Chapter 2
Jake's P.O.V.
I wanted to laugh out loud when I heard what Dad said. I looked at him in disbelief.
"Are you fucking serious, Dad? Me?! Getting married?!" I asked loudly.
Yes, I'm mad! Who wouldn't?!
I just find that I'm getting married to someone I don't know.
Umupo ako sa sofa at ininom ang alak na nasa baso. Inubos ko ng isang inuman ang vodka, pagkatapos ay nagsalin ako ng panibango.
"Yes, I'm serious, Jake. Ilang taon na rin itong na-delay. Dapat nga'y ikinasal na kayo noong tumuntong ka nang dalawamput-dalawa, but we give you your time. Two years," aniya.
Malamig ko siyang tiningnan.
"Why do I need to marry her? Hindi naman nalulugi ang kumpanya. Mataas ang sales ng winery at shipping line. No need to have another--"
"Jake, their company is glassware and bottles for wine. Yes, our company is stable, but we need to secure it. Mas less on both sides kapag ka gano'n."
I can make my own. Kayang-kaya kong magtayo ng sarili kong bottle company. I can actually do that, para hindi na kami bumili sa iba. Mas liliit ang gastos at lalaki ang income.
We have millions in our bank accounts. We don't need them actually.
"Dad, if you want we will build our bottle manufacturing--" Pamimilit ko pa.
Umiling siya. "No, Jake. Matagal na itong napagkasunduan. Hindi ko pupulutin ang kasunduan dahil lamang sa ayaw ninyo. My friend's daughter is a nice kid. Magugustuhan mo siya."
Nagpakawala ako ng malalim na hininga.
"Dad, I will not marry that girl. Or kahit sinong ipakilala niyo. I will only marry the girl I love." I stand up and leave his study room.
Lumabas ako ng bahay. Sumakay ng sasakyan at nag-drive paalis.
*********
PUMASOK ako sa loob ng High Bar na pagmamay-ari ni Herny. Isa sa matalik kong kaybigan. Mausok at maingay ang loob ng Bar. Dumeretso ako sa may counter kung saan nakatao si Herny. Umiwas ako sa nagsasayawang tao at umupo sa may stool.
"Oyyy! What's up?! Aga mo, ah!" nakangising puna ni Henry nang maka-upo ako sa stool.
Tiningnan ko siya ng masama at tinuro ang vodka. Ginawan niya naman agad ako.
"Anong ginagawa mo dito ng ganito ka-aga? Alas-dose pa ang usapan, ah?" nagtatakang tanong niya.
I straight up the alcohol. The taste of it runs down through my throat. Mapait ngunit ayos lamang.
"I've just learned that I'm getting married with someone I haven't met, Henry. So don't annoy me," banta ko.
Instead of being empathetic to what I said, he laughed hard. Halos hindi na nga makahinga sa kakatawa. Sana maubusan ka ng hininga, gago! Malamig ko siyang tiningnan at nag-cross arm sa harapan niya.
"Mamatay ka sana kakatawa," mariin kong bulong na kinatigil nito.
Mabilis bumalik sa seryoso ang mukha niya na para bang hindi natawa nang sobra. Pigil na pigil sa pagtawa ang gago!
"Sorry naman! I didn't mean to be offensive pero, gago?! Seryoso ba talaga 'yon?"
"Sasabihin ko ba kung hindi?"
Napahawak sa baba si Henry at nginisihan ako nang malala. Inabutan niya ako ng isang bote ng whiskey.
"The VIP room is yours now! Mag-walwal ka na do'n!" natatawang anito.
"Bastard!" I cursed him then take the bottle of whiskey. Lumakad ako papuntang VIP room. Our private room is in the second floor. Para lang talaga sa grupo namin 'yon. No one can use that unless we or Henry agree to it.
When I opened the door, red room greeted me. Malakas kong sinarado ang pinto pagkatapos, umupo ako sa leather couch. Bahagyang humina ang ingay ng malakas na musika sa labas ng kwarto. May baso't yelo na rito sa taas kaya hindi ko na kaylangang magpunta pa sa baba. Kinuha ko ang baso at naglagay ng yelo. Sinalin ko ang whiskey doon.
Uminom ako bago sumandal sa likod ng upuan.
Matutuwa ang mga magulang ko kung sakaling papayag ako sa gusto nilang mangyari. Kapag pinakasalan ko ang babaeng gusto nila.
Naiintindihan ko ang gustong mangyari ni Dad. I can perfectly understand it. Kapag nagpakasal ako sa babaeng 'yon maari ring mapunta sa'kin ang company nila, or we can just merged it to become one. Hindi na gagastos sa pagtatayo ng bagong bottle manufacturing company, stable na agad.
Pero hindi ko magawang pumayag. I promised to myself na papakasalan ko lang ang babaeng mahal ko, and I don't even like that girl. Hindi ko nga siya kilala. Even her name.
Nagbuntonghininga ako't nilunod ang sarili ko sa alak. Nagtigil lamang ako sa pag-inom ng bumukas ang pinto at sunod-sunod na pumasok ang mga kaybigan ko.
Nginisihan nila ako.
"I heard ikakasal ka na daw!" nang-aasar na ani Benjamin.
Tiningnan ko siya ng masama. Ang bilis nga naman ng balita. Nakarating agad sa kanila ng ganoon kabilis?
"Who is the unlucky lady?" tanong naman ni Hunter.
"I don't know yet. I just know na ikakasal na ko." Nagsalin ako ng whiskey. Tumabi ng upo sa'kin si Hunter. Si Benjamin naman ay sa katapat naming upuan.
"Paanong 'di mo kilala? Dapat inalam mo muna bago mo sinabi sa 'min!"
Nakakaloko ko silang tiningnan. "For what?"
"Of course, we need to be updated lalo na't ikakasal na ang best friend namin!"
I shook my head. Assholes. I know why they want to know who the girl is; they will use her to annoy me. And even if I know her name I will not tell them still.
Pina-ikot ko sa daliri ko ang singsing na suot. I will not marry her. I only intend to marry her.
"If you don't like to marry that girl talk to your parents and said you have a girlfriend!" Benj suggested.
I looked at him. "Don't you think I haven't tried that yet? I already told them I don't like to be married but they are insisting it. They want me to marry that girl because of their company. Actually the girl is I think heiress of a bottle manufacturer, and we have winery...win-win, right?!"
"Awww!"
"Now we understand."
I shake my head and drink another shot of whiskey.
"But have you tried talking to them? Like telling you have a girlfriend?" he asked again.
Nagpakawala ako ng inis na hininga at tumingin sa kanila. "I can't, okay?! My girl is quite secretive. She doesn't want us to be public yet. Kapag pumayag siya ay saka ko sasabihin sa parents ko," paliwanag ko.
She doesn't want to. Isa pa sa nagpapasama ng loob ko kung minsan, pero naiintindihan ko siya. Pangarap niya 'yon, and sino ako para hindi siya pagbigyan?
"Then you'll become a cheater. You leave your girl, or leave that damn arrange marriage," Hunter said in serious voice.
Leave my girl or the arrange marriage?
******
I WAKE up with a massive headache from the hang-over last night. Napap-igik ako ng sumirit ang sakit sa ulo ko ng subukan kong bumangon mula sa pagkakahiga. Pumikit ako, pakiramdam ko pa'y parang babaliktad ang sikmura ko sa hindi malamang dahilan. Sinapo ko ang ulo ko.
Tiningnan ko ang relos sa tabi ng kama, saying it is already eight o'clock in the morning. Which means, I'm late for my work today. Shit! Meron pa naman akong importanteng meeting ngayong araw na dapat attend-an.
Napatingin ako sa pinto ng bumukas iyon.
"Oh, Jake! You are already awake, mabuti! Akala ko magagalit pa ko bago ka bumangon!" my mom said in her sweet voice, but now, it's like a scratching sound to me dala ng sakit ng ulo.
I sigh. "I just woke up, Mom? Why?"
She sat on the edge of my bed. "Well...your father told me he already tell you about the arrange marriage..."
She looks calm habang nagsasalita. Pinipili niya ang mga tamang salitang sasabihin.
"We just want you to be okay, Jake. Para sa 'yo 'tong ginagawa naming ito. P-pero...kung ayaw mo, anak. Kakausapin ko sila na ihinto na ang kasalan..." she said in sad voice.
Hinawakan ko ang kamay ni Mom. Malungkot ang mga mata niya. May kung anong pumiga sa dibdib ko. Damn, seeing my mom sad is the last thing I wanted to see.
"Jake, I will not push it—"
"No." kusang lumabas iyon sa bibig ko. Mabilis nagbago ang hitsura ni Mom. "I will marry her. Just don't be sad, Mom. Ayos lang sa 'kin," ani ko kahit labag na sa loob ko.
Biglang umaliwalas ang mukha ni Mom. Masaya niya kong niyakap. Gumanti ako.
If marrying that girl will bring happiness to my Mom...then so be it. Huwag ko lang makitang malungkot siya dahil hindi ko kaya.
After my conversation with her I get ready for work today. I wear my black suit. I get out my room. Nagpunta akong kusina, naabutan ko ang mga kapatid kong kumakain.
For now, I'm living with my parent since I got back from America. Wala pa kasi akong nabibiling condo unit kaya sa kanila na muna ako nakikitira. I might leave here once na makahanap ako ng malilipatan.
I rolled my eyes when I heard my sister's voice, Klyzia Blue. Tiningnan ko siya at matamis na nginitian. Lumakad ako palapit sa kanila.
"Kuya!! Sabay kami sa 'yo ni Black!" napakalakas na sabi nito.
Tumango ako. "Fine. Bilisan niyong kumain—" Natigilan ako ng maalala ang isang bagay. Kunot noo ko silang tiningnan. "Why are you still here? Don't you have a class?"
My twin sister is kinda hard headed that's why sometimes...I'm the one who strict with them. Tiningnan kong mabuti ang mga kapatid ko at nag-iwas sila ng tingin.
Zia smiled at me sweetly, "Kuya po kasi na-late kami ng gising kaya ngayon lang kami makakapasok."
"She wake up late and drag me into this. Not me," angil ni Klyzene.
Marahas na lumingon si Zia kay Klyzene, nanlalaki ang mga mata dahil hindi niya ata inakalang ilalaglag siya ng kakambal niya.
"Black!!"
Umirap si Black kay Zia tapos pinagpatuloy ang pagkain. Huminga ako ng malalim.
"Jake, hindi ka ba kakain?" tanong ni Mommy.
Lumingon ako. "Sa office na lang, Mom. Madaming kaylangang gawin." Hinanap ng mga mata ko si Dad. "Where's Dad?"
Umirap rin si Mom. "In his office, alam mo naman 'yon. Kulang na lang asawahin ang opisina niya."
Napangisi ako at umiling. Mula noon hanggang ngayon nagseselos pa rin si Mom sa opisina ni Dad. Noong mga bata kasi ako ay madalas nasa office si Dad na kinaki-inisan ni Mom dahil wala siyang oras sa 'ming lahat.
"Be fast, twins. Lumabas na kayo kapag natapos na kayo. I will just talk to Dad," bilin ko sa kanila bago tunalikod at naglakad papunta sa office ni Dad.
I knock three time before I push the door to open. My father is working—reading rather behind his table. Pumasok ako sa loob. Tumaas ang mukha ni Dad.
"Jake, are you okay? What is it?" nagtataka niyang tanong,
Sinarado ko ang pintuan at lumakad palapit sa kanya. Umupo ako sa visitors chair. Seryoso ko siyang tiningnan.
"I will marry her," ani ko.
Tinaasan niya ako ng kilay. "What change your mind?" He crossed his arm.
Nginisihan ko siya. "This is what you want, right? You should not ask questions anymore. Just be thankful I agreed."
"If you are agreeing just because you have something in mind, don't do it, Jake. Don't be an asshole."
Tumaas ang isang sulok ng labi ko.
"I have no other plans, Dad, apart from fixing my future wife and I's wedding," I answered truthfully. Because as of now I don't really have a plan. I'm just about to think about it. "I want to know her name. Siguro naman may karapatan akong malaman ang pangalan ng babaeng papakasalan ko."
Naniniguradong tiningnan niya ako. Matamis ko lang siyang nginitian. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.
"Dad, kaylangan kong makilala ang magiging asawa ko. Tell me her name." pamimilit ko pa.
Nagbuntonghininga siya at tumango. "Her name is Alexandra Crystal Villafuerte, twenty-two years old."
Alexandra Villafuerte.
What a nice name for a lady.
"Thanks! I gotta go!" Tumayo ako't tumalikod. Lumabas ako ng office at bahay. Nagtungo ako papuntang garahe kung nasaan ang kotse ko. From the window, nakita ko na ang kambal na naka-upo sa backseat. Sumakay ako sa driver seat. Tiningnan ko sila sa rear view mirror. "Are you two okay back there?"
"Yeah, let's go."
"Daan muna tayo sa—"
"No, Zia! We're already later!"
"But!!"
"No but! Let's go straight to school."
Their bickering doesn't stopped from that. Hanggang sa makarating kami sa tapat ng campus kung saan sila nag-aaral. They bid their goodbye and kisses before they went out. Pinanood ko silang makapasok sa gate. Nang mawala na sila sa paningin ko ay nag-drive na ako papuntang company.
*********
NANG makarating ako sa opisina ipinatawag ko agad ang kilalang private investigator na alam kong mapapagkatiwalaan ko. Habang naghihintay na dumating ay binasa ko muna ang mga papeles na natambak na.
Nag-angat ako ng tingin ng may kumatok sa pinto. Bumukas iyon at pumasok ang private detective na inaasahan ko.
"Good morning, Sir."
Tinuro ko ang upuan sa harapan. Umupo ito doon.
"I'm Detective Joson." He raised his hand in front of me. I stand up and shake hands with him.
"I'm Jake Anderson."
"Nice to meet you, Sir."
Umupo kami sa mga upuan namin. Mula sa unang drawer ng table ko, binuksan ko 'yon at inilabas ang picture.
Inabot ko ang picture ng isang babae sa kanya. Kinuha naman nito iyon at tiningnan ang likod, kung saan ko sinulat ang pangalan.
"Find all the information about her and her family. Give it to me ASAP."
Nagtatanong na tumingin sa'kin ang lalaki. "I'll take my leave now. I will email you the results."
I nod and signal him to leave.
I cannot wait to know her more.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro