Chapter 3
Jake's P.O.V.
I give a long sigh while looking outside the car. Today I'm gonna meet my future wife. Kilala ko naman na siya dahil sa information na binigay ng Private Detective ko sa 'kin.
Iisang sasakyan lamang ang sinasakyan namin papunta sa restaurant na napili nila kung saan kami magme-meet ngayong araw. My schedule today is cleared just for this meet with my fiancée. It will be shameful when my parents meet them alone without me. Pangalan rin namin ang malalagay sa kahihiyan kung hindi ako sumama sa kanila.
"Jake."
Lumingon ako ng tawagin ako ni Mom. Nasa backseat siya katabi si Dad samantalang ako naka-upo sa passenger seat.
Hindi namin kasama sina Klyzia at Klyzene dahil may klase sila pero mamaya ay baka makasama na sila.
"What is it, Mom?" malambing kong tanong.
Tipid siyang ngumti sa 'kin. "Are you okay?"
"Yeah." Kumunot ang noo ko. "Why?"
Umiling siya sa 'kin. "I'm sorry if you feel pressured about the wedding. If you don't want to."
Umiling ako sa kanya. Pilit akong ngumiti. "No need, Mom. Magpapakasal ako."
"Don't worry, Jake. Alam kong magugustuhan mo si Alex. Mabait siya," ani Dad.
Nagkibit-balikat ako, "don't know yet. Kahit mabait naman may tinatagong kulo sa loob," ani ko
"Hindi lahat."
"Stop na. Makikilala nila ang isa't isa na pwedeng mauwi sa totohanan. Our son is lovable, same with Alex. They can fell for each other and live a happy marriage," ani Mom sa matamis na boses.
"We don't know yet, Mom. Huwag nating pangunahan," sagot ko.
"Yes! Kaya nga wag muna kayong ganyan. Give her a chance."
Huminga ako ng malalim at tumango. Buo na rin naman ang pasya kong magpakasal sa kanya kaya okay lang. Doon rin ang punta namin. Ayoko rin namang malungkot ang parents ko dahil sa hindi ko pagsunod. Lalo na si Mom.
Tipid akong ngumiti bago humarap ulit sa harapan. I can't wait to see the girl. What does she looks like in person?
Alex' P.O.V.
THREE days after I've known that I'm getting married the day when I'm going to meet my future husband and his family came. And it's happening right now. I'm currently waiting for my fiancé to come.
Maaga akong binulabog nila Dad sa condo para masiguradong tutuloy ako ngayong araw sa meeting nila with their kumpare and kumare. Umirap ako sa hangin at nagbuntonghininga dahil kanina pa kami naghihintay pero wala pa rin ang pamilyang 'yon. Ano bang akala nila sa sarili nila? VIPs para paghintayin kami?
Tsk. Sa hitsura namin ngayon para tuloy kami yung atat na atat maipakasal sa anak nila. 'Di ba dapat lalaki at ang pamilya niya ang mauuna sa meeting place? Or sa bahay ng babae magpupunta para mamanhikan? Pero iba sila. Kami talaga ang pinapunta dito.
Tamad kong tiningnan ang mga pagkaing nakahain sa lamesa. Kanina pa in-order 'to kaya siguradong malamig na.
"Alex, umayos ka ng upo! Baka dumating na sina Jake!" saway ni Mom sa 'kin.
Bored ko siyang nilingon. "Mommy, ilang oras na tayong naghihintay dito and wala pa rin sila kaya ayos lang 'to."
Inilingan niya ko't tiningnan ng masama. Umirap ako ulit at saka umayos ng upo. Si Daddy ang naka-upo sa kabisera, in his right is where my Mom is. Katabi ko si Ate.
"Kaylangan mo pa rin maging presentable kapag ka dumating sila, Alex. Fix yourself," mahinahong payo ni Ate.
I pouted my lips. Ang daling sabihin no'n kasi hindi naman siya ang ikakasal. Mas lalo pa akong nag-slouch para mainis sila lalo.
Sinapo ko ang pisnge ko at pinaglaruan ang hawak kong wine glass na walang laman.
"Alexandra!" impit na suway ni Mom pero hindi ako nakinig.
"Let her be. Mamaya ay aayos rin yan," dinig kong ani Dad.
Tss. Yah, later I will naman talaga. Hindi lang ngayon kasi bored na bored na ako! Nakaka-inis lang kasi na kaylangan kong maghintay ng ganito katagal.
"Kausapin mo na lang kami, Alex if you are bored. Hindi yung ganyan ang hitsura mo," ani Mommy.
I didn't answer her na lang kasi baka may masabi pa akong pagsisisihan naming lahat. Ano ba kasing akala nila? Na tanggap ko na? Of course not hindi. Sumama lamang ako dito para makilala ang lalaking 'yon.
"Alex, please. Respect, Mom. Umayos ka," bilin ni Ate.
Nilingon ko siya. "Ate, I'm respecting, Mom. Hindi ko lang gusto magsalita dahil tinatamad ako. Isama mo pa na hindi ko pa rin tanggap na ikakasal na ako!" mariin kong ani.
Malungkot na tumingin sa 'kin si Ate. She tried to hold my hand but I pull it back. She sigh.
"Makinig ka na lang sa kanila. Alam nila ang mas makakabuti sa 'yo. Sa 'tin," mahina niyang sabi.
Umiling ako. Hindi ko siya sinagot. Tumingin na lang ako sa ibang bagay para maibaling doon ang atensyon ko.
Pero ano kayang hitsura niya? Matangkad ba siya? Payat? Mataba? Pangit?
Oh my god, hindi naman siya siguro mukhang ewan, 'di ba?
Natigil lamang ako sa pag-iisip nang bumukas ang pinto. Huminto ako sa paghinga dahil sa antisipasyong nararamdaman. Nanlaki pa ang mga mata ko nang unti-unting pumasok ang tao sa likod ng pintuan. Kinagat ko ang labi ko ng sumilip ang isang gwapong lalaki sa pinto.
With his gray hair, napagtanto kong may edad na siya ngunit hindi mo naman mahahalata dahil sa gwapo nitong mukha. Sumunod dito ang isang maganda ring babae na sa tingin ko'y ka-edaran ng mga magulang ko. Nakangiti sila.
"Austin! Alexa!!"
Pinakawalan ko ang pinipigil kong hininga. Gosh. Parents' ito ng lalaking papakasalan ko? Really? They are look so young pa in their age!
Tumayo kami para salubungin ang mga bagong dating. Niyakap nina Mom at Dad ang bisita at ngumiti.
"Aila, it's been a while! How are you?!"
"I'm okay! How are you?!"
"Dude! Tumatanda ka na!!"
"Lalo ka na!!"
Ngumiwi ako dahil sa batian nilang apat. Ngumiti lang ako para hindi naman nakakahiya sa kanila. Napalingon sa 'min ni Ate ang babaeng kausap ni Mommy na kung 'di ako nagkakamali ay Aila ang pangalan. Inilahad ko ang kamay ko sa harapan niya.
"Hi, ma'am I'm—"
Hindi niya tinanggap ang kamay ko, bagkus ay hinila niya ang kamay ko para yakapin ako. Namilog ang mga mata ko. Nanigas ang katawan ko't naghanap ng kakampi. My mother seems happy about it while my sister is shock. Her lips are parted.
Napatingin ako sa babaeng yumakap sa'kin. I could not agree kung gaganti ba 'ko ng yakap or tumigil lang. I choose the second one.
Humiwalay siya ng yakap sa 'kin, tiningnan niya ako at hinawakan sa pisnge.
"You are so beautiful, Alexandra! Kamukhang-kamukha ko ang Mommy mo!" ani T-Tita.
What should I call her? Ma'am? Tita? Auntie? Gosh!
Pangiwi akong ngumiti. "Y-yes, ma'am—"
"Oh, dear, don't call me ma'am! You can call me Auntie or Mom instead. Mas better siguro kung Mommy ang itatawag mo sa 'kin!" aniya.
Mas lalo akong napangiwi dahil do'n. What do you mean mommy?! Talaga ba? Hindi pa nga kami magkakilala tapos Mommy na agad. Ang bilis lang niyan!
"Ahm..."
"Wag kang matakot, hija! I'm just saying it! Call me Mommy na ha. Kung nahihiya ka Tita na lang," aniya ulit.
Napatikhim ako. "I-I will call you Auntie na lang po..." magalang kong saad. Tiningnan ko si Mommy, nakangiti siya.
"This is my eldest daughter naman. Allyson," pagpapakilala ni Mom kay Ate.
Kay Ate nabaling ang atensyon ni Auntie. She hugged her, too. Pinuri rin niya ang maganda nitong mukha tulad ng ginawa niya sa 'kin. Nang matapos kaming magbatiang lahat ay bumalik na kami sa table. Gano'n pa rin ang pwesto namin, nadagdagan lang.
"Sorry about being late. Alam mo naman ang mga babae matagal kumilos," ani Uncle Jerome.
My father laugh, "I know that. I can feel that, too!"
"Austin!"
"Dad!"
The boys laugh dahil sa kwentong 'yon. Huminga ako ng malalim pagkatapos ay nag-iwas ako ng tingin. So, andito ang parents pero wala ang anak? Nakakaloka.
"Where is Jake?" Dad asked.
Yes, dad! Itanong mo kung nasaan ang magaling nilang anak! Support kita diyan.
"His here. Nagbanyo lang sandali," Auntie answered.
Gusto kong matawa. Ano 'yan? Takot na agad hindi pa man kami nagkikita? Or does he want to back out, too? Pwede kaming magtulungan para matigil ang kalokohang ito.
"Okay. Okay. Do you want to order already?" Dad asked.
"Yes. Huwag na nating hintayin si Jake. I'm sure okay lang naman sa kanya 'yon," ani Auntie.
Tumango ang mga magulang ko't nagpatawag na ng waiter. Sinami namin kung anong gusto naming order-in. Nag-order lang ako ng isang pasta at steak. Habang naghihintay ay panay ang kumustahan nila. Siguro nga matagal na ang huli nilang pagkikita kaya miss na miss nila ang isa't isa.
Nasa kalagitnaan sila ng usapan ng biglang bumukas ulit ang pinto. Parang nag-slowmo ang lahat ng iluwa nang pintuan ang isang gwapong lalaki. Nanlaki ang mga mata ko't sabay laglag ng panga.
Is this him?!
Nakanganga ako habang lumalakad palapit sa 'min ang lalaki. Hindi ko akalaing gwapo pala ang anak nila. 'Nagtaka ka pa. Maganda at gwapo ang mga magulang kaya naman may hitsura rin ang anak.' Huminto siya sa harapan namin.
"I'm sorry I'm late," malalim ang boses na anito.
Lalong namilog ang mga mata ko ng marinig ang boses niya. Nag-init ang magkabila kong pisnge. May bara yata sa lalamunan ko. Hindi na ako makapagsalita ng maayos.
Nilibot niya ang tingin niya sa 'ming lahat. Huminto lamang 'yon sa 'kin. Natigilan din sandali ang lalaki pero kaagad namang nakabawi. Tipid niya kong nginitian bago tumingin sa mga matatanda.
"Did you already ordered food? I'll get a waiter for us," pagkukusa niya.
Pero umiling lang si Dad at minuwestrahan si Jake na umupo na. Umupo ito sa left side ni Uncle na katapat ko. Nagkatinginan kaming dalawa. I drown to his eyes! It's blue...Awkward silence surrounded the room. Napalunok ako at unang nag-iwas ng tingin.
Gosh, nakita ko lang ang lalaki ay nagkaganito na ako. Ano gwapong-gwapo, Alexandra Crystal?!
From my peripheral vision I saw him smirked and look at his parents. Kaya malaya na akong makakatingin sa kanya.
I checked him out. His eyes are color blue, nakakalunod ang mga mata niya. Matalim ang panga niya. Makapal ang kilay, mahaba ang pilikmata. Ang labi niyang thin wide, plus the pointy nose.
Gosh. Para kong kaharap ang Ian Somerhadler ng Pinas. Nakakaloka!
Looking at his wide chest...damn feeling ko ang sarap umunan sa gano'ng dibdib. Mukhang laman siya ng gwm. Humahapit kasi sa braso niya ang longsleeve kaya nahahalata.
Nanlaki ang mga mata ko nang biglang lumingon sa'kin dahilan ng pagtatama ng mga mata namin. Mapaglaro ang mga mata niya nang ma-realize niya siguro I'm cheking him out.
Tiningnan ko siya ng masama dahil sa pang-aasar niyang ngisi.
Naalis ang tingin ko ng makaramdam ng pagsiko sa bewang ko. Lumingon ako sa katabi ko. Pinandidilatan ako ni Ate.
"Alex, be kind to him!" mariin niyang bulong.
"I'm kind!" ganti kong bulong.
"You are not. Huwag mong tingnan ng masama si Jake."
Umirap ako. Anong masama do'n? Siya naman ang may kasalanan. Nang-iinis siyang nakatingin sa 'kin. Magpapatalo ba ko do'n?
Tahimik lang ako sa buong durasyon ng pagkain namin ay tahimik lang ako. Sila-sila lang din kasi ang magka-usap tungkol sa business. Wala naman akong maintindihan kaya hindi ako nakikisali. Although kapag tinatanong nila ako ay sinasagot ko naman agad.
"Let's plan the wedding na! I want it to be bonnga!" ani Auntie.
"Oh, yes! Dapat ay wedding of the century ito! I will hire best organizers in town para sa kasal nila dalawa," segunda ni Mommy.
Nagkatinginan kami ni Jake. Mukhang pareho naman kami ng naiisip na ayaw namin ng bonggang kasalan. I want an intimate one. Close friends, family and important people lang sana.
"Okay! I will help you, Alexa! Madami akong kakilala tapos dapat sa pinaka-malaking simbahan rin sila ikasal."
"Yes, dapat ay kasya ang maraming bisita dahil kasal ito ng bunso ko."
"Same. Kasal ng panganay ko kaya dapat magandang-maganda!"
Things are getting out of hand kaya naman nagsalita na ako. Malakas akong tumikhim para makuha ang atensiyon nila. Nakatingin sila ngayon sa 'kin.
"What is it, dear?" malambing na tanong ni Auntie.
Ngiting aso akong ngumiti. "Ahm...k-kami na po siguro ang bahala diyan. Fo-for me...gusto ko po sana ng intimate wedding lang. Close friends and immediate family, gano'n," mahina kong saad.
Pero mabilis silang nagsi-iling.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro