Chapter 100
Alex P.O.V.
NAKATINGIN ako sa abandonadong bahay sa harapan namin. Ito ang sinabi ni Daisy na property ni Katherine. Naghati kami sa apat na group para mapuntahan ang lahat ng properties sabay-sabay. Nilingon ko si Jake.
"Sa tingin mo nandito sila?" tanong ko. Nilingon niya ako.
"Siguro. May kotse doon," aniya sabay turo sa kotse sa gilid. Kumunot ang noo ko.
"Parang kilala ko 'yung kotse na 'yan."
"Are you sure?"
"Yes. Saan ko ba nakita 'yan?" mahina kong tanong sa sarili.
Inalis ko ang seatbelt ngunit hinawakan niya ko sa kamay. "Dito ka na lang, wife. Ako na lang ang papasok sa loob, baka delikado," aniya at akmang bababa pero pinigil ko.
"Kung delikado sa loob dapat mas kasama ako. Hindi natin alam kung ilan sila diyan." Inilingan niya ako. "Please. Please, Jake. Harapin natin 'to ng magkasama. As husband and wife. Natatakot akong may kung anong mangyari sa 'yo sa loob. Baka mawala ka sa 'kin."
Maliit siyang ngumiti at niyakap ako. Wala na siyang nagawa kundi tumango. Maliit akong ngumiti. Magkahawak kamay naming nilakad papunta sa loob ng bahay. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid. Nakakatakot ang lugar.
Nasa mataas na lugar ang bahay. Nakakatakot ang mga puno dito. Parang nasa horror movie ka.
Nang makapasok kami sa loob ay sinensyasan niya akong tumahimik dahil may naririnig kaming nagsasalita. Nagtago kami sa likod ng isang aparador.
"What do you think you're doing?! Pati mga bata diandamay mo sa kabaliwan mo!" sigaw nito. Kumunot ang noo ko.
"Wag kang mangialam! Akin ang mga bata!" sigaw ni Katherine. I can hear the kids crying. Nag-aalala akong tumingin kay Jake. Nakatiim bagang siya.
"Uuwi na kami!!" sigaw ni Aura. Napatulo ang luha ko. Tama nga kami. Si Katherine ang may hawak sa kanya. Walanghiya ang babaeng 'to!
"Hindi! Ano kayo?! Sinusuwerte? Hindi kayo aalis dito! Magkakamatayan na pero hindi makakaalis!" sigaw ni Katherine. Akmang lalabas ako sa pinagtataguan ko ng pigilan ako ni Jake. Tumingin ako sa kanya. Inilingan niya ako.
"Bitawan mo sila! Tigilan mo na 'to, Katherine! Lumayo na lang tayo! Isama natin si Jaime!" ani ng tinig ng lalaki.
"Anong akala mo sa 'kin, tanga?! Hindi pwede! Hindi sila pwedeng maging masaya! At anong pakialam ko kay Jaime, anak ko ba 'yan?! Hindi! Kaya tumigil ka, Romano!!"
Parang bombang sumabog sa tenga ko ang pangalang binanggit ni Katherine. S-si Romano? . . . siya? Nagpumiglas ako sa hawak ni Jake at lumabas. Nakita ako ni Katherine at nanlaki ang mga mata niya. Tumingin din sila sa 'kin. Para akong mauurat dahil nakita ko si Romano-ng hawak sa kamay ang mga bata.
"Nandito na pala kayo . . . akala ko kaylangan ko pa kayong tawagan," ani Katherine at binawi kay Romano si Jaime. Ngumiti siya sa 'min at tinaas ang baril. "How's your stay here? Maganda baa ng lugar?"
"A-Alex . . ." Malamig akong tumingin sa kanya. Kinagat ko ang labi ko. How he betrayed me?! W-why?!
"A-anong kinalaman mo rito?" nanginginig kong tanong. Magsasalita sana ito pero nauna si Katherine.
"Siya lang naman ang dahilan kaya hindi mo nakilala ang anak mo."
Napunta sa kanya ang atensyon ko. Para siyang baliw na tumawa. "Oopps! Sorry! Hindi mo nga pala alam! wala kang alam!"
"Ano bang gusto mo, Katherine?! Ibigay mo na lang sa 'min ang mga bata!" ani Jake pero tinawanan lang siya nito.
Tumingin siya sa 'min. "Let me tell you a story." Hinawakan sa mukha ang bata at gigil na pinisil ang pisnge nito. "Once upon a time, may anak na triplets ang mag-asawa—"
"Katherine!" sigaw ni Romano.
"Bakit?! Ayaw mong malaman nila ang ginawa mo noon?!"
"Anong ibig mong sabihin?: sabay naming tanong ni Jake. Tumingin si Katherine sa 'min.
"Sa tingin mo ba bakit ko lagging sinasabi na anak mo si Jaime, Jake? Bakit sa tingin mo nag-positive ang DNA test?" tanong nito at sinabunutan si Jaime.
"M-mommy!!" palahaw ni Jaime habang nakahawak sa kamay ng Ina. Kita sa mukha ng batang nasasaktan ito. Parang dinurog ang puso ko.
"Walanghiya ka! Let go of him!"
"A-anong ibig mong sabihin?!" nanginginig kong tanong.
Bored siyang tumingin sa 'kin. "Tsk! Akala ko ba matalino ka?! Bakit hindi mo maintindihang anak mo si Jaime!!" Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. "Hindi mo ba naalala noong nakasakay ka sa taxi pero nawalan ka ng malay?"
Pilit kong binalikan ang panahong 'yon saka natigilan. Yeah. Noong dapat malalaman ko na ang gender ng baby ko ay sumakay ako ng taxi . . . p-pagkatapos . . . bigla akong inantok . . .
"Anong ibig mong sabihin?!" Gusto kong umiyak. Magawala. "A-anong kinalaman mo do'n?!"
Ngumiti siya at tinuro si Romano gamit ang baril. Tumingin ako kay Romano na hindi makatingin sa 'kin.
"Siya! Siya 'yung driver na sinasakyan mong taxi! Inutos kong gawin 'yon!"
"T-totoo ba?" nanginginig kong tanong. Hindi siya sumagot. "TOTOO BA?!"
Tumingin siya sa 'kin. "A-Alex . . . sorry . . . walang-wala ako no'n. Nakilala ko si Katherine. Nag-offer siya ng malaking pera, hindi pa ako malapit sa 'yo noon. Wala pa akong pakialam pero mahal ko ang mga bata—"
"HAYOP KA!!!" puno ng sakit kong sigaw at akmang susugurin siya ng magpatutok si Katherine sa paanan namin. Tumingin ako sa kanya. "MGA HAYOP KAYO! PAANO NIYO NAGAWA SA 'KIN 'YON?! PAANO MO NAGAWA SA 'KIN 'TO, ROMANO!!!" napaluhod ako sa sakit.
"Bayad ang OB na tumingin sa 'yo. Tapos no'ng manganak ka . . . kasama mo si Romano, hindi ba?"
"You fucker!!! Akala ko kaybigan ka! ahas ka pa lang gago ka!!" sigaw ni Jake.
"B-bakit . . . h-hindi ka na naawa sa 'kin?"
"I-I'm sorry . . ." anito at mahigpit na hinawakan si Aura. Tumingin kay Katherine. "Pabayaan na natin sila, Katherine. Umalis na lang tayo."
Umiling si Katherine, mas hinigpitan ang hawak sa anak ko. Kaya pala gano'n ang pakiramdam ko . . . kaya pala magaan ang pakiramdam ko sa bata.
"K-Katherine . . . please . . . let go of him." Napatakip ako sa bibig ko. Nakita kong nasasaktan ang anak ko.
"Hindi pwede! Kung hindi mapapasa 'kin si Jake, hindi rin siya magiging masaya! Walang magiging masaya!" anito at mabilis tumakbo palabas kasama si Jaime. Sumunod kami sa kanila. Naririnig ang pag-iyak ni Jaime.
"Katherine!!" Nakasunod ako sa kanila. Huminto sila sa may mataas at matarik na lugar. Napalingon kami sa karagatang nasa likuran nila. Tumabi sa 'kin si Jake at Romano na hawak si Aura.
Nginisihan ako ni Katherine. "Ikaw kasi . . . bumalik ka pa! Sana masaya kayo ng anak mo!"
Nakatingin lang ako kay Jaime na pilit kumakawala kay Katherine.
"Hindi ka ba naawa sa bata? Inalagaan mo rin siya ng ilang taon! Hindi mo man lang ba siya minahal!" ani Jake.
"Inalagaan?! Hindi! Hindi ko siya mamahalin!! Dahil sa tuwing makikita ko ang mukha ng batang 'to ay naalala ko ang ginawa sa 'kin ng Mommy mo! Alam mo bang dahil sa kanya anwala talaga ang baby ko!" anito na may sakit sa mata.
"Anong ibig mong sabihin?!" nagtatakang tanong ni Jake.
"May anak talaga ako! Buntis ako noon!" Mapait siyang ngumiti. "Yes, walang nangyari sa 'tin pero buntis ako! Buntis ako! Pero ang magaling mon ina ay tinulak ako at nawala ang anak ko! Nawala sa 'kin ang baby ko! Kinuha sa 'kin!!"
"Sorry sa kung anumang nagawa ni Mom. Pakawalan mo na si Jaime. Please, give him a chance to live," ani Jake na paunti-unting lumapit sa kanila.
Umiling si Katherine. "H-hindi mababalik ng sorry mo ang anak ko, Jake! Hindi! Kung hindi mo pinili ang babaeng 'yan pwede pa tayong sumaya pero binalikan mo pa siya!" Nanlilisik ang mata niyang nakatingin sa 'kin. "Hinayaan ni Romanong magkita kayo! Kaya hindi ako papaya na masaya kayo!"
"Maawa ka sa kanya! Maawa ka sa anak ko! Sa 'kin ka may galit, hindi ba? Sa 'kin ka gumanti, huwag mo silang idamay!" sigaw nito sa kanya.
Tumawa siya ng pagak at tinutok ang baril sa sentido ni Jaime.
"No! Hindi pwede!"
Mas lalong tumindi ang kaba sa dibdib ko. Mas lalo akong natakot para sa anak ko. Oo, anak ko! Anak ko si Jaime!
"Umalis na lang tayo, Kath! Pumunta na lang tayo sa ibang lugar at doon manirahan!" ani Romano.
"I'm sorry, Romano, pero hindi pwede."
Tumingin sa 'min. Bago pa man namin mahulaan ang susunod niyang gagawin ay pumutok na baril sa dibdib nito at nagpatihulog kasama si Jaime.
"JAIME!!!!"
Tumakbo kami papunta sa may dulo at napaluhod. Tumingin kami sa kinahulugan nilang dalawa. Nakayakap si Katherine kay Jaime. Halos mawalan ako ng ulirat ng mahulog sila sa tubig.
"Jaime! Jaime!!!!" I chanted his name again and again.
Nilingon ko si Jake. Nakatulala siya habang nakatingin sa baba. Mariin ko siyang hinawakan sa braso.
"J-Jake . . . hanapin mo sila. B-bumaba tayo!" ani ko. Tumango naman sila.
"Tatawag ako ng mga tulong," ani Romano. Napa-upo ako sa damo at umiyak.
"Napaka-tanga ko! Napaka-walang kwenta kong Ina! Bakit hindi ko nalaman na tatlong bata ang ipinanganak ko noon?! Bakit?!" puno ng sakit kong tanong. Pinagsusuntok ko ang lupa. Niyakap ako ni Jake.
"Wala kang kasalanan, wife. Ako ang may kasalanan. Sana naniwala akong anak ko siya. Sana noon pa lang ay naging selfish na ako! Naging bulag ako sa katotohanan!" umiiyak na ani Jake.
Yumakap ako sa kanya at umiyak sa dibdib nito. "J-Jaime . . . y-yung anak ko," ani ko. Humagulgol ako nang humagulgol.
Nawalan ako ng anak na hindi ko man lang nakasama ng matagal! Hindi ko man lang siya nakasama! Huli na! Anong klase akong Ina! Hindi ko binigyang pansin ang nararamdaman ko! Bakit!!!
"M-mama?"
Napalingon ako kay Aura na umiyak din. Humiwalay ako kay Jake. Gumapang ako palapit sa bata. Niyakap ko siya ng mahigpit.
"A-Aura baby . . ." Hinalik-halikan ko siya sa mukha. "Sinaktan ka ba niya? A-anong ginawa niya sa 'yo?" Tiningnan ko ang katawan niya.
"Mama . . . si Jaime po? M-makikita po ba natin siya?" tanong niya. Napa-iyak ako. Hindi ko alam ang isasagot ko. Niyakap ko siya ng mahigpit at sabay kaming lumuha.
Niyakap kami ni Jake at hinalikan kami sa ulo. Lord . . . sana buhay si Jaime.
Polaris P.O.V.
NAPATIGIL ako sa pagsubo ng cookies ng parang tumigil ng ilang sandali ang pagtibok ng puso ko. Napahawak ako sa tapat ng puso ko. Nabitawan ko ang cookies. Hindi ko alam kung bakit pero umiiyak na ako.
Tatlong araw ng nawawala ang kakambal ko at ang kapatid ko. Hindi raw kilala nila mama kung sinong kumuha sa kanya pero yung babaeng dumating kilala raw niya. Umalis sila kanina kaya nakakuha ako ng picture ng lalaki. Tinupi ko 'yon. Ako ang hahanap sa kanya kapag kaya ko ng umalis. Kapag malaki na ako.
"Lola!"
Lumingon siya sa 'kin at nag-aalalang lumapit.
"Anong nangyari, apo? Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ni Lola Alexa.
"Lola, bigla po kasi akong nasaktan. Natatakot po ako. Baka may nangyaring masama kay Aura!" umiiyak kong ani.
Mahigpit niya akong niyakap at hinalikan sa noo. "Sana walang nangyari sa kanilang masama, hijo. Wag kang mag-alala babalik din sila. Kasama nila ang kapatid mo. Wag ka ng umiyak," pag-aalo niya sa 'kin. Pinunasan niya ang luha ko.
"L-lola . . . tawagan mo sila! Tawagan mo sila mama! Gusto kong maka-usap si Aura!!" Ayokong may mangyaring masama sa kapatid ko. Hindi pwedeng mawala sa 'kin ang kakambal ko. Hindi pwedeng mawala si Aura. Ayoko!
Huminga ng malalim ang Lola ko at hinalikan ako sa noo. "Okay. Tatawagan ko sila mamaya but finish your food."
Alex P.O.V.
"MA'AM, ano pong kaugnayan niyo sa babaeng nagpakamatay kasama ang bata?" tanong ng Pulis na kaharap namin ngayon. Blangko akong tumingin sa kanya. Dumating ang ambulance at mga pulis.
Huminga ako ng malalim. "E-ex-girlfriend siya ng asawa ko. Kinidnap niya ang mga anak ko. Tapos sinama niya sa suicide yung isa kong anak," mahina kong ani.
"Ma'am—"
"Tama na muna 'yan. Hindi niyo ba nakikitang shock pa ang anak ko," pagpuputol ni Dad sa sasabihin ng pulis. Tumango ang pulis at umalis. Lumapit siya sa 'kin at inayos ang towel sa balikat ko. Inabutan niya ako ng tubig. "Tulog na si Aura, nasa kotse. Kasama niya si Benjamin."
Kinuha ko ang tubig at binaba sa tabi ko. "Wala pa ba sila, Dad? Ano ng balita?"
Umiling si Dad. "Wala pa, Alex. Wag kang mag-alala. Kasama doon si Jake, Henry, Hunter at Bryan. Babalik din sila," paninigurado niya.
Tumango ako at sumandal sa gilid ng kotse. Bahagya akong pumikit. Hindi lang physical na pagoda ng nararamdaman ko. I'm mentally drained na rin ako. Bakit kaylangang mangyar sa pamilya ko 'to
Napadilat ako ng maramdaman ang pagpunas sa pisnge ko. Umayos ako ng upo. Tumigil si Dad sa ginagawa niya. Hindi ko naman namalayang umiiyak na naman ako.
"Dad, hindi ko alam kung bakit ginagawa sa 'kin 'to ng tadhana. Bakit ba niya kami pinpahirapan?" tanong ko sa kanya. Umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako.
"Anak, hindi nagbibigay ng pagsubok ang Diyos na hindi natin kayang lagpasan. Bago pa man niya ibigay 'yan ay may solusyon na."
"Sobrang unfair. Bakit hindi na lang sa masasamang-tao niya 'to binigay. Bakit sa 'kin?!"
Hinawakan niya ako sa mukha at pinunasan ang luha ko. "Anak, matapang ka. Malalagpasan mo ito."
Napatango ako sa sinabi niya. Tama siya. Malalagpasan ko 'to. Kaylangan kong magtiwala. Napatingin kami sa nagdadatingang tao galing sa ibaba. Mabilis akong tumayo at inilang hakbang si Jake.
"Nasaan siya?! Nasaan ang anak natin, Jake?!" nagmamadali kong tanong. Hinanap ng mata ko kung may kasunod ba nila pero nag-iwas siya ng tingin sa 'kin. Kumunot ang noo ko, saka umiling. Tiningnan ko si Bryan. "Nasaan ang anak ko?! Nasaan?!"
Tumingin sa 'kin si Jake, hinawakan niya ko sa kamay. "Wife, sorry."
Doon ko lang napansin ang rescue team na may dalang body bag. Napa-upo ako. Dahan-dahan kong nilapitan ang mga kamay ko sa zipper at binuksan 'yon.
Napalunok ako ng makitang katawan ito ni Katherine. Bumaling ako sa isang body bag at binuksan 'yon. Napatigil ako sa laman nito. Katawan ng batang lalaki pero hindi ito makilala. Pero ang suot niyang damit ay katulad ng kay Jaime.
"JAIME!!" Niyakap ko ang katawan nito at umiyak nang umiyak.
"Bakit hindi makilala ang mukha?"
"Sir, masama po kasi ang bagsak niya sa tubig. Sa ilalim ho no'n ay puro bato. Hindi malalim ang tubig kaya ayan."
"Wife." Hinawakan ako ni Jake.
"Jaime, sorry . . . anak . . . sorry . . . p-patawarin mo si Mama," paulit-ulit kong sinasabi sa walang buhay niyang katawan.
"FUCK YOU, KATHERINE!!"
"Condolences, bro."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro