Chapter 19
Jake's P.O.V.
PAGDATING ko sa harapan ng condo ni Daisy ay tinigil ko agad ang sasakyan. Napabuntonghininga ako bago bumaba. May suot akong cap at shades. Ayokong ma-issue na naman si Daisy dahil sa 'kin, kakagawa ko lang ng paraan para hindi siya maging issue dahil sa away nila ni Amelia.
Habang nasa elevator ay iniisip ko na naman lahat ng sinabi sa 'kin ni Daisy. I should stop my relationship with Daisy.
Nang makarating sa floor ng unit ng dalaga ay lumabas ako at tinungo ang unit nito. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Sunod-sunod ang pagtulo ng pawis ko sa pinaghalong kaba at takot. Ang daming what ifs akong naiisip.
Tatlong beses akong kumatok sa pinto. Ilang sandali akong naghintay bago bumukas ang pinto. Sumilip do'n si Daisy na nakakunot ang noo.
"Jake? Babe?! What are you doing here?!" nagtatakang tanong niya at niluwagan ang pagkakabukas ng pinto. Pumasok ako at dumeretso sa sala.
Maganda ang unit niya. Malinis lahat. Kulay puti ang pader na may halong baby pink.
Hindi ko alam kung paano mag-uumpisa sa lahat. Pakiramdam ko'y gagawin ko ang isa sa pinakamaling desisyon sa buhay ko.
Umupo ako sa sofa at hinintay na makasunod sa 'kin si Daisy. Tinabihan niya ko at niyakap ako agad.
"Babe . . . why you didn't tell me na pupunta ka pala dito? Sana sinabi mo para nai-prepare ko lahat for you."
Mariin akong pumikit at inalis ang braso ni Daisy na nakayakap sa 'kin. Hinawakan ko ang kamay niya. Tiningnan ko siya sa mga mata. Nakikita ko doon ang affection at pagtataka. At saya?
Binalik ko ang kamay nito sa hita niya. "Daisy, we need to settle things."
Kumunot ang noo niya. "What do you mean by that, babe? Ano ang kaylangan nating i-settle?"
"We need to stop this."
"Stop what? Our relationship?!" taas boses niyang tanong.
Tumango ako. "Yes. No. I don't know anymore. Kaylangan kasi nating magpahinga. Nalaman na ng mga kaybigan ni Alex ang tungkol sa 'tin, hindi ko pwedeng i-risk ang possibilities na makita rin tayo ng parents namin. The world is small."
Namula ang mukha ng babae at galit na tumingin sa 'kin.
"What the hell, Jake?! Ngayon pa?! Ilang buwan na ba?! Hindi ba five months ang naman tapos maghihiwalay na kayo and now sasabihin mong kaylangan nating itigil?!" galit niyang sigaw.
"Kaylangan lang natin magkaroon ng space. Five months lang kagaya ng sabi mo. Kaya naman nating hintayin ang araw ng annulment namin ni Alex and after that ipapakilala na kita sa parents ko and we're getting married," paliwanag ko pero mukhang sarado ang isip niya.
Tumingin siya sa 'kin ng masama at pinipigilan ang luha niya.
"Hindi natin kaylangan ng space na sinasabi mo!! Akala ko ba mahal mo ko?! Na hindi mo ko iiwan?!" malungkot niyang ani at unti-unting napapa-upo sa lapag.
"I'm sorry, babe. You know I love you so much pero tama rin si Alex. Noong pinakasalan ko siya ay binigyan ko na siya ng karapatan sa 'kin. Hulin limang buwan, Daisy. Subukan mo naman akong intindihin, babe, please. Ngayon lang ako hihingi ng pabor sa 'yo." Nag-squat ako sa harapan niya. Hinawakan ko ang mukha niya at nakita ko siyang umiiyak.
Pinunasan ko ang pisnge niya ngunit iniwas niya 'yon sa 'kin.
"I really love you, babe, please. Understand me."
Tumayo ako at lumakad palayo pero bago ako umalis ng tuluyan ay nilingon ko si Daisy na nakayuko na ulit. Gumalagaw ang balikat niya. Bago ako tuluyang umalis ng unit niya ay binigyan ko rin ng huling tingin sa buong lugar.
Huminga ako ng malalim. Alam kong kapag umalis ako dito ay pwedeng magkaroon siya ng iba, na kapag bumalik ako'y hindi na ako.
********
PAGKA-UWI ko ay madilim na ang buong bahay. Medyo sumisiway-siway ako dahil nakipag-inuman pa ko sa mga kaybigan ko. Miski sila ay hindi alam na may karelasyon ako ng loob ng ilang taon at habang umiinom kami ay panay tanong nila kung anong nangyari pero 'di ko sila kinikibo.
Iniwan ko lang naman kasi ang babaeng gusto kong makasama sa pagtanda—ang babaeng gusto kong pakasalan, 'di dahil gusto ko and hindi lang dahil gusto ng parents ko.
Ngumisi ako ng makitang hindi nakasarado ang pinto ng bahay.
Pagpasok ko sa loob ay nakasarado ang lahat ng ilaw, bago ko pa sila mabuksan lahat ay may nauna na sa 'kin. Hinanap ng mga mata ko ang isang particular na tao. Alex is standing near the switch. She's wearing a robe, nakalugay ang mahaba at maganda niyang buhok.
Matamis ko siyang nginitian. Sinarado ko ang pinto bago lumakad patungo sa couch at umupo doon. Umiikot na ang paningin ko.
"Hello there, my dear wife," sarcastic kong ani.
"Hays, ano bang ginagawa mo sa buhay mo, ha?! Anong oras na. Nagpakalasing ka pa rin. Alam mo bang tumawag ang secretary mo sa 'kin, tinatanong kung nasaan ka daw. You've just missed your important meeting. Bakit hindi ka pumunta?!"
Ngumisi ako. This kinda feel good.
"Stop being a nagging wife, misis. May mahala akong inasikaso kaya natagalan but don't worry . . . because tomorrow I will rescheduled my meetings today," ani ko.
Ilang beses akong napapikit-pikit dahil sa antok.
Naramdaman kong bumigat ang upuan sa tabi ko at bumaba ang ulo ko sa balikat nito. She touched my face . . . oh, God. She have a soft hand. Hindi ako gumalaw.
Bumuntonghininga ito. "Ano bang gagawin ko sa 'yo, Jake? Alam mo bang naguguluhan na ako. Sana kasi una pa lang sinabi mo na sa 'king may iba para hindi na ako ag pinakasalan mo."
She maybe thought na tulog na ko kaya siya nagsalita ng ganoon. Ilang sandali siyang tahimik hanggang sa nagsalita ulit siya.
"Jake? Jake? Halika na sa taas. Doon ka na matulog sa kwarto natin," marahan niyang aya sa 'kin. Inilagay niya ang isa kong braso sa balikat niya upang umalalay sa 'kin.
Parang gusto ko na tulog lagging maging lasing, mas nagiging open kasi si Alex kapag ganito ako. Tumayo ako at sinabayan siya ng paglalakad. Nakaalalay siya sa 'kin papunta sa kwarto namin. Hanggang sa makarating kami sa kwarto ay nakaalalay siya sa 'kin, miski sa paghiga ko sa kama.
"Bakit ka b aba kasi nagpakalasing? Ito ang unang beses na umuwi ka ng lasing at hinayaan akong alagaan ka. Alam mo ba 'yon?!" tanong niya sa 'kin.
Pinakiramdaman ko ang bawat kilos niya. I can feel she's removing my clothes and the touch of damp towel in my body. Dumilat ako ng bahagya at tiningnan si Alex, pinupunasan niya ang katawan ko. Hinawakan ko ang kanyang kamay at pinatigil, napatingin ito sa 'kin. Ngumiti ng bahagya.
"Bakit?" tanong niya sa 'kin? "May dumi ba ko sa mukha?"
Umiling ako at binitawan ang kamay niya. Humawak iyon sa pisnge niya. Bumangon ako't lumapit sa mukha niya. Ipinikit naman ni Alex ang mga mata niya. Wala akong inaksayang pagkakataon at inangkin na ang mga labi niya.
Ngayon ko nadaman ang lambot ng labi niya. Ang tamis ng mga labi niya. Pakiramdam ko'y unang beses ko muli siyang nahalikan simula ng ikasal kami.
Hinawakan ko ito sa batok upang itagilid ng kanyang ulo upang magkaroon ako ng pagkakataong mas maangkin ang labi niya. Pakiramdam ko'y sobrang init sa loob ng kwarto namin kahit nakabukas naman ang aircon.
Hiniga ko siya sa kama at dumagan sa kanya. Sapat na upang masuportahan ang aking bigat. Hindi humihiwalay ang labi ko sa labi niya. Parang kaylan man ay hindi ako magsasawang halikan siya.
Inumpisahan kong alisin ang tali ng kanyang roba. Nakadilat ito at nakatingin sa 'kin. Her eyes have this combination of green, brown and gold—perfect hazel eyes. Punong-puno iyon ng pagnanasa. Nagtatanong akong tumingin sa kanya. Nanghihingi ng permiso sa maari naming gawin.
Obediently, she nodded her head. Gumanti ako ng tango. Bumaba ang halik ko sa kanyang leeg at pareho naming inabot ang langit.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro