Chapter 47
Alex P.O.V.
SAKTONG ala-sais ay natapos ako sa pag-aayos. I mean . . . ayusan. Mga bandang one o'clock kasi may dumating na make-up artist and hair designer to do my look tonight. Kaloka, sobrang tagal nila akong inaayusan.
I'm wearing a black dress with deep v in front. There's also a slit in my right thigh. Humahapit siya sa katawan ko kaya bumabakat ang baby bump ko.
Nakangiti akong tumingin sa sariling reflection. I just need to wait for my husband. Umupo muna ako sa may side ng bed at nag-selfie. Kumuha na rin ako ng ilang mirror shot. Malawak akong ngumiti. Inlagay ko ang phone ko sa pouch ko na dala at lumabas ng kwarto. Habang pababa ako ng hagdan ay bumukas ang pinto ng bahay.
Dumako ang tingin sa 'kin ni Abby na naka-school uniform pa, halatang kakauwi lang galing school. Tuluyan akong bumaba ng hagdan.
"Ate, aalis po kayo?" tanong niya at lumapit sa 'kin. Nakaawang ang labi niyang sinuri ang kabuuan ko.
"Yes, may party kasi kaming pupuntahan kaya ikaw na muna ang bahala dito ha. Magpahinga ka na rin, alam kong pagod ka galing school."
"Wow. Sobrang ganda mo, ate." Nakangiting ani Abby kaya napangiti na rin ako. "Pero, ate maglilinis pa po kasi ako tapos ipagluluto ko pa kayo—"
Itinaas ko ang kamay ko para patigilin siya sa pagsasalita. Huminto naman si Abby kaya nagkaroon ako ng pagkakataon para kuhanin ang kamay niya.
"Don't worry na. Magluto ka na lang ng pagkain mo, don't mind us na ha. Gawin mo na lang ang assignments mo baka rin gabihin na kami ng uwi."
Nahulog ang ilang piraso ng buhok sa mukha ni Abby. Medyo haggard siyang tingnan ngayon pero hindi mo maipagkakailang maganda pa rin siya.
"Ah. SIge po, ate. Mauuna na po ako. Magpapalit pa po kasi ako ng damit," paalam niya. Tumango ako at binitawan ang kamay niya. Nakasunod ang tingin ko sa bata hanggang sa mawala siya sa paningin ko.
Hindi naman ako lugi sa pagpapa-aral kay Abby dahil matalino siyang bata. Isama mo pa ang napakarami niyang pangarap. Kaya worth it talaga. Sa University kung saan nag-aaral ang mga kapatid ni Jake ko siya pinasok para may makasama rin siya kahit papaano.
Uupo pa lang ako sa couch ng marinig ko na ang makina ng sasakyan sa labas. Ngumiti ako at lumakad papunta sa pinto. Binuksan ko 'yon at lumabas. I saw Jake parking his car sa tapat ng bahay namin. Lumakad ako papunta sa may gate. Saktong bumaba naman ang asawa ko sa sasakyan niya.
I sweetly smiled at him. Nakatitig lang siya sa 'kin habang nakaawang ang labi. Kinagat ko ang labi ko at bumaba ang tingin sa sarili ko. May mali ba sa 'kin? Hindi ba bagay?
Hindi ko namalayang nakalapit sa 'kin si Jake. Walang emosyon ang mukha niya habang nakatingin sa 'kin. Iaalok ko na sanang magpapalit ako ng bigla niya akong hilahin palapit sa kanya. Mariin niyang hinalikan ang labi ko.
"I—you're beautiful . . ." puno ng pagkamanghang sabi niya. Hinapit niya ko sa bewang. "Yeah, you are so beautiful."
Ngumiti ako, "hindi ka ba nase-sexy-han? Hindi mo ako pagpapalitin ng damit?" pang-aasar ko sa kanya.
"Wife, you can wear whatever you want to wear. Ano pa't nagbo-boxing ako kung hindi ko magagamit sa kanila? Besides, its your body, so your choice."
Umawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Wow. He really said that? Akala ko pa naman ay pagpapalitin niya ko o kukuhanin ng coat.
"R-really?"
"Yeah. I'm possessive but I will let you wear what you want, wife."
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. I'm really thankful for this man. Tumingkayad ako at hinalikan ko siya sa labi. Gumanti naman siya sa 'kin, nang pangangapusan ay itinagilid ko ang mukha ko at niyakap siya.
"Let's go na, hubby. It's late baka ma-traffic tayo," hinihingal kong yaya.
Wala siyang sagot na humawak sa braso ko. Naglakad kami palapit sa kotse niya. He open the passenger's door for me, and umikot ito sa driver's seat ng maka-upo na ako sa loob. He start the engine. Sumandal ako sa upuan at pinanood ang mga kotse sa labas ng bintana.
Jake's hand is on top of my tummy, then thigh.
******
"HINDI pa naman tayo gaanong late," sabi ni Jake ng pagbuksan niya ako ng pintuan. Nakahawak ang kamay ko sa braso niyang bumaba ako.
Ngumiti ako. Kinawit ko ang braso ko sa braso niya nang isara ni Jake ang pintuan. Inabot ko ang invitation sa nakatao sa labas at pinapasok niya na kami. Namangaha ako sa ganda ng lugar. Sobrang yaman talaga ni Ms. Hart, puro respetadong tao ang makikita mong bisita niya. Nice.
May isang waiter ang lumapit sa 'min. "Mrs and Mr Anderson?" tanong nito. We nod, "please, follow me."
Sumunod kami ni Jake sa lalaki na dinala kami sa table namin. Naroroon ang ilang business partner namin. Ipinaghila ako ni Jake ng upuna. I mouthed 'thank you' to him and umupo na siya sa tabi ko.
"Is that your wife, Mr. Anderson?" tanong ng matandang lalaki na kasama namin sa table ko.
Lumingon kami sa kanya.
"Yes, Mr Kim, she's my lovely wife. Alexandra Anderson. Wife." Lumingon siya sa 'kin. "He is Mr. Kim, one of our investor."
Ngumiti ako sa kanya.
"Nice to meet you, Mr Kim." Nakipag-shake hands ako.
"The pleasure of mine. What they said is true. The heiress of Villafuerte Winemaking bottles and wine is really beautiful," pambobola niya sa 'kin.
I politely smiled at him.
"Thank you for the compliment, Sir." The man is about to talk again but I saw Attorney Mangahas na palapit sa 'min.
"Mrs Anderson," bati niya at nakipagkamay sa 'kin.
"Attorney Mangahas, it's nice to see you," ani ko at nakipag-shake hands dito.
"The pleasure is mine, Mrs Anderson. Kumusta? Buti at nakarating kayo," aniya at tumingin sa asawa ko.
Nilingon ko si Jake na nakatingin din sa lalaki. Tumayo rin ito at nakipag-shake hands sa lalaki.
"This is my husband, Jake Anderson," pakilala ko, "and hubby, this is Attorney Mangahas. Siya ang kasama ni Ms Hart noon."
Nilahad naman ni Attorney Mangahas ang palad niya sa harapan namin at nakipag-shake hands kay Jake.
"I'm Jake Anderson, her husband. Nice to meet you," ani Jake.
Naghiwalay na ang kamay nilang dalawa.
"Ahm, are we late? And where is Ms Hart?" tanong ko.
Ngumiti ang lalaki. "No, hindi pa kayo late. Just wait, Ms. Hart will be hear soon. Magu-umpisa na rin ang party. Just sit and relax. I'll go ahead," anito.
Tumango ako at umupo. Nilibot ko ang tingin ko sa buong lugar para matingnan kung sino pa ang mga kakilala kong nandoon pero namatay bigla ang ilaw ngunit my spot light sa gitna ng stage na nakatutok sa emcee.
"And now, let's give a hand of applause for Ms Katherine Hart!!" masiglang pagpapakilala nito. Lumabas sa gitna ng stag ang isang magandang babae. She gracefully walk toward the emcee. She's wearing red red.
Nagpalakpakan lahat ng mga bisita niya. Nang tumayo ito sa gitna at nagsalita sa harapan ng maraming tao.
"Thank you very much to all of you who come tonight. I'm very happy to see all of you here. I won't give a long message, just enjoy the party," anito bago bumaba ng stage. May mangilan-ngilang businessmen akong nakitang lumapit sa babae, nakangiti akong lumingon kay Jake. Ibibida ko sana sa kanya si Ms Hart pero nakatuon na ang mata nito sa babae.
He is focus on her. Hindi ko alam kung anong emosyon ang meron sa mga tingin niyang iyon. I never saw him look me with that look. Unti-unting nawala ang ngiti ko.
Anong meron kay Ms Hart?
Piniksi ko ang ulo ko at inalis ang mga masasamang isipin doon. Wag kang mag-isip ng kung ano-ano sa asawa mo, Alex Trust him.
Pinatay ko miski ang kakaibang pakiramdam na umuusbong sa dibdib ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro