Chapter 23
Alex P.O.V.
HINDI makapaniwalang nakatitig ako sa kaniya. N-naghiwalay na sila?
Nanghihinang tumingin ulit ako sa kawalan. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Nagwawala lahat ng paru-paru ko sa tiyan.
"B-bakit?" nanginginig kong tanong.
Mahinang tumawa si Jake bago ako hinarap. "Are you hearing yourself? Your actually asking me that?!" hindi makapaniwalang tanong niya.
Hinarap ko siya ulit, nagbuntonghininga ako bago ngumuso.
"I mean, bakit? Akala ko kasi mas pipiliin mo siya dahil siya ang mahal mo," pinagdiinan ko talaga ang siya dahil totoo naman iyon. Nag-cross arm ako. Naramdaman ko ang paglipad ng hangin sa mga buhok ko.
Inipit iyon ni Jake sa tenga ko.
Jake smirked, "napag-isipan ko lahat ng sinabi mo." Kinuha niya ang kamay ko't hinawakan ng mahigpit. "Yes, I do love her . . . but you're my wife. Tama ka rin. Sa relasyon dapat dalawa lang. No third party involve. Besides, like what you said five months na lang naman. We can work this marriage."
Tumingin ako sa mga asul niyang mata, naghahanap ng kasagutan. O kaya naman ng katotohanan.
"A-are you sure? Baka mamaya nabibigla ka lang," ani ko. Akma kong babawiin ang mga kamay ko ng mas higpitan niya iyon.
Seryoso siyang tumingin sa 'kin. "Yes. I'm fucking sure. At hindi ako nabibigla. Gusto kong subukan natin ang relasyon na 'to. We are already married after all. Mali ang ginawa kong pagsisinungaling. Dapat sinabi ko sa 'yong may iba akong mahal kasya nagpatuloy pa."
Nanlaki ang mga mata ko. I remember ng sabihin ko 'yon sa kanya. "Y-you're not drunk that night?! Bakit mo alam iyon?!" gulat kong tanong.
Nginisihan niya ako at hinila payakap. "I'm drunk last night pero 'di gaanong kalasing para hindi marinig at maintindihan ang mga sinabi mo. Mataas rin ang alcohol tolerance ko and when we made love? I'm also in my right mind, wife."
Mas lalong namilog ang mga mata ko. Akala ko'y lasing—oh God, pwede ba kong magpakain sa lupa?! Hindi ko yata kayang makipag-chikahan sa kanya ngayon. Hindi ko kaya!
Huminga ako ng malalim. Akma akong hihiwalay sa kanya nang hilahin niya ko payakap. Napasubsub ako sa leeg niya.
"So, anong plano natin ngayon?" tanong ko. Napapikit ako. He is so mabango! Mas pinag-igihan ko ang pag-amoy sa kanya.
Pinisil-pisil ni Jake ang bewang ko't sabay halik sa 'king mga ulo. "Sa giangawa mo ngayon ano sa tingin mo ang dapat nating gawin?"
Tumigil ako. "Bakit? May mali ba kung amuyin ko ang asawa ko?" tanong ko't lumayo sa kanya.
Nginisihan niya ko. "Wala naman. Kaya lang mrs. Anderson, baka mamaya 'di ko mapigilan ang sarili ko. I swear I'll ravish you again even though I know you are still sore. Ayaw kong mas humapdi 'yan," malokong aniya.
Nanlaki ang mga mata ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko't pinigilan ang pagngiti. My God, ang puso ko. Tumitibok na naman ng akala mo gusto na niyang lumabas sa katawan ko. And those butterflies in my stomach! Damn. They are playing around!
Niyakap ko rin siya pabalik.
"Alex."
"Hmmm."
"Do you want to give this marriage a shot?" mahina niyang tanong.
Deretso akong tumingin sa mga mata niya. Hinawakan ko siya sa mga pisnge. Ako pa ba ang tatanungin niya?! Gustong-gusto ko iyon!
"Yes, Jake. We will give this marriage a shot," nakangiting turan ko.
Matamis na ngumiti ang lalaki. Inilapit niya ang mukha niya sa 'kin. Pumikit ako upang tanggapin ang labi niya. Aww! Those sweet lips!
Pinalupot ko ang mga braso ko sa batok ni Jake at mas inilapit pa siya sa 'kin. Naramdaman kong humigpit ang yakap niya sa bewang ko. Binuksan ko ang bibig ko upang bigyang laya ang lalaki sa kung anong gusto niyang gawin. Ginalugad ng makasalanang dila ni Jake ang kalooban ng bibig ko.
"Hmmm . . ." I moaned when he sucked my tongue. Sobrang nag-iinit ang katawan ko—parang sinisilaban ng apoy. Kasasabi niya lang na ayaw niyang dagdagan ang hapdi pero eto't---naputol ang pag-iisip ko ng may marinig kaming tumili.
"AYYY!!!"
Natigil kami sa pag-angkin sa isa't isa at mabilis naglayo. Nilingon kung sino 'yon. Si Mommy! Nahihiya akong yumuko. My God. Nakita kami ni Mommy na malapit nang mag-momol.
"Sorry, mga anak. Kainina pa kasi ako kumakatok pero walang sumasagot kaya pumasok na ako," sabi ni Mom na may kakaibang ngiti sa labi.
Yumakap sa 'kin si Jake. "That's okay, Mom. Bakit nga po pala kayo nandito?" magala na tanong ng asawa ko.
Tumingin ako kay Mommy. Nakangisi na siya ngayon Mas lalong nag-init ang mukha ko. Abot singit yata ang pagblu-blush ko.
"Kasi naman, gusto kitang i-tour dito sa bahay namin para maging pamilyar ka. After all, asawa ka na ni Alex," anito at tumalikod na. "Si Alex na lang ang gagawa no'n. Mga anak, mamaya na ang loving-loving, ha," bilin ni Mom bago kami iwan.
Nang mag-isa kami ni Jake ay hinarap niya ako sa kanya. Hinampa ko siya sa braso.
"Ouch! Why?!" tanong niya habang nakangiwi at hawak sa braso.
"Pa-why-why ka pa diyan! Bakit kasi hindi mo ni-lock ang pinto, ha!!" inis kong ani sa kanya at patuloy pa rin sa paghahampas.
Tinawanan niya lang ako. "Di ko naman alam na papasok siya dito. And please, wife, stop blushing. It's natural dahil mag-asawa tayo."
Inirapan ko siya at lumakad palabas ng kwarto. My God! Hot seat talaga ako sa kanila mamaya nito! Aasarin nila ako, eh! Pagkalabas ko ng kwarto ay sumandal ako sa pader sa gilid.
Hinawakan ko ang labi ko. Until now I still can feel his lips. Napangiti ako. I think may magandang pupuntahan ang desisyon kong ito. Huminga ako ng malalim, tumingin sa pinto at ngumiti na parang tanga.
Lumakad ako pababa. Mamaya ko na lang siya ito-tour sa buong bahay. Lumakad ako papunta sa may music room. Nang makarating doon ay binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob. Halos lahat ng music instrument ay naririto. Lumapit ako sa piano at umupo.
My mother love music so much. Naalala ko pa noon, kapag nalulungkot kami ni Ate ay kinakantahan niya kami. Pagkatapos ay tinuturuan niya rin kami ng instrumentong gusto namin. Ate study violin while I do piano.
Umupo ako sa harapan ng piano. Inumpisahan kong pindutin ang tiles. Noong una'y palaro-laro lamang. Nag-aaral kung ano ang nais na tugtugin. Hindi pa rin ako makapaniwalang tinigil na ni Jake ang pakikipag-relasyon niya kay Daisy para bigyan ng chance ang relasyon namin.
My heart feel so full.
Pakiramdam ko'y mabibigyan na kami ng chance. Masusubukan na namin ang relasyong ito na kaming dalawa lang.
Matamis akong napangiti. Iumpisahan kong tugtugin ang kantang 'Catch me I'm falling' ni Toni Gonzaga.
Damang-dama ko ang tugtug at ang meaning ng lyrics na iyon. Lalo na't nahuhulog na kong tunay kay Jake. At nakakatakot na baka hindi niya suklian ang pagmamahal ko.
Habang kumakanta ay hindi ko namalayang may nanunuod na pala sa 'kin. Tuloy-tuloy lang ako sa pagpindot ng bawat tiles ng piano. Tagos hanggang apdo, beh! Gusto kong iparinig sa taong 'yon ang nararamdaman ko.
"Catch me . . . I'm falling for you," pagtatapos ko sa kanta.
Nang matapos ako'y may biglang pumalaklak sa gilid. Mabilis akong tumingin doon. Jake is smiling at me.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro