Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 5

Alex' P.O.V.

"AHM...wala lang. Para siyang common room. Madalas kasi ay dito kami gumagawa ng assignments namin at ibang bagay."

Sweet naman ng parents nila para bigyan sila ng own room kung saan pwedeng mag-bonding ang twins. Like, they can do whatever they want at the same time they have their quality time. Kapag ka gumagawa sila ng kung ano and na-bored pwedeng kalabitin yung isa and they'll talk. Unlike kapag ka magka-ibang room. Nakakatamad lumipat ng room ng isa just to have a chitchat.

Napatingin ako kay Klyzene Black. Maganda ang hulma ng mukha nito, she has a thick eyebrow, pointy nose, sexy lips and straight black hair. Her eyes are color blue...but something is off about her eyes na hindi ko mapangalanan. Dahil lang ba patay ang mga mata niya kaya ako naninibago? Maybe.

She has this cable chain necklace na may pendant na heart. Ang magkabilang tenga niya meron ding hikaw na kulay silver. Tatlo sa kaliwa and dalawa sa kanan. In short, she's a hot chick! Madadala ka talaga sa presensya niya. Lalo na sa malalamig niyang tingin at boses.

Nilingon ko si Klyzia. Kulay blue rin ang mga mata, unlike her twin. Ang sa kanya buhay na buhay. Kung mahilig sa itim ang isa, kabaliktaran naman iyon ni Klyzia na mahilig sa light colors. Kagaya na lang ng suot niya ngayon. She's wearing a pink tops and white jogger pants. Black is wearing gray shirt and black pants.

They maybe look alike but they are really different from their own ways. Like on how they smile, laugh, talk and even the way their eyes look.

Nagising ako sa reyalidad ng pumitik sa harapan ko si Klyzene. Ilang beses akong kumurap bago mapagpasensyang tumingin sa kanila.

"Sorry," paumanhin ko.

Tumango at tumayo ito. Sinundan ko siya ng tingin, nahiga siya sa kama. Hinarap ko si Klyzia.

"Sorry if my mind is in another place."

"It's okay. Halika, labas muna tayo para maglibot. We will go to Kuya's room," she said before standing up.

Tumayo rin ako at sumunod sa kanya na lumabas ng kwarto. Diniretso namin ang hallway.

"How many rooms you have here? Madaming kwarto, eh," tanong ko habang naglilibot ng tingin.

I can imagine her smiling. "I don't know. Baka nasa twenty or less? Sa laki ng bahay namin hindi ko na rin alam kung gaano kadami ang kwarto namin."

Namangha ako.

"Grabe naman. Nagkikita-kita pa ba kayo?"

She laughed and looked at me. "Of course naman! You silly!"

Natawa ako dahil do'n. Nauuna siyang maglakad sa 'kin. And nag-stop lang siya noong tumapat na kami sa kulay white na pintuan. Klyzia opened the door and walk straight inside. I'm hesitant dahil baka magalit sa 'min si Jake kapag pumasok kami ng walang paalam.

Sumilip ako sa loob. The room looks clean.

Napansin siguro ni Klyzia na hindi ako sumusunod kaya napalingon siya. Kinunutan niya ako ng noo.

"Why are you still there?"

Ngumiwi ako. "Hindi ba tayo makakagalitan? You know, wala tayong paalam na pumasok."

"Okay lang 'yan! Come inside!" she insist.

And who am I to refuse. Lumakad rin ako papasok.

Inilibot ko ang tingin sa buong silid. "Ang laki naman ng kwarto." Ang yaman talaga nila.

Merong king size bed sa gitna ng silid, may magkabilang side table doon na pinapatungan ng mga lamp and clock sa isang side. Mas lalo lang akong namangha ng makita ang isang side ng kwarto. Mini bar ito. May iba't ibang klaseng alak do'n.

There's a mini office din, kasi may table and shelf na nasa kabilang side. Punong-puno ng libro ang shelf niya. Mahilig yata siyang magbasa. Ngumisi ako sa isip ko. Matalinong mahilig mag-inom yarn? Chor!

May dalawang magkatabing pinto, sa tingin ko isang papunta sa banyo at isang walk in closet. Merong sliding door na papunta sa terrace. Natatabingan ng makapal na kurtina na kulay gray ang sliding door kaya naman hindi masyadong makita. Room's color is a combination of black and gray. I inhale, it smells manly. Like Jake.

"Every room naman is malaki," ani Klyza. Tiningnan ko siya. "Alam mo ba, wala pang nakakapasok dito except sa 'ming dalawa ni Black? Miski maids hindi niya pinapayagan. And now nadagdagan na. You can enter this room because you are his future wife," she said happily while walking towards the bed.

Klyzene sat down and I walk to the chair near the bed. Doon ako umupo. Magkaharap kaming dalawa.

"Ang linis pala ng Kuya mo, noh?" wala sa sariling ani ko habang nagtitingin pa rin sa paligid.

"Yapp! Ayaw na ayaw niyang magulo at madumi ang kwarto niya't mga gamit. Ayaw niya ring naiiba ng ayos ang mga gamit niya. Kung saan niya dapat nilagay doon niya rin makikita. Kaya nga ayaw niyang naglilinis ang mga maid dito, eh," pagpapaliwanag nito.

Wala akong masabi kundi nadaig pa niya ako.

Bigla kong naalala, wala bang girlfriend ang lalaking 'yon? O kaya naman ka-fling? Sa hitsura niya kanina ay daig pa niya ang may babae kada lugar na napupuntahan.

"Ahm...may itatanong sana ako pero huwag mong mamasamain," pag-uumpisa ko. Tumango siya, "may girlfriend baa ng kuya mo?" mahina kong tanong.

Nginisihan niya ko habang nakataas ang kilay. "Why? Jealous?" mapaglarong tanong niya.

Napatayo ako. "Of course not!" Nanlalaking matang sigaw ko.

When I realized what I did mabilis akong napa-upo. I pouted my lips and looked away. Nakakahiya ka, girl!

"Talaga? Eh, ba't ganoon ang reaction mo?" nakangising tanong niya.

Makulit pala ang babaeng 'to. Hindi lang halata.

"Dali na, Klyzia. Answer me," pilit ko at saka tumayo. Tinabihan ko siya ng upo sa may kama. Nilingon niya ako saka hinila pahiga.

Namilog ang mata ko. His bed is so soft!

"Okay. Fine." Paharap siyang tumagilid. "As of now, wala akong nababalitaang may girlfriend siya. Pero mayroong naging. Matagal na 'yon, first girlfriend niya yata. Yung iba kasi is kalandian lang niya."

Napangiti ako. "So, playboy siya?"

Sunod-sunod siyang umiling. "Of course not. I will continue my story na. May isang sineryoso ang Kuya ko. Babaeng mahal na mahal niya. Lahat ng luho binigay ni Kuya sa kanya. I don't want to say her name na lang kasi naiinis talaga ako kapag naalala ko siya. She's a gold digger and a slut! Niloko niya si Kuya.

"Two years na sila noong umalis ng bansa si ate gurl ng walang paalam. Walang pasabi sa kahit kanino. But my brother is so stupidly in love, sinundan niya ang babaeng 'yon. Kuya saw her with another man. They are kissing, hugging. Holding each other's hand. And yung masama?" tanong niya.

"Ano?"

"Mas matanda pa kay Kuya ang pinalita niya! My God! Humanap na nga lang siya ng iba mas matanda pa. Naghahanap lang pala ng sugar daddy ang gaga!" gigil na sabi nito.

"Since that day wala nang sineryoso si Kuya," malungkot niyang ani.

Bumigat din ang pakiramdam ko dahil sa nalaman. Ang sama naman niya—kung sino man siyang babae siya. Meron na siyang lalaking mahal na mahal siya, yet pinagpalit pa niya ito sa ibang lalaki. And mas matanda pa.

"Until you," she continue.

I frowned. Ako? Wala akong kasalanan ba't naging ako?

"Why me?"

She smiled sweetly at me. "Because I can see that you can make my Kuya happy again. I can already see your future. Magkakaroon ako ng twelve na pamangkin and tatanda kayong magkasama!" kinikilig niyang sabi.

Namilog ang mga mata ko kasabay ng pag-iinit ng magkabilang pisnge ko. Twelve kids ka diyan! Ni isa nga wala kang makukuha sa 'kin.

"Alam mo, masyado kang nag-iisip ng kung ano-ano. Malay mo kung merong ibang gusto ang Kuya mo. Halata naman kasing hindi ako ang tipo niya. Sa hitsura ng Kuya mo ang tipo noon ay mga sexy, maganda, matangkad. Like model. Unlike me. I'm just an inspiring designer and freshly graduate business woman," ani ko.

Hindi ko naman gustong i-down ang sarili ko, but I'm just being real. I saw him already. And she said already, Jake does have a lot of flings and I know what kind of flings he might get. Many models and flight stewardess.

Inilingan niya ako at umupo ulit. "Don't think like that, Ate. You're beautiful and sexy. Matangkad ka rin. Pwede ka ngang model," aniya pa. Kunwaring sinisipat ang hitsura ko na para bang may camera siya sa mga kamay niya.

Natatawa akong umupo at kinagat ang labi ko.

"Stop it. Ang i-wish mo sana matutunan naming mahalin ang isa't isa, huwag ang magka-baby kasi all I want is a big and happy family. Me, my husband and our kids. And in our situation right now, I think hindi mangyayari 'yon. You see, we're in arrange marriage and no one—or kaunti lang ang mga kinakasal ng ganito na nagmamahalan sa huli. Madalas nauuwi lang sa paghihiwalay o kaya naman ay masamang pagsasama and I don't want a marriage like that," malungkot kong ani.

My plan is to talk to Jake about this and not to continue the marriage. I know napipilitan lang din siya and baka kapag sabay naming kina-usap ang mga magulang namin pumayag silang itigil na ang kalokohang ito at hayaan na kami sa mga buhay namin.

Pero kung hindi siya papayag sa gusto kong mangyari...I have to make another plan para mapapayag siya 'cause I'm not going to stay in a loveless marriage.

Gusto kong pakasalan ang lalaking mahal ko at mahal ako. Magmamahalan kami at sabay na papalakihin ang mga anak namin. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro