Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 27

Alex P.O.V.

DAYS have been passed and today is Leo's birthday. Small party lang pala ang ihinanda namin at ang mga imbitado lamang ay close friends and families. Hinanap ng mga mata ko sina Leo pagkapasok namin sa loob. I saw him with Bryan. Lumakad ako palapit sa kanila. Niyakap ko siya ng mahigpit.

Ngumitin siya at gumanti ng yakap sa 'kin, "thank you!! Bakit ngayon ka lang, ha?! Di ka na rin sumasama sa gala ng barkada!"

"Kasi may asawa na ako! Hindi na pwedeng umalis ng bahay basta-basta lang," sagot ko pagkatapos yumakap din kina Lia at Bryan na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kinikibo.

Medyo masakit sa 'kin dahil simula noong malaman nilang may naging kabit si Jake ay hindi na niya ako kina-usap pa. Tanging sina Lia at Leo lang. Yumakap ako sa lalaki.

"Bryyyy . . . still not talking to me?" Niyakap ko siya ng mahigpit sa bewang, nag-iwas siya ng tingin sa 'kin. "Ilang buwan na tayong ganito. Hindi ba dapat ay bati-bati tayo? May hindi pa ko nasasabi sa 'yo," ani ko pa.

Malamig siyang tumingin sa 'kin. Inalis ang braso kong nakapa-ikot sa bewang niya. Lumapit ito sa upuan.

"Talk."

Huminga ako ng malalim. "Okay. Last week, Jake and his mistress broke up. Nakipaghiwalay si Jake because he wants to give our marriage a shot. Pumayag ako. Maghihiwalay rin kami pagkatapos ng six months, pero habang kasal pa kami ay kaming dalawa lang ang nasa relasyon namin. And now, I have only two and half months with him."

"And that's not mean bati na tayo, Alexandra. You still let him use you na hindi naman dapat. Why? Why you let him?! You're Alexandra Villafuerte!" aniya't uminom ng alak.

Tinabihan ko siya ng upo.

"Sorry na, Bryan, Bati na tayo, and were working our marriage naman na. Gusto ko rin naman kasi no'n. Please na! Bati na tayo!" Kinulit ko siya nang kinulit hanggang sa um-oo na rin ito. Sobrang saya ko!

Lumipas ang oras at naiwan na kaming dalawa ni Lia sa lamesa. Umalis kasi ang dalawang boys at nagpunta sa hindi ko alam kung saan. Kinalabit ako ni Lia.

"Bakit?"

Kumunot ang noo ko ng may inginuso siya sa leeg ko. "Ano 'yan, ha?" mapanuri niyang tanong na may halong panunukso.

Humawak ako sa leeg ko. "Ha? Anong-ano 'yan?"

Mas lumawak lamang ang ngisi niya sa 'kin. Naglabas siya ng salamin at inabot sa 'kin. Itinuro niya ang leeg ko. Kinuha ko naman 'yon kahit na nagtataka. Tiningnan ko ang tinutukoy niya't nanlaki ang mga mata ko ng makitang may malaking kiss mark doon!

Ow shiit!

Mabilis kong tinabing ang buhok ko at naging malikot ang aking mga mata. "Ahm . . . kagat lang 'yan ng lamok," sagot ko.

"Ahh . . . lamok," sarcastic niyang ani sabay inom ng wine.

Tumunog naman ang cellphone ko, inilabas ko iyon at tiningnan ang caller. Sinagot ko ng makitang si Jake iyon.

"Si Jake."

"Ah, si lamok pala ang tumatawag," sabi nito at umalis na sa tabi ko. Umiling na lang ako at sinagot ang tawag ni Hubby.

"Hi, hubby!"

Tumawa naman ito sa kabilang linya. "Hi, wifey, matagal ka pa ba diyan? I miss you."

Dahil sa sinabi niya ay hindi ko napigilang mapangiti. Nilingon ko si Lia at humalukipkip sa gilid.

"I miss you, too. Medyo matagal pa kami dito, eh. Baka bago magmadaling araw nandiyan na ako."

He groned. "Mamaya pang gabi? It's only nine o'clock in the morning. Matagal pa."

"Dapat kasi pumasok ka na lang, hubby. Punta ka sa meetings mo or galaw-galaw din," pagbibiro ko.

Tumawa ang lalaki sa kabilang linya.

"And you, wifey, I forget to tell you na—"

Kumunot ang noo ko. "Na? Hello? Jake?!" Inilayo ko ang phone sa tenga ko't tiningnan ang telepono. Hindi naman siya lobatt at meron din namang signal pero bakit ganoon. Binaba ko ang tawag.

"Na hindi ako sanay na pinaghihintay at nag-aantay."

Napalingon ako ng marinig ang nagsalita sa likod. Lumawak ang ngiti ko. Nakatayo malapit sa mesa namin si Jake. Nakangiti ito habang ang isang kamay ay nakasuksuk sa slacks na suot at ang kabila naman ay nakahawak sa phone.

Lumakad siya palapit sa 'kin.

"K-kanina ka pa ba?" gulat kong tanong sabay yakap sa bewang niya.

He kissed me on my lips before smiling. "Hindi naman. I bought a gift for your friend, nasa kotse," bulong niya.

Lumayo ako at humawak sa kamay niya. Let's go. Hanapin natin si Leo para makabati ka." Hinila ko siya papunta sa mga kaybigan ko nang mamatay ang ilaw at biglang tumugtog ang isang sexy dance song.

Napatigil kami at humarap kung nasaan ang spot light. Lumabas ang isang babaeng nakasuot ng isang sexy lingerie na see through, pero may suot naman itong underwear at bra. Nakasuot ito ng mascara na may pakpak na design.

Nang mag-umpisa ang kanta ay nag-umpisa na rin siyang umindak sa malamyong sayaw.

"Iyan siguro ang sinasabi ni Lia na dancer," ani ko.

Unti-unting napuno ng tao ang paligid. Pinapanood ang babaeng sumasayaw ngayon sa gitna.

"Ha?"

Umiling ako at nanuod na. Sandaling tumigil sa pagagalaw ang babae hanggang sa lumipat ang spot light sa gilid kung saan may pole.

"Hindi baa ng sexy niya?" tanong ko sa magaling kong asawa. Nagkibit balikat ito. "Bakit, hubby?"

Sinapo niya ang mukha ko at hinalikan ako sa noo. Tinitigan niya ko pagkatapos.

"I don't care if they are sexy or beautiful . . . ikaw lang ang pinakamaganda't sexy para sa 'kin, Alex. Ikaw lang. Sapat ka na, Alexandra Anderson," bulong niya.

Nag-init ang mukha ko.

Hinawakan ko ang kamay niyang nasa pisnge ko at tinitigan rin siya sa mga mata niya.

"Sana nga totoo, Jake, kasi ako na magka-heartbreak, eh. Ayoko nang masaktan," bulong ko. Ngunit sapat na iyon para makarating iyon sa kanyang pandinig. Hindi na siya nagsalita pa't niyakap na lang ako ng mahigpit na siyang ginantihan ko.

Nagulat kami ng may sumigaw. Napahiwalay ako kay Jake at tumingin sa sumasayaw. Tumigil na rin ang tugtug. Nasa gitna si Leo, kasama ang dancer.

"Why the hell are you dancing like that?! Who the hell tell you to wear this damn thing?!" galit na sigaw ni Leo sabay hila sa babae sa kung saan.

Nag-aalala akong tumingin sa kanila. Nilingon ko si Jake na tahimik lang na nakamasid.

"Hubby, wait lang, ah," sabi ko at sinundan si Leo. Nakita ko rin ang paghabol nina Lia at Bryan na humabol kay Leo at sa babae. "Leo!!! Wait!!" tawag ko.

Lumingon siya sa 'kin, kitang-kita ko ang madilim niyang mukha pero hindi tumigil sa paglalakad. Hinintay ko ng makarating sa pwesto ko ang mga kaybigan ko para sabay-sabay namin siyang kausapin.

"Lia, bakit galit na galit 'yon?" nagtatakang tanong ko.

"Oo nga, Lia. Akala ko ba walang magiging problema? Bakit ganoon?" dagdag ni Bryan.

"Dapat! Pero hindi ko alam na magre-react ng ganoon si Bakla," ani Lia na kinakagat-gata ang kuko sa kama.

"Okay. Dito na lang kayo at susundan ko si Leo," ani Bryan bago tinakbo ang hallway. Pinanood namin siyang maglaho sa 'ming paningin.

Nilingon ko si Lia na ngayon ay nakangisi.

"Hoy! Bakit naman masaya ka pa?!"

"Hindi mo ba napapansin? Unang beses na nag-care sa babae ni Leo. Hindi ba't ayaw niyang hinahawakan at humahawak ng ibang girls bukod sa 'tin pero nakita mo ba? Hinawakan niya ang babaeng 'yon na parang ayaw na niyang pakawalan," humahagikgik na aniya.

Lumakad kami pabalik sa party. "Hays, ikaw talaga. Mamaya mag-away pa ang dalawang 'yon, eh."

Pagdating namin sa mismong party ay hindi ko na nakita si Jake. Nasaan kaya ang lalaking 'yon?

"Ahm, Lia? Can we find, Jake? Nawala kasi ang loko," favour ko sa kanya. Tumango siya sa 'kin.

"So, hanapin na natin si Mr. Mosquito," natatawang aniya. Umiling na lang ako at hinila siya sa may parking area.

Pagdating namin doon ay hinanap pa namin si Jake. Pero ilang lakad pa'y nakita na namin itong nakatayo sa tapat ng kotse niya . . . pero hindi siya nag-iisa dahil may babae siyang kausap. Nakatalikod ito sa 'min kaya hindi namin makita ang mukha. Hinila ako ni Lia sa braso para patigilin. Mukhang importante ang pinag-uusapan ng dalawa dahil panay na ang sigaw ni Jake.

"Can't you leave me alone?!" sigaw ulit ni Jake, pero ang babae ay yumakap lang sa asawa ko.

Bumaha sa 'kin ang inis dahil doon. Sino siya para yakapin ang asawa ko? Lalapit na sana ako ng pigilan ako ni Lia at mas hinila patago sa isang sasakyan.

"Hear me out, Jake, please! Ako na lang ulit," giit ng babae. Pero mukhang walang pakialam si Jake sa sinasabi ng babaeng 'yon dahil binaklas nito ang kamay ng babae. Mabuti naman kung ganoon. At anong ako na lang ulit? Gusto ba niya ng sapak?

"I have my wife, so, please stop," giit rin ni Jake sabay talikod. May dala itong paper bag.

Tumalikod kami ni Lia para makapagtago ng dumaan si Jake sa may gawi namin. Nang ma-sure naming nakalayo na ito ay saka lang kami lumabas. Bumalik ang tingin ko sa pwesto ng babae kanina. Wala na rin ito dito. Hinarap ako ni Lia.

"Who's that? Bakit niya kasama ang asawa mo?" sunod-sunod niyang tanong.

Tumingin lang ako sa daang dinadaan ni Jake. "I don't know either," mahina kong sagot bago lumingon sa kanya. "Lia, don't tell this to anyone, please? Miski kila Bryan at Leo they will be mad," paki-usap ko dito.

Tumango siya.

"Okay. Let's go na. Baka ikaw naman ang hinahanap ng asawa mo," nakangiting sabi niya.

Ngumiti rin ako at naglakad na paalis doon.

I hope this won't happen again. Ayoko ng pakiramdam na para siyang mawawala sa 'kin. Ayoko. Huminga ako ng malalim at inayos ang sarili ko.

Chill, Alex.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro