Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

chapter 16

Alex P.O.V.

"WHAT the hell happened?! Sinong gumawa sa 'yo nito?!" Nilingon ko sina Bryan na nakatingin sa 'min. Nakangisi siya samantalang si Leo ay nakahalukipkip. Tinaasan ko sila ng kilay ng walang sumasagot. "Wala bang magsasalita sa inyo? Anong nangyari kay Amelia?!"

No one talked.

Ilang minuto kaming tahimik hanggang sa nagsalita na si Lia. Umupo kami sa may mahabang couch.

"I-I saw you h-husband with another w-woman, Alex," paumpisa ni Lia. Yumakay siya sa 'kin. "I want to kill that bitch and you asshole husband when I saw the dating at the Mall. Akala ko wala lang—na kamag-anak niya lang pero noong tatawagin na sana namin siya . . . nakita kong h-hinalikan siya no'ng babae." Nanginginig pa siyang tumingin sa 'kin. Umiiyak.

Parang piniga ang puso ko habang pinupunasan ang luha niya. Now, I know. "Kaya ka ba tumawag sa 'kin kanina? Kaya ba para kang may kaaway sa phone?"

Sunod-sunod siyang tumango.

Nanghina ako. Alam na nila. Alam na nila. And I cannot change it anymore. All I can say is the truth.

"Sinampal ni Lia ang babaeng 'yon pero gumanti siya. But don't worry, mas naganti naman siya. Hindi lang kalmot ang nakuha ng babaeng 'yon. May black eye pa siya dahil sa sapak ni Lia ng gumanti siya," pagkwe-kwento ni Leo.

"Now, tell us. Kaylan mo pa alam na may ibang babae ang asawa mo? Isang buwan pa lang yata kayong kasal at nagawa na niyang magloko," ani naman ni Bryan.

"Noong kasal namin. After the wedding, papunta na sana kami ng Maldives but sinabi niya 'yon. We have a deal—" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng makarinig ako ng nabasag.

Hinanap ng mata ko 'yon, huminto kay Bryan. Hinagis niya ang baso ng alak sa pader. Galit niya akong hinarap.

"ALAM MO?! Pero hinayaan mo lang siya?!" galit niyang sigaw at tumayo sa harapan ko. "Are you crazy, ha?! Alam mo—tangina!" Hindi malaman ni Bryan ang gagawin o sasabihin niya. Nilayasan niya kami.

Padabog nitong sinarado ang pinto ng unit. Mariin akong pumikit. Dumilat ako at tiningnan ang pintong nilabasan ni Bryan.

Bumigat ang dibdib ko. Hindi ko akalaing magkakaganito sila dahil dito. Mas lalong hindi ko inaasahang malalaman nila sa ganoong paraan!

Hindi nag-iingat si Jake! Lumalabas-labas naman sila. Paanong hindi nalaman ng mga magulang niya 'yon! O kaya naman, sinadya niyang makita ng mga kaybigan ko ang paglalampungan nilang dalawa.

"Sorry, guys . . ." mahina kong ani.

Nilingon nila akong dalawa. May mga awa sa mata pero nandoon pa rin ang galit. Siguro iniisip nilang napakatanga ko para pumayag sa ganoon. Or, baka nasisisiraan na ko ng bait. Pero masisisi ba nila ako? Maganda rin naman ang offer ni Jake.

After six months maghihiwalay na kami. Pagkatapos ay sa kanya pa lahat ng sisi. I can do whatever I want na after six months. Pero hindi yata kami nagkakalinawan sa isang bagay.

Hindi naman porke pinapabayaan ko sila ay papayag na ko sa ganyan. They can be discreet naman pero 'di yata nila kayang gawin.

"Talk, Alex."

Huminga ako ng malalim. "We talk, bago kami tumuloy sa Maldives. We have a deal and I agree with it. He is in open-relationship and I'm okay with it. He also said na we will act like a couple for six months and after that we will have an annulment, sa kanya ang lahat ng sisi while I'm okay with it."

Tinapos ko ang kuwento ko mula sa nangyari sa kasal, reception at yate.

Nanlaki ang mga mata nina Lia and Leo dahil sa sinabi ko. Nagkatinginan pa ang dalawa bago tumingin sa 'kin ulit. Lia is surely in shock while Leo is holding his nape.

"That is crazy, Alex!!" ani Lia.

"Tanga ka ba talaga, Alexandra! O nagtatanga-tangahan ka lang?!" tanong naman ni Leo habang kumakain ng ice cream.

Akala mo nga sila nakikinig sa isang love story kung makakain. Hindi ko na namalayang madilim na pala sa labas. Ibig sabihin ay matagal na pala simula ng magkwento ako. Ganoon katagal?

"Wala akong magagawa," mahinang sagot ko't tinungga ang bote ng coke. Naluwa ko pa ang iniinom ko ng bigla akong batukan ni Amelia. Nanlalaki ang matang tumingin ako sa kanya.

"Bakit ka nambabatok?!" gulat kong tanong. Nagpunas ako ng bibig.

"Anong walang magagawa?! Baka nakakalimutan mong asawa ka! ASAWA! Ibig sabihin ang relasyon nila kahit open-relationship pa 'yon ay bawal!! Masama! Mali!!" madiing wika niya bago tumungga ng beer.

I pouted my lips. "Anong gagawin ko, ha?! Eh, hindi ko naman 'yan nasip noong mga panahong 'yon! Saka masakit kasi dahil akala ko talaga gumagawa siya ng way para magka-ayos kami but hindi pala. He is doing it because someone told him to do it," mapait kong ani.

"And why is that? Kasi mahal mo na?" inosenteng tanong ni Leo.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanilang dalawa. Hindi ko alam. I kinda . . . like him na pero nawala dahil do'n. Instead na sumagot, kumain na lang ako ng junk foods.

"Why, is it true? Mahal mo na?" dugtong pa ni Leo. Binato ko na siya ng plastic cup.

Natatawang umiwas sa 'kin ang lalaki at mapanuring nakatingin sa 'kin. We're drinking right now. Iniinom na lang ang sama ng loob at mga hinaing namin. Mas masarap ang ganito.

"Hindi ko alam. Hindi ako sigurado. Kasi naman—alam kong special siya sa 'kin. Sa tuwing lumalapit kasi siya bumibilis ang kabog ng dibdib ko. Sa tuwing nasa tabi ko siya lahat ng paru-paru sa tiyan ko nagwawala at nanlalamot ako . . . kapag hinahalikan niya ako," mahina na ang huling tinuran ko. Nakakahiya naman kasi!

Nagulat ako ng biglang tumili ng malakas si Lia. Pinaghahampas pa niya ko sa balikat at pinandidilatan ng mata. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko sa gulat.

Kilig na kilig ang loka.

"Ghorl, halatang-halata ka na! May gusto ka na sa kanya—no! I mean . . . mahal mo na siya!" nakangising aniya.

Nagkibit-balikat ako, kinuha ko ang beer na hindi pa nabubuksan. Inalis ko ang takip saka pa lang tumungga. Ngumiti ako sa kanila. Tinatamaan na siguro ako ng alak dahil nag-iinit na ang pakiramdam ko at nahihilo na rin ako ng bahagya.

Ngumuso ako at uminom ulit.

Pumasok sa isip ko lahat ng sinabi nila sa 'kin kanina. Tama nga naman sila. Asawa ko si Jake. He is mine, and mine alone! Ayoko ng may kahati sa mga akin lang.

"Tama kayo, guys. Asawa ko? Akin lang siya habang kasal kami," wala sa sariling banggit ko.

Tumango-tango silang dalawa bilang sang-ayon. Akin lang si Jake, asawa ko siya, eh. Akin lang siya. Akin.

Hanggang apilido ko ang dala-dala niya ay hindi sila pwedeng magkita ng babae niya kahit sabihin pang nasa open-relationship sila. Simula ng ikasal kami ay nawalan na ang babaeng 'yon ng karapatan sa asawa ko.

"Pilitin mong sa 'yo si Jake sa loob ng five months habang kasal kayo kasi ikaw ang legal at siya ang kabit. Kahit na sa kanya ang sisi sa huli, masisira pa rin ang pangalan mo," ani Lia.

Inangat ko ang beer na hawak ko't nag-awa ng toast. Gumawa sila sa 'kin. Tumango ako. Naglaho lang lahat ng gaan ng nararamdaman ko ng maalalang nag-walk out sa 'min si Bryan kanina.

"Ano kayang nangyari kay Bryan?" tanong ko bigla, natigilan sila at tumawa.

Nag-shake ng hand si Leo, "don't worry. Nag-text siya sa 'kin na nasa bar daw siya, maya-maya ay babalik din siya dito. Kilala mo naman 'yon."

Tumang-tango ako at pinagpatuloy ang pag-inom. Minsan lang naman itong mangyari dahil busy na kami sa kanya-kanya naming mga buhay.

Uminom lang kami nang uminom hanggang sa hindi na namin namalayan ang oras. Basta ang alam ko'y bumagsak na lang kami sa kalasingan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro