Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22

Alex P.O.V.

HABANG bumibyahe ay hindi maalis ang kamay namin ni Jake sa pagkakasaklop maniban na lang kung hahawakan niya ang kambiyo. I startled when my phone rang. Inilabas ko iyon sa bag ko't sinagot ang tawag without looking kung sino ang caller.

"Hello?"

"Hi, can I talk to Alexandra?" ani ng babae sa kabilang linya. Kumunot ang noo ko.

"Speaking, who is this?" tanong ko at saglit na tumingin kay Jake. Nakatutok pa rin ito sa pagmamaneho. Bumitaw muna ako sandali sa kamay niya. Tumingin ako sa labas ng bintana at hinintay magsalita ang nasa kabilang linya pero hindi na ulit ito kumibo. "Hello? Nandiyan ka pa ba? Hello?"

Bumuntonghininga ako at tiningnan ang screen ng telepono. Hindi nakapatay ang linya pero walang nagsasalita. Is this a prank call but she knows my name? Umiling ako't pinatay na ang tawag, hindi ko muna binura sa contact list ko ang caller para makilala ko 'to kung sino ito ulit.

Naramdaman ko ang kamay ni Jake sa hita ko, nilingon ko siya at pilit na ngumiti.

"Who's that?"

Pinatong ko ang kamay ko sa kamay niya para pigilin iyon kakapisil. Gigil na gigil.

"I don't know. She is asking me pero hindi naman ako sinasagot. Mukhang nangtri-trip," sagot ko at tumingin muli sa labas ng bintana.

******

NANG makarating kami sa mansion ay halos pananghalian na. Saktong-sakto dahil gutom na talaga ako. Sabay kaming bumaba ng sasakyan ni Jake, his arms snake around my waist.

Pumasok kami sa loob ng kabahayan. Tahimik ang sala. Mukhang abala lahat ng tao, ah. Guard lang ang sumalubong sa 'min kanina para pagbuksan kami ng gate.

"Where are they? Ang alam ko tuwing umaga sila nagsisimba, hindi lunch," ani ko kay Jake. Hinila ko siya paupo sa may couch. "Umupo ka muna. Titingnan ko lang sila sa kusina." Tumango at nag-cellphone si Jake. Ang cute niya, para siyang batang mabilis pagsabihan.

Tumalikod ako at lumakad papuntang kusina pero bago pa man ako makarating doon ay may narinig kong ingay na kina-kunot ng noo ko.

"A-ahhhh . . . masakit—d-dahan . . . dahan naman!" sabi ng boses na kilalang-kilala ko. Si Ate.

"Tss. Wag kang maarte! Kung hindi ka malikot kanina ko ap sana naipasok 'to. Saka masakit talaga 'to sa una," ani naman ng boses ng lalaki.

Shet?! What the hell?!

"Are you kidding me?! Look at that . . . sa tingin mo sinong hindi gagalaw sa ganyan, and look at those! Nakakatakot kaya baka mamaya 'di na ako makalakad niyan," ani naman ni Ate.

"Tsk! Wag kang maarte! Malayo 'to sa bituka."

Napanganga ako. Anong ginagawa nila doon? Mabilis akong naglakad papuntang kusina para mahuli ang dalawang lapastangan. Sa kusina pa talaga gumagawa ng kababalaghan. Jusq mamaya sa kusina pa gumagawa ng—no. No.

"ANONG GINAGAWA NIYO?!!!!" sigaw ko pagkapasok ko.

Tumingin sila sa 'kin. Napanganga ako.

"What the heck?! Seriously?!" sabi ko.

My sister is sitting in the table while a man is holding her feet, naka-upo rin ngunit mas mababa lang kay Ate. Napansin ko ang hawak ng lalaki na pang-tattoo.

Tattoo?!

Umalis sa pagkaka-upo sa lamesa si Ate, hindi makapaniwalang tumingin siya sa 'kin. "Sis, what are you doing here?" Lumapit siya sa 'kin ay niyakap ako. Gumanti ako ng yakap sa kanya.

Lumagpas ang tingin ko sa balikat ni Ate. Nakatayo na ngayon ito sa pagkaka-upo.

"Who is he? What are you doing in our house?" masungit kong tanong sa lalaki, naka-cross arm lang ako.

"He's Jackson Cruz, a tattoo artist," sagot ni Ate.

Naniningkit ang mga matang tiningnan ko siya. "Kaylangan talaga gano'n ang ayos niyo?"

Inosente niya kong tiningnan. "Yeah, para makita ni Jack ng maayos ang paa ko kung saan niya ilalagay ang tattoo," she said.

"Saan ka nakatira? Ilang taon ka na? May mga kapatid ka ba? Sino ang mga magulang mo?!" sunod-sunod kong tanong. Bubukas sana ang bibig ni Jack nang maunang sumagot si Ate.

"He lives at Pasay, twenty-nine years old and his parents' are dead."

Humarap ako kay Ate. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ikaw na pala si Jackson Cruz ngayon," ani ko.

Nginiwian niya ako. Ilang minuto siyang nakatahimik bago ako hinawakan sa braso.

"Why so masungit?! And why are you here? Nasaan ang asawa mo?" pag-iiba niya ng topic.

Umirap ako. "Nasa sala si Jake. Sina Mommy?"

"Nasa taas at nagpapahinga sila but don't worry nagpa-ready na si Mom ng lunch dahil baka nga raw dumating kayo. Kapag pinatawag natin sila ay bababa na sila," aniya.

Humiwalay ako sa kaniya at tumango-tango. Hindi pa rin umaalis si Jack kaya tiningnan ko siya ng masama. Like heck?! Si Ate . . . magpapalagay ng tattoo?! Seryoso ba siya?! Mamaya ko na lang siya kakausapin.

Naramdaman ko ang pagpalupot ng isang matigas na braso mula sa likuran ko. Sumandal ako sa dibdib ni Jake. Kabisadong-kabisado ko na ang electrifying feeling sa tuwing nagdidikit ang balat namin.

"Why did you shout?" malambing niyang bulong sa tenga ko. I can feel his hot breathe na nagbibigay ng kakaibang feeling sa 'kin.

Humawak ako sa braso niya, "nothing." Tumingin ako kay Jack na naka-upo na sa tabi ni Ate, nililigpit ang mga gamit pang-tattoo. Something weird is happening to them.

Hihilahin ko na sana palabas ng kusina si Jake ng pumasok si Mommy. Matamis ko siyang nginitian.

"Alex, hija." Humiwalay ng yakap sa 'kin ng asawa ko at lumapit ako kay Mom. Niyakap ko siya ng mahigpit. From here, I can hear my Dad voice behind.

"Is that Alex, honey?" Dad asked.

Humiwalay si Mom ng yakap sa 'kin, "yes, honey. She visited us with Jake," anito ay niyakap din ang asawa ko.

Pumasok sa kusina si Dad, nakangiting nagtama ang mga mata namin.

"Hi, anak," aniya. Hinila niya rin ako sa isang mahigpit na yakap. Bumulong ako sa kanya.

"Ate bring home a guy," parang batang sumbong ko. Natawa ng mahina si Dad at humiwalay ng yakap sa 'kin. Nilingon nito sina Ate sa likod.

"Allyson, bakit ngayon mo lang pinakilala sa kapatid mo ang kaybian mo," ani Mom bago lumapit sa may intercom. "Pakilabas na ang pananghalian."

"Jackson, gusto mo bang magtrabaho sa kompanya ko? I'm planning to open and try a business about tattooing," ani Dad.

Gulat akong tumingin kay Daddy. "Seryoso ka, Dad?! Gano'n lang?! bakit dati lahat ng manliligaw ni Ate or yung mga classmate niya hinaharass mo?! Bakit siya hindi?"

Inakbayan ako ni Dad, "kasi anak, mabait si Jackson. Saka nagka-usap na kami niyan. Na-harass ko na siya bago mo pa sabihin," pabirong anito.

Huminga ako ng malalim, mukhang wala naman na akong magagawa dahil okay na it okay Daddy. "Okay. Akala ko naman hindi mo siya kinilala."

Humiwalay ako kay Dad at lumapit sa asawa ko. Nagpunta muna kami sa may sala dahil sinaayos pa ang lamesa. Habang naghihintay ay nagkwentuhan muna kami. Si Dad at Jake ay puro trabaho ang pinag-uusapan, samantalang kaming tatlo nina Mommy ay kausap si Jackson.

"Gaano mo na katagal kakilala ang ate ko?"

"Hindi pa katagalan," malamig nitong sagot. Hindi man lang ngumiti.

Pinag-krus ko ang mga braso ko sa harapan ng dibdib ko. "Okay. Saan kayo nagkakilala?"

"Sa labas ng shop ko."

"Saan baa ng shop mo?"

"Sa may Pasay."

"Sa Pasay ka rin nakatira? Bakit gano'n kayo ka-close ng Ate ko—" natigil ako sa pagtatanong ng matitigan ko ang mga mata nito. My eyes widened. "Wow . . . nice eyes," puri ko.

Doon ko lang siya nakitang ngumiti, maliit nga lang, "pareho kayo ng Ate mo. Daldal niyong pareho," aniya. Tumayo na't umalis. Naks. Nilayasan ba naman ako.

Late lunch na ang nangyari sa 'min. Ang saya lang makipagkulitan sa parents mo. Minsan tuloy para na lang kaming magbabarkada. Noong nilayasan kasi ako ni Jack ay tinawag na rin ako para makakain na ng tanghalian. Sa lamesa ay puro kami tawanan at kwentuhan.

Kulay kahel na ang langit. Naririto ako sa silid ko, sa may veranda. Malamig ang simoy ng hangin. Kitang-kita ang nagkikislapang bitwin sa kalangitan. Mataas ang bahay namin dito, makikita mo ang mga bitwin at buwan ng maayos, kung swerte pati ang city lights ay kita rin.

"Alex," tawag sa 'kin mula sa likod.

"Bakit?" Hindi ako lumingon. Narinig ko ang yapak niya papunta sa tabi ko.

"I want to tell you something," aniya habang nakatingin din sa kalangitan.

"What is it?"

Nilingon ko si Jake, he is looking at me, too. Our eyes locked.

"Daisy and I . . . were over," he said na parang wala lang. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro