Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 26

Alex P.O.V.

KUMUHA lang ako ng plato't ibang lalagyan ng aming pagkain pagkatapos ay bumalik ako ng garden dahil doon kami kakain ng midnight snack.

"I don't know you like this kind of food," puna ni Jake ng muling kumagat sa manok. Napangiti ako. Ang dami pa naming hindi alam tungkol sa isa't isa. Nakakatuwang sa ganitong paraan namin iyon nalalaman.

"Masarap naman kasi, 'di ba?" makangiting tanong ko.

"Yeah. Masarap." Tumaas ang kilay ko ng mapagtantong nakatingin siya sa plato ko. Kinagat ko ang labi ko. Bumaba ang tingin ko sa kanin niya.

"Mas sasarap 'yan kung lalagyan mo ng gravy," tukoy ko sa kanyang kanin. Inabutan ko siya ng gravy na tinanggap naman niya. Medyo nag-aalangan nga lang ito. "Don't tell me hindi ka pa nakakakain ng ganito?"

Umiwas ng tingin si Jakle sa 'kin na ikinatawa ko. Hindi ba sila kumakain ng fried chicken? "So it's true?! Bakit? Where the hell are you when you're just a little kid?" natatawang tanong ko.

"Hindi naman kasi kami kumakain ng fast food. It's forbidden for us dahil hindi sigurado kung malinis iyon o hindi. I always eat in a restaurant," paliwanag niya at kumain ulit.

May naisip akong idea. Sumaklop ako ng kanin sa kamay ko at inuma iyon sa mukha ni Jake. May gravy ito. Ngumiti ako sa kanya.

"Hubby . . . try this," ani ko.

Tumingin muna siya sa 'kin bago tumango. Malaki niyang ibibuka ang bibig at sinubo ang inuuma ko. Habang ngumunguya ay tumatango-tango siya.

"Hmmm. Yeah, this is good."

******

PAGKATAPOS naming kumain ay nag-suggest si Jake na siya na raw ang magliligpit ng pinagkainan namin kaya nakahiga lang ako sa kama. Nakatitig ako sa langit, pinagsasawa ko ang mga mata ko sa magandang tanawin.

Bakit kaya gano'n? Nakakahumaling ang kagandahang iyon. Ang mga makikinang na stars at buong-buong buwan.

This night is so romantic.

Tumingin ako sa sliding door ng magbukas iyon. Iniluwa noon si Jake. Ngumiti ako sa kanya at bumiling ibinalik ang tingin sa langit. Naramdaman ko ang paglubog ng kabilang side ng kama, nilingon ko si Jake na nakahiga na rin. Nakapatong ang isang braso nito sa noo at sa ulunan ko naman ang isa.

"Jake," tawag ko sa kanya. Tiningnan niya ko.

"Hmm . . ."

"Are you serious about this marriage?" mahina kong tanong. Tumagilid siya ng higa paharap sa 'kin. Ginaya ko naman siya. Ngayon ay magkaharap na kaming dalawa.

"Yes. I also want to have a peaceful life with you," aniya pa.

Ipinatong ni Jake ang mabigat niyang braso sa ibabaw ng bewang ko. Hinila ako palapit sa kanya.

Pumikit ako ng mariin. Naging kalmado ang pagtibok ng puso ko.

"Thank you, Jake. Thank you." For choosing me. Gusto kong ituloy iyon ngunit hindi ko na binanggit pa.

Mas humigpit ang yakap ni Jake sa 'kin. Ang sarap sa pakiramdan ang init ng katawan niya na kumukontra sa malamig na hangin. Pakriamdam ko'y nababalot ako ng seguridad na wala na akong kaylangang ikabahala. Now, I really know what I truly feel for him.

Jake kissed my forehead. A smile crept into my face.

"I already want to have a baby, Alex," bulong niya.

"A baby?!" nanlaki ang mga mata ko.

Nilunok ko ang laway ko't tiningnan kung anong magiging reaction niya. Seryoos siya. Nanuyo ang lalamunan ko.

"Yes. Ayaw mo ba? Actually hindi lang anak kundi mga anak," pagdidiin niya.

Parang nablangko ang isip ko. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Gusto niya raw na magka-anak sa 'kin. Sa akin, ha.

Tinuro ko ang sarili ko. "Seryoso ka ba? Sa 'kin?"

"Oo naman. Ikaw ang asawa ko, hindi ba? Gusto mo bang sa iba?"

"Of course not!! Ako lang dapat ang buntisin mo! Sa 'kin lang. Ako lang!!" I said possessively. Inirapan ko siya. Ano 'yon magkakalat siya ng mga panganay niya?!

Dahil sa sinabi kong iyon ay tumawa ng malakas si Jake. Kinurot ko siya sa bewang bago umunan sa kanyang dibdib. He embrace me. Huminga ako ng malalim. Pumasok sa isipan ko ang mga what ifs.

"Paano na lang kapag naghiwalay tayo?"

Huminga ng malalim si Jake. "We're making this relationship work, Alex. Let's not talk about it muna," aniya.

Hindi ako nakasagot. Paano na lang kung magka-anak kami at hindi naman pala magwo-work ang relasyon namin? Paano na ang bata? Sila ang mahihirapan pagdating ng araw.

Tumihaya ako ng higa. Tiningnan ko ang langit. Nakuha ng pinakamakinang na bitwin sa langit. Parang alam niya na nasa madilim akong bahagi ng buhay ko ngayon. He is shining . . . giving me his light para malinawan.

Huminga ako ng malalim at tinuro iyon. Na para bang maabot ko ang bitwin.

"You're looking at the Polaris. The north star," ani Jake.

Tipid akong ngumiti. "Polaris . . . north star?"

"Yes, the beacon of inspiration and hope."

Inspiration . . . and hope.

Nang malalim na ang paghinga ni Jake ay dahan-dahan akong bumangon at tumingin sa kanya. Inilapit ko ang mukha ko sa tenga niya at bumulong. I already decided. If he wants a baby I will give him one.

"Jake, gusto ko rin ng baby. Gusto kong ikaw lang ang maging ama ng anak ko."

Nang mag-angat ako ng tingin ay napatili pa ako. Nakabukas ang mga mata nito't nakatingin sa akin. Nanlaki ang mga mata ko. Jake give me a sweet smile na mas nagpa-init sa mukha ko. Bakit ko ba nakalimutang mababaw kung matulog si Jake at palaging nagigising.

"K-kanina ka pa ba gising?"

"Hindi naman ako tulog. Nakapikit lang." Umupo si Jake. Ako naman ay bumangon din. Lalayo sana ako ng hawakan niya ko sa bewang.

"H-hey!"

"What? You want a baby like me?" Inilapit niya ang mukha niya sa 'kin. Umurong ako. "Why don't we make a baby now?" bulong niya.

Gumapang ang kilabot sa katawan ko. Inilibot ko ang tingin sa buong bakuran namin. Mataas ang bakod sa 'ming bahay ngunit matataas rin ang mga katabi naming bahay. Kung dito kami baka . . .

"D-dito?"

Tumingin din si Jake sa paligid. "Gusto mo ba dito?" bulong niya't nag-umpisa ng amuy-amuyin ang leeg ko.

"J-jake!!" sigaw ko nang bigla niya akong ihiga sa kama.

He smirked at me and kissed my lips. At first, his giving me a gentle kiss. Hanggang sa ang marahan ay nauwi sa malalim na halikan. Nababaliw ako sa sarap ng halik ni Jake. Binubuhay niya ang iba't ibang emosyong nasa dibdib ko. Miski ang mga init na hindi ko naman noon alam ay nakikilala ko na ngayon.

Dumagan ng tuluyan sa 'kin ang asawa ko, ngunit sapat lang para hindi ako mapipis. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko't inangat sa ulunan namin.

"Hmmm." I moan when he bite my lower lip.

Dumilat ako at tumingin sa kanya. His blue eyes is burning with desire. Hindi ko na namalayang nakatanggal na pala ang mga damit namin. Malamig ang simoy ng hanging tumatama sa katawan namin ngunit mas mainit ang apoy na namumuo sa pagitan naming dalawa.

Inumpisahang halikan ni Jake ang leeg ko pababa sa 'king dibdib. Nababaliw ako sa sarap na ibinibigay ng makasalanan niyang labi't mga kamay. Hindi ko akalaing may makakagawa ng ganoon sa 'kin.

And the moon, stars, trees and even bats saw how our bodies became one.

*******

NAGISING ako ng tumatamang sinag ng araw sa mukha ko. Marahan kong minulat ang mga mata ko. Tumama sa 'kin ang nakakasilaw na liwanag. Kinapa ko ang katabing side ng kama ko. Nang may makapa akong matigas na bagay ay napangiti ako.

Nilingon ko ang natutulog na si Jake. Nakadapa siya ng higa. Umupo ako at ngumiti. Hindi na siya kasing sakit noong nauna naming pagniniig. Inangat ko ang kumot na tumatakip sa 'king kahubaran. I thought wala na akong damit but I was wrong. Naka-suot sa 'kin ang isang putting t-shirt at ang underwear ko.

Hinawi ko ang mahaba kong buhok upang mapunta ito sa likuran. Marahan kong sinabunutan ang sarili bago umalis ng kama't nagsuot ng sinelas. Nilingon ko si Jake pagkatapos, inayos ko ang kumot. Mamaya ko na lang siguro siya gigisingin kapag may nakahain ng pagkain.

Pumasok muna ako sa loob ng bahay at pumanik sa kwarto naming mag-asawa para maligo. Nang makarating ako sa kwarto ay hinubad ko na ang mga damit ko. Nilagay ko iyon sa laundry basket at pumasok sa banyo. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.

Nalaglag ang panga ko dahil sa dami ng kissmark na nakalatag sa katawan ko. Mula sa leeg pababa sa hita ko'y may mga kissmark. Mas malalaki sa dibdib at leeg ko. Pati leeg ay meron.

"Seryoso ba 'to?" hindi makapaniwalang tanong ko. Mas lumapit pa ko sa salamin para makita ng maayos. "Ang dami naman. Paano ko maitatago ito?!"

Huminga ako ng malalim at nagtuloy na sa paliligo. Habang nagsasabon ako ng katawan ay bumukas ang pintuan ng banyo. Napalingon ako doon. Nakangising pumasok sa loob si Jake, katulad ko'y wala na rin siyang suot na damit. Umirap ako ng yumakap siya sa likuran ko.

"Let's conserve water," bulong niya sabay halik sa 'king leeg and like last night. Nagpa-ubaya ako sa asawa ko.

"Naughty."

Puro kami asaran ni Jake ng matapos kaming maligo. Paano'y napaka-kulit nito habang naliligo kami. Kung ano-ano ang pinaggagagawa niya.

Nagsusuklay ako ng buhok ng mag-umpisang tumunog nang tumunog ang telepono ko. Lumapit ako sa kama at tiningnan ang screen ng phone ko. It's Lia.

Mabilis kong inangat ang phone at dinikit iyon sa tenga ko. "Yaaz?"

"Hey, gurl! I'm just going to remind you Leo's birthday is next week. Dapat ay naroroon ka kung hindi magtatampo siya sa 'yo, okay?"

Oh, yes! Birthday nga pala ni Leo next week. Mabuti't napaalala sa 'kin ni Lia kundi makakalimutan ko talaga dahil sa dami ng ganap.

"Oo nga pala. Thank you for reminding me, Lia. Do we have any plans for him? Isu-surprise ba natin siya?" Umupo ako sa gilid ng kama habang nagsusuklay ng buhok.

"Yes meron. Alam mo kasi nitong nakaraang araw ay wala siya sa kanyang sarili. Tinatanong ko naman kung okay lang siya pero hindi siya sumasagot. Kaya naman nag-imbistiga ang lola niyo. May kinikita siyang dancer at iyon ang pagsasayawin natin sa birthday niya!" ani Lia sabay hagikgik.

"What kind of dancer ba, ha? Baka mamaya stripper 'yan," ani ko.

I can feel na nag-roll eyes siya sa 'kin. "She's not a stripper, ano ka ba naman! She's a dancer. Mananayaw pero hindi gaya ng nasa club. I'll call you na lang ulit, my father is calling me na. They want me to help him manage our business."

Tumango ako, "okay, sige. I will but gift for Leo pa din, eh," I said before hanging up the call. Ngumiti ako. Her dad wants her to run their business? Unbelievable.

Chineck ko ang mga messages ko sa phone pagkatapos no'n, nakita ko na naman ang text ng unknown number na iyon. Di na kasi tumawag ulit ngunit panay ang send ng messages. Nang magsawa ay binaba ko na ang phone sa gilid at lumabas ng kwarto. Pumunta ako sa malawak naming bakuran kung nasaan ang heart shape na bed.

Niligpit ko ang mga kalat namin. Ipinasok ko na rin ang mga magagaang bagay sa loob ng kwarto like the unan and kumot. Dahil medyo malaki ang kama ay inusad ko na lang 'yon papunta sa may lilim at nang 'di mainit.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro