Chapter 29
Jake's P.O.V.
BUMABA ako ng kama at pumunta sa pinto palabas. Nagtungo ako sa kusina kung saan ko nadatnan si Alex na nakatalikod sa 'kin. Pinanood ko siya. Mukha siyang nagluluto. Lumawak ang pagngiti ko ng mapanood ko siyang sumasayaw. Sumandal ako sa gilid ng pinto at humawak sa baba ko.
Kumakanta-kanta pa ito kasabay ng pag-sway ng malambot niyang bewang. Nakangiti ko siyang pinakinggan.
Damn. Ang sex niya habang kumakanta. She's wearing an oversized t-shirt na abot haggang gitnang hita nito. Mukha naman siyang nakasuot ng short-shorts ngunit hindi lang halata. Naglagay ito ng pancake? Pancake? I thought she can't cook! Lalapit sana ako ng may biglang magsalita.
"You should really take a cooking lesson, sis. Mabubutas ang bulsa ng asawa mo sa 'yo," ani ng kausap ni Alex.
Doon ko lang napansing may ka-video call pala ito. Hindi ko nga lang maaninaw kung sino.
"I know, kaya lang wala pa akong oras. And anong ginagawa ng Ate kong mala-chef, 'di ba?" tumatawang ani Alex.
Ang sarap talaga sa pandinig ang mga tawa niya. Parang musika sa pandinig ko.
"Alam mo naman, sis, 'di ba. I'm not always around gaya ngayon. Mabuti na lang at walang masyadong ginagawa dito kundi ay hindi kita maasikaso."
Ow, she's talking to Allyson.
"That's why I'm thankful. Sige na, Ate, magpahinga ka na. Gigisingin ko pa si Jake," ani Alex. Not knowing na gising na ako.
Lalapit sana ako sa kanya ng magsalita ulit ang Ate nito na ikinatigil ko.
"Do you love, Jake?"
Natigil ako't hinintay ang sagot ni Alex na naninigas ang katawan.
"What?"
"You heard me, little sis."
"E dashuroj atë. Unë e dua Jake," ani Alex.
Narinig kong tumili ang Ate ni Alex. Hindi ko naman maintindihan kung bakit.
"Oh my God. Did he know, or what?!"
Narinig kong tumawa si Alex. "Goodbye, Ate. Take a rest," anito at binaba ang tawag.
Unë e dua Jake.
What is that word?! Shit! Patalikod sana ako at aalis pero naunang lumingon si Alex. Bakas ang gulat sa mga mata niya ngunit agad ring nakabawi.
Matamis niya akong nginitian.
"Good morning, hubby!" bati niya sa 'kin nang makalapit siya. Dinampian niya ako ng mababaw na halik sa labi.
Pero hindi mababaw na halik ang nais ko. Hinawakan ko siya sa bewang at hinapit. Pinagpangapusan na kami ng hininga nang pakawalan ko siya.
"Good morning, wife," malambing kong bati.
Kinuha ko ang dala nitong plato. Nauna akong maglakad papunta sa dining table. Nakasunod si Alex sa 'kin na may dalang dalawang tasa ng kape.
Umupo ako sa kabisera at tiningnan ang pancake. Hinintay kong makalapit si Alex. Tomayo ako at pinaghila siya ng upuan saka ako muling umupo.
"Did you made this?" tanong ko at saka tumikim ng pancake.
"Yap! Masarap ba?" tanong niya at humigop ng kape.
"Masarap." Pumiraso ulit ako ng pancake. Kumuha ng chocolate syrup si Alex at naglagay sa pagkain nito, habang ang sa akin ay honey at butter.
Nilingon ko si Alex. Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang sinabi niya kanina sa ibang lenggwahe. Should I ask her kung ano 'yon?
I mentally shook my head. Hindi, baka mamaya sabihin niyang nakikinig pa ko sa usapan nilang magkapatid. Kahit ginawa mo naman talaga.
Tahimk kaming kumakain ni Alex. Unang pagkakataon simula magka-ayos kami ni Alex na naging tahimik ang almusal namin. Hanggang sa tumunog ang cellphone nito sa island counter ay para siyang natauhan.
Tumayo si Alex at kinuha ang telepono nito para sagutin iyon.
"Yes? Oo . . . okay set an appointment with him. Yes. Of course. I will meet him today. Yes, eleven am sharp. Yes, sa dati na lang. Thank you." Binaba nito ang tawag bago bumalik sa pagkain.
Tumikhim ako. Hinintay kong sabihin niya kung sino ang tumawag pero wala naman itong sinabi.
"Who is that?" tanong ko.
"My secretary. He said na marami na raw akong tambak na gawain sa office and meetings na kaylangang puntahan," sabi ni Alex at tinapos na ang pagkain. Uminom ito ng kape at tumingin sa 'kin. "I need to hurry. Iwanan mo na lang diyan ang mga plato at mamaya ko huhugasan." Walang paalam itong umalis ng hapag.
Umiling ako't tinapos ang pagkain ko. Niligpit ko na rin ang pinagkainan namin. Unlike what she said, hinugasan ko na ang mga ito. Maliit lang naman siya na bagay kumpara sa ginagawa niya dito sa loob ng bahay.
Nakalimutan ko na ring nagtra-trabaho pala si Alex. Kakausapin ko si Dad about dito. Nawala na nga rin sa isip ko ang pagme-merge ng mga kumpanya namin. Kaylangan ko pang kausapin ang father-in-law ko tungkol dito.
Pagkatapos ko ay lumabas na ako ng kusina at tinungo ang kwarto naming mag-asawa. Naabutan ko si Alex na nagsusuot ng skirt at nizi-zipper iyon sa likuran. She's wearing a blazer and skirt suits na kulay itim. Bagay lang dahil maputi ang asawa ko.
Humarap ito sa salamin at hindi na nag-abalang umupo habang nagsusuot ng simpleng hikaw at kwintas. Naglagay din ito ng lipstick. Tumingin ako sa orasan. Maaga pa naman. Lumapit ako sa likod niya at tinulungan siyang suklayin ang buhok niya.
"Wife, maaga pa naman. Huwag kang masyadong magmadali."
Apollogetic siyang ngumiti sa 'kin. "Sorry, hubby. Alam mo naman, 'di ba? Ilang months din akong nandito sa bahay. Si Dad ang nagha-handle ng company na dapat ay ako. Sorry, mukhang simula ngayon ay sasabay na ko sa 'yong pumasok sa office," aniya pa.
Kinuha ni Alex ang blower at sinaksak sa saksakan saka iyon ginamit para mapatuyo ng mabilis ang buhok niya.
Kinuha ko ang blower para ako ang gumawa noon para sa kanya. Tumingin ako sa kanya mula sa salamin. Nakatingin din naman siya sa 'kin. May pamamangha sa mukha.
"Why?" natatawang tanong ko.
Umiling siya at pinigil ang pagngiti. Ilang sandali pa at tapos na. Tumayo siya at kinuha ang shoulder bag.
"Can I borrow your car? Don't worry, ipapasuyo ko sa driver na dalhin ang kotse ko dito bukas," ani Alex.
Kinuha ko ang susi ng kotse sa may side table. Lumakad ako palapit sa asawa ko at inabot iyon sa kanya.
Sabay kaming lumabas ng bahay. Hinatid ko siya palabas sa garahe.
"Mag-iingat ka sa pagmamaneho, wife," ani ko.
Ngumiti siya sa 'kin at tumango. "Opo, hubby. Ikaw rin." Hinalikan niya ako sa labi bago pinaandar ang kotse paalis.
Pinanood kong lumayo ang sasakyan ni Alex. Hanggang sa maglaho na ito sa paningin ko. Humawak ako sa magkabilang bewang ko. An idea came inside my mind.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro