Chapter 50
Alex P.O.V.
NAKANGITI akong kumaway sa paalis na sasakyan nila Bryan. Hindi namin namalayan ang oras kaya kami ginabi ng uwi. Well, mahirap talagang umuwi ng maaga kapag kasama mo ang barkada. Nakapatay lahat ng ilaw sa bahay, tandang wala pang tao doon. Tiningnan ko ang orasan ko, ten o'clock na. Eight kami umalis sa mall tapos naghanap kami ng makakainan at na-traffic pa.
Binuksan ko ang gate at pumasok sa loob. Sinarado ko 'yon at ni-lock bago naglakad papunta sa main door namin. Gamit ang isang kamay ay binuksan ko ang pinto. Kinapa ko ang switch ng ilaw sa may gilid para sana magkaliwanag pero may nauna nang gumawa no'n sa 'kin.
Bumukas ang isang lampshade sa gilid ng couch kung saan naka-upo si Jake. May hawak ito ng baso ng alak, walang pang-itaas na damit tanging slacks lang ang suot. Bukas pa man ang butones at zipper lang ang nakasara.
Para siyang si Christian Grey!
Napalunok ako ng seryoso siyang tumingin sa 'kin. Alanganin akong ngumiti at binuhat ng maayos ang mga libro.
"Hi, hubby! Kumain ka na?"
Jake dangerously smirked at me. He put down the glass of brandy without removing his eyes on me.
"What time is it?" he asked coldly.
Napalunok ako. Sinubukan kong lumapit sa kaya. Binaba ko sa couch ang mga hawak na libro at hinalikan siya sa pisnge.
"Hubby, may orasan tayo, 'di ba?" biro ko. Napapikit ako ng magmura siya ng malakas.
"Don't fucking play games with me, Alexandra Crystal! Anong oras na?! Uwi ba 'yan ng matinong babae, ha?! May asawa ka na't buntis tapos nagagawa mo pang makipaglandian sa kaybigan mo! Wala rin kayong hiya, ano! Sa mall pa talaga kayo nagyakapan!"
Kusang umangat ang palad ko at pinadapo 'yon sa mukha niya. Galit akong tumingin sa kanya. Hindi ko akalaing mapapagsalitaan niya ko ng gano'n! M-malandi ba talaga ang tingin niya sa 'kin?
Hindi ko namalayang nag-uunahan na pala ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Galit ko siyang dinuro.
"H-how dare you to accuse me of flirting with my best friend?! Wala kanga lam, Jake! SImula ng manggaling tayo sa party ni Ms Hart nag-iba ka na, Jake! S . . . sobrang nag-iba ka! Kung ayaw mo na sa relasyong 'to sabihin mo!! Maghiwalay na lang tayom ngayon! Why do we have to wait for fucking five months, 'di ba!" Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Mabigat akong humakbang papunta sa hagdan. Pumanik ako sa taas at pumunta sa kwarto.
Ni-lock ko ang pintuan. Hindi na ako nag-abalang magpalit ng damit ng damit. Humiga ako sa kama at sumubsub sa unan. Umiyak ako nang umiyak. Gano'n na pala ang tingin niya sa 'kin. Malandi dahil sumama ako sa kaybigan. Malandi kasi niyakap ang kaybigan.
********
Jake's P.O.V.
NAKAPAKO ang tingin ko sa pinanikan ni Alexandra. Hindi ko sinasadya ang mga nasabi ko pero hindi ko naman na mababawi pa 'yon. Gusto kong pagsusuntukin ang sarili ko. Napakalaki kong tanga.
Nagalit lang naman ako dahil sa pictures na nakita ko. Niyakap niya si Bryan do'n na hindi ko matanggap. Napangunahan ako ng matinding galit at sama ng loob. Halo-halo na. Pabagsak akong umupo sa couch at inihilamos ang kamay ko sa mukha ko. Sinabunutan ko ang sarili ko.
"FUCK!!!" galit kong inihagis sa pader.
Dumako ang tingin ko sa paper bag na dala ni Alex. Kinuha ko 'yon at binuksan. Natigilan ako sa nakita ko. It's book about pregnancy and parenting. Tumingin ako sa itaas na may halong pagsisisi.
"I should not say that to her," mariin kong sabi.
Tumayo ako at lumakad papunta sa laundry room. Kumuha ako ng isang damit at sinuot 'yon. Kinuha ko ang susi ng kotse ko at lumabas ng bahay. Sumakay ako ng kotse at pinasibad ko 'yon paalis.
*******
PUMASOK ako agad ng makarating sa bar ni Henry. I didn't even parked my car properly. Basta na lang akong bumaba. Pumanik ako sa hagdan at pumanik sa VIP room. Binuksan ko ang pintuan, tumambad sa 'kin sina Benjamin, Hunter at Henry. Umiinom kasama ang mga babae.
Pumasok ako sa loob, sinarado ko ang pinto at umupo sa tabi ni Hunter na walang katabing babae. Kinuha ko ang inabot niyang baso ng alak.
"Andito na pala ang married boy!" malokong ani Henry. Binalingan nito ang babaeng katabi. "Baby, you can go now. Mamaya na lang," anito. Tumango ang babae na tumingin muna sa 'kin at ngumisi bago tumayo. Tumingin sa ibang babae na parang inaayang umalis. Lahat ng kasama nila ay lumabas din ng silid hanggang kami-kami na lang ang naiwan.
"What's the problem, dude? Ngayon ka lang ulit nagyayang uminom," tanong ni Benj.
Inisang lagok ko ang alak at tumingin sa itaas. Sumabay ako sa couch. Bored ko silang tiningnan bago nagsalin ng alak sa baso.
"Nagkaroon kami ng away ng asawa ko," ani ko. Itinabi ko ang Jack Daniels sa gilid ko.
Malakas nila akong tinawanan.
"Woooo. Wait?" Si Jake ka ba talaga? Baka naman masamang espirito ka lang na sumanib sa katawan ng kaybigan namin," pang-aasar ni Henry.
Masama ko silang tiningnan, "I'm not joking here, assholes. Nasabihan ko ng hindi maganda ang asawa ko. Ayon, hanggang ngayon ay hindi ako hinaharap."
Sumeryoso ang mukha nilang tatlo dahil sa sinabi ko. Alam kong gago sila pero hindi nila pinagsasalitaan ng masama ang babae lalo na kung 'di naman nila deserve.
"Ano bang sinabi mo?" tanong ni Hunter.
"Nasabi kong nakikipag-landian siya sa kaybigan niya. Can you blame me?! Nakita ko . . . from my two eyes that she is hugging her boy best friend! Sa Mall pa mismo! PDA!" inis kong turan.
"Tsk. Sure ka ba na siya 'yon?" tanong naman ni Benj.
Tiningnan ko siya ng masama. "OO naman! Gago ba ko para hindi ko makilala ang asawa ko?!"
"Gago! Syempre, malay ba namin, 'di ba? Malay mo kasi ka-build lang ng katawan ng asawa mo."
Umiling ako. "No, I know my wife kahit na sa malayo ay makikilala ko siya."
Tsk. Eh, di dalawa pala ang broken hearted ng barkada, eh," anito at tumawa. Tinapik niya ang balika ko, "pero dude, makipag-bakita ka na. Say sorry. Hidni mo naman kamo sinasadya," dagdag pa nito.
"Anong dalawang broken hearted?" nagtatakang tanong ko.
Tumingin sa 'kin si Benj at nginuso si Hunter na tahimik sa tabi. Nilingon ko siya, tahimik na umiinom.
"I saw this girl in your wedding, Jake," pag-uumpisa nito. Tinaasan ko siya ng kilay. "Naalala ko sa kanya si Divine. She has Divine's eyes."
Umawang ang labi ko. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Tumikhim ako.
"Who is it?"
Tumikhim ito. "What happened to your sister, Jake? Bakit iba ang kulay ng mga mata niya?"
Kumunot ang noo ko. "My sister? Klyzene?" Naninigurong tanong ko. Tumango siya. "I don't kow what exactly happened dahil nandito ako sa Pilinas ng may mangyaring aksidente sa kapatid ko," sagot ko.
"Anong klaseng aksidente?"
Biglang sumama ang timpla ko. Bakit ang dami niyang tanong tungkol sa kapatid ko? Damn!
"Bakit ka ba interesado sa kanya? Bro, walang kinalaman sa inyo ni Divine ang kapatid ko. Huwag mong isali, bata pa 'yon," seryosong sabi ko.
Seryoso rin siyang tumingin sa 'kin. "I'm just asking, Jake. Chill your ass," malamig na sabi nito bago tumayo. "I will go now." After that, he left. Umiling ako.
"Malakas din ang tama ni Hunter minsan, eh, wag niyo na lang pansinin," ani Benj. Binalingan niya ako. "Ang dapat mong pagtuunan ng pansin ay kung paano ka makakabawi sa asawa mo. Alam mo naman ang mga babae, kapag tinoyo baka outside de kumalbo ka," anito.
"Anong outside de kumalbo?! Gago, gusto na ngang makipahiwalay sa 'kin!"
Hinampas ako sa balikat ni Henry. "Pare, drink all liquors here, sagot ko na. Ako nang maghahatid sa 'yo pauwi," anito. Inubos nito ang laman ng alak bago tuluyang umalis. "I-check ko muna ang mga tauhan ko sa ibaba. Babalik din ako."
Hanggang sa naiwan kami ni Benj sa VIP room.
"Love sucks," anito. "Kaya ayokong ma in love, pare. Kapag kasi nagmahal ka, masasaktan ka. Kapag nasaktan ka sisisihin mo ang tadhana na kesyo pinagtago pero hindi tinadhana pero ang totoo ang tao ang gumagawa ng sarili niyang tadhana. Nagiging tanga lang talaga sila," dagdag pa nito.
Inilingan ko siya. "Wag kang magsalita ng tapos, Del Fiero, malay mo mamaya ay makita mo na ang tadhana mo sa ibaba natin."
Tumawa ito. "Hindi na ako lalabas ngayon. Bukas na lang para siguradong walang ibang tao," biro nito.
Gaya ng sinabi ni Henry, nagpakalasing ako kahit alam kong wala namang magagawa ang paglalasing ko.
******
Alex P.O.V.
NAALIMPUNGATAN ako ng marinig ko ang tunog ng makina sa labas. Bumaling agad ako sa tabi ko para tingnan kung nasaan si Jake, ngunit wala ito. Tiningnan ko ang orasan sa may side table. It's already two am ngunit wala si Jake.
Bumaba ako ng kama at lumabas ng kwarto para hanapin ang asawa ko. Sobrang sakit ng mata ko dahil sa walang tigil na pag-iyak. Pagbaba ko ng hagdan ay naabutan ko si Jake buhat-buhat ng isa niyang kaybigan. Binilisan ko ang pagbaba ko, tumigil ako sa may dulo ng hagdan at napatingin sila sa 'kin.
"Anong nangyari sa kanya?' nag-aalalang tanong ko.
"Hi, Alex. Remember me? I'm Henry," pakilala niya sa 'kin. Inabot ko ang isang kamay ko at nakipag-shake hands dito.
"Naglasing 'yang asawa mo. Saan ko ba siya pwedeng ibaba? Mabigat kasi," tanong nito.
Mabilis akong pumuwesto papunta sa gilid ni Jake, pinatong ko ang isang braso nito sa balikat ko para may katulong siya sa pag-alalay.
"Sa taas. Tara."
Pumanik kaming dalawa sa hagdan. Nang makapasok sa kwarto namin ay maingat siyang ihiniga sa kama. Hinarap ko si Henry at ngumiti sa kanya.
"Thank you, ah. Gusto mo bang magkape muna?" tanong ko sa kanya.
Ngumiti siya sa 'kin at umiling.
"Hindi na. Mauuna na ako dahil madaming tao sa bar. Sadyang inihatid ko lang ang asawa mo," anito.
"Sige, salamat. Ihahatid na kita sa palabas." Sabay kaming lumabas ng kwarto, at bumaba sa sala. Pinanood ko ang lalaking sumakay sa kotse niya hanggang sa mawala na ito. Huminga ako ng malalim. Sinarado ko ang pinto at ni-lock ng mabuti ang pinto. Pumanik ako.
Tumingin ako kay Jake, lumapit sa kanya. Hinubad ko ang suot niyang damit na namamaho na dahil sa pag-inom. I startled when he suddenly take my hand.
"D-don't . . . I-I'm . . . s-sorry, wife," utal-utal niyang ani bago muling makatulog. Hinalikan ko siya sa noo at tiningnan sa mukha bago tumayo at lumakad papunta sa banyo. Pagbalik ko ay may dala na akong basin at face towel.
Naka-iwan lang ng boxers si Jake. Pinunasan ko siya hanggang sa matapos ako. Binalik ko ang mga ginamit ko sa banyo. Humiga ulit ako sa kama. Pinatay ko ang lamp sa gilid ni Jake pagkatapos ay inayos ko ang kumot niya. Hahayaan ko ng matulog siya ng naka-boxers lang.
Bago ako tuluyang lumabas ng kwarto naming mag-asawa ay tumingin muna ako sa kanya. Malalim ang paghinga niya kaya alam kong mahimbing siyang natutulog. Dahan-dahan kong sinarado ang pinto. Sa guestroom na muna ako matutulog.
Pumikit ako ng humiga ako sa kama. Pinilit kong matulog kahit na masama ang loob ko kay Jake. Lahat ng salitang binitawan niya ay nakabaon pa rin sa isipan ko. Paulit-ulit na nagre-reply parang isang sirang plaka.
It's like a bullet who pierced into my heart . . . it's what starting to kill me inside.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro