Chapter 1
KANINA pa ako palakad-lakad sa loob ng office ni Dad, hinihintay ko siya dahil may mahalaga daw silang sasabihin sa 'kin na hindi na makakapaghintay kinabukasan. Napalingon ako sa pinto nang bumukas 'yon. Sumilip si Yaya Lucing.
Nginitian ko siya at ibinaba ang hawak na figurine.
"Lex, nandiyan na ang mommy at daddy mo," pagbibigay alam niya saka matuling lumabas ng office. Inayos ko muna ang sarili ko bago sumunod sa matanda palabas ng office. Sana pala sa sala na ko naghintay kung doon rin pala nila ako kakausapin.
Pagdating ko sa living room ay nadatnan ko sina Mommy na naghihintay. Binilisan ko ang paglalakad at saka yumakap sa kanila.
"Mommy!"
Binigyan ko ng matamis at matunog na halik sa pisnge ang Mom ko at niyakap ng mahigpit. Gano'n rin ang ginawa ko kina Ate at Dad pagkatapos umupo ako sa tabi ni Ate Ally. Nakangiti akong humarap kay Dad.
"Bakit niyo po ako pinatawag?" tanong ko.
I'm not living here anymore kasi. Matagal na akong bumukod sa kanila kaya madalang na kong mapunta dito. I have my own condo na iniregalo nila sa'kin noong graduation ko ng college.
Umupo si Dad sa one seater na couch, seryoso ang mukha niya na nagpakaba sa 'kin. Pansin na pansin ko ang palitan nila ng tingin ni Mom na para bang nag-uusap sila gamit ang mga mata nila. Kumunot ang noo ko. Sumandal ako ng upo at pinagmasdan sila ng mabuti. Ba't ba hindi sila mapakali?
What the hell is happening?
After a few moments of silence, my mom break the tension. I sat down properly and looked at her. Huminga muna siya ng malalim bago tumikhim.
"Anak...kasi ay—"
"What is it, Mom?"
She didn't answer me, instead, she looked at my father—asking something through her eyes. Confirmed. Something is really wrong with them. I crossed my arm in front of my chest. I smell something fishy. And it's coming from them.
"Anak...we are very sorry dahil ngayon lang namin masasabi sa 'yo 'to because we want you to have a nice life...but the time is come..." she is hesitant when she stopped.
Napa-urong ako ng upo dahil sa kaba. Kumabog ng malakas ang dibdib ko. She opened her mouth to continue what she's saying but my Dad talked first.
"Ikakasal ka na," my Dad said.
My eyes widened and I laughed so hard. Napahawak ako sa tiyan ko't natatawang tumingin sa kanilang dalawa.
"Nice joke, Dad!!" mangiyak-ngiyak kong ani habang nakahawak sa tiyan na sumasakit na. "H-hindi na ako makah-hinga!"
From my blurry vision, nakita ko ang mga hindi makapaniwala nilang hitsura. Naramdaman ko na lang ang paghila sa 'king braso ni Ate. Inalis ko 'yon at tumawa ulit nang malakas. I can't help it! They are so funny!
"Alex!" pabulong na saway ni Ate, mariin iyon.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilin ang sarili sa pagtawa. Sobrang lakas ng self-control ko para hindi muling tumawa. Nilingon ko sina Mommy. Tinaas ko ang kamay ko.
"S-sorry!!" Pinunasan ko ang luha ko sa mata. "A-ano nga po 'yong sasabihin mo, Mommy?" tanong ko sa pinaseryosong boses.
Kung kanina'y seryoso na ang hitsura nila, mas naging doble ngayon. May kasama nang malalamig na tingin.
"I'm not joking, Alexandra. You are getting married," matigas niyang pag-uulit.
Namilog ang mga mata ko, umawang ang labi. Hindi makapaniwalang tumingin ako kay Dad. Am I hearing it right? I'm getting married?!!! With who?!! Nanlalaki ang matang tumingin ako kay Mom, nakayuko siya. Tiningnan ko si Ate pero nag-iwas siya ng tingin sa'kin. They are not freaking joking!!!
What the hell?!
"A-anong—sino—IKAKASAL?!" hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses. Shock akong tumingin sa kanila.
Napatayo ako. Pakiramdam ko'y pinapangapusan ako ng hininga. Naglakad ako pabalik-balik sa harapan. Hindi ako mapakali.
Nagtatanong akong tumingin kay Dad.
"W-why...me? Bakit hindi si Ate? Why does it have to be me?!" mapag-akusang tanong ko sa kanya at naiiyak na tumingin kay Ate na nabigla sa sinabi ko.
Nag-aalalang tumayo si Mom at saka lumapit sa'kin. Akma niya akong hahawakan nang umiwas ako. Nasaktan siyang tumingin sa'kin, hindi na nagpumilit pa.
"Alex, calm down. Ipapaliwanag namin sa'yo lahat."
Pagak akong tumawa at tiningnan siya. Hindi ako makapaniwala sa tinuran ni Mommy. Bumigat ang dibdib ko habang nakatingin sa kanila. Sa kanya.
"What?!" marahas kong hinawi ang buhok ko. "How can I, Mom?! Kalalaman ko lamang na ikakasal ako sa lalaking hindi ko naman kilala!!" inis kong ani.
Tumayo na rin si Ate. Humawak siya sa braso ko at hinila ako paupo. Binawi ko ang braso ko't nag-cross arm. Masama ko silang tiningnan.
"Let them explain, Alex. Huwag kang magalit agad," mahinahon niyang paki-usap.
Instead na sumagot ay kinagat ko ang kuku ko sa daliri dahil sa stress. Ano bang nagyayari?! Why now?! Anong—sobrang daming tanong ang pumasok sa isipan ko to the point na sumasakit na ito.
Tumikhim si Mom, tumayo siya sa tabi ni Dad na naging sensyales para magsalita ito. My parents were always transparent and easy to read, pero ngayon, hindi ko mabasa ang Dad ko. I don't know what's running in his head.
"We have our friend...one of the longest na nakuha namin. You're just a baby noong napagkasunduan naming ipakasal ka sa anak nila." Nilabas nito ang isang picture at binaba sa table. Tinulak niya 'yon palapit sa'kin. Iniwasan ko iyon ng tingin.
"We agreed na kapag naging twenty-two na kayo ay saka kayo magpapakasal. We keep it a secret para hindi ka ma-pressure."
Gusto kong matawa dahil sa sinabi niyang dahilan. Hindi ma-pressure?! Eh, anong nararamdaman ko ngayon? Saya?! God! I didn't know na hanggang ngayon uso pa rin ang arrange marriage! Twenty-first century na. People have their own choices na.
And sinong kaybigan? Sa dami yata ng mga kaybigan nila hindi ko na nalaman kung sino doon.
Gusto kong magalit! Sumigaw!
Bakit pati sa lalaking papakasalan ay kaylangan nilang kontrolin? Wala ba akong kalayaang mamili ng lalaking gusto kong makasama sa buhay?! What if serial killer pala ang lalaking 'yon? O kaya naman ay nambubugbug ng babae?! God! Ayokong maging battered wife! Or baka cheater siya and lokohin lang akong paulit-ulit.
Sino ba naman kasing nagsabing gusto kong magpakasal?! I just turned twenty-two at wala pa sa plano ko ang mga iyon. I want to travel and enjoy more. Kapag kasal na ko hindi ko na magagawa pa 'yon.
Naiiyak akong tumingin sa kanila. I looked at Mommy, asking for help but she avoided my gaze.
I lost it.
Sinabunutan ko ang sarili ko. Nag-uunahang tumulo ang luha sa'king mga mata. Ayoko pang maikasal. I'm not ready yet!
Bakit nila sa 'kin ginagawa ito? Bakit?! Parang may bara sa lalamnan ko. I want to say something. Gusto ko pero walang lumalabas.
"Alex—"
"We are doing this for you, Alexandra," malamig na wika ni Dad.
Tumingin ako sa kanya. "For me?! I didn't asked for this, Dad!!" Sinapo ko ang mukha ko. My sister hugged me.
"You will meet them soon, so, be ready," he added.
Nag-angat ako ng tingin. "Who are they?" pabulong kong tanong.
From my peripheral vision, I saw him smile a bit na pinigil rin naman niya. My sister and Mom seems ease.
They think I already accept it, ha.
"Jerome and Aila Anderson. They are our friend, matagal na namin silang kaybigan. Maybe you can't remember them because they lived in States. But they will go back here for your wedding with Jake."
How I wish this is just one of my nightmares. Please, make it just one of them! Gisingin niyo ko sa bangungot na ito. I'm not yet ready!
"Are you okay, hija?" nag-aalalang tanong ni Mommy.
Tumulo lalo ang luha ko. Mukha ba akong okay sa ganitong lagay? Bakit kasi ako pa!!
Kumuyom ang kamao ko sa galit at sama ng loob. Hindi ko sumagot, bagkus, hinarap ko si Dad.
"Kailan ko sila makikilala?"
I need to meet this man. Gusto kong malaman kung paano siya mapapalayo sa 'kin. I'm sure na hindi niya rin gusto 'tong nangyayari sa 'ming dalawa. Sigurado 'yon. Sino ba kasing nasa matinong isip ang magpapakasal sa taong hindi niya kilala. Worst hindi pa niya nakikita.
Nagkatinginan sila Mom at Dad, nagulat yata sa tanong ko. Pinaghalong pagtataka at panunuri ang ginawad na tingin sa'kin ni Dad nang tingnan niya ako.
"Pagdating nila dito as bansa," my father said in dismissive tone.
After a few minutes ay tumayo na siya't tinalikuran kami. Lumakad paalis si Dad kaya naiwan akong mag-isa kina Mommy and Ate. Nag-iwas ako ng tingin sa kanila. I can't look at them right now. I can't even talk to them. After what they did?! Pinagka-isahan nila ako.
Walang ginawa si Mommy para maipagtanggol ako o pigilan si dad—ay, paano nga pala niyang gagawin 'yon gayong planado na nila ito baby pa lang ako. Malamang hindi siya tututol kasi gustong-gusto niya 'to.
Masama ang loob kong tumayo. Walang paalam akong umalis at naglakad palabas ng bahay. Pumunta ako sa kotse ko, sumakay ako sa loob at pinaandar iyon paalis.
Walang patutunguhan akong nag-drive. Hindi ko na nga namalayan kung paano ako naka-uwi sa condo ko. Bagsak ang balikat nang sumakay ako sa lift, pinindot ko ang floor ng unit ko. Mabuti na lang at walang nakasabay sa 'kin kundi baka pagnakita nila akong umiiyak ay pagtsismisan pa ako.
Nang makarating ako sa floor ng unit ko ay lumabas ako. Pumunta ako sa tapat ng pintuan ng unit ko at saka i-ni-encode ang password bago tinulak pabukas ang pinto. I walk inside and locked it. I remove my shoes and iniwan sa shoe rack, nagtuloy ako sa kwarto ko.
Pabagsak akong humiga sa kama. Isiniksik ko ang ulo ko sa unan at sumagaw ngang malakas.
I feel so betrayed.
Napahagulgul ako ng iyak. I never thought na magagawa nila sa 'kin 'to. Dala na rin ng pagod at sama ng loob na nararamdaman ay nakatulog ako.
*******
KINABUKASAN ay tanghali na akong gumising. Walang buhay kong tiningnan ang kisame. Akala ko panaginip lang ang lahat pero hindi pala. Totoong ikakasal ako sa isang stranger.
Matamlay akong bumangon, lumakad ako papuntang banyo para makapag-ayos ng sarili. Nang matapos ay lumabas ako papuntang kusina, kumuha ako ng bote ng tubig sa ref. Feel ko magpakalasing dahil sa sama ng loob ko ngayon.
Tulala akong nagsalin ng tubig sa baso at nagtimpla ng kape. Sa sala ako dumeretso pagkatapos, umupo ako sa sofa. Napatingin ako sa reflection ko sa nakapatay na TV. Ang lalim ng mga mata ko, halatang kulang sa tulog. Isama pa ang pamamaga dahil sa pag-iyak.
Muli akong napa-iyak sa reyalisasyon.
Natigil lang ako nang may mag-doorbell. Wala nga akong balak pagbuksan kung sino mang nangungulit iyon pero patuloy lang ito sa pagpindot sa doorbell at nakaka-irita! Tamad akong tumayo, lumakad ako papunta sa may pintuan. Binuksan ko ang pinto. Tumambad sa 'kin ang nag-aalalang mukha ni Amelia, o Lia sa 'ming mga kaybigan niya.
Namilog ang mga mata niya nang makita ako.
"Bakla!! Haragdo Versoza!" matinis na ani Lia.
Hindi ako nakasagot. Kusang tumulo ang mga luha ko. Niyakap niya ako ng mahigpit ni Liza, gumanti ako ng yakap. Hinaplos niya ang likod ko pagkatapos ay inilayo ng kaunti ang katawan sa'kin. Pumasok kami sa loob ng condo.
"What happened?!" nag-aalalang tanong niya.
"I'm getting married," sumisinok-sinok kong sagot.
Nanlaki ang mga mata niyang nakatunghay sa'kin. Hindi rin makapaniwala sa sinabi ko.
"True ba?! Kanino?!"
Napahagulgul ako. Muli niya akong niyakap ng mahigpit. Gumanti ako't umiyak sa mga balikat niya.
"Tell me everything," pabulong niyang ani.
Sunod-sunod ang naging pagtango ko. Kinuwento ko lahat ng dapat niyang malaman. Nabigla pa nga siya dahil hindi niya raw akalaing gano'n ang mangyayari. She knows my parents, too.
"Gosh! Totoo nga?! Ano na ngayong plano mo?"
Uminom ako ng kape. "Sa ngayon, wala pa talaga. Pero isa lang ang gusto ko, ang makilala ang lalaking 'yon para makahanap ng paraan para pigilan ang kasal."
"Hm...paano mo naman magagawa 'yon, girl? Alam mo na ba kung kaylan mo sila makilala?"
Umiling ako.
"Isa pa yan sa problema ko. Hindi ko alam." Humawak ako sa noo ko't nilingon si Lia. "Help me. How can I convince my family to stop this nonsense?! Alam mo ba yung pakiramdam ko? Para akong isang laruan na madali nilang ipinapamigay."
Lumambot ang expression ni Lia, hinawakan niya ang kamay ko'y pinisil iyon.
"Huwag kang mag-alala. Andito lang kami para sa'yo. I will talk to our friends to help you. Tutulungan ka naming makawala sa kasal na 'yan."
Ngumiti ako. At least may makakapitanpa rin pala ako kahit na pakiramdam ko'y pinagkaisahan na ako ng mundo. Angswerte ko sa kanila. Muli ko siyang niyakap ng mahigpit.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro