Chapter 17
Alex P.O.V.
SINAG nang araw na sumisilip sa bintana ng kwarto ang siyang gumising sa 'kin kinabukasan. Itinakip ako ang kamay ko sa 'king mukha dahil sa init nito. Sinubukan kong matulog ulit ngunit nagising na ng buong-buo ang aking diwa. Marahan kong iminulat ang mga mata ko't tumingin sa paligid.
Umiling ako at dahan-dahang bumangon, umupo ako sa gilid ng kama. Tiningnan ko ang orasdan sa may side table. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang alas-dose na pala ng tanghali. Tumayo ako para pumasok sa banyo para gawin ang morning rituals ko.
Pagkalabas ko ng banyo at pumunta agad ako sa close at namili ng isusuot na damit. Kumuha na rin ako ng undergarments para sa banyo na makapagbihis. Pumili ako ng isang fitted white shirt at ripped jeans. Nang matapos akong magbihis ay lumabas na ko sa kwarto. Ginamit ko ang blower para mabilis na matuyo ang buhok ko.
Tiningnan ko sina Lia at Leo na hanggang ngayon ay nakahiga pa rin sa kama. Magka-yakap pa nga ang dalawa sa kama. Ang sarap ng tulog nila at mukhang ngayon lang nakatulog ng maayos. Ite-text ko na lang sila kapag naka-uwi na ako sa bahay para 'di na maistorbo. Lumabas na ko ng kwarto para hindi sila maistorbo. Bumaba ako sa hagdan.
Napanganga ako ng makita ang hitsura ng sala. Nagkalat ang mga basura namin sa lapag. Ang mga bote ay kung saan-saan mo makikita pati na pinagbalatan ng pagkain. Pagkatapos ang mga unan ay nakakalat pa. Sa couch may mga laglag rin ng kung ano-anong pagkain. May stain pa nga na kitang-kita dahil kulay puti ito.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Tatlo lang kaming nag-inuman pero bakit parang nagkaroon ng isang dosenang nag-party sa unit ko?
Umiling ako't hinanap ang bag ko. Anong oras na rin kasi, baka mamaya ay may importanteng tawag na palang tumatawag sa 'kin pero hindi ko pa nasasagot. Nakita ko ito sa ilalim ng center table. Yumuko ako at kinuha 'yon. Binuksan ko ang bag at inilabas ang phone ko. Ini-on ko ito pero hindi nagbukas.
Kinagat ko ang labi ko dahil sa inis. Nakalimutan ko sigurong i-charge kagabi dahil sa pagkalasing kaya ngayon dead battery na siya. Imbis na i-charge ay binalik ko na lang ito sa bag ko. Tumayo ako at lumakad palabas ng unit.
May kung ano sa dibdib ko na kinakabahan at nagdarasal na sana ay wala pa sa bahay si Jake.
Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan talaga ako. Nang tumapat ako sa elevator ay pinindor ko ang open button at hinintay magbukas iyon. Nang bumukas ay pumasok ako sa lift. I waited hanggang sa makarating ng first floor. I'm still nauseous and dizzy. Mariin kong itinikom ang bibig ko. Nang huminto ang elevator ay napa-angat ako ng ulo. Pumasok ang malaking group ng mga sasakay rin kaya napunta ako sa pinakalikod.
Siksikan kami sa loob dahil do'n. Halo-halong amoy ang dumadaan sa ilong ko na mas lalong nagpahilo sa 'kin. Isama pa na maingay ang grupo nila. Buong duration ay nasa gilid lang ako't nakasandal sa metal na dingding ng lift at nakapikit. Ilang minuto pa akong nagtiis hanggang sa narinig ko na ang ting, senyales na nasa first floor na kami.
Pagbukas na pagbukas ng pinto ay nakipagsiksikan ako sa mga lumalabas para makaalis na rin. Nakasalubong pa nga kami ng mga papasok sa loob kaya lalo akong nahirapan. Tumakbo ako at naghanap ng banyo kung saan pwedeng sumuka.
Pumasok ako sa loob ng banyo at cubicle saka sumuka. Pati yata bituka ko ay gusto ng sumama sa paglabas. Sumakt nang husto ang sikmura ko dahil wala na akong maisuka. Nang matapos ay lumabas ako't lumapit sa sink. Nanlalatang binuksan ko ang tubig at nagmumug para maalis ang maasim na lasa sa bibig ko. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.
"Patay kang bata ka," sabi ko habang nakatingin. Sobrang putla ko na. Isama pa ang malamlam kong mga mata. Nagbuntonghininga ako. Wala naman nang magagawa. Naka-inom na ko't merong hang-over.
Kumuha na lang ako ng tissue at nagpunas ng bibig, tapos ay lumabas na rin. Hindi ko kayang mag-drive kaya nagpapara na lang ako ng taxi sa guard sa harap ng condo. Masakit sa balat ang mataas na sikat ng araw. Tumingin ako sa pambisig kong relo. Mag-aala-una na nang hapon.
Nang sabihin ng guard na may taxi na sa labas ay agad akong nagpasalamat. Lumabas ako't sumakay sa taxi. Nagpahatid ako sa village kung saan kami nakatira. Sa labas ng bintana nakapako ang mga mata ko habang bumibiyahe. Isinandal ko ang ulo sa sa likod ng upuan at naghikab. Sana pala ay mamaya na lang din ako umuwi. Kung ba't ba naman kasi kami nagputa kagabi—nope, sumisilip na yata ang araw sa bintana noong natulog kami.
Habang binabagtas namin ang daan pauwi hindi ko maiwasang magtingin sa relo ko. Anong oras na kasi, baka mamaya maipit pa kami sa traffic ay mas lalong late ako maka-uwi. Wala pa man din akong nasabihan sa bahay. Kahit naman kasi gano'n kami ni Jake ay may respeto ako sa kanya. Ayoko siyang magmukhang tanga kapag ka may dumating at hanapin ako.
Halos isa't kalahating oras rin ang naging byahe. Two-thirty na yata noong naka-uwi ako sa bahay dahil tama ako. Maiipit kami sa napakahabang traffic. Ngumiti ako at nagbayad sa driver. Ilang minuto na kong nakatayo sa labas ng gate, hindi ko alam kung papasok na ba ko o hindi pa. Huminga ako ng malalim.
Sinilip ko ang garahe. Nandoon ang mga sasakyan namin. Akin at ni Jake. Napalunok ako. Naka-uwi na pala siya.
Ba't parang kasalanan pang late na kong umuwi ngayon?
Binuksan ko ang gate at pumasok sa loob. Dahan-dahan akong naglakad.
Pinihit ko ang door knob ng main door at isinilip muna ang ulo sa loob. Tiningnan ko muna kung naroroon si Jake. Nang makitang wala ay saka ako tumayo ng tuwid. Naglakad ako papasok sa loob. Nakapatay ang ilaw at nakasarado ang makakapal naming kurtina kaya madilim pa rin sa loob ng sala. Marahan akong pumasok sa loob at maingat na sinarado ang pintuan.
Sheeeet! Para naman akong high school student nito. Yung hindi ka pinayagan ng mga magulang mong gumala kaya naman tumakas ka na lang, at problema mo ngayon kung paano ka uuwi dahil inumaga ka na.
Mabuti na lang at kabisado ko na ang bahay, nakaya kong lumakad papunta sa may hagdan. Paakyat na sana ako sa unang baitang ng may tikhim akong narinig galing sa kusina. Agad akong napalingon doon. Nanlaki ang mga mata ko. Si Jake, topless na nakadantay sa gilid at naka-cross arm pa. He is wearing faded jeans naman.
Umayos ako ng tayo at humarap sa kanya na may ngiting aso.
Tumayo siya ng tuwid at lumakad palapit sa 'kin. Kinabahan naman ako dahil unti-unti ko na ring nakita ang madilim nitong mukha dahil sa kaunting sinag na pumasok sa bintana. Galit na galit?
Dahil siguro nabuking na sila ng kanyang girlfriend kaya galit siya sa 'kin ngayon. Ang plano pa naman namin ay magpapakilala sila kapag hiwalay na kaming dalawa. Pero ngayon sira na.
Nagbuntonghininga ako.
"H-hi, Jake . . . kanina ka pa?" tanong ko saka lumunok. Para naman akong batang nahuli ng tatay na kakauwi lang.
Nagbuntonghininga ako.
Lumakad siya palapit sa 'kin, "saan ka galing?! Alam mo ba kung anong oras na?!" inis niyang tanong, ang tono pa nga niya ay para siyang isang possessive na asawa. "Uwi ba 'yan ng babaeng may asawa na, ha?!"
Nagpating ang tenga ko do'n. Nagtataka ko siyang tiningnan. Hinawi ko ang ilang hilba ng buhok ko at inipit iyon sa likod ng tenga ko. Seryoso ko siyang tiningnan sa mga mata.
"Galing ako kay Lia. Masarap ang naging kwentuhan kaya hindi ko na namalayan ang oras. Late na kami ng gising ngayon," mahinahon kong pagpapaliwanag. Tinalikuran ko siya at akmang magtutuloy na sa taas ng pigilan niya ang braso ko.
Muli akong napalingon sa kanya. Seryoso at madiin ang tingin sa 'kin ngayon.
"Don't turn your back on me when I'm still talking to you, Alex. We're not yet done." Lumapit ang mukha niya sa 'kin at inamoy ako. Nanlalaki ang mga matang inilayo ko ang leeg ko at piniksi ang braso kong hawak niya. Pero imbis na bitawan ay mas humigpit ang hawak niya sa 'kin.
"Please, Jake, not now. I'm still sleepy and tired. Let's talk later sa dinner," paki-usap ko at hinawakan ang kamay niyang natanggal ko na sa 'king braso.
"No. We're going to talk now," madiin niyang ani. Muli niya kong hinawakan at hinila ko papunta sa couch.
Umirap ako. "Okay. Okay!" pag-sang-ayon ko. Tinaas ko ang dalawang kamay sa ere at wala ng nagawa. Pabagsak akong umupo sa couch at tiningnan si Jake na nasa tabi ko ngayon. "Now, talk."
Bumuntonghininga ako ngayon dahil hindi siya nagsasalita. Umirap ako. "Okay. What do you want to know?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro