CHAPTER 4
Alex P.O.V.
"NO!" they said in unison.
"Anak naman! Minsan lang kayo ikakasal dapat ay paghandaan na!" ani Mom.
"Oo nga naman! Unang kasal ito sa pamilya. Dapat ay maalala ng mga tao!" ani Auntie.
Napakamot ako sa noo ko dahil sa dinadahilan nila sa 'kin. Naghahanap ako ng kakampi sa 'king future husband pero nakikinig lang siya. Umirap ako. Ano ba 'yan. Walang gagawin, angkol?! Di ka magsasalita?!
"Kasi po...dapat maalala lang natin na intimate. Hindi po importanteng magarbo kung 'di naman masaya," ani ko. Tumingin ako kay Dad. Nanghihingi ng tulong. I think naintindihan naman niya dahil umayos siya ng upo at nag-smile kay Mommy ng matamis.
"Honey, let them do what they want. Kasal naman nila 'yan. If you want to do arrangement of weddings, too, pwedeng magpakasal ulit tayo," ani Dad.
Nakahinga ako ng maluwag kasabay ng pamumula ng pisnge ni Mommy.
"Wag kang maharot, Tin!"
Nagkatinginan ang dalawang Ginang.
"Okay, fine! Pero we will help! I will help!" ani ng dalawang matanda.
Huminga ako ng malalim. Okay na sa 'kin ang gano'n. Naging tahimik na ko ulit. Wala nang ibang nagsasalita kundi ang matatanda. Masaya silang nag-uusap habang kumakain. Si Jake rin naman ay sumasagot kapag tinatanong siya. Napatigil ako nang tumayo si Ate na nakatabi ko. Sa kanya napunta ang atensyon namin.
"Ally?"
"I will go ahead, Mommy. Nakalimutan ko, may importanteng meeting nga pala akong kaylangang puntahan," aniya saka niligpit ang mga gamit. Hindi na siya nakapaghintay na pumayag sina Mommy dahil nagmamadali siyang umalis.
Siguro'y importante talaga ang lakad niya kaya siya agad umalis. Yumuko ako at pinaglaruan ang pagkain sa plato ko. Wala na talaga akong ganang kumain, pinipilit ko lang ang sarili ko.
"Anak, are you okay?"
Napataas ako ng tingin kay Mommy. Tipid ko siyang nginitian.
"Yes, Mom. Medyo sumakit lang po ako ulo ko," pagdadahilan ko at saka umayos ng upo.
"Do you want a medicine?" nag-aalalang tanong niya.
"Hindi na po, Mom. I'm okay. Iinom na lang po ako ng tubig," ani ko saka uminom ng tubig.
"Hindi dapat pinagwawalang bahala ang sakit ng ulo, Alex. Dapat magpunta tayo ng hospital para mapa-check-up ka," sunod-sunod namang sabi ni Auntie na akmang maglalabas ng cellphone.
Nagmamadali akong umiling sa kanya. Pinunasan ko muli ang labi ko bago magsalita.
"Huwag na po, Auntie. I'm okay na po. No need for that," mariin kong ani. Gosh, nakakaloka naman. Kaunting ano lang hospital agad.
Tumingin ako sa paligid, saka ko lang napansin na nakatingin pala sa 'kin si Jake. Inirapan ko siya bago nag-iwas ng tingin. Kapansin-pansin siguro ang ginawa ko dahil tumikhim si Dad.
"Let's introduce the kids with each other, Jerome. Para naman mawala ang ilangan sa pagitan nila," ani Dad.
"That's a great idea, Austin!" ani Uncle Jerome.
Nag-face palm ako sa isip ko. Kaylangan ba talaga 'yon?
"This is my son. Jake Gabriel, one of the bachelor of this town, Alex," ani Uncle kaya sa kanya ako napatingin. He look so proud sa anak niya. "He is the CEO and chairman of our winery. The reason why we are on top."
His name suits him. Jake Gabriel. Badboy na pang-mabait. Bagay na bagay sa hitsura niya.
Wow. Ganoon siya kagaling sa pag-handle ng business? Hindi naman na nakakapagtaka dahil mukha siyang maraming achievements sa buhay. At the age of twenty-four? A young billionaire nga. I heard a while ago na he is a millionaire, malapit nang maging isang bilyonaryo.
"And this is my daughter, Alexandra Crystal. Freshly graduate from college but already working in our company. I trained her early in our company." My father is sound proud when he said that.
Matamis ko siyang nginitian. Gumanti siya sa 'kin.
Muling nagtama ang paningin namin ni Jake. This time, tumango na siya sa 'kin. Ang gwapo talaga niya. And yung skin color niya, ang puti! Mas maputi pa siya sa 'kin. Nag-glu-gluta ba siya?
"Dahil kilala niyo na ang isa't isa. You two should plan your wedding dahil gusto na naming magka-apo!" masiyang ani Auntie.
Napanganga ako sa sinabi niya.
Apo?!
Anong apo ang pinagsasabi ni Auntie! 'Di ba niya narinig ang sinabi ni Daddy, freshly graduate pa lang ako! Wala pa sa plano ko ang anak! Ang dami ko pang plano na hindi na matutuloy dahil sa mga parents namin. Gusto ko pang-ma-travel ang buong mundo.
"Auntie, masyado pa po kaming mga bata para magka-anak. Pwede naman pong k-kasal muna," mahinang ani ko.
Nahihiya akong nag-iwas ng tingin. Pakiramdam ko'y nasa akin ang mata nilang lahat. My God. Iniisip ko pa lang na magsasama kaming dalawa sa iisang kama at mayroong mangyayari sa 'min ay kinikilabutan na ako! Kilabot ba talaga o iba na? Hindi ko ma-imagine. Nag-iwas ako ng tingin. Gosh!
Biglang uminit yata.
"Hija, hindi pwede..." ani Mommy.
Nagtatanong ang mga matang lumingon ako kay Mommy. Nakangiti siya sa 'kin. I can see her eyes sparkling.
"Dapat magka-apo na kami sa inyo. Hindi na rin kami bumabata. Dapat habang kaya pa naming alagaan at makipaglaro sa mga apo namin ay mabigyan niyo na kami," dahilan naman ni Daddy na nakatingin kay Jake ngayon. "Kumain na ng balot sa honeymoon niyo para matibay ang tuhod!" Nakakalokong payo nito.
Nanlaki ang mga mata ko ng ma-realize ko ang ibig niyang sabihin sa pagkain ng balot! Marahas akong lumingon kay Dad.
"Daddy!!" impit kong saway.
But they all laughed at me! Lalo na si Jake na tuwang-tuwa na makita akong nahihiya. Pero napansin ko naman ang pamumula ng punong tenga nito.
May araw ka rin sa 'kin, Anderson!
********
AFTER our lunch niyaya kami nina Uncle sa bahay nila para makapag-usap ng maayos tungkol sa kasal. Nilibot ko ang tingin ko sa kabahayan nila. Maganda. Minimalist and maaliwalas ang bahay nila. Kulay white and gold ang theme. Sumisigaw ng kasimplehan at karangyaan ang mga ito at the same time!
Two story house ang bahay nila and may malawak na bakuran and pool sa likod. Tapos makikita mo pa ang iilang magagandang bulaklak na alaga daw ni Auntie. Si Mom din gano'n, maraming halaman sa bahay. Plan-tita yarn?
Ilang oras na kong naka-upo dito. Nakikinig sa kanila at sa mga plano nila. Dahil sa boredom ay nagpaalam ako sa kanila para magtungo sa kusina at uminom ng malamig na tubig.
Jake left a while ago dahil sa emergency sa company nila na kaylangan niyang puntahan. Like, hinatid niya lang yata ang parents niya dito sa bahay and umalis na rin kaagad. Wala namang naging interaction sa pagitan namin kanina. Kasi magka-ibang kotse ang sinakyan namin at nauna akong sumakay ng kotse.
Nang makarating ako sa kusina ay namangha rin ako. Grabe. Gaano ba kayaman ang mga Anderson? Ang kitchen nila kasi ang ganda, tapos malaki rin. Lumapit ako sa ref. Binuksan ko 'to. Wow, ang daming laman. Naglabas ako ng pitcher at nagsalin ng tubig sa baso saka uminom.
"HI!"
Mapalingon ako sa masiglang bati sa likuran ko. Tumambad sa 'kin ang dalawang magagandang babae. Kambal. Mga kapatid siguro ni Jake.
Ibinaba ko ang hawak kong baso. "Hi!" Nginitian ko sila. Ang cute nilang dalawa. Nilahad ko ang kamay ko sa harapan nila. "I'm Alex—"
"Kilala ka na namin," sagot ng babaeng mukhang kikay—no, 'di mukha. Kikay talaga. She pointed herself. "I'm Klyzia Blue Anderson and she is black. As you can see we are twins!" masiglang aniya sabay kawit ng braso niya sa 'kin.
Nilingon ko siya. Feeling close naman si bebe. Ay, charot!
"Mga kapatid kayo ni Jake?" Hell. Obvious na nga tinatanong pa. Tss.
"Stupid," bulong ng isang kambal ni Klyzia.
"Yep! Tara sa kwarto namin, Ate!" yaya ni Klyzia sa 'kin.
Ngumiti ako. "Sure!" Nagpahila ako sa kaniya nang haltakin niya ako palabas ng kusina. Aray naman bess, masaket ha. Eto na ba ang sinasabi nilang pagpapalapad ng papel sa mga sister in-laws ko?
Nang makalabas kaming tatlo ng sala, napatingin sa 'min ang matatanda. Mukhang naiintindihan naman nila ang nangyayari dahil tango ang binigay nilang sagot sa 'kin. Umakat kami ng hagdan at pumanik sa second floor. Ang dami palang kwarto dito. Sabagay, sa laki ba naman ng bahay nila talagang madaming magiging silid dito.
Huminto kami sa pintong magkahalo ang kulay. It's a combination of black and pink. Klyzia open the door. Pumasok kami sa loob. Nalaglaga ang panga ko.
The ambiance of the room is so good. Para siyang kwarto ng mga manika. The half room is for Barbie and the other side is for bad-ass emo chick.
"Wow. Your room is beautiful!" I compliment while looking around. The room is so cute!!
There's three big door here. Two beds in each side with their respective color, black and pink. You can already know who the owner of it is. And the other one is yung pinasukan namin. Mayroon pang pa-mini chandelier sa gitna ng kwarto. May bintana kung saan pumapasok ang natural source of light.
"Mas maganda ka wag kang papatalo," cold na ani Black...am I right? Black ang pangalan ng cold na babae, right? The other twin na medyo creepy. I can't figure out if she's being sarcastic or not.
Napalunok ako. Kaagad ring nabawi nang magsalita si Klyzia. Tiningnan ko siya.
"Don't be rude, Black," saway ni Klyzia bago niya ako hinila sa braso. Umupo kami sa middle ng room kung saan merong carpet, throw pillows and stuff toy. I can already feel its softness wala pa man. There is also TV na nakadikit sa pader, sa ibaba ay may video player and joysticks.
"Don't be too kind, too," Black said.
Pinaglahi ba sa sama ng loob ang kakambal ni Klyzia?
Umupo ako sa gilid at kumuha ng isang throw pillow. Pinatong ko 'yon sa hita ko. Tinabihan ako ni Klyzia and Black sat down next to her twin sister.
Klyzia smile sweetly at me. "Sorry for her attitude. Old maid kasi," bulong niya sa huling bahagi.
"It's okay. Teenagers gets grumpy talaga kung minsan," ani ko. That's true. I can still remember noong nagdadalaga ako ay palaging mainit ang ulo ko. Kung 'di ako galit ay madalas umiiyak ako. Damn hormones in that time.
Tumawa siya ng malakas. "Gaano kadalas ang minsan?"
Napatawa rin ako dahil do'n. Napansin ko ang matalim na tingin sa 'kin ni Black...kinikilabutan ako. Inirapan niya ako bago unang nag-iwas ng tingin. I can remember Wednesday Addams with her. Ganyan siya tumingin, walang buhay.
"Pero wag ka mag-worry kasi mabait naman si Klyzene Black. She is just like that," aniya pa saka kinuha ang kamay ng kakambal.
Hindi ako sumagot, instead tiningnan ko ang table nito kung nasaan ang madaming gamit for journaling. Ayokong isipin naman niyang antibiotic ako sa kanilang magkapatid, hano. Sasama pa ang image ko.
"You like to do journaling?"
"Uh-huh."
Ngumiti ako. Ang cute niya. Kikay na kikay. Parang ang sarap niyang ayusan at gawing manika. I cannot say na kikay rin ang Ate ko kasi demure siya. Napakahinhin kasi niya. Mahihiya kang matabi lalo na kung malakas ang boses mo. Kasi para siyang Maria Clara ng bagong panahon.
Ang kabilang side ay may mga books about witchery and stuff na hindi ko bet. Pero ang astig niya ring tingnan.
"Ang ganda ng table ng kambal mo. Puro books," ani ko.
Ngumiti siya sa 'kin. "Yeah, she loves to read about supernatural things kaya puro ganyan ang gamit niya. Sa room niya rin madami pa."
Tumango ako. Ang galing naman. Kitang-kita mo ang pagkaka-iba nilang dalawa. Yung ibang kambal kasi ay same ng mga gusto. Like sometimes gusto ng isa kulay blue, both sila blue.
Inilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto dahil baka may may magpapa-amaze pa sa'kin. Tiningnan ko ang magkabilang pintuan sa bawat side.
Ang dami naman nila ng pinto. Ano 'yon walk in closet—damn. They have their own room?
"Ang daming pinto ng kwarto niyo, ha," puna ko.
"Yap! Kasi door 'yan sa mga kanya-kanya naming room para easy access. Hindi na namin kaylangan umikot sa labas para makapunta dito," paliwanag niya.
Napatango ako dahil do'n pero kumunot rin ang noo ko. "Then, kaninong room 'to?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro