Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 44

Jake's P.O.V.

I SMILE while watching my sleeping wife. God, I'm really into this woman. Just having her this close to me makes me want to melt.

Nang umalis siya ng bahay kahapon ay hinayaan ko lang sa pag-aakalang nasa loob lang siya ng subdivision pero tumawag sa 'kin ang mga guard sa guardhouse para sabihin sa 'kin na andoon ang asawa ko ay sumugod agad ako pero nang dumaan ako ay nakaalis na raw ito kasama ang isang babae.

Akala ko ay kapatid niya ang sumundo sa kanya pero nang mag-punta ako sa bahay nila ay wala ito doon. Nag-hire pa ako ng isang private investigator para lang mahanap kung nasaan siya at sinabi nga nilang nasa condo unit niya ito.

Hinalikan ko siya sa noo at bumangon na. Gusto kong ipagluto ang dalawang baby ko. Pumasok muna ako sa banyo at naligo.

Pagkalabas ko ng banyo ay nilingon ko ang natutulog na si Alex yakap-yakap ang unan na ginamit ko. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa sala dahil nandoon ang bag kong may lamang mga damit ko. Naisipan kong magbakasyon muna kasama si Alex para maalis ang stress naming dalawa pero sa nalaman ko kagabi? Napag-isipan kong dumito na lang kami sa bahay para mas safe sa kanila ng baby.

Kinuha ko ang bag at dinala 'yon sa kwarto. Binuksan ko ang cabinet ni Alex at inilagay doon ang mga damit ko. Nag-iwan lang ako ng isang boxer at sando. Tinanggal ko ang tuwalyang nakapalupot sa na towel sa bewang ko at sinuot ang mga damit ko. Inilaghay ko sa basket ang towel.

Lumakad ako sa may gilid ng kama at dumukwang kay Alex. Hinalikan ko ang naka-awang niyang labi. Ngumiti ako.

Inayos ko ang kumot niya at lumabas ng silid. Pumunta ako sa kusina. Chineck ko ang ref niya pero walang laman. Sinarado ko 'yon. Lumapit ako sa cabinet at binuksan ngunit wala ring laman. Kumunot ang noo ko. Edi, hindi siya kumain kahapon at kagabi?

Nagpakawala ako ng malalim na hininga't bumalik sa kwarto. Kinuha ko ang cellphone ko at ni-dial ang number ni Jessie.

"Hello, Jessie?'

"Yes, Sir?"

"I know it's your day off but can you run some errands for me? Buy me grocery for two days. Ise-send ko na lang sa 'yo yung list and transfer the money to your account."

"Okay, sir. Give me an hour or more," aniya.

Binaba ko ang tawag at lumabas na ng silid. Pinagmasdan kong maigi ang condo unit ni Alex. Malinis at simple lang iyon. It's a two story unit. Pumanik ako ng hagdan, may dalawang silid pa dito. Binuksan ko ang unang pinto na malapit sa 'kin.

Namangha ako sa silid na 'yon. It's filled with different paintings, and art materials. Pumasok ako sa loob at naglibot ng tingin. Natigil ako sa canvas na nakatayo. There's a lot of flowers in there and there's a butterfly that chained to its place.

"Kay Ate Ally ang room na 'to."

Napalingon ako sa pinto. Alex is standing there with her messy hair and wake up look. Lumakad siya palapit sa 'kin.

"Mahilig mag-paint si Ate. Siya ang gumawa ng mga 'yan," she sounds so proud.

"Then she's good about it. May future siya," ani ko at niyakap siya sa bewang. Hinalikan ko ang gilid ng gilid ng ulo niya. "Bakit ang aga mong gumising? Sumuka ka ba ulit?" Napansin kong may tubig sa baba niya.

"Oo. Dapat masanay ka na dahil gano'n talaga ang mga buntis," sagot nito niya at hinarap ako. Kinapit niya ang braso niya sa batok ko. "Hubby, I'm hungry but we don't have stocks here. Kakain tayo sa labas?"

"I already took care of that, wife. Dito lang tayo hanggang sa ilang araw na ready ka na ulit lumabas." Hinila ko siya palabas ng kwartong 'yon. Pagkalabas namin ay tiningnan ko ang katabing pintuan ng silid. "Who's room is that?"

Lumingon ito sa pinto. "Mine. Nandiyan lahat ng gamit ko and the picture I've taken."

"Really? Can I see it?" tanong ko.

Humiwalay siya sa 'kin at nakangiting tumango. Sabay kaming lumakad papunta sa pintong 'yon. Nang buksan niya ay namangha ako sa nakita. Her darkroom.

Madaming nakakalat na pictures sa paligid. May mga nakasabit na mukhang pinapatuyo, meron ding mga nakadikit na sa pader at iba pang kagamitan.

"Gosh. Sorry kung magulo, ah. Since ikasal kasi tayo ay hindi pa ako nakakabalik dito kaya hindi pa rin ako nakakapaglinis," dispensya niya. Binuksan nito ang ilaw. Lumapit ako sa isang mga nakasampay na larawan. Kinuha ko 'yon at napangiti. It's Alex and her family.

"I understand, wife. No need to feel sorry. So, when you start to do photography?" Sumandal ako sa may gilid at tiningnan ang camera nito. Lumapit siya sa 'kin at kinuha 'yon.

"Ahm . . . eleven or twelve? I don't know. But this one," tukoy niya sa hawak na camera. "This is my first camera. Hindi ko siya mapalitan dahil binigay sa 'kin ni Dad."

She smiled and boy. I'll be damned. My heart beats so fast.

"J-Jake?"

Ilang beses akong kumurap at tumingin sa kanya.

"H-ha? Ano 'yon?"

Mahinang natawa si Alex, "halika na nga sa baba. I want us to take pictures." Hinawakan niya ako sa braso, hinila ako palabas ng kwarto. Ako naman etong parang tanga na nagpatianod sa kanya. Lumapit ako sa baradilya ng hagdan at pinanood si Alex na nangungunang bumaba. She stopped at the last step of the stair, holding a camera.

"Smile sweetly, hubby," she said, then I heard the clicked.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil napaka-bilis ng tibok ng puso ko. Sobra. Sa tingin ko'y lalabas siya sa ribs ko.

Natigil ang pag-iisip ko nang marinig ang doorbell. Tumingin ako sa pinto. That's Jessie. Si Alex na ang tutungo dapat roon nang mauna akong magsalita sa kanya.

"Ako na, wife. Maybe that's Jessie," I said. Bumaba ako ng hagdan. Alex sat to the sofa while looking at her camera. Lumakad ako papunta sa pinto. Binuksan ko without looking at the peephole. Which is wrong.

"Where is lexie?"

Nalukot ang mukha ko dahil sa tinawag niya sa asawa ko. Tss. Lexie, amp. Kapangit ng tawag niya. Tss.

"What are you doing here?" seryosong tanong ko. Ang aga-aga naman mambulabog ng lalaking 'to. And bakit ba niya kaylangang pumunta ng ganito kaaga?! Just the thought of him and Alex kung di ako pumunta kagabi ay mas lalong nagpa-init ng ulo ko.

Ngumisi siya at walang paalam na pumasok. Binangga niya ang balikat ko at malakas na tinawag ang asawa ko. Umirap ako at galit na isinarado ang pinto.

"Is it bad to visit my best friend?" nang-aasar na tanong niya. "Lexie! Lex—"

Fuck! Sinundan ko ang lalaki at naabutan ko siyang nakayakap sa asawa ko. Nag-init ang ulo ko dahil do'n. Mabilis akong lumakad palapit sa kanila. Hinila ko palayo sa kanya ang asawa ko.

"Is the hug necessary? Nabati mo na!" inis kong ani. Pinalupot ko ang braso ko sa bewang ni wife.

Nginisihan niya ako. "Why, threaten?" Umupo ito sa pang-isahang upuan sa harapan namin. Masama ko siyang tiningnan. I won't let him take my wife! Akin lang ang asawa ko. Akin!

"You're not even a threat." I scoff. Hindi ko ihinihiwalay ang tingin ko sa kanya.

"Oka . . . y, guys. That's enough," ani Alex. "Upo na tayo, hubby," aya niya. Tumango ako at umupo sa tabi niya. Nakatingin ako kay Bryan na nang-aasar na nakatingin sa 'kin. He even have the guts to cross his legs.

"Lex, gusto mo bang lumabas? I can treat you lunch like before," malambing na tanong nito sa asawa ko.

"No. She don't. My secretary will come here with grocery," matigas kong ani.

Sakto namang may nag-doorbell ulit. Ngumiti ako sa kanya at lumakad papunta sa pinto. Binuksan ko 'yon at tama ako, it's Jessie. Nilakihan ko ang pinto para mapapasok siya sa loob.

"Mauna ka na don, Jessie."

Sumunod siya sa 'kin. "Good morning, Sir, sorry ang tagal po."

Tumango ako at sinarado ang pinto.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro