Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

Alex P.O.V.

NAGISING ako sa mahihinang tapik sa balikat ko. Marahan kong idinilat ang mga mata ko. Sumalubong sa 'kin ang taong ayoko nang makita. Inirapan ko siya. Hindi ko na namalayan ang oras kagabi ng matulog ako. Buti na lamang at hindi ako binangungot dahil sa lalaking 'to!

And speaking of, tahimik lang si Jake na nasa tabi ng kama.

Nasira na niya ang araw ko hindi pa man siya nagsasalita. Bumangon ako't umayos ng upo. Malamig ko siyang tiningnan.

"What do you need?" tanong ko ng hindi tumitingin sa kanya.

Nagbuntonghininga ang lalaki. Umupo siya sa gilid ng kama. From my peripheral vision ay nakita kong nakatingin siya sa 'kin.

"Can't you look at me now?" nag-aalangang tanong niya sa 'kin.

Napakamot sa ulo si Jake. "I'm here to say sorry, Alex. Na-realize kong hindi tama ang ginawa ko. Ang plano namin ng girlfriend ko. Hindi tama 'yung ginawa ko. Sorry, Alex. Hindi ko gustong lokohin ka pero nawalan na ko ng choices. Iiwan niya ko kung hindi ko siya sinunod. I love her, Alex. I don't want her to leave me," mahaba niyang paliwanag.

Gusto kong matawa dahil sa sinabi niya.

"Mas pinili mo na lang akong saktan kaysa magsabi ng totoo, Jake?" mapait kong tanong. Seryoso ko siyang tiningnan. "Sana naisip mo lahat ng 'yan bago mo ginawa ang ginawa mo. Kung talagang mahal ka niya papalayain ka niya. Hindi naman kasi lahat dapat pinaglalaban! Isa pa, kung mahal ka talaga niya sana wala tayo sa gulong 'to," halos pabulong kong saad ang huling mga katagang binitawan ko.

Tinulak ko siya't tumayo palabas ng kwarto. Ayoko siyang makasama sa iisang lugar. Nakakasakal. Baka mamaya siya na ang masakal ko sa inis.

Akala ko talaga totoo na lahat. Na ginagawa niya sa 'kin 'yon para maging maayos kaming dalawa. Pero hindi pala.

Nang makalabas ako sa deck ay kitang-kita ko na ang isla. Kaunting distansiya na lang ang meron. Kaya ko namang languyin ang pagitan kaya walang pagdadalawang isip na tumalon ako sa tubig.

Napangiti ako ng maramdaman ang malamig na tubig na yumakap sa katawan ko. Nabawasan ang isipin ko dahil do'n. Lumangoy ako papuntang pangpang. I know how to swim and hindi ako malulunod ng ganito lang.

Sumisid ako sa tubig upang makita ang ganda ng ilalim ng karagatan.

Jake's P.O.V.

SINUNDAN ko ng tingin si Alex ng lumabas siya ng kwarto. I feel sorry for her. Ayoko pa namang may babaeng umiiyak at nasasaktan but I hurt her. Kanina'y nagdadalawang isip pa ko kung gigisingin siya para sabihing nasa isla na kami. Baka kasi mambato na naman siya ng sinelas katulad kagabi.

I tried it but I just got a cold treatment instead. Nakakapanibago but deserve ko 'yon.

Hindi ko tuloy alam kung magsisisi ba kong sinabi ko sa kanya ang totoo. I'm just too guilty kaya nagsabi na rin ako bukod sa pinapasabi na sa 'kin ng girlfriend ko.

Ginulo ko ang buhok ko. Nangangamba kong baka sabihin niya sa mga magulang namin ang totoo. Kapag ginawa niya 'yon ay masisira lahat ng plano ko.

Kumunot ang noo ko ng makarinig ng malakas na bumagsak sa tubig. Tinambol ng kaba ang dibdib ko. Mabilis akong tumayo't tumakbo palabas ng deck. Nagdikit ang kilay ko ng makita si Alex na lumalangoy papuntang pangpang. Nanlaki ang mga mata ko.

Mabilis kong kinuha ang phone ko't ni-dial ang number ng receptionist na magpadala ng jet ski para sunduin si Alex sa tubig!

Ano bang naiisip ng babaeng 'yon at tumalon siya sa dagat?! Alam ba niya kung gaano kalalim ang parteng ito? Paano na lang kung nahila siya ng propeller!

I cannot wait for the jet ski that's why I remove my shirt and put it in a sun lounger with my shirt and other things. I jump to the water, too para sundan si Alex.

"ALEX!!" I shouted her name.

Nilingon niya ko nang nakangiti pero ng ma-realize niyang ako ang tumawag sa kanya ay agad ring sumimangot ang babae. Gano'n siya kagalit?!

Sa halip na huminto sa paglangoy para hintayin ako ay mas binilisan pa niya. Ngumisi ako. You want to play, wife? Then we'll play! I sprint papunta sa kanya. Medyo naabutan ko siya dahil mabilis akong lumangoy.

Alex P.O.V.

BINILISAN ko pa lalo ang paglangoy ng makitang nakasundo sa 'kin si Jake. Inis ko pinadyak ang paa ko. Pati ba naman dito ay susundan niya ako?! Nakaka-inis! Kaunti na lang naman at malapit na ko sa dalampasigan nang may mga mapangahas na brasong pumulupot sa bewang ko.

Galit akong lumingon sa kanya.

Si Jake. Shirtless. Basa na ang buhok. Gwapong tingnan. Ang tubig ay tumutulo sa buhok niya pababa ng mukha habang nakangisi na makalaglag panty. Kung ibang babae lang ako'y kikiligin ako dahil sa hitsura niya.

But I know better. Sa likod ng gwapo niyang mukha ay ang makasalanang nilalang na.

"Bakit hindi mo ko hinintay?! Alam mo bang pwede kang malunod sa pagtalon mong 'yon!" pagalit niyang turan.

I rolled my eyes at him. Pilit akong kumakawala sa kanya ngunit mas humigpit lamang ang kapit niya sa 'kin.

"Can you please shut your mouth and fucking let me go!!" I said in high note of my voice.

Napasin kong napapalingon na sa 'min ang ibang turistang namamangka o kaya naman swimming. Marahas ko siyang tiningnan.

"For you information, Jake. You have a girlfriend! Hindi ka ba natatakot na malaman niyang naging ganito tayo ka-close?! She might dump you!!"

"She can understand. And dad's coming in jet ski with our men. Kaylangang ganitop talaga tayo," bulong niya.

She can understand pala, eh, bakit hindi ka niya ni-let go ng malaman niyang magpapakasal tayo?! Bakit tinakot ka pa niya?! Gusto ko sanang isigaw iyon sa kanya pero pinili ko na lang na huwag na.

Ilang saglit pa'y narinig ko na ang tunog ng makina ng jet ski. May huminto sa tapat namin.

Pinatunog ko ang leeg ko. You want to play, huh. Don't worry. We will!

"Hi, Dad!" malambing kong bati sa father-in-law ko ng makita siya.

He smiled at us. "Halika na kayo. Baka magkasakit kayong dalawa sa pagkababad sa tubig. Bakit niyo ba naman kasi naisipang mag-swimming at hindi na lang kami hinintay?" may panenermong anito.

"We just want to enjoy the water, Dad," sagot ni Jake na nasa tubig pa.

Umirap ako sa ere. Enjoy-enjoy ka diyan. Sampalin kita, eh. Inilahad ko ang kamay ko sa harapan ni Dad pero umiling siya sa 'kin na ikinataas ng kilay ko.

"Dapat kayo ni Jake ang magkasama sa jet ski, anak. Ayun, oh," itinuro nito ang isang jet ski sa may kalayuan na walang sakay.

Ipinakita ko na ang disgusto ko sa gusto niyang mangyari. Ayoko ngang makasama sa iisang lugar si Jake kaya ako tumalon sa tubig pero pagsasamahin nila kami sa isang jet skit?! Kalokohan!

Isumbong ko kaya siya na may girlfriend siya at pinakasalan niya ko. Kahit anong sabihin niya ay may nasaktan pa rin kami dahi sa kasalanang ito.

Humigpit ang hawak ni Jake sa bewang ko.

"Sige na, Dad. Mauna na po kayo. Susunod kami ni Alex."

"Okay. Enjoy." Umalis din si Dad ng sabihin niya 'yon. Pinanood ko siyang umalis.

"You can now let go of me," malamig kong utos sa kanya.

Sinunod naman niya ako. "Don't ever do that again, Alex. May usapan tayo."

Nariringgan ko ang pagbabanta sa tono ng pananalita niya. Inirapan ko siya. Lumangoy ako palapit sa jet ski ngunit sa haba ng binti at liksi ni Jake ay nauna pa siya sa 'kin. Nakangisi siyang naglahad ng palad sa harapan ko.

"Won't accept my hand? Manginginig ka sa lamig diyan," taas kilay na tanong niya.

Marahas kong ihinawak ang kamay ko sa kanya. Akma niya kong hihilahin paakyat ng pumigil ako. Nagtatanong siyang tumingin sa 'kin.

"Hindi ibig sabihin nito ay bati na tayo!" asar kong paalala.

Wala siyang sinabi't muli akong hinila paupo sa likod niya. Bumalik kami sa isla. Sa pagkakataong iyon ay alam kong maraming magbabago sa pagitan namin simula ngayon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro