Chapter 51
Alex P.O.V.
MORNING sickness. Iyan ang gumising sa 'kin kinabukasan. Sobrang sama ng tama sa 'kin ngayon ng pagsusuka. Lumuluha akong lumabas ng banyo. Tumuloy ako sa kwarto naming mag-asawa ni Jake. As usual, wala na akong naabutan sa kama. Which makes me sad.
Weekend ngayon at walang trabaho kaya saan magpupunta ang isa na 'yon? Sa weekend na nga lang siya bumabawi ng tulog. Pinilig ko ang ulo ko at pumasok sa banyo. Naligo ako.
Paglabas ko ng banyo ay may nakita akong dress na nakapatong sa kama. Kunot noong lumapit ako doon. There's a white dress na abot hanggang tuhod ko. I also saw a card with it.
I am sorry wife. Please, forgive me?
Jake
Napangiti ako dahil sa sulat. Hinubad ko ang suot kong robe at sinuot ang dress. Humarap ako sa salamin pagkatapos. Maganda. Bumagay siya sa 'kin. Hindi mapigtas ang ngiti ko ng lumabas ako ng kwarto. Naabutan ko pang nagsusulat sa sala si Abby ng pababa na ako ng hagdan. Lumingon siya sa 'kin.
"Good morning, ate," bati niya.
"Morning. Anong ginagawa mo?" tanong ko ng makalapit ako sa kanya.
"Assignments po, Ate. Medyo madami-dami kasi hinhabol ko po yung mga nauna nilang topic, eh," sagot niya na hindi ako tinitingnan. Tumango ako at nilibot ang tingin para hanapin si Jake ngunit wala siya.
"Nasaan ang kuya mo?" tanong ko.
Inosente siyang tumingin sa 'kin. "Umalis po pero ang sabi niya ay ibigay ko daw 'to sa 'yo kapag nagising ka na," anito. Mula sa ilalim ng notebook ay may inabot siya sa 'kin.
"Ano 'to?" tanong ko ng kuhanin ang card. Nagkibit balikat siya at binalik ang atensyon sa ginagawa.
"Pero ang sabi ni Kuya, kumain ka daw muna. May niluto po siyang almusal mo, tapos sumakay ka sa kotse sa labas. Mga tatlong oras na po kasing naghihintay si Kuya sa labas," anito.
Mas lalong nagsalubong ang kilay ko. Inilang hakbang ko ang bintana at sumilip sa labas. Totoo nga. May isang itim na sasakyan sa tapat ng bahay namin. Nilingon ko si Abby na nakatingin sa 'kin. May hawak na naman siyang bagong card.
Lumapit ako sa kanya at kinuha ito ng dahan-dahan.
Roses are red, Violets are blue, I know you're a tigress and I'm mesmerize by you.
Napa-iling ako sa kalokohan ni Jake. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilin ang pagsupil ng matamis na ngiti. Sa kusina, naabutan ko ang almusal ko. Umupo ako at kumain pero hindi nawawala sa isip ko si Jake. Bumabawi ba siya sa 'kin?
Pagkatapos kong kumain ay lumabas na ako ng bahay at tinungo ang sasakyan. Humigil ako sa tabi. Lumabas naman ang driver na naka-itim at naglakad palapit sa 'kin.
"Magandang umaga po, ma'am," bati nito.
Ngumiti ako. "Good morning din. Sino ka nga pala?"
"Ako po si Anton. Bagong driver niyo. Binilin po ni Sir Jake na ihatid ko po kayo sa kanya," anito. Tumango ako. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa back seat. Sumakay ako sa loob. Tumingin ako sa bintana nang umandar kami. Sumandal ako sa upuan.
"Nasaan si Jake?"
"Pasensya na, ma'am, sabi ni Sir ay huwag daw sabihin sa 'yo dahil sorpresa pero ihahatid ko naman po kayo. Wag kayong mag-alala," sabi nito at binalik na rin ang atensyon sa daan.
Hindi ko na ulit siya tinanong. Naghikab ako at isinandal ang ulo ko sa head rest. Hindi ko alam kung dahil pagod lang ako o buntis kaya bigla akong inantok at tinangay ng dilim.
******
NAGISING ako ng maramdaman kong nagbukas ang pinto sa gilid ko. Mabilis akong dumilat at tumingin sa gilid, nakabukas 'yon at nakatayo si Anton. Lumabas ako ng sasakyan. Kumunot ang noo ko habang inililibot ang tingin. Nasaan ba kami? Si Anton ang nagsarado ng pinto ngunit may inabot siyang kahon.
Walang salitang kinuha ko ang kahon, sumakay ulit ito sa kotse. Pinanood ko lang siyang umalis bago ko tiningnan ang kahon. Binuksan ko ito.
Wow. A necklace. May picture din ng isang malaking Ferris Wheel. Tumingin ako sa harap ng isang hotel. Akmang papasok ako sa loob ng makita kong lumabas si Jake na nakangiti sa 'kin. Simple lang ang suot ng asawa ko. Isang polong kulay puti na nakabukas ang tatlong butones at itim na slacks.
Lumakad kami palapit sa isa't isa. Huminto lang ng dalawang hakbang na lang ang layo namin. From here, I can smell his wonderful scent.
"Anong gagawin natin dito? And where are we?" nagtatakang tanong ko.
Ngumiti siya sa 'kin. Kinuha niya ang kwintas sa kamay ko. Hugis bitwin 'yon. Lumakad siya papunta sa likod ko.
"First question, wife. We are here to enjoy. I'm also sorry about what I've said to you and how I treat you these past few days. You don't deserve that. Second, we're here at Tagaytay," aniya.
Inipon ni Jake ang buhok ko at inilagay ito sa isang side ng leeg ko. Saka ko naramdaman ang malamig na bagay na 'yon.
"Para saan ang kwintas na 'to?" Hinawakan ko ang star ng kwintas.
"That'ts the North Star, wife. The polaris." Hinalikan niyo ang leeg ko, napapikit ako. "I'm really sorry for what I've said . . . I'm just—" Hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil lumingon ako. Hinawakan ko ang pisnge niya. Isang dangkal na lang ang layo ng mga mukha namin. Isang maling galaw, magdidikit ang labi namin.
"You're just?"
Umiling siya at hinawakan ang kamay ko. Hinila niya ako paalis sa tapat ng hotel. Pumunta kami sa gilid, nakita ko ang kotse nitong naka-park. Pinagbuksan niya ko ng pinto at sumakay ako. Umikot si Jake papunta sa driver seat.
"Saan ba tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ko kay Jake pero kinindatan niya lang ako. "Jake, hindi mo ko madadaan sa ganyan. Hindi pa tayo bati," kunwaring galit kong sabi.
Napatingin ako sa kanya ng hawakan niya ang kamay ko. Hinalikan niya ang likod ng palad ko't humigpit ang hawak sa kamay ko. Sinubukan kong bawiin ngunit ayaw niyang pakawalan kaya pinabayaan ko na lang. Parang napako ang kamay niya sa 'kin.
Nasa Tagaytay nga kami dahil kita mula sa bintana ko ang Taal Volcano. May mga sunflowers din na nasa gilid ng daan at iba pang mga bulaklak. Napahawak ako sa kwintas.
Polaris. Napangiti ako at humawag sa tiyan ko. Anak, mababaliw na talaga ako dahil sa tatay mo. Alam mo namang mahal ko siya, hindi ba? Natunaw agad ang galit ko dahil sa ginawa niya ngayon. Sana anak, huwag kang maging kaugali ng ama mo.
"What are you thinking?" Napatingin ako kay Jake.
"Wala. Saan ba tayo pupunta?" tanong ko, binawi ko ang kamay ko at pinakawalan naman niya.
"Maglilibot, wife. Just relax. Ipapasyal ko kayo ng anak natin," sagot niya.
******
HUMINTO kami ni Jake sa isang parking lot. Matarik ang bangin na ang kasunod. Bumaba si Jake para umikot sa may gilid ko. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Nakangiting inabot ko ang kamay ko at bumaba.
"Nasaan tayo?"
"Picnic Groove, wife. Dito tayo magla-lunch," anito.
Sabay kaming lumakad papasok. Nagbayad muna si Jake sandali ng entrance fee para makapasok kami.
Maraming tao sa lugar. Well, malamig kasi ang panahon ngayon at sa ganitong pagkakataon ginaganap ang mga field trip. Umakyat kami ni Jake sa hagdan, pinauna niya ako at nakaalalay siya sa likuran ko. Nasa pinakamataas kaming cottage.
May mga pagkain na sa bilog na lamesa. Pumasok ako sa loob at puymunta sa dulo. Humawak ako sa baradilya at dinama ang malamig na hangin.
Niyakap ako ni Jake sa likuran. Ipinatong niya ang baba sa balikat ko. Hinawakan ko ang braso niyang nasa bewang ko. Hinalikan niya ang expose kong leeg, I give him more access.
"Are you already hungry?" he asked. Ngumuso ako at umiling.
"Medyo busog pa ako dahil nag-almusal ako bago umalis ng bahay," sagot ko.
Nakangiti siyang tumango. Hinaplos niya ang tiyan ko at hinalik-halikan ako sa leeg.
"Kumusta kayo ng baby natin?" malambing niyang tanong.
"Okay lang naman pero kaylangan ko na ulit magpunta sa doctor para sa follow up check-up ko."
"When? I will go with you," aniya.
Nilingon ko siya at sinapo ang mukha niya. He closed his eyes na parang dinadama ang haplos ko.
"Next day? Not really sure sa date. Besides, hindi ka ba busy?" Dumilat si Jake at tumingin sa 'kin.
"No, wife. Kahit gaano pa ko ka-busy ay magkakaroon ako ng oras sa inyo. Gagawa ako ng oras para sa 'yo," aniya.
Lumawak ang ngiti ko dahil do'n. Tumingin ako sa may bulkan para hindi niya makita ang pamumula ko. Bakit ba kasi sobrang sweet ng lalaking 'to? Bakit?! Pasimple ko siyang nilingon ng may marinig akong mag-click. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang camera na hawak nito.
Ibinaba niya ang camera at nakangiting tumingin sa 'kin.
"Ang ganda talaga ng asawa ko," bulong niya habang nakatingin sa screen ng camera. Muli niyang itinaas iyon at tinutok sa 'kin. "Smile, wife."
Ngumiti ako. Kinuha ko ang camera sa kamay niya at siya naman ang kinuhanan.
"Smile, hubby." He smiled. After that ay chineck ko kung maganda baa ng mga kuha namin. "Kaninong camera 'to?"
"Sa 'yo."
Kumunot ang noo ko, "sa 'kin? Eh, paanong sa 'kin? Yung camera ko nasa condo."
Nginisihan niya ako. "Don't be so naïve, wife. Sa iyo 'yan. Binili ko ng magpunta ako sa mall noong nakaraan. Maganda kasi dito sa Tagaytay kaya naman dinala ko 'yan," paliwanag niya.
Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kaniya. Nang mag-sink in sa 'kin ang sinabi niya ay agad ko siyang dinamba ng yakap.
"Thank you, hubby!!" bulong ko.
Hinalikan niya ako sa ulo. Lumayo ako sa kanya at tinaas ang camera. Tinutok ko sa kanya 'yon muli. Pagkatapos ay humarap ako sa Taal. Iyon naman ang kinuhanan ko ng larawan. Hinarap ko si Jake na nakatingin lang sa 'kin.
"May dumi ba ko sa mukha?" tanong ko. Inipit ko ang ilang buhok ko sa likod ng tenga ko. Umiling siya at inabot sa 'kin ang isang mansanas. Nginusuan ko siya. "Sabi sa 'yo busog pa ako."
"Kahit 'yan lang, wife. Magugutom ka kasi kapag naglibot na tayo," anito.
I rolled my eyes at him. "Ako binibigyan mo pero ikaw walang kinakain." Tinaasan niya ako ng kilay. Pinandilatan ko siya. "Don't look at me like that, Jake Gabriel. Kakain ka din. Dalian mo at gusto ko ng maglibot."
Lumakad kami ni Jake sa tabi ng buffet at kumuha ng pagkain namin. Mabilis lang natapos ang pagkain namin tapos no'n ay umalis na rin kami ni Jake. Nakasunod ako sa asawa kong magaling. Puro puno na lang ang nakikita ko sa dinadaanan namin.
Tinaas ko ang camera ko at kumuha ng larawan. May mga magagandang ibon din. Miski ang view ay maganda rin.
Napapikit ako ng mauntog ako sa matigas na bagay. Hinawakan ko ang noo ko at tumingin sa kung saan ako nauntog. I saw Jake na nakatigil sa harap ko. Nagtataka ang mga tingin nito. Nakanguso akong yumuko. Minsan talaga ayoko sa bato-bato ang katawan, eh.
Nag-angat ako ng likod at tiningnan ang nasa harapan ni Jake. There's a long bridge.
"Saan papunta 'yan?" nakangusong tanong ko.
"I don't know. Pero tingnan natin," aniya at hinawakan ako sa kamay. Hinila niya ako papunta sa may hagdan. Humawak ako sa may hawakan dahil medyo umuuga siya noong magdaan kami.
Mataas naman ang harang pero nakakakaba pa rin. Tumingin ako sa ibaba para lang mabilis na magtaas ng tingin. Wrong move!
Tumigil kami sa gitna ng tulay. Tumabi siya sa 'kin at kinuha ang camera. Tumingin kami pareho sa kawalan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro