Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 45

Alex P.O.V.

"ALAM ko ang ginagawa mo, Bryan," mahina kong sita sa kanya. Nginisihan niya ako.

"What? Ano bang ginagawa ko?" maang na tanong niya sa 'kin. Ibinato ko sa kanya ang isang throw pillow na tumama naman sa mukha nito.

He laugh a bit.

"You're pissing, Jake! Don't be so hard to him, mabait 'yon and maayos na kami ngayon," paliwanag ko sa kanya. Ibinaba ko ang camera sa may side table at lumingon sa may pinto. Nakatalikod si Jake at may kausap. That's must be his secretary.

"I don't know, Lexie, alam mo naman, 'di ba? Pag nasira ang tiwala ko mahirap ng ibalik 'yon at 'yang asawa mo hindi ko lubos na pinagkakatiwalaan," aniya.

"Bitter ka pa rin kasi kaya ka ganyan," pang-aasar ko.

Hindi nakasagot si Bry dahil pumasok ang secretary ni Jake. Nakangiti siyang sumalubong sa 'kin.

"Good morning, Mrs. Anderson," masiglang bati niya.

I smiled at her. "Morning, Jessie." Tumayo ako para tulungan siyang dalhin ang mga pinamili niya. "I'm sorry kung naistorbo ka namin, ha. Ikaw pa ang naabala para bumili ng grocery."

She shook her hands. "It's okay lang po, ma'am. It's my job."

"How much is that, Jessie?" tanong ni Jake. Nakatayo siya sa likod.

"Three thousand for hundred lang po, Sir, pero idagdag niyo na lang po sa sweldo ko this month," anito. Tumango si Jake.

Napalingon kami sa tumikhim. My eyes widened when I remember my friend. Matamis akong ngumiti.

"Ah, Jessie. Si Bryan." Tinuro ko si Bryan na naka-upo sa single sofa while looking at us, "and Bry, this is Jessie." Pagpapakilala ko sa kanila.

Tipid na tumango si Jessie at bumaling din sa 'kin. Tipid siyang ngumiti at walang bati kay Bryan. Kumunot ang noo ko.

"Ah . . . ano . . . sir, mauna na po ako. Bye po, Mrs. Anderson," paalam niya at mabilis lumakad paalis. Narinig naming sumara't bukas ang pinto.

Napalingon ako ng kumilos si Bryan, nakatayo na ito at nakatingin sa 'ming mag-asawa. Lumakad siya palapit sa 'kin at hinalikan ako sa pisnge.

"I'm going na rin, Lex. I just remember may importanteng meeting akong pupuntahan," mabilis nitong paalam saka tumakbo paalis. The door opened and closed again. Nagkatinginan kami ni Jake na nakatayo sa gilid at nagche-check ng pinamili ni Jessie.

Maybe he feel I'm looking at him kaya nag-angat siya ng tingin. Nagtatanong ang mga mata niya.

"Anong nangyari sa mga 'yon? It's weekend, walang office, 'di ba?"

Tipid na ngumiti ang asawa ko't lumapit sa 'kin. Niyakap niya ko sa bewang at hinalikan sa noo.

"I don't know, wife, but let's not be stressed because of that. I'm going to cook breakfast kaya ako na dito. Baka mapano kayo ng anak natin," nag-aalalang sabi niya. Kinuha niya ang hawak kong isang paperbag at dinala sa kitchen. Sumunod ako sa kanya.

"Ano baa ng gusto mong breakfast, wife?" tanong niya habang nag-aayos ng grocery. Sumandal ako sa pader. Nilalabas ni Jake ang mga laman ng paper bag. Nilingon niya ako with malokong ngiti. "Sige lang, wife. Titigan mo lang ako para maging kamukha ko ang anak natin." Anak natin. Ang sarap sa pakiramdam kapag sila ang nagsasabi.

Nilapitan ko siya at tinulungan. "Gusto ko ng kwek-kwek na may bagoong," sabi ko. Naiwan sa ere ang kamay nito na may hawak ng tray ng eggs.

"W-what, wife?"

Binaba niya ang hawak na itlog at tiningnan ako na hindi makapaniwala.

"Kwek-kwek na may bagoong. Is there something wrong about that?" naguguluhang tanong ko.

"Ano 'yon? Mangga?"

"Nagpapatawa ka ba, hubby? Syempre, hindi. Itlog ang gusto ko tapos bagoong. Yun ang gusto ng anak mo kaya ikaw." Tinuro ko siya. "Mag-start ka ng magluto."

Umawang ang labi niya. "Pero wala tayong ingredients no'n, wife. Hindi ba pwedeng iba na lang? Mag-rice ka muna para may laman ang tiyan mo para healthy si baby," anito sabay paglalabas ng karne at manok. "Mag-aadobo tayo and veggies para healthy."

Napatango ako at humawak sa tiyan ko. Nalungkot naman ako do'n.

"I'm sorry, baby. Hindi ka naalagaan ni mommy ng maayos. From now on, kakain na ako ng tama and healthy foods. Ayokong lumabas ka dito sa 'min ng sakitin at payat ang baby ko," pagka-usap ko sa kanya. May isa pang kamay ang pumatong sa kamay kong nasa ibabaw ng tiyan ko.

"Okay lang 'yon, mama, basta ngayon aalagaan na kayo ni papa," pagka-usap ni Jake gamit ang maliit na boses. Ngumiti ako at tumawa.

"Did you heard that, baby? Aalagaan tayo ni Papa kaya magluluro na siya dahil bawal magutom si mama," aniya. Tumingkayad ako para halikan siya ng marahan sa labi. "Thank you, hubby."

Lumamlam ang mata niya sa ;kin. "No. It should be me thanking you. But now doon ka muna. Mag-sit down ka na lang and magluluto na ako. Tatawagin na kita kapag done na ako," aniya.

Marahan akong tumango at hinalikan siya sa pisnge bago lumabas ng kusina. Umupo ako sa may sofa sa sala at binuksan ang TV. Inilipat-lipat ko ang channel para makahanap ng magandang mapapanood. Nang ma-bored ay pinatay ko na lang siya ulit. Wala naman akong mapanood na gusto ko.

Kinuha ko ang camera ko at binuhay 'yon. Tinapat ko ito sa mata ko at finocus kay Jake na nasa kusina. Wala naman kasing malaking divider ang kitchen and living area ko except for the counter. Jake is really hot.

Ilang beses kong ni-click ang camera. Napangiti ako ng makitang lahat ng 'yon na maganda. Tumayo ako at bumalik sa room. Dahil buntis ako ay hindi muna ako pwedeng magpupunta at magwo-work sa dark room, it may harm my baby kasi kaya sa modern style na lang ako magpri-print ng picture.

Umupo ako sa bed and inabot ang phone ko. I call Ate Ally to ask her some favour, plus matagal na kaming hindi nakakapag-usap. It takes three rings before she answer.

"Hi, Ate."

"Hey, how are you?" she asked sweetly. I suddenly miss her. Wala ng palaging gumigising sa 'kin at magsesermon about me not being a lady like woman.

Napanguso ako. "I miss you, ate. I'm fine naman, how about you? Ang tagal na nating hindi tayo nagkikita saka wala akong balita about you."

It's so sad to think na the person who used to know everything about me before doesn't know a thing about you now. It's heartbreaking and sad.

Ate laugh a bit, "I miss you, too. I'm fine. Medyo na busy lang dahil nagpe-paint ako. Dumalaw ka kasi sa bahay."

Patagulid akong humiga sa kama. "Ahm . . . sa susunod na lang siguro ako, Ate. I'm busy kasi I'm planning to throw a birthday party for Jake next month."

"Party?"

"Yeah. First birthday niya with me kaya want ko siyang i-surprise."

"Hmm . . . that's goo—Ally, sino yang kausap mo?"

Napabangon ako ng makarinig ng boses ng lalaki sa kabilang linya. I'm not dreaming, right?

"Are you with someone? Who is it? Where are you by the way?" sunod-sunod kong tanong.

"A-ano . . . nasa condo ako ni Jackson," anito.

Tumaas ang kilay ko. "Why? Is there something na bang namamagitan sa inyong dalawa?" pagi-imbestiga ko pa.

"Bunso, mamaya na lang tayo mag-usap, ha," aniya at binaba na ang tawag. Nagpawala ako ng hininga at tiningnan ang cellpghone ko.

Alam kaya nila Dad 'yon?

I dialled my father's number kasi tatanungin ko siya about Ate Ally and Jackson. I'm not comfortable kasi with that man. Baka mamaya ay masaktan ang ate.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro