Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 37

Alex P.O.V.

NAUBOS na ang cup ko ng ice cream at kamias ko hindi pa rin bumabalik si Abby. Nag-aalala na ako sa kanya dahil baka may nangyari ng masama. Kasalanan ko pa dahil inutusan ko siyang bumili ng pagkain ko. Sundan ko kaya?

Ilo-lock ko na sana ang main door ng bahay ng may humintong isang tricycle sa tapat gate. Bumaba doon si Abby na madaming bitbit. Lumapit ako sa gate at binuksan siya. Kinuha ko rin ang ibang dala niya.

"Bakit ang tagal mo?" tanong ko sa kanya ng makapasok kami sa loob ng bahay. Lumakad kami patungo ng kusina.

"Kasi Ate madaming tao sa palengke," sagot niya sabay kuha ng isang kalderong maliit at saka nilagyan ng tubig.

Ibinaba ko sa ibabaw ng counter ang mga pinamili niya. Isa-isa kong binuklat ang mga iyon. May plastic ng itlog ng pugo, harina, food color, fishball and kikiam. Sa isang plastic naman ay merong pinya na pinapabili ko pati na rin bagoong.

Lumapit ako sa kanya. "Meron ba kong maitutulong?" tanong ko habang pinapanood siya.

Napangiti doon si Abby. "Paki-about na lang sa 'kin yung mga pugo, Ate." Inabot ko sa kanya ang pugo. Abby put it in to the kaldero and sinalang sa apoy with medium heat. "Halik, ate. Gawin natin yung coating ng pugo."

Kumuha ng isang mangkok si Abby at doon nilagay ang harina. Pinanood ko lang siya dahil hindi ako marunong gawin 'yon kaya talagang nakatutok ako.

"Ako na ang maghahalo niyan, Abby. Pakitalupan mo na lang ang pinya at iluto mo yung bagoong," ani ko at kinuha ang hawak niyang whisk and bowl. Inumpisahan kong haluin ng mabuti ang mixture hanggang sa maging malapot na 'yon. Nilagyan rin ng food color para mag-kulay yellow.

Sinunod ako ni Abby. Ilang oras rin kaming pareho na busy sa kanya-kanya naming ginagawa kaya hindi na namin namalayan ang oras.

Meryenda na ng matapos kami ni Abby. After kasi niyang maggisa ng bagoong ay ni-fry na rin ang fishball and kikiam. Siya na rin ang nagluto ng sauce na matamis at yung suka.

Sa sala kami kumain. Abby dipped her food in the sweet sauce while me, I'm dipping it in the bagoong.

"Ate, may sakit ka po ba? Kakaiba po kasi ang kilos mo nitong mga nakaraang araw," biglang tanong ni Abby.

Natigilan ako sandali bago binaba ang hawak kong pagkain. Lumingon ako sa kanya. Lumunok ako.

"Okay lang ako. Sorry sa pagiging moody ko lately, ha," paumanhin ko. Sa isiping naging masama ako sa kanya ay bigla na lang nag-init ang sulok ng mga mata ko. "S-sorry!" I'm super sama.

Lumapit sa 'kin si Abby at niyakap ako.

"Hala, ate! Wag ka nang umiyak! Buntis ka na po ba?!" puno ng pag-aalalang tanong niya.

Lumayo ako sa kanya at tiningnan siya. Pinunsan ko ang luha ko at suminghot-singhot pa.

"yes, b-but don't say it muna sa k-kuya Jake mo. I-I want to surprise him. I'm organizing a party for him," nautal kong sagot.

Naging malawak ang ngiti niya.

"HALA! CONGRATS, ATE!! May baby na pala dito! Kaya po pala paiba-iba ang mood swings mo!" anito na puno ng kasiyahan sa tono. Bumaba ang tingin niya sa tiyan ko. "Siguradong matutuwa si Kuya Jake kapag nalaman niyang dala-dala mo na po ang anak niyo."

Napangiti ako at hinimas ang tiyan ko. "Sana nga." Parang walang nangyari at kinuha ko ulit ang pagkain ko. Sinawsaw ko iyon sa bagoong. "Ang sarap talaga."

Napansin ko ang nandidiring tingin niya sa 'kin, kung pwede lan mag-green ang mukha niya at ginawa na niya. "Di ka kaya sakitan ng tiyan niyan, Ate? Kwek-kwek at bagoong? Akala ko pa naman ay para 'yan sa pinya."

Umiling ako. "Hindi. Yung pinsa ang isasawsaw ko mamaya sa sauce na ginawa mo." Ipinagpatuloy ko ang pagkain.

Wala nang naging sagot si Abby sa 'kin. Hindi naman din kasi siya mananalo kung ipipilit niya.

******

Jake's P.O.V.

TUMAAS ang kilay ko ng mapansing nakapatay ang lahat ng ilaw sa bahay. Kumunot ang noo ko. I look at my watch, its still early. In the thought that something bad happened to her ay tinakbo ko ang bahay namin. Pumasok ako sa loob ng bahay at patakbong pupunta sana sa kwarto naming mag-asawa nang makita ko si Alex na nakahiga sa may couch.

Huminga ako ng malalim.

Nag-lean in ako sa harapan niya. Pinagmasdan ko ang maamong mukha ng asawa ko. Yumuko ako at hinalikan siya sa labi. Hinaplos ko ang buhok niya't huminga ng malalim pagkatapos. My wife is really beautiful.

Nilingon ko ang center table na puno ng mga pagkain. Yung iba'y wala ng laman pero yung iba meron pa at halatang hindi na naubos. Street foods ang mga nakahain. Iyon siguro ang binili ni Abby kanina sa bayan.

"Ay, Kuya! Nandiyan ka na pala, eh!" ani Abby na galing sa kusina. May dala itong tray. Tumayo ako ng maayos at hinarap siya.

"What happened? Bakit puro street foods dito?"

"Iyan po kasi ang pinaluto ni Ate, Kuya," sagot niya saka nag-umpisang magligpit.

Napakamot ako sa ulo ko. "Is that all she eat this whole day? Bakit may bagoong? Nahilig sa manga?"

Ngumiti si Abby sa 'kin. "Kuya, yan po kasi ang gusto ni Ate. Kapag pinakialaman ko po ay magagalit sa 'kin." Lumakad na pabalik ng kusina pero huminto siya sandali at nilingon ako. "Kuya, gusto mo po bang kumain?"

Umiling ako. "Hindi na. Dadalhin ko na sa taas ang ate mo," ani ko saka lumingon sa natutulog kong asawa. Huminga ako ng malalim. Hindi ba niya alam na sasakit ang katawan niya kapag dito siya natulog?

Binuhat ko nang pa-bridal style ang asawa ko. Paakyat pa lang kami sa hagdan ng maramdaman kong sumiksik siya sa leeg ko. Napangiti ako.

"Ang aga mo namang natulog, wife," pabulong kong tanong sa kanya. Hinalikan ko siya sa noo at nagtuloy na. Nakakalokong kinaka-usap ko ang tulog.

Nang nasa itaas na kami ay lumakad ako papasok ng kwarto namin. Binuksan ko ang pinto at nang makapasok ay sinarado ko 'yon gamit ang paa ko. Hiniga ko sa kama si Alex. Nagpunta ako ng banyo para maglinis ng katawan pero bago ako maligo ay binuksan ko muna ang aircon para hindi mainitan ang asawa ko. Mabilis lang akong naligo.

Lumabas akong naka-boxers at nagpupunas ng buhok. Nilingon ko si Alex na nakahiga pa rin sa kama. Should I wake up her to get shower? But looking how peaceful she is, may puso naman ako para huwag siyang gisingin. Mabango naman siya kahit na hindi maligo ng ilang araw.

Hinagis ko sa basket ang towel. Tumabi ako ng higa sa asawa ko at niyakap siya ng mahigpit. Nakapikit na ako ng maramdaman ang pagyakap sa 'kin ni Alex pabalik. Hinalikan ko siya sa noo.

"Hubby?"

"Hmm."

"Kumain ka na ba?" malambing niyang tanong kahit na inaantok. Dumilat ako.

"Not yet. How about you? Have you eaten real foods? Abby told me you only eat street foods," sabi ko. Nakapikit pa rin siya.

"Eat ka na, hubby," aniya at tumalikod ng higa sa 'kin. Napangiti ako. Instead na bumaba at kumain ay sumiksik na lang ako sa asawa ko. Hinalik-halikan ko ang leeg niya.

We're down to only month of our marriage and I don't think I can let this woman go. I can't.

"Wife, are you a witch? I think you bewitched me. Bakit nararamdaman ko sa 'yo 'to? Parang ayoko ng malayo sa 'yo. Hindi ko kayang isiping nasa piling ka ng iba. Pakiramdam ko'y mamatay ako sa inggit at galit kapag nangyari 'yon,' bulong ko sa kanya bago siya niyakap ng mahigpit. "I won't let you leave me, wife. You're already my wife that's why you are mine. Just mine. All mine." 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro