Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24

Alex P.O.V.

"Why didn't you mention you sing and play piano?" nakangiting tanong nito at sumandal sa pader.

Tipid akong ngumiti. "You didin't ask rin naman, eh. Saka minsan lang ako kumanta," sagot ko't tumingin sa kanya. "Ikaw? You play instrument?"

Lumapit siya sa 'kin at umupo sa tabi ko. "I know how to play guitar. My grandfather always wants to hear their theme song of my late grandmother kaya para mapasiya siya. I studied how to play this," tinaas niya ang gitarang nahutan.

Napangiti ako dahil do'n. Malapit siguro siya sa grandparents niya kaya gano'n.

"Nice. Sweet, huh," tudyo ko.

Ngumiti siya at nag-strum ng string. Sinabayan ko ang pagtugtug niya.

"Wife."

"Po, hubby?" sagot ko at tumingin sa kanya.

Nakangisi siya. "Huby? Hmm . . . I like that," aniya. Natigilan ako ng makitang tumatawa si Jake. Abot mata ang saya niya. Unang beses niyang tumawa ng kasama ako. Yung totoong tawa. Tipid akong ngumiti. If I can only capture this moment.

"You laugh," ani ko.

"Of course. Hindi naman ako robot," aniya't tumayo. "You need to tour me, wife, like what mother-in-law said." Inilahad niya ang palad niya sa harapan ko. Bumaba ang tingin ko do'n, napalunok ako. I take it.

"Not taking it?" tanong niya. Umiling ako at hinawakan ang kamay niya. Ngumiti ito at hinila ako palabas ng music room. Habang binabaybay ang hallway ay nakangiti ang mga kasambahay na nakakasalubong namin. Hindi ko rin tuloy mapigilan ang pagngiti.

Hindi ko si Jake papuntang library.

"Kaninong mga libro ito?" tanong ni Jake ng makapasok kami sa loob.

"Sa 'min ni Ate," tipid kong sagot at lumapit sa isang shelf. "We love reading, eh. Ang pinagka-iba lang siguro namin ay mahilig siya sa romance while I like detective and mysteries." Sinuri ko ang bookshelf. "Isa pa, she loves to paint and I love to capture beautiful images," sabi ko habang nakatalikod.

"Do you have a camera?" he asked.

Nilingon ko siya't tumango. "Of course!! Wala dito pero nasa condo ko—" natigil ako sa pagsasalita. Oo nga pala may condo ako! "Nakalimutan kong may condo pala ako! Jusko, ang mga stocks ko do'n sira na!" ani ko pa.

I pouted my lips.

"Gusto mo bang puntahan iyon bukas?" malambing niyang tanong at umupo sa isang single seat na sofa sa loob ng silid.

"Ahm . . . may pasok ka bukas, eh. Pero pwedeng ako na lang mag-isa," ani ko habang nag-iisip.

"Nah. My company can stand a day without me. Sasamahan kita," he said in final tone.

Ngumiti ako. "Sure? Baka may importanteng meeting ka pala bukas like yesterday. Sabi mo ngayon mo sila ipapa-reschedule." Tumingin pa ko sa ibang shelf at kumuha ng libro. Gusto kong magdala ng ilan sa bahay namin para may mabasa't hindi ma-bored.

"Yeah. I also want to see your place."

I nod and picked some books. Nang okay na sa 'kin ang mga iyon ay nilingon ko si Jake. Nakahawak ako sa bewang ko.

"Let's go?" aya ko. Tumayo siya at kinuha ang hawak ko bago kami lumabas ng kwarto. Magkahawak kamay kaming dumeretso sa sala kung saan namin naabutan sina Mommy.

"Nandiyan na pala sila," ani Dad na may kakaibang ngiti sa labi.

Kinagat ko ang pisnge ko. Alam ko na 'to. Uumpisahan na nila akong asarin niyan. Ini-ready ko na ang sarili ko.

"Hi, dad," bati ko't hinanap ng mga mata si Ate. "Where's Ate? I want to tell her I will bring home some books." Sabay kaming naglakad ni Jake papunta sa mahabang couch at doon naupo. Kandong kasi ni Daddy si Mom kaya sa iisang upuan lang sila naka-upo.

Ganyan sila ka-sweet, sa lahat ng pagkakataon makikita mo kung gaano kamahal ni Dad ang Mommy.

"Hinatid niya ang kaybigan niya," ani Mom. "Ano na, anak? Magkaka-apo na ba kami?" malokong tanong niya.

Naramdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko. "Mom! Ano ka ba naman!"

Tinawanan niya ako. "Anak, natural lang 'yon. Gusto ko ng magka-apo, eh," aniya pa.

Nilingon ko si Jake na tahimik lang pero nakangiti. How I love his smile, sana kung magkaka-anak kami ay mamana ang smile niya . . . nope. Sana maging kamukha na lang niya ang anak namin.

Gusto ko ng madami niyang replica sa bahay ko.

"Don't worry, Mom. Trina-trabaho na namin," maharot na sagot ni Jake.

Hinampas ko siya at mas lalong namula. "Pwede ba, magtigil ka, Jake, ha!" insi kong ani sabay panlalaki ng mga mata.

Napuno ng tuksuhan ang buong salas at ang center no'n ay ako! Gusto ko ng magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan! Hindi bale sana kung unang beses ito ngunit hindi! Pangalawa na ito at hindi ko na nagugustuhan! Sa susunod talaga ay sisiguraduhin ko ng naka-lock ang pinto at private ang lugar kapag nagkasolo kami ni Jake.

"Nahihiya, eh," ani Dad.

Sinimangutan ko siya. "Dadd!! Dapat kampihan mo ko, okay?! Kasi 'di ba sabi mo baby mo ko!!" nagpa-cute pa ako.

Tumawa itro. "Hindi ka na baby, anak. Maususndan ka na nga, eh!"

I pouted my lips and my mother's mouth opened.

"Maharot!!"

Ngumuso ako lalo. "Nasaan ba si Ate?! Para naman may kakampi ako!"

Inilingan ako ni Mommy. "Kung nandito ang ate mo kanina ka pa napikon, anak," aniya.

Huminga ako ng malalim. Tama nga naman siya. Pikon ako kapag si Ate ang nang-asar sa 'kin. Tumayo si Mom at hinila si Dad.

"Damihan niyo ang apo namin ha," ani Dad at inakbayan si Mom. "Gagawin lang din namin si bunso!" tawa pa nito.

Hindi na nakasagot si Mommy dahil sa hiya. Sobrang namumula rin ang pisnge nito't inis na tumingin kay Daddy.

"Hoy, lalaki! Anong bunso ka diyan! Magtigil kang matanda ka!!" namumulang ani Mom habang hinihila ni Daddy. Naiwan kaming tumatawa ni Jake.

Hanggang nawala na sila sa paningin namin. Ngumiti ako. Ang sweet nila, sobra. Kung mabibigyan ako ng chance na papiliin kung sinong parents ko, sila ulit ang pipiliin ko dahil deserve nila 'yon.

"They are sweet, wife."

"Yes, simula noon hanggang ngayon makikita mo pa rin kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Parang hindi tumatanda yung love na meron sila sa isa't isa," ani ko at tiningnan ang mga asul na mata ni Jake, may nababasa akong ibang emosyon doon ngunit hindi ko naman mabigyan ng pangalan.

"Let's go home?" tanong niya at ginagap ang kamay ko.

Tumango ako at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Jake. Tiningnan ko iyong mabuti . . . nalaglag ang panga ko. He is wearing his wedding rings.

Inalis ko roon ang tingin ko. Ayokong sabihin niyang clingy ako.

"Magpaalam tayo kina Mommy," ani ko bago tumayo. Lumapit ako sa intercom na nasa gilid at pinindot ang numero ng number ng intercome sa kwarto nila Mommy. Nang sagutin ito'y nagpaalam akong uuwi na kami. Mabuti na lang at may intercome, hindi na namin need halughughin ang buong bahay.

"Tara na," aya ko't hinawakan siya sa kamay.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro