Alex P.O.V.
HINAGOD nito ang buhok patalikod at seryosong tumingin sa 'kin. Para siyang nag-aalangan magsalita. Magbubukas-sara kasi ang bibig niya't hindi naman itutuloy ang ano mang sasabihin. Huminga ako ng malalim. Mukhang alam ko na ang pag-uusapan naming dalawa. Alam na alam ko na.
"Is this about what Amelia did to your girlfriend" Diniinan ko talaga ang salitang girlfriend para amdami niya. Tiningnan ko ng maigi ang mukha nito. Kumunot ang noo ko ng mapansing may sugat siya sa gilid ng labi. "What happened to your lips?"
Alanganin itong tumango bago nagsalita. "Yesterday we have a lunch date and we go for shopping. I didn't know that they are also there. Bryan, your friend punched me," aniya at mas itinagilid ang mukha para mas makita ko ang gilid ng labi niya.
Bahagya ko siyang nilapitan sabay hawak upang makita ng maigi ang sugat. Nakaramdam ako ng inis kay Bryan dahil sa pagsuntok niya kay Jake.
Nag-aalala akong tumingin sa kanya. "Nalagyan mo na ba 'to ng gamot?"
Umiling siya, "wag mo nang intindihin ang sugar ko. Mas kaylangan nating intindihin ang nalaman nila." Tumayo siya't lumayo sa 'kin.
May kumirot sa dibdib ko—scratched that, sa puso ko. May nakakahawa ba kong sakit para layuan?
Seryoso ko siyang tiningnan. "Okay. We only have five months left being married, I suggested to make this real for those five months."
Kinunutan niya ako ng noo. "Make this real? What do you mean?"
"Yeah. Dapat sa loob ng limang buwan ay tayo lang ang nasa relasyong ito. Ikaw at ako. No other woman dahil sa totoo naman ay ako ang asawa mo. Legal wife. And your girlfriend is kabit mo lang. Mistress. Kalaguyo o kung ano pa man. Hintayin niyo na lang na matapos ang huling limang buwan ng ating kasal bago kayo maglalabas niyang kabit mo para mailigtas na rin natin ang kanya-kanyang pangalan," mahabang paliwanag ko.
There. I say it na.
"Kaylangan kong makipaghiwalay sa kanya?"
"Oo, sa loob ng five months dapat ako lang. Tayo lang. No third wheel," dagdag ko pa. Nag-crossed legs ako. "Kung nakita kasi kayo ng mga kaybigan ko, hindi malabong pati mga magulang natin."
Hindi na nakasagot si Jake. Mukhang iniisip niya ang tungkol sa mga sinabi ko. Tumayo ako at tumingin sa kanya. "Pag-isipan mo ng maigi ang sinabi ko. Hindi lang naman ikaw ang nahihirapan sa sitwasyon natin."
Nang bitawan ko ang mga iyon ay lumakad ako papuntang hagdan. Pumanik ako sa taas at pumasok ng banyo. Naligo ako sa ikalawang pagkakataon nang lumabas ako ng banyo ay nakaroba lang ako. I near a short-shorts and t-shirt.
Umupo ako sa gilid ng kama at nag-text kay Lia na nasa bahay na ako. Pagkatapos no'n ay ni-message ko rin si Bryan. Nagbuntonghininga ako. Tama baa ng ginawa ko? Hindi kaya siya maging OA ang tingin niya sa 'kin dahil sa sinabi ko?
No, that's actually okay. Nagpakatotoo lang naman ako. He is married to me. Kahit anong sabihin nila—idahilan nila. What they are doing is wrong. Maling-mali.
Hindi ko namalayan ang oras. Nang tumingin ako sa orasan ay magaala-singko na. Tumayo ako't lumabas ng kwarto. Pagbaba ko sa hagdan ay may tiningnan ko ang pwestong pinag-iwanan ko kay Jake pero wala na siya doon.
Umiling ako. "Baka nasa babae niya."
Jake's P.O.V.
ALEX is already gone, but I'm still standing where she left me. Lahat ng sinabi niya ay parang malamig na tubig na bumuhos sa 'kin. Bawat salita ay paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko.
Tumingin ako sa hagdan. Tama siya. Kung nahuli kami ng mga kaybigan niya maari rin kaming mahuli ng mga magulang namin, and I will not risk it. Nagbuntonghininga ako. Kakausapin ko lang dapat siya kanina tungkol sa nangyari kahapon, because Amelia, her friend saw me and my girlfriend dating at the mall.
Hindi ko naman kasi alam na nandoon sila nang araw na 'yon.
F L A S H B A C K
I SMILE when I see Daisy Ford, my lovely girlfriend. She is an actress in the Philippines. Naging kami ng araw mismo ng kaarawan niya. She said yes after a year of courting.
Bumaba ako ng sasakyan at lumapit sa kanya. She is wearing a crop top and short skirt. Kitang-kita mo tuloy ang mahaba nitong binti at flat na tiyan. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. I'm possessive to what's mine but I can't control her, minsan niya lang ako sinunod at hindi na nasundan. Madalas pang nasundan ng mga away.
Dahil nakatalikod siya sa 'kin ay pwede ko siyang gulatin. Marahan akong lumakad papunta sa likod niya at niyakap siya. Nagulat naman ito kaya mabilis siyang humarap sa 'kin.
Lihim ang relasyon naming ito. Walang may alam na siya ang girlfriend ko bukod kay Klyzene, one time she saw me with Daisy in a restaurant and the rest is history.
"Hi, babe!" Inabot ko sa kanya ang bouquet of roses and chocolate.
Matamis siyang ngumiti sa 'kin. Agad niya akong hinila papunta sa kotse ko. Pinagbuksan ko siya ng pinto at pumasok ito sa loob. Masaya naman akong umikot sa driver seat. Pagkapasok ko ay agad ko siyang niyakap pero inis niya akong tinulak.
Nagtatakang tumingin ako sa kanya.
"Is there something wrong, babe?"
Tiningnan niya ako ng masama, "don't babe me! Akala mo ba hindi ko alam, ha?! Akala mo hindi ko alam na nakatira ka sa iisang bahay kasama ang babaeng 'yon?! Isang buwan na kayong ganoon at mukhang wala kang balak sabihin, and worst?! Iisa ang kwarto ninyo!!" galit niyang sigaw sa 'kin. She crossed her arm.
Mariin akong pumikit. What the fuck?! Kanino niya nalaman 'yon?!
Hinawakan ko siya sa braso at hinila siya payakap.
"Babe . . . sorry, but I have to do that. Syempre, alam ng mga magulang naming kasal kami kaylangang iisang bubong at kwarto lang kami," paliwanag ko.
Sinimangutan niya ako. I sigh and kissed her on forehead. Inilagay ko sa likod ng tenga niya ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa maganda niyang mukha. Hindi pa rin niya ko tinitingnan.
"Don't be mad, babe. Papangit ka niyan, sige ka." I tried to joke around but she refused to look at me. "Alam ko na . . . why don't we go shopping? We'll but everything you want," alok ko.
Tiningnan niya ako.
"Really? We're going to buy everything I want?" masayang tanong niya.
Sunod-sunod akong tumango. Malawak na ngumiti si Daisy at niyakap niya ko ng mahigpit.
"Let's go na, babe! I need to buy new accessories and make ups! Luma na kasi ang mga gamit ko."
"Then we're going to buy new one," I said bago buhayin ang makina ng sasakyan. Pinaandar ko ang sasakyan paalis sa TV company na pinagtra-trabahuhan ng dalaga.
Habang nasa byahe ay naging tahimik lang ako dahil si Daisy nakatuon sa telepono niya. I saw her free hand kaya inabot ko ito and I intertwined it.
Nasa mall na kami hindi pa rin tapos maglagay ng make up si Daisy. Umiling ako. Pinatitigil ko na siya dahil makapal na iyon pero hindi siya nakikinig. Maganda naman siya kahit walang gano'n, pero wala. Nakasuot ng shades at cap ang dalaga para walang makakilala sa dito.
"Done?"
She nod at me at inayos ang pagkakasukbit ng shoulder bag sa braso nito. Mabilis akong bumaba at umikot sa pintuan sa gilid nito. Binuksan ko iyon. Nang makababa siya ay sinarado ko ang pinto. Her hand is encircle on my arm.
Nakaalerto agad ako ng pumasok kami sa loob ng mall, baka kasi mamaya ay mamukaan siya. Nang matapos kaming dumaan sa inspection ng guards ay tiningnan ko siya.
"Where do you want to go first, babe?"
"Can we eat? I'm starving," ani Daisy habang nililibot ang tingin sa paligid.
"Okay, we'll eat then." Hinila ko siya papunta sa isang kilalang restaurant. Buti na lang at mayroong pwedeng kainan dito na may VIP room dahil hindi kumakain ang dalaga sa fast food chain or food court.
Pumasok kami sa Japanese Resto, pagka-upo namin ay lumapit ang waiter at nag-about ng menu.
"Okay, I want some tempura, mashitta, vegetable carry and unagi kayabaki," she said.
"Is that all, ma'am, sir?"
"Add a bottle of wine, too, and a sushi, sashimi, and ramen."
Tumalikod ang waiter pagkatapos no'n. Then I looked at Daisy, she still using her phone at panay ayos ng buhok. I smile, I still can't believe that I'm with her right now. A very beautiful girl. And kind.
Habang kumakain ay biglang pumasok sa isip ko si Alex. Kumain na kaya siya? Anong ginagawa niya ngayon? In a month ng pagsasama namin ay civil kami sa isa't isa. Madalas ay nauuna akong magising at umalis kaya hindi na niya ako naaabutan. Pagdating naman ng gabi ay late na kong umuuwi at maaga itong natutulog kaya hindi rin kami nag-aabot.
Nag-uusap lang kami kapag kaylangan at nasa harapan ang mga magulang namin.
"Babe, are you listening to me?!" naiiritang tanong ni Daisy.
"Ha? I'm sorry, babe. What is it again?"
Umikot ang mga mata niya sa ere, maarteng tumingin sa 'kin.
"Forgiven, babe. Alam ko namang marami kang ginagawa sa office, isama mo pa 'yung bitch mong wife na problema rin ang dala," aniya at sumubo ulit.
Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng inis ng sabihin nitong bitch si Alex. She's not a bitch.
"Don't call her like that, babe. She is not a bitch. Maybe hard headed but not like that."
Nagsalubong ang kilay ni Daisy dahil sa sinabi ko. Tinigil pa niya ang pagkain.
"Are you defending that girl, ha?!"
I sigh. Nagpunas ako ng bibig at tumingin dito. "In not that way, babe. But you can't just call someone a bitch. Lalo na kung hindi mo naman siya kilala personally. Alexandra is quite good catch, mabait yung tao, matalino, may sariling property and independent, matapang, so huwag mo siyang sabihang bitch."
Lalong umusok ang ilong ni Daisy, padabog nitong binaba ang chopstick na gamit.
"Aww. Sorry! Hindi pala pagtatanggol ang ginagawa mo! Pinuri mo pa siya!" sarcastic niyang ani.
Here we go again. Hinawakan ko ang kamay niyang nasa ibabaw ng lamesa.
"Sorry, babe. Don't call her like that. Go and finish your food."
Imbis na sumagot ay padabog na tumayo si Daisy at kinuha ang bag niya. Galit siyang tumingin sa 'kin.
"I don't want to eat anymore! Nawalan na ako ng gana!" pagkasabi niya no'n ay tumalikod siya paalis.
Mariin kong ipinikit ang mata ko sabay hilot sa ulo ko. Tinawag ko ang waiter at nagbayad ng bill pagkatapos ay sinundan na si Daisy. Saan kaya siya nagpunta? Lumakad ako papunta sa jewellery shop na pinakamalapit sa 'kin.
Nakadalawang shop na yata ako pero wala pa rin siya. Hanggang sa huminto ako sa boutique ng mga damit. Doon ko namataan ang babaeng hinahanap ko. Namimili ng mga damit habang nakasuot ng shades.
Bumuntonghininga ako at nilapitan siya. Niyakap ko siya mula sa likod. Pinatong ko ang baba ko sa balikat niya at pinanood.
"Babe, don't be mad at me, please," pag-aamo ko.
Humarap siya sa 'kin at kinawit ang mga braso sa leeg ko. Naka-pout ang labi niya. "Sorry din, babe. But promise me you will never compliment her again," parang batang sabi niya. Tumango ako at ngumiti sa kanya.
She tiptoe and kissed me. I close my eyes and hold her waist. I don't care kung madaming makakita sa 'min. Ilang minutong magkadikit ang labi namin hanggang sa ako ang humiwalay. Nakangiti kami sa isa't isa.
Aayain ko na sana siyang lumabas ng boutique ng may humarang sa entrance. Nagtaaas ako ng tingin. Nagtataka ang mukha ng isang babae na nakatingin sa 'min. I also frowned, parang nakita—yeah. She's Alex friend. Um-attend noong kasal namin.
"Hi, Jake . . ." sarcastic niyang bati.
May mga kasama pa ito sa likuran na mukhang kaybigan din lahat ni Alex. Huminga ako ng malalim.
"Ahm . . . Amelia, right?"
Nginisihan niya ako. "Wow, you know my name! Who's with you?!" Tumingin sila kay Daisy. Nakataas ang kilay. Nag-cross arm din ang dalaga at lumapit kay Amelia.
"Who are you?! Bakit nanghaharang ka?!" matapang na tanong ni Daisy.
"You don't need to know my name! Dapat ikaw ang tanungin ko, who are you and bakit mo hinahalikan ang lalaking may asawa na?!"
Ngumiti si Daisy at kumapit sa braso ko. Nang-aasar siyang tumingin sa 'kin. Nag-cross arm ang friend ni Alex habang nakatingin dito. Sa gilid ng mga mata ko ay nakikita ko ang taong napapatoingin na sa 'min na parang nasa isang shoot ng pelikula.
"Ako lang naman ang girlfriend ng lalaking tinutukoy mong may asawa."
"So, isang malandi pala ang kasama mo, Jake." Nagkatinginan ang mga kaybigan ni Alex, and from what I'm seeing they are really mad. Lalo na yung Bryan.
"Ahh . . . ako ba ang tinatawag mong malandi? Hindi ba't mas applicable sa 'yo 'yon dahil dalawa pa ang kasama mong lalaki," ganti ni Daisy.
Humawak ako sa braso niya para pigilin siya, but she didn't bulge. Kami na lang ang iiwas. Wala naman 'to sa plano ngayong araw. Dapat ay masaya lang kami ni Daisy—nage-enjoy.
Instead na sumagot ay sumugod si Amelia kay Daisy na ikinagulat namin. Tumabingi ang mukha ni Daisy sa lakas ng impact ng sampal. Pumagitna ako sa kanilang dalawa dahil gaganti na si Daisy.
Masama kong tiningnan si Amelia. "Why did you slap her?! Fuck!!" mariin kong tanong. Hinarap ko si Daisy, hinawakan ko ang pisnge nito para tingnan kung namumula ba o hindi. Naalis na ang salamin niya.
Pero tinabig niya ko at lumapit kay Amelia, gumanti siya ng sampal sa 'kin. Nagtataas baba ang dibdib ni Amelia habang si Daisy ay nangaggalaiti rin sa galit.
Hindi ko mapigil ang dalawang babae. Nagsasabunutan sila, sigawan, kalmutan at sampalan.
"No one dares to slap me, bitch!! Pareho lang kayo ng kaybigan mong malandi!!" gigil na sigaw ni Daisy.
Nanlaki ang mga mata ko ng sapakin ni Amelia si Daisy at sinabunutan papunta sa mas malawak na space. Aagawin ko na sana si Daisy ng humarap si Bryan sa harapan ko. Seryoso ko siyang tiningnan.
"Tumabi ka, pare," ani ko.
Nginisihan niya ko, "huwag mo kong mapare-pare, gago!!" Sinapak niya ako na hindi ko naiwasan. Yung isa nilang kasama pang lalaki ay para lang referee na nanunuod sa 'min. Walang balak pumigil.
Pinunasan ko ang gilid ng labi ko. Nalasahan ko ang dugo doon. Tiningnan ko ang likod ng palad ko. May dugo nga. Ngumisi ako't gumanti ng sapak pero naka-iwas ito na malakas nitong ikinatawan.
Nawala ang atensyon ko sa lalaki ng marinig ko si Daisy. Tiningnan ko sila na nasa labas na ng boutique ngayon.
"Galit ka na niyan?! Ha!! Kasi totoo, 'di ba, malandi kayo ng kaybigan mo!!"
I saw Amelia took her phone out. I thought magvi-video ito but she is calling somebody.
"Hoy, babae! Mas malandi ka! Hindi naman ako nakikisalo sa may asawa nang may asawa kundi ikaw!!" mariing sigaw niya na nagtulak kay Daisy sa basurahan.
Malakas kong itinulak si Bryan pero hindi siya natinag. Hindi umaalis kaya pinanood ko ang girlfriend kong binubugbug ni Amelia. Sumingit pa ang isa nilang kasama no'n at minasahe sa balikat si Amelia.
"Wala kang kwentang tao! Magmamahal ka na nga lang sa bawal pa! hindi ka ba tinuruan ng GMRC?!" sigaw ng kasama nilang lalaki! Lalaki nga ba?
Humarap si Amelia sa lalaki, "Leo, walang GMRC ang mga hayop. Lalo na ang mga ahas at higad! Anong ituturo nila doon?! Kung paano mang-agaw ng asawa?!"
Lumayo sa 'kin si Bryan, masama pa rin ang tingin. "Tayo na. They are not worth it," malamig na sabi nito't lumakad paalis.
Nakakalokong ngumisi si Amelia kay Daisy na naka-upo pa rin sa tabi ng basurahan. Pinagpipiyestahan ng madaming tao.
"Tama. Wala naman kasing silbi ang babaeng 'yan," sabi ni Leo at sumunod kay Bryan paalis.
"Hoy, Alexandra! Mag. Uusap. Tayo. Pumunta ka sa tambayan ng barkada. Ngayon. Na!" madiing sabi ni Amelia sa kausap sa telepono bago umalis.
Nang wala na sila ay agad kong nilapitan si Daisy. Inilalayan ko siyang tumayo. Tiningnan ko ang mga tao sa paligid. Sure ako na mamaya lang ay trending na sa social media si Daisy. Ipinalibot ko ang braso ko para protektahan siya. Niyakap ko siya at inalalayang umalis doon.
Noong nsa sasakyan na kami ay doon ko lang nakita na may black eye na pala ito.
"Babe, I'm sorry! Hindi ko alam na darating sila," ani ko.
Sumisinghot-singhot pa si Daisy na nakatingin sa 'kin. Masama ang tingin at puno ng galit ang mga mata.
"Walang magagawa ang sorry mo! Trending na ko sa social media panigurado! Katapusan na ng career ko!!" umiiyak na sabi nito.
Niyakap ko siya. "Hindi ko hahayaang mangyari 'yon," bulong ko.
Humiwalay ako ng yakap sa kanya at nag-text kay Alex na hindi ko makaka-uwi ngayong gabi.
E N D O F F L A S H B A C K
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro