Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 40

Jake's P.O.V.

MAAGANG natapos ang mga meetings ko kaya maaga rin akong makaka-uwi. Inumpisahan ko ang pagliligpit ng table ko. Napangiti ako ng makita ang picture ni Alex na nasa gilid ng table ko. It's her picture when she was in high school. Nakita ko sa kanila 'yon kaya naman kinuha ko at binilhan ng frame.

I went out matapos kong linis ang kala ko. Hinarap ko si Jessie na nagta-type sa computer. Nag-angat siya ng tingin sa 'kin.

"I'm going, Jessie. Paki-inform na lang ako sa ibang meetings na kaylangan kong puntahan. Umuwi ka na rin," ani ko.

Tumango siya. "Okay po, Sir. Ingat po."

Ngumiti ako. "Ingat ka rin," pagkasabi ko no'n ay lumakad na ako papunta sa elevator. Pinindot ko ang down button at hinintay na bumukas ang lift. Nang bumukas ay sumakay ako sa loob. Pinindot ko ang button pang-basement. Naroroon kasi ang kotse ko. Lumabas ako ng lift ng bumukas iyon.

Bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa isang flower shop. I want to give Alex a bouquet of roses. Kaninang nagtatanong kasi ako kay Jessie ay nabuo ang isang hinala sa 'kin. Pumili ako ng pinakamagandang roses at dumeretso na pauwi.

Pagpasok ko ng subdivision ay may napansin akong pigura na nakatayo sa labas ng gate at mukhang ayaw papasukin ng mga guard. Kumunot ang noo ko ng makilala ko ang pigurang iyon. Huminto ako at binaba ang bintana sa kanang bahagi ng sasakyan.

"Abby?!"

Napalingon sa 'kin si Abby at alanganing ngumiti. Lumapit siya sa may sasakyan at sumilip sa loob.

"Hi po, Kuya," bati niya sa 'kin.

Tiningnan ko ang orasan sa braso ko. Maaga pa naman kaya okay lang na ngayon pa lang siya pa-uwi. Pero hindi siya nagpaalam sa 'min ni Alex kung aalis siya.

"Saan ka galing? Wala ka sa bahay kaninang umaga?"

Binuksan ko ang pinto para makapasok siya sa loob. Sumakay naman ang babae.

"May pinuntahan lang po akong importante, Kuya. Hindi na po ako nakapagpaalam kasi tulog po kayo nina, Ate. Na-lobatt din po ang phone ko kaya hindi ako nakatawag," pagpapaliwanag niya.

Tumango ako dahil do'n. Kung importante at valid naman pala ay okay lang na hindi niya kami ginising ni Alex.

"Halika na. Sumabay ka na sa 'kin pauwi." Ngumiti siya sa 'kin at sinarado ang pinto. Nag-seatbelt. Pinaandar ko na papasok ang kotse.

"Para po ba kay Ate ang bulaklak?" tanong niya nang tumingin siya likod.

"Yeah, it's for her." I can imagine my wife's reaction when she sees it later. Tumikhim ako. "Ahm . . . may napapansin ka bang kakaiba sa Ate mo lately?"

Tamang si Abby ang tanungin ko dahil madalas silang magkasama sa bahay ni Alex. Kung may unang makakapansin man noon ay si Abby 'yon.

Gulat na tumingin sa 'kin si Abby. "K-kakaiba po, kuya? A-ano pong ibig mong sabihin?" Umiwas siya ng tingin sa 'kin.

"Is Alex being weird? Moody?"

"Hmm. Wala naman po, kuya." Tumingin siya sa labas ng bintana. Ibinalik ko ang tingin ko sa kalsada. Hindi ko na ulit tinanong pa si Abby. Marahil ay wala rin siyang napansin. Nang makarating kami sa bahay ay naunang bumaba si Abby para buksan ang gate.

Pinasok ko ang sasakyan at mabilis na bumaba. Kinuha ko ang bulaklak sa backseat at inamoy 'yon. Alex will love this one.

Tumingin ako sa bahay. Nakapatay na naman ang ilaw. Bakit ba hindi na lang mag-iwas ng bukas na ilaw para malaman ng ibang tao na may tao rin. Baka mamaya may masamang taong pumasok dito.

Binuksan ko ang main door at humakbang papasok. Saktong pagbukas naman ng ilaw. Alex opened it. Naka-upo siya sa pang-isahang upuan while cross legs. Seryoso siyang nakatingin sa 'kin. Nakangiting lumapit ako sa kanya.

"Hi, wife. How's your day with your friends?" masiyang tanong ko sa kanya. Hinalikan ko siya sa noo. Seryoso pa rin siya. Ipinakita ko na ang bulaklak. "Flowers for you, my beautiful wife." Inabot ko sa kanya ang bulaklak pero hindi niya kinuha sa 'kin.

Tumayo siya at tumingin sa may pinto. Nandoon si Abby na pinapanood kami.

"Where have you been?! Asal ba 'yan ng matinong babae?! Oo nga't pamilya na ang turing namin sa 'yo pero huwag mo namang lubusin ang pasensya namin. Sana magpapaalam ka naman bago ka umalis!" sita ni Alex sa bata. Napa-atras si Abby.

Hinawakan ko siya sa braso para patigilin dahil natatakot na ang bata. Naka-yuko na ito.

"Wife, may pinuntahan lang siya. Nakapagpaalam siya sa 'kin kanina kaya wag mo na siyang pagalitan," ani ko dito. Nilingon ko si Abby. "Pumasok ka na Abby at magpahinga."

Binaba ko ang bulaklak sa kaninang inuupuan ni Alex. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at hinarap sa 'kin.

"Are you okay, wife? Bakit ba galit na galit ka?" mahinahong tanong ko. Piniksi niya ang braso niya at lumayo sa 'kin. Masama siyang tumingin sa 'kin.

"Kumusta naman ang date niyo ni Daisy last week?! Wow, ha! Spotted kayo!" sarcastic niyang tanong.

Napapikit ako ng mariin at napahilamos sa mukha ko.

"Wife, halik na. Sa kwarto natin pag-usapan 'to. Nakakahiya kay Abby, naririnig niya," mahina kong aya sa kanya. Humakbang ako palapit sa kanya pero bago ko maabot ang braso niya ay umatras siya.

"May hiya ka pa pala! Nahihiya ka na naririnig ni Abby pero hindi ka nahiyang makita sa TV kasama ang kabit mo?!" Inirapan niya ako at lumakad papunta sa may hagdan at pumanik.

Sumunod ako sa kanya. "Ano bang problema, Alexandra?" Inumpisahan kong alisin ang neck tie ko dahil pakiramdam ko ay hindi ako makahinga. Pagpasok ko sa kwarto at sinarado ang pinto. Hinarap ko si Alex na naka-upo sa kama.

"Ikaw ang may gustong bigyan ng chance ang relasyon natin pagkatapos ay lalabas ka kasama ang kabit mo!"

Lumapit ako sa kanya at lumuhod sa harapan niya. Hinawakan ko ang kamay niyang at hinalikan ang likod niyon. Ayokong mag-isip ng masama ang asawa ko. Dapat ay matapos na 'to.

"Oo nga. I want us to work out. And yung paglabas naming 'yon ay wala lang. nagkataon lang na nagkita kami," pagpapaliwanag ko.

Walang emosyon siyang nakatingin sa 'kin. Pakiramdam ko ay parang pinanunuyuan ako ng dugo dahil sa mga tingin na iyon. Nakakatakot siya dahil hindi ito ang Alex na kilala ko. Mas nakakatakot ang Alex na 'to.

"Totoo ba naman yang sinasabi mo? O baka naman nagdadahilan ka na naman?! Bakit kayo napabalita sa TV kung gano'n?!" inis pa rin niyang tanong at binawi ang kamay niya. Umiling ako at umupo sa tabi niya. Niyakap ko siya ng mahigpit saka hinalikan siya sa pisnge.

"Are you jealous, wife? You don't have to because me and Daisy are nothing. Walang namamagitan sa 'min kaya please, wife. Don't be mad. Nagkita kami noon sa isang restaurant kung saan ginanap ang meeting ko. Then dahil hindi pa rin ako nagka-launch no'ng niyaya niya ako ay pumayag na ako. Lunch date 'yon as a friend, wife. Don't think, too, much," pagpapaliwanag ko sa kanya. Tumingin siya sa 'kin.

"Totoo?"

Tumango ako. Mahina siyang ngumiti at niyakap na ako pabalik.

"I'm sorry, Jake. Kumain ka na ba? Or gusto mong kumain?" nag-aalalang tanong niya.

Ngumiti ako at hinalikan siya sa labi. Ginantihan niya naman ako. Hiniga ko siya sa kama at pinatungan siya. And once again I let her feel how much she's important to me.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro