Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 30

Alex P.O.V.

MABILIS natapos ang lunch meeting ko kaya dumeretso ako sa opisina. Matagl na akong hindi napupunta doon simula ng maikasal kami ni Jake. Lahat ng empleyadong nakakasalubong ko'y binabati ako na ginagantihan ko naman ng ngiti.

Pumasok ako sa elevator ay pinindot ang floor ng opisina ko. Wala akong kasabay sa loob.

Nang muling bumukas ang pinto ng lift ay ngumiti ako sa mga taong nasa labas bago humakbang palabas. Nasa thirteenth floor ang office ko, dalawa lang naman ang office na meron do'n. Ang sa 'kin at kay Daddy.

Sinalubong ako ng secretary ni Dad at secretary ko. Tinaasan ko sila ng kilay. Si Jay ay mabilis lumapit sa 'kin ng mamataan ako.

"Good day, ma'am Alex," nakangiting bati ni Jay.

Gumanti ako ng ngiti sa kanya. "Good day rin, Jay." Yes, lalaki ang secretary ko, he is married man at ilang taon na ring nagtratrabaho sa 'kin. He is trustworthy.

"Can you please send me my schedule today and make me some coffee," utos ko nang makapasok sa loob ng office. Lumakad ako palapit sa table ko't umupo sa 'king swivel chair. Nakabukas na rin ang aircon kaya nakaramdam ako ng ginhawa.

Tiningnan ko ang mga papeles na nasa ibabaw ng lamesa ko. Ang daming mga papeles na nakatambak. Nagbuntonghininga ako.

"Ayan, Alex! Katamaran mo!" sita ko sa sarili at inumpisahang basahin ang mga iyon. Kumatok si Jay sa pinto at pumasok sa loob dala-dala ang kapeng hinihingi ko.

"Ma'am Alex, may meeting po kayo sa new investor. Nasa conference room po gaganapin. It's all about adding new branch of winery in America."

Nagtaas ako ng tingin. "New investor? Branch in America?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Opo. Actually last week pa dapat ang meeting na 'yon pero dahil honeymoon niyo ay hindi ko na kayo inabala," paliwanag nito.

Napatango ako.

"Okay. Pakisabihan na lang ako kapag nandiyan na siya. Thanks, Jay!" sabi ko. Ngumiti ito at tumalikod paalis.

New investor, huh. Hmm . . . interesting.

Napatigil ako sa ginagawa ng maalala ko si Jake. Kumain na kaya siya? Inilabas ko ang phone ko sa bag at ni-dial ang number ni Jake. Anong oras na rin kasi at baka hindi pa siya umaalis sa bahay. Baka mamaya ay hindi pa siya kumakain.

Ilang sandali pang nag-ring ang phone bago sumagot si Jake.

"Hi, wife."

Sumandal ako sa upuan. "Hi, hubby. Kumain ka na ba?"

"Yes, wife. Ikaw ba? Naunahan mo lang akong tumawag," natatawang sabi nito.

Napangiti ako. "Kumain lang ako ng cake kanina and drink some coffee. Pumasok ka ba sa office?"

"No."

"Why?"

"'Cause I'm a house husband today, wife. Bukas na lang ako papasok para sabay tayo. Sabay ring maglu-lunch, uuwi at sabay na . . ." ang salitang binulong nito ay nagdala ng mainit na haplos sa katauhan ko. "Pero . . . ilan linggo ka lang magtra-trabaho dahil kakausapin ko si Dad about sa merging ng companies para hindi ka na mahirapan at dumito ka na lang sa bahay."

"Ha? Bakit?"

"No, wife of mine should work. Ayoko lang biglain ka kaya naman sinabi ko na ngayon pa lang."

Ngumuso ako. "Ahm . . . pwede bang magtrabaho ako kahit paminsan-minsan? I love working and I'm running my family's business."

Narinig ko ang pagbuntonghininga ni Jake sa kabilang linya. Napanguso ako dahil doon. Mahirap pa naman maiwan lang sa bahay lalo na kung nasanay ka sa pagtratrabaho.

"I'm sorry, wife, but hindi pwede. We are planning to have a baby and I'm not gonna risk your safety. Just do what I want for now and we will have our talk about this again," he said in pleading voice.

Umiling ako't ngumiti. He is thinking about our future baby? Our? Hindi ko na napigilan ang lihim na pagtili.

"Opo, sige na," pagpapa-ubaya ko.

Nawala ang atensyon ko sa kausap ng makarinig ng katok sa pinto. Bumukas ang pinto at sumilip doon si Jay.

"Miss Alex, nandiyan na po ang investor," he said.

Tumango ako at sinensyasan siyang lumabas na. "Hubby, mamaya na lang ulit, okie? May meeting pa kasi ako."

"Alright. Take care, wife, and eat real food not a cake." I heard him sigh. "I will call someone to bring you good."

"Opo, tay! Te dua." Mabilis kong binaba ang tawag. Nakangiti ako, ang sweet ni Jake. Kaya mahala ko siya eh.

Yes, mahal ko na siya Jake. Hindi naman pwedeng maging indenial ako habang buhay, 'di ba?

Ilang sandali pa kong nasa ganoong posisyon bago nagpasyang tumayo na. Lumakad ako palabas ng opisina ko. Nadaan ako sa pinto ng office ni Dad kaya ako napahinto. Nilingon ko si Jay.

"Pumasok ba si Dad?"

"Opo pero umalis din, Miss Alex. May business meeting din po yatang pinuntahan," paliwanag niya sa 'kin.

Hindi na ako kumibo. Sumakay kami ng elevator at pinindot ang floor kung saan idadaos ang meeting namin. Naalala ko kung paano ako nag-umpisa sa kompanya. Mula ako sa ibaba hanggang sa mapunta ako sa pwesto ko. Lahat yata ng trabaho ay naranasan ko para lang maintindihan ko kung gaano ka-importante ang bawat tauhan.

"Miss, tara na po."

Bumalik ako sa reyalidad nang marinig ang pagtawan ni Jay. Tumango ako at sumunod na lumabas sa kanya. Binati kami ng mga empleyado na nginingitian ko.

Si Jay ang nagbukas ng pinto para sa 'kin. Naabutan ko ang babaeng tinutukot na ka-meeting ko ngayon. Nakatalikod siyang naka-upo sa 'min kasama pa ang isang lalaki na naka-business suit din. Ang suot kasi ng babae ay sobrang hapit na black dress.

Lumakad ako palapit sa kanila.

Inilahad ko ang kamay ko ng mapunta ako sa harapan nila.

"Good afternoon, I'm Alexandra Anderson," pagpapakilala ko.

Tumayo ang dalawa at naglahad rin ng kamay ang lalake. Tumaas ang kilay ko nang makitang hindi nakipag-shake hands ang babae. Attitude ka, gurl?

"Good afternoon, Mrs. Anderson," mapait na bati ng babae.

Nangunot ang noo ko. Hindi ko yata gusto ang tono niya ng pagtawag sa 'kin ng Mrs. Anderson.

"Please, sit down." Hindi ko na lang binigyan pansin ang sinabi nito. Ako rin ang magiging low class kapag pinatulan ko.

Umupo sila, miski ako.

"I'm Attorney Mangahas, and the woman here is Miss Heart," pagpapakilala ni Attorney.

Tumango ako at tiningnan ang secretary ko na nakatabi ng upo sa 'kin. Tahimik na nakikinig sa usapan namin.

"He's Jay, my secretary. Let's proceed to our business." I'm straight forward to people who is not nice.

Nilingon ko ulit ang babae, she's wearing shades pala. But I can feel her stares at me. Why, masyado ba kong maganda para titigan?

I frowned when I realized something. Her built is familiar. Saan ko ba siya nakita? Hmm . . .

"Okay."

They discuss the proposition and I listen to them. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro