Chapter 34
Alex P.O.V.
ANOTHER month has passed. And we're down to our last month and then we're going to our separate ways. Nandito ako sa kama at nakahiga. Pinagmamasdan ang asawa kong tulog na tulog. Hanggang ngayon ay 'di pa rin ako makapaniwala na nakakatabi ko siya sa pagtulog, nakakasabay sa pagkain at sa lahat. Hinawakan ko ang pisnge niya. He looks in peace kapag tuloy siya.
"Jake . . ." bulong ko sa tenga niya. Sinusubukan ko kung tulog ba siya o naglalaro lang. Walang response kaya napangiti ako. Nakakadala kasi, palagi na lang niyang naririnig lahat ng sinasabi ko kapag akala ko tulog siya.
"Jake, mahal kita alam mo ba 'yon? Mahal kita pero were going to our separate ways. I will file the petition, ako ng bahala sa lahat basta ang gagawin mo na lang ay pumirma," mahinang ani ko. Ngayon ko lang nasabi sa kanya na mahal ko siya, puro kasi te dua. That's Albanian word.
Pumikit ako at hinalikan siya sa noo pagkadilat ko ay nakita ko na siyang gising. Nanlaki ang mga mata ko. Kanina pa ba siya gising?! Narinig ba niya ang mga sinabi ko?! Napalunok ako.
"Ahm . . . . kanina ka pa gising?" mahinang tanong ko.
Umiling siya at niyakap ako.
"Nagising lang ng halikan mo ako. Good morning, wife."
"Good morning. Tayo ka na diyan. Ngayon ang merging ng two companies, 'di ba? Kaylangan maaga tayo sa venue," ani ko saka bumangon. Sumunod sa 'kin si Jake. Pumasok ako ng banyo at nag-toothbrush. Napatingin ako sa salamin. Pumasok si Jake at tumabi sa 'kin. Nag-toothbrush din siya. Nagkatinginan kami sa salamin at tumawa nang walang dahilan.
Nagmumug ako at lumabas ng banyo. Pumasok ako sa walk-in-closetm kumuha ng dami namin ni Jake. Ito na kasi ang huling araw ko sa trabaho. Napagkasunduan na namin ni Jake na after na lang ng merging ako tumigil and this is it na. Mami-miss ko ang company. Parang hindi na babalik do'n ah.
Isang all white suit ang pinili ko for Jake, para sa 'kin naman ay isang backless red dress. Napansin kong nakasara ang pinto ng banyo, hudyat na naliligo na si Jake. Bumaba na ko sa hagdan. Naamoy ko agad ang mabangong aroma ng pagkain.
Yes, may kasambahay na kami dahil naging sobrang busy namin pareho ni Jake. Hindi na namin naalagaan ang bahay kaya nagpadala sina Mommy ng makakatulong.
Pumasok ako sa kusina. Nadatnan ko doon si Abby, ang aming kasambahay. Seventeen years old. Ka-edaran lang ng kambal kaya magaan din ang loob naming mag-asawa. Noong una ay hindi ako makapaniwalang katulong lang siya dahil ang ganda niya at kinis. Medyo pamilyar nga siya sa 'kin na para bang nakita ko na siya sa kung saan, eh. Hindi ko lang talaga maalala.
"Ate, gising na po pala kayo," aniya nang mapansing nakatayo ako sa may pinto.
"Oo, maaga kasi kaming aalis ngayon. Nakapagluto ka na pala." Lumakad ako palapit sa kanya at kumuha ng kutsara. Tinikman ko ang niluto niya. Napatango ako. "Ang sarap mo talagang magluto. Bakit hindi kaya kita ipasok sa cooking class?" tanong ko.
"Na ko, Ate. Wag na po. Sobrang nakakahiya na sa inyo," sabi nito at nagsandok ng ulam. Sumandal ako sa may sink at pinanood siya.
"Ipapasok kita. Ikaw na lang amg um-attend sa cooking class kung saan ako naka-enroll. Okay naman sa 'kin ang alam ko ngayon about sa cooking pero ikaw," turo ko sa kanya at hinawakan siya sa kama. "You have so much talent and potential kaya i-grab mo na ang chance na 'to," ani ko pa.
Mangiyak-ngiyak siyang tumingin sa 'kin. "Thank you po, Ate. Tatanggapin ko na po yung alok mo," aniya na ikinangiti ko.
Saktong pumasok naman sa kusina si Jake. Nalaglag pa ang panga ko dahil sa hitsura nito. He look so handsome! He's like a king habang naglalakad palapit sa 'min. Hinapit niya ko sa bewang bago hinalikan sa labi. Ganyan kami araw-araw. PDA.
"Halika, kaumain ka na muna," yaya ko sa kanya. "Ang sarap ng luto ni Abby." Ilalayan kong umupo si Jake at nilagyan ko ang plato ng pagkain. "Mamaya ay siguradong magugutom ka dahil sa dami ng tao na pupunta."
Nanlaki ang mga mata ko ng biglang bumaliktad ang sikmura ko ng maamoy ang mabahong amoy na 'yon.
Mabilis akong tumakbo sa may lababo at doon sumuka. Hinagod ni Jake ang likod ko at inalis ang nakatabing kong buhok sa mukha ko.
"Wife! Are you alrigh?! What happened to you?! Let's go to the doctor!" may halong tarantang tanong niya sa 'kin. Nagmumug ako at humarap sa kanya. Isinandal ko ang noo ko sa dibdib niya.
Nanghihina kasi ako at nanlalata. Parang umiikot ang paningin ko.
"I'm fine . . . siguro ay may nakain lang akong hindi maganda kagabi," pabulong kong ani. Inalalayan niya akong umupo. Napatingin sa 'kin si Abby. Kinunutan ko siya ng noo. "Why, Abby?" tanong ko sa kanya. Nakahawak ito sa ref na para bang may gustong kainin. Tumingin si Abby kay Jake.
"Ate . . . baka kasi dahil sa pizza kaya ka nagsuka, eh," anito at inilabas ang pizza sa ref.
Tinakpan ko ang ilong ko dahil sa mabahong amoy na 'yon. Napatingin sa 'kin si Jake na may halong pag-aalala.
"Wag na kaya tayong tumuloy? Baka mamaya mas makasama sa 'yo. Tatawag na rin ako ng doctor," nag-aalalang aniya.
Umiling ako. "Nah. It's okay. Ikaw na lang ang pumunta doon. Hindi pwedeng walang isa sa 'tin ang um-attend. Okay lang ako dito, hubby. Don't worry. Siguro ay sira ang pizza."
Nag-aalala pa rin ang hitsura niya kaya hinalikan ko siya sa noo. "I'm okay, hubby. Sige na. Kumain ka na do'n. Sa kwarto na lang muna ako dahil bigla akong inantok," ani ko sabay hikab. Tumango siya.
"Abby, samahan mo ang ate mo sa taas. Pero bago 'yon ay ialis mo muna ang pizza. Itapon mo or ipamigay basta wag lang dito sa bahay," mariin niyang sabi at tumingin sa 'kin. "Wife, aalis na ako. Tawagan mo ako pag may nangyari, okay?" Tinanguan ko siya at lumayo.
Sabay kaming lumabas ng kusina kasunod si Abby. Nang nasa pinto na si Jake ay humalik ako sa labi niya.
"Mag-ingat ka," sabi ko at pumanik sa taas. Akmang susunod sa 'kin si Abby ng pigilan ko siya. "Okay na ako, Abby. Pahinga ka na lang," utos ko.
Napakamot siya ng ulo.
"Eh, ate."
"Sige na. Ligpitin mo na lang ang mga kalat sa kusina. Matutulog lang ako," sabi ko at tuluyang pumanik sa second floor. Nang makapasok ako sa kwarto ay humiga ako sa kama. Nakaramdam agad ako ng antok.
Pero biglang nawala iyon ng may bigla akong naalala. Mabilis akong bumangon at bumaba ng kama. Pumasok ako ng banyo. I checked the cabinet. Napanganga ako.
"Wala pang bawas," mahinang wika ko Dahan-dahan akong lumabas ng banyo. Tiningnan ko ang cellphone ko at pumunta sa calendar. Shit! "Oh, gosh! Pwede kayang—"
Pumasok ulit ako sa banyo para maligo. May kaylangan akong malaman.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro