo na ako!" Gigil kong pinatay ang tawag. Blinock ko ang numero niya at binaba ang phone. Nilingon ko si Alex.

Ngayon pa lang kami nagka-ayos, hindi pwedeng mag-away na naman kami. Inalis ko ang tingin ko sa kanya, ini-start ko ang sasakyan at pinaandar ito.

Alex P.O.V.

NANATILI akong nakapikit hanggang sa matapos na si Jake makipag-usap sa telepono. Dumilat ako, sino naman kaya 'yon? Bakit ayaw ni Jake na tumawag sa kanya? Is that Daisy? Kinukulit ba niya ang asawa ko?

Dumiin ang pagkakapikit ko ng makaramdam ng pagkirot sa tiyan ko. Naalarma ako at napadilat. Bumaba ang tingin ko sa tiyan ko at hinimas-himas yon. Binalingan ko si Jake na madilim pa rin ang aura.

"Jake," kinakabahan kong tawag sa kanya. Lumingon siya sa 'kin na malambot na ang hitsura.

"Yes, wife?" Kinuha niya ang kamay kong nasa hita ko. Napapikit ako ng kumirot na naman ang tiyan ko.

Niiyak akong tumingin kay Jake. "C-can we go h-home? K-kumikiro—Ouch!" Napapikit ako.

Tumigil ang sasakyan namin. Inalis nito ang seatbelt niya at lumapit sa 'kin.

"Pumunta na tayo ng hospital, wife," aniya at hinalikan ako sa noo. Mabilis pinaandar ni Jake ang kotse.

******

NAGISING akong napapalibutan ng putting silid. Sa amoy pa lang ay alam ko ng nasa hospital ako. Bumangon ako at umupo. Hinawakan ko ang tiyan ko. Napatingin ako sa pinto ng bumukas 'yon, niluwa noon si Jake.

Mabilis siyang lumakad papunta sa 'kin. Niyakap ako. Umiiyak akong gumanti ng yakap sa kanya.

"Naka-usap mo na ba ang doctor? Anong sabi niya? Okay lang ba si baby?" sunod-sunod kong tanong. Walang tigil ang luha ko, "h-hindi ko mapapatawad ang s-sarili ko kapag may masamang nangyari sa baby natin."

"Shh . . . papunta na dito si Doc, mamaya kakausapin niya tayo," anito. Hinalikan niya ako sa ulo. Tinaas niya ang mukha ko at pinunasan ang pisnge ko. Huwag ka na umiyak, wife, iiyak din si baby, sige ka."

Dahan-dahan akong tumango at tumigil sa pag-iyak. Ngumiti si Jake at hinalikan ako sa pisnge. Sabay kaming napalingon sa may pinto ng bumukas 'yon. Pumasok sa loob si Doc, lumapit siya sa 'min, tipid kaming ngumiti. Tumabi ng upo sa 'kin si Jake.

"Hi, I'm Doctor Madrigal. Misis, ilang buwan na kayong buntis?" pag-uumpisa nito.

"Eight weeks po, doc."

"Iniinom mo ba ang vitamins na nireseta sa 'yo? Kumakain ka ba ng tama?" tanong nito.

Yumuko ako at umiling. Totoo naman, eh, hindi ko naiinom ng maayos ang vitamins ko tapos madalas ay hindi ako kumakain ng ayos.

Pumisil-pisil ang kamay ni Jake sa balikat ko. Nag-angat ako ng tingin kay Doc na disappointed na tumingin sa 'kin.

Tumingin siya sa 'kin. "Misis, hindi na po ako magsisinungaling sa inyo, ha. Mahina po ang kapit ng baby baka po mamaya ay malaglag na talaga ang bata. Kaylangan mong kumain ng tama at inumin ng vitamins mo ng maayos. Stress ka rin," ani Doc at tumingin kay Jake. "Mister, pakibantayan lang ang asawa mo kung pwede. Healthy foods ang dapat kainin para lumakas si mommy at baby. Inom ng milk and matulog ng maaga."

Nagkatinginann kami ni Jake. Nasa mga mata niya ang pag-aalala at dismaya. Kagat labi akong tumingin sa Doctor.

"Doc, ano po bang pwedeng gawin—"

"Misis, sundin niyo lang po ang sinasabi ko. Drink milk, eat healthy foods. Wag kang magpapalipas ng gutom at kaylangan palaging maaga ang tulog. Don't stress yourself. Ang nararamdaman mo ay nararamdaman din ng bata."

"Pwede na po ba kaming lumabas ng hospital, Doc?" tanong ni Jake. Ngumiti naman ang Doctor.

"Yes po. Pumunta na lang kayo sa cashier para magbayad. Reresetahan ko kayo ng pampakapit," pagkasabi niya no'n ay lumabas na ng kwarto ang Doctor. Naiwan kaming dalawa sa kwarto.

Tumayo si Jake at nagbalik-balik ng lakad sa may dulo ng kama ko. Parang gusto ko na namang maiyak habang nakatingin sa kanya. Kahit hindi naman niya sabihin ay alam kong disappointed siya.

"J-Jake, I-I'm sorry."

Walang emosyon siyang tumingin sa 'kin. "I will just pay your bills. Dito ka lang." Lumakad na ito palabas ng kwarto hanggang sa maiwan ako mag-isa.

Humawak ako sa tiyan ko, "baby . . . I'm really, really sorry. Sorry kung napabayaan ka ni Mommy, ha. Don't worry, mas magiging maalaga na ako sa sarili ko dahil mahal na mahal kita, anak."

Malungkot akong humiga at hinintay magbalik si Jake.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro