Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 49

Alex P.O.V.

NAPUNO ng kahungkagan ang dibdib ko ng hindi maabutan si Jake kinabukasan. Ilang araw na bang nangyayari sa 'min 'to? Para kaming may silent war simula ng umuwi kami galing sa party ni Ms Hart. Para tuloy kaming bumalik sa first month ng pagsasama namin.

Gusto kong umiyak habang nakatingin sa picture ni Jake na hawak ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.

"I miss you, Jake." Gusto kong umiyak dahil doon. Sinapo ko ang tiyan ko. "Baby, galit kaya sa 'tin ang daddy mo? Sorry, ah. Dahil sa 'kin hindi niya malapitan—" Masama akong napatingin sa may pinto ng tumunog ang doorbell.

"Ano ba! Nakitang nage-emo ako ta's biglang gaganon," inis kong sabi saka lumakad papunta sa pinto. Binuksan ko ito at tumingin sa may gate. Kumunot ang noo ko. Nakatayo doon si Bryan, Lia and Leo. Nakangiti sila sa 'kin kaya kahit papaano napangiti na rin ako.

Binuksan ko ang gate ng makarating ako doon. "Hi? Anong ginagawa niyo dito?" nagtatakang tanong ko at niyakap sila isa-isa.

"Matagal na yung last time na nag-bonding tayo kaya nandito kami," ani Bryan na nakatingin sa bahay. "Wala kang kasama?"

Ngumiti ako ng maliit. "Wala. Nag-aaral kasi yung kasambahay ko at si Jake nasa work."

Tumili si Leo kaya sa kanya kami napatingin. Ngumiti ako.

"That's good, gurl! Ibig sabihin makakapag-mall tayo!!"

"Yaz! Minsan talaga may lumalabas ding maganda sa bunganga mo, acckla!" ani Lia. Nilingon niya ko. "Ikaw naman, babae. Pumasok ka na sa loob at magpalit ng damit. Magma-mall tayo!"

"Sige. Pasok muna kayo," nakangiting yaya ko sa kanila. Umusad ako para bigyan sila ng way para makapasok. Tumuloy sila hanggang sa loob ng bahay namin. Naiwan si Bryan sa tabi ko na siya ang nagsara ng pinto.

"Why?" natatawang tanong ko.

Umiling siya at inakay ako papasok sa loob ng bahay. Nagpatangay naman ako sa kanya. Ang gaan ng pakiramdam ko ngayon dahil kasama ko ang mga kaybigan ko. Pakiramdam ko'y may kakampi na ako. Pinakawalan ko ang isang malalim na hininga habang tinitingnan silang nasa sala na naka-upo.

Nilingon ko ni Leo, nagbukas ito ng TV. "Bakla, Dalian mo para masulit natin ang araw," utos niya.

Lumakad ako papunta sa hagdan at pumanik sa kwarto. Naligo ako at saka namili ng isusuot kong damit. I pick a dress na kulay puti, pati na sandals. Pagkabihis ko ay kinuha ko ang shoulder bag ko at nilagay do'n ang cellphone ko, make-ups and my wallet. Pagbaba ko ng hagdan ay nakatingin sila sa 'kin. May inumin na kasi sa center table.

"Sorry, ah. Nangialam na kami sa kusina niyo," paumanhin ni Lia na kumagat sa isang apple.

Lumakad ako palapit sa kanila. "It's okay. Alis na tayo?" tanong ko. Tumayo sila at akmang kukuhanin ang mga nasa mesa ng umiling ako. "Iwan niyo na lang diyan. Mamaya na 'yan pag-uwi ko."

Tumango sila at tumayo na. Inakay nila ako palabas. Bago tuluyang umalis ay ni-lock ko muna ang pinto. Sa iisang kotse lang kami sumakay. Ihahatid na lang nila ako pa-uwi.

*******

KUMAIN muna kami sa fast food ng makarating kami sa mall. Puro lang kami tawa at harutan. Para tuloy akong bumalik sa high school. Masarap kasing kasama ang mga taong tanggap ka at hindi ka huhusgahan . . . na kapag mali ka itatama ka instead na hayaan ka lang. Masakit nga magsalita pero mare-realize mo naman ang pagkakamali mo. Unlike others, plaplastikin ka lang. Kaya pag may tunay kang friends, keep them.

"Oh, ano na? Saan na next?' tanong ko pagkatapos kumain.

"Bookstore muna tayo?" tanong ni Lia na kumakain ng ice cream.

Napangiti ako. "Sure think." Paalis na sana kami do'n but napansin ko ang isang fugure malapit sa 'min. Nanlaki ang mata ko. "ATE!"

Napalingon si Ate Ally sa 'kin, kasama nito ang lalaking 'yon. Jackson. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang dalawa na naglalambingan. Lumapit sila sa 'min.

"What are you doing here?" tanong ni Ate, nakipagbeso siya sa 'ming apat. She's close with my friends.

"Nagbo-bonding kami. Ate. Kayo? What are you two doing here?" nagtatakang tanong ko at tumingin pa kay Jackson.

"Of course, they are dating!" maarteng ani Leo. Pasakal namang umakbay si Bryan kay Leo at pasimpleng tinakpan ang bibig nito.

"Wag kang maingay, Leonardo."

Hinampas ni Leo sa balikat si Bryan. "Hoy! Anong Leonardo ka diyan! Leo nga, 'di ba?! Kung pwede Lea na!"

Halos mawala na ang mata ng lalaki sa matinding irap niya sa kasama. Napa-iling kami nila Ate.

"Hindi. Namamasyal lang kami ni Jack. Mamimili dapat kami ng gamit niya sa shop," sagot ni Ate.

"And were going. May pupuntahan pa kasi kami," ani Jackson, hinawakan niya sa braso si Ate. Ngayon ko lang napansin ang dala-dala nitong paper bags. Akmang aalis na sila ng tawagin ko ang pangalan nila. Nilingon nila ako.

"Wait, ano ulit ang work mo?" tanong ko kau Jackson.

"I'm a tattoo artist. Problem?"

Umiling ako at tipid na ngumiti. "Wala. Go ahead na. Ingat kayo." Nag-flying kiss ako kat Ate bago sila pinanood na lumakad paalis. Inangkla ko ang braso ko kay Lia. "Tara na. I want to buy books."

Excited kaming tumawa at tinungo ang NBS. Pagdating namin do'n at namili agad ako ng mga books. Napatigil lang ako ng mag-ring ang phone ko sa bag. Ibinalik ko ang isang librong tinitingnan ko. Inilabas ko ang phone ko at sinagot ang tawag.

"Hello?"

"Hello, Ate Alex?"

Napangiti ako. "Yes, Abby?"

"Nasaan po kayo?"

"Mall. I'm with my friends, bakit?" Luminga-linga ako sa paligid para hanapin ang mga kaybigan ko. Nagkahiwa-hiwalay na kasi kami.

"Ano po kasi . . . ate . . ."

Napakunot ang noo ko. "Okay ka lang ba, Abby? Where are you?" nag-aalalang tanong ko.

"Nasa bahay po kasi ako ng classmate ko. Baka po ma-late ako ng uwi," paliwanag niya. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi nito.

"Oh, okay lang 'yan. Mag-iingat ka, ha," bili ko. Nai-imagine ko na ang nakangiting mukha ni Abby.

"Salamat po, Ate. Bye po. Mag-ingat ka po," anito.

Ibinaba ko ang tawag at kinuha ang libro para sa mga buntis. Marami pa akong kinuha para lang malaman ang tungkol sa pagbubuntis as a first time mom. Miski ang parental book ay kumuha din ako. Nakita ko si Bryan na palapit sa 'kin, may dalang cart. Nakangiting inabot ko ito sa kanya.

"Para saan ang mga librong 'to?" tanong ni Bryan habang nakatingin sa mga librong nasa cart. Kinuha pa niya ang libro para sa pagbubuntis.

"Ano ba sa tingin mo?" balik tanong ko. Tinulak ko ang cart papunta sa harap nang may mabangga ako. "I-I'm so-sorry!"

Inangat ko ang tingin sa nabangga ko. Nanlakin ang mata ko ng makita si Ms Hart.

"Alex, is that you?" tanong nito. Lumapit siya sa 'kin, humawak si Bryan sa balikat ko.

"Miss Hart, I'm really sorry! Hindi ko sinasadya!" hingi ko ng paumanhin. Tumingin siya sa laman ng cart ko bago ibinalik ang tingin sa mukha ko.

"That's okay. Wow! So, it's true? Buntis ka nga?" may pain niyang tanong. Umawang ang labi ko dahil do'n pero inalis ko ang masamang isiping iyon.

"Yep. Six weeks." Hinawakan ko pa ang tiyan ko at hinimas ang tummy ko. "Medyo hindi pa siya halata, 'di ba?"

Tumingin siya sa tiyan ko na para bang may halong pag-uuyam. Nag-cross arm pa siya.

"Oo nga . . . alam mo ba? Sana mabuntis na rin ako pero mukhang matagal-tagal pa 'yon dahil wala akong boyfriend," anito.

Ngumiti ako sa kanya. "Don't worry. Magkakaroon ka rin ng sarili mo." Napatingin ako sa cart na dala niya. About sa married life.

"Sana nga. Gusto kong sa lalaking mahal ko," anito.

"Darating din 'yan. Mauuna na kami, Ms. Hart. Nice talking to you," paalam ko at nginitian siya. Lumakad kami paalis. Hindi pa ako nakakalayo ng tawagin ko siya.

"Yes?"

"Gusto kitang imbitahin para sa party ng asawa ko. May announcement kasi kami."

Malawak at matamis ang ngiti niya sa 'kin. "When?"

"April twenty-one. Pag-iisipan ko pa ang venue but makakarating ang invitation sa 'yo," ani ko.

Kakaibang ngumiti sa 'kin.

"Don't worry. Darating ako," aniya at naunang umalis.

Tumingin ako kay Bryan na tahimik sa tabi ko. Seryoso siyang nakatingin sa papalayong bulto ni Katherine. Humawak ako sa balikat niya.

"Are you okay? Ba't ganyan ang hitsura mo?" nag-aalalang tanong ko.

Bumaba ang tingin niya sa 'kin, naniningkit ang mga mata. "Ba't hindi mo sinabi sa 'king buntis ka na pala."

Umiling ako sa kanya at tinulak na ang cart paalis. Panay tingin ni Bry sa books na binili ko.

"Surprise dapat siya, eh. Alam niyo ng dalawa ni Lia, si Leo hindi pa. Ewan ko kung sinabi na ng bruha."

"Alam mo naman siguro ang ginagawa mo, 'di ba? Almost two months na lang at maghihiwalay na kayo. Hahayaan mo bang magkaroon ng broken family ang magiging anak niyo?" mahinahon niyang tanong.

Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Oo nga . . . pero, pwede kasing baka mag-work out 'tong relasyon namin. Sinusubukan naman namin.

"Sa estado ng relasyon namin ngayon pwedeng hindi magkaroon ng broken family ang anak ko. Masaya si Jake no'ng nalaman niya. Hindi niya naman siguro gagawin 'yon." Dumako na pala kami sa mga canvas, napansin kong may patak ng pain ang isang doon.

"Tingnan mo 'to, Bry. Isipin mo na yung pinaka-background niya is yung nagawa niyang kabutihan tapos yung pain is yung kasalanan niya. Porke ba may paint na ay hindi na magagamit? Mas marami yung puti. Give my husband a changce, Bryan. Let's not be toxic," ani ko pa.

Bumuntonghininga si Bry. "May magagawa pa baa ko? Wala naman na. I understand your point, Lexie, but you can't push me to trust him again. He needs to gain it," paliwanag nito. Hindi na ako sumagot. "Let's go. Hanapin na natin yung dalawa," yaya niya.

Ayoko rin namang magkaroon ng broken family ang anak ko pero kung iyon talaga ang itinadhana anong magagawa ko? Hindi ko naman kontrolado ang puso ni Jake. Ang mahalaga sa 'kin ay sinubukan namin.

Naunang maglakad sa 'min sina Leo at Lia para magbayad. Nang magkaroon ako ng pagkakataong malapitan si Bry ay ginawa ko. Niyakap ko siya ng mahigpit. Ayoko talagang nagkaka-away kami. Para ko na rin silang kapatid at napakabigat no'n sa dibdib.

"Sorry na, Bry." Sumubsub ako sa dibdib niya dahil sa walang palyang pagtulo ng luha ko. Hinagod nito ang likuran ko.

"It's okay, Lexie, ayoko lang naman masaktan ka sa huli. You're my little sister, namin ni Leo. We. I don't want you to be hurt," paliwanag niya.

Sunod-sunod akong tumango. I understand him. Kaya love na love ko sila, eh.

"Hoy, anong drama yan at hindi niyo kami sinasali, ha?" tanong ni Leo. Natatawang humiwalay ako skay Bry at nagpunas ng pisnge. Nilingon ko si Leo na may pagtatakang nakatingin sa 'min.

"Wala. Ano tapos na ba?"

"Oo, kayo na lang hinihintay sa counter. Dalian niyo't gusto ko na mag-arcade," maarteng anito.

"Wag maging iyakin, mommy. Pwedeng ma-stress ang inaanak namin," paalala ni Lia na may hawak na paper bag. "Saka wag kang magtitingin kay Leo, mamaya maging kamukha pa niya ang anak mo," biro nito.

Natawa ako. Hindi naman pangit si Leo. Gwapo nga ito, matipuno ang katawan at matangkad. Hindi siya mapapagkalamang bakla sa unang tingin mo dahil lalaking-lalaki ito manamit. Hindi siya cross-dresser.

"Narinig ko 'yon, Amelia, ha! Lagi na lang beauty ko ang nakikita mo!" Inirapan ni Leo si Lia.

"Sinadya ko talaga 'yon, accla!" Lumapit si Lia dito at inabot ang paper bag na dala. "Sa 'yo muna, ang bigat, eh," anito.

Tinaasan ng kilay ni Leo si Lia. "Hoy, gamitin mo naman ang pagiging kargador mo, hija! Sayang ang masel-masel!"

Napansin kong patapos na sa pag-punch ng mga pinamili ko ang tao sa cashier, ilalabas ko na sana ang wallet ko nang unahan ako ni Bryan.

"Ako na, Lexie. Pambawi sa pagpapa-iyak sa 'yo," anito.

Tumango ako at hindi na nakipagtalo pa. Umalis kami ng NB at pumunta muna sa isang store para doon iwanan ang mga pinamili namin. We enjoy the day, without thinking what other people will say.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro