Chapter 41
Alex P.O.V.
NAGISING akong hinahalukay na naman ang sikmura ko. Tuptup ang bibig akong bumaba ng kama at pumasok ng banyo. Dumuwal ako sa lababo at gaya ng nakaraang umaga ay nahirapan na naman ako dahil hindi ako kumain kagabi. Naramdaman ko ang isang mainit na kamay na humahagod sa likuran ko.
Nilingon ko si Jake na nag-aalalang nakatingin sa 'kin. "Are you really okay? Nitong nakaraang araw ka pa panay suka nang suka," aniya at inilagay ang buhok ko sa likod ng tenga ko.
Hindi ko nagawang sumagot, bagkus ay niyakap ko siya. I inhale his scent, I bit my lips. Hinalikan ko ang leeg niya bago sinunod ang isip ko. Sinunod ko ang isip ko't kinagat ko ang leeg niya.
"OUCH!!" Inilayo niya ang katawan niya sa 'kin. Humakaw ang isang kamay nito sa kinagatan kong parte niya. "Wife, seriously?! You're acting really weird!" may asik niyang sabi.
Sumimangot ako at nag-cross arm. "Masama na bang maglambing ako sa asawa ko? O baka naman gusto mong is Daisy ang kumagat-kagat sa 'yo?!"
Ang matigas niyang expression ay naging malambot malaunan. Niyakap niya ako at ipinilig ang kanyang leeg.
"No. Sige pa, wife. Kagatin mo ako kung gusto mo," aniya.
Napangiti ako dahil do'n. Pinalupot ko ang binti ko sa bewang niya para mas hapitin siya sa 'kin. Inumpisahan kong paglaruan ang buhok niya.
"Hubby, wag ka nang pumasok ngayon sa work. Dito na lang tayo sa bahay," mahina kong daing sa kanya. Lumakad si Jake palabas ng banyo kasama ako. Umupo siya sa kama at nakaalalay ang braso niya sa likod ko.
"Gusto mo ba 'yon, wife?" Tumango ako at sumiksik sa leeg niya. Gusto kong amoy-amuysin siya ngayon. Ang bango-bango niya. "Pero I have an important meeting today."
Masama ko siyang tiningnan. Ano mas importante pa sa kanya ang meeting na 'yon kasya sa 'kin?! Kumalas ako sa pagkakayakap at humiga sa kabilang dulo ng kama.
"Eh, di do'n ka na! Wag kang matutulog dito! Doon ka sa sala!" inis kong sabi. Itinalukbong ko ang kumot sa 'kin.
I heard him laugh na mas nagpa-inis sa 'kin. Tawang-tawa!
Naramdaman kong tumabi ng higa sa 'kin si Jake. Mahigpit niya kong niyakap.
"Sabi ko ay may importanteng meeting ako pero hindi ko sinabing papasok ako ngayon. They can start that meeting without me, wife."
Nag-pout ako. "Hmp! Sinasabi mo lang 'yan para hindi ako magaling pero papasok ka talaga!"
Malakas na humalakhak si Jake at nanggigigil na humalik sa pisnge ko kahit na may taklob na kumot.
"Hindi nga po, wife. Pupunta kasi tayo sa hospital ngayon. I'm worried about your condition."
Nanlaki ang mga mata kong 'yon. Bumangon ako at tumingin sa kanya.
"Hubby, hindi na. Okay lang naman ako," sunod-sunod kong sabi. Hindi pwedeng malaman ni Jake ang kondisyon ko ngayon. Masisira ang plano ko!
Umupo siya at umiling sa 'kin. "No, wife. Hindi ka okay. Nag-aalala na ako."
Oh, ang lambing-lambing ni Jake pero kahit ganyan hindi niya ako madadala. Surprise nga, eh.
I cupped his face and kissed his nose. "I'm really okay, hubby. Just stay at my side. Te dua, hmm? I want you to cook pancakes na with ice cream." Binitawan ko ang pisnge niya at bumaba ng kama. Lumakad ako papuntang banyo. Huminto ako ng nasa pintuan na ako. Nilingon ko siya. "Do you want to conserve water, hubby??" pilya kong tanong.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at ngumisi. Tumili ako ng tumayo si Jake at tumakbo papunta sa 'kin.
"Hell, yeah!"
*****
NAUNANG lumabas si Jake para maipagluto ako ng pancakes. Ako naman ay naiwan, gusto kong maligo pa ng mas matagal. Paano kaya kung malaman ni Jake na buntis ako? Paano kapag iniwan niya ko kapag natapos ang six months dahil na-realize niyang hindi niya ako mahal? Paano na lang ang anak ko? Kukuhanin pa niya sa 'kin ang bata?
Pinatay ko ang shower at kinuha ang towel sa may gilid. Nagpunas ako ng katawan at inabot ang bathrobe. Lumabas ako ng shower at inikot sa buhok ko ang towel ko. Lumabas ako ng banyo at pumasok sa walk-in-closet. Kumuha ako ng damit ni Jake at isang boxers. Iyon ang sinuot ko.
Tumingin ako sa drawer kung saan ko inilagay ang photo album. Sana wag maghalungkat si Jake. Lumapit ako sa may kama at kinuha ang phone ko. Ngayon ko lang naalala ang party na dadaluhan naming mag-asawa. Lumabas ako ng kwarto at bumaba.
Naabutan ko sa kitchen na nag-uusap si Abby at Jake. Pinangunutan ko sila ng noo. Hindi muna ako lumapit para marinig ang pinag-uusapan nila.
"Kuya, okay na po ba si Ate?" tanong ni Abby habang naghahalo ng juice.
"Okay na 'yon. Nag-away lang kaming dalawa. Wag ka nang matakot sa kanya, mabait naman siya, eh." Napasandal ako sa may hamba ng kusina at tumikhim. Napatingin naman sa 'kin ang dalawa. Matamis na ngumiti si Jake. "Hi there, wife. Wow. My shirt and boxer looks good on you."
Umirap ako sa kanya. Lumakad ako palapit sa kanila Malamlam ang matang tiningnan ko si Abby. Tipid siyang ngumiti sa 'kin.
"I'm really sorry, Abby for how I acted last night."
"Okay lang po 'yon, ate," aniya.
Ngumiti ako sa kanya at tumango. Lumapit ako kay Jake at niyakap siya sa likod. Napapikit ako at inamoy si Jake.
"Baka naman maubos ang amoy ko niyan, wife," natatawang sabi ni Jake. Kinurot ko ang abs nito.
Ebs neyeng meteteges, hehehehe.
"At least ikaw lang ang inaamoy ko. Bakit gusto mo ba sa iba ha?!" inis kong tanong sa kanya. Lumingon siya sa 'kin at sinakop ang mga labi ko. Binigyan niya ako ng isang mapagparusang halik.
Hinawakan ko ang balikat niya para pigilan siya dahil nakakahiya at napapanood kami ni Abby pero kinuha niya lang ang kamay ko at inilagay 'yon sa batok niya. Wala na akong nagawa kundi tumugon sa masarap niyang halik. Hindi na namin namalayang umalis si Abby.
Naghahabol ako ng hininga nang pakawalan niya ang labi ko. Matiim siyang nakatingin sa 'kin. Madilim ang mga mata niya.
"You're mine, Alex! Mine alone! Don't you dare saying that again, okay?!" madiin niyang tanong. Pinagdikit ko ang labi ko't mabait na tumango. "I don't want you to nod. I want you to say you're mine."
Tumingin ako sa mga mata niya. "I'm just yours, Jake." Dahan-dahang napangiti ang lalaki sa 'kin. Humalik siya sa labi ko at bumalik sa pagluluto. Pinanood ko siya, nang maalalang kasama namin si Abby kanina ay napatingin agad ako sa pwesto no'ng bata kanina. Wala na ito doon.
I pouted my lips.
"Umalis tuloy si Abby."
"She go back to her room." Inabutan ako ni Jake ng plato with pancake. Naglakad ako papunta sa lamesa, umupo ako sa upuan. "Wife, gusto mo ba talagang may kasamang ice cream?" nag-aalangang tanong niya. "Maaga pa kasi."
Sumimangot ako. "Yes, hubby. I want ice cream. Meron sa may ref, yung binili kahapon ni Leo."
Sumunod naman siya sa 'kin. Lumapit siya sa ref at binuksan 'yon.
"What flavour, wife?"
"Ahm . . . chocolate, hubby. Bring chocolate syrup, too."
Bumalik sa tabi ko si Jake dala ang mga pinapakuha ko. Nginitian ko siya at nag-scoop ng ice cream. Nakataas ang kilay niya akong pinapanood habang kumakain ako. Kapansin-pansin na sigurado ang paglakas ko sa pagkain, feeling ko hindi na kakasya ang anumang damit ko kapag nagkataon.
"Wife, my offer still stands. We can visit a doctor. And we're working this marriage, right? We're planning to have a baby, right?" aniya.
Tumango ako. "Jake, can't you wait until your birthday?" mahinahon kong tanong.
Umiling siya sa 'kin. "I can't . . . please, wife."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro